CHAPTER 55Final foot march nila. Maaga akong nagising para samahan sila. Maganda ang panahon. Hindi katulad nang sa amin na halos isama kami ng agos sa lakas ng ulan. Mabilis silang nag-formation sa harap ko pagkatapos nilang nag-agahan. Dalawang kadete ang dapat sa isang tent at dahil ako ang kanilang squad leader, mag isa lang ako sa tent ko ngunit sila ang may hawak sa lahat ng gamit ko. Umalis kami ng 6:00 ng umaga sa Camp at nakarating kami sa aming destinasyon ng tanghali na. Binigyan namin sila ng pagkakataong makapag-relax dahil sa sobrang hirap ng kanilang pinagdaanan. Sa mga upper class ako nakiharap noon at silang mga plebe ang magkakasama. Nakita kong si Rave mismo ang nagtayo ng aking tent at nag-ayos ng aking tutulugan.Pagkatapos nilang nananghalian ay muli naming silang pinagtraining sa combat. Hanggang sa dumating ang hapunan. Sandali akong nakipagsaya sa mga squad members ko. Kailangan kong iparamdam sa kanila na kahit gaano ako ka-istrikto sa kanila sa kanilang mga
CHAPTER 56Pagdating ko sa bahay ay ako ang nagulat sa ibinalita sa akin ni Mommy."Naku ate, sana mas maaga kang dumating. Noong nakaraang araw lang umalis si Dindo. Isang araw at isang gabi lang kasi siya dito."Hindi ako agad nakapagsalita. Tinitigan ko pa nga si Mommy. Binabasa ko ang mukha niya kung pina-prank niya ako.“Oh bakit ka ganyan tumingin sa akin? Hindi ka ba naniniwala?”“Yung totoo kasi Mom ah.”“Anong yung totoo ka diyan? Hindi naman imposible na pupuntahan ka nong tao. Bakit ba?”"Si Dindo, bumisita dito sa bahay?" Hindi ako makapaniwala. “Pagkatapos ng tatlong taon? Ngayon lang siya bibisita?”"Oo, nga. Bakit baa ng kulit mong bata ka.”“Bakit daw?”“Anong bakita daw? Boy friend mo yung tao, natural lang na gusto ka niyang makita.”Buntong-hininga ang sagot ko kay Mommy.“Alam mo bang nangitim siya lalo at pumayat. Sabi ko nga maghintay pa siya ng kahit isang Linggo hanggang matapos ang training mo sa Baguio pero mukhang nagmamadali.”“Ano pa bang aasahan ko do’n M
CHAPTER 57 Iniwan mo pala si Teddy Dindo sa bahay ng lolo at lola mo. Binisita ko sila noong nakaraang taon, nakiusap ako sa kanila na dalhin ko na lang ito noon sa kuta namin. Pumayag naman sila. Tumakas lang kasi ako noon, nagbabakasakali akong magbakasyon ka ngunit mula pala nang nangyari ang pamamaril ay hindi ka na muli pang bumalik sa lugar kung saan natin binuo ang ating mga alaala. May mga gabing umiiyak ako sa tuwing kasama ko si Teddy Dindo. Isinama ko siya sa batis, sa gubat at doon sa malaking puno malapit sa bahay ng lolo't lola mo. Kinakausap ko siyang parang ikaw para lamang maibsana ng pagkasabik ko sa’yo. Para akong tanga na yumayakap at humahalik sa isang Teddy Bear at sinasabi ng paulit-ulit ang katagang mahal na mahal na mahal kita habang iniisip kong ikaw siya. Habang nasa batis kami noon nni Teddy Dindo ay umaasa kaming babalikan mo. Naghihintay na sana maalala mo. Ngunit nabigo kami. Alam ko kasing iniwan at gusto mo na siyang kalimutan dahil ang taong nagbigay
Chapter 58Tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Si Rave. Huminga ako ng malalim. Hindi ko pa siya kayang kausapin. Napakalakas pa rin kasi sa akin ng impact ng kababasa kong sulat sa akin ni Dindo. Tinatamaan pa rin ako sa kaniyang mga sinabi. Pinatay ko na muna ang cellphone ko. Ilang sandali pa ay may katok sa pintuan ko.Tinatamad akong pagbuksan."Sino 'yan?" tanong ko."Si Mommy, tumatawag kasi si Rave. Tinatanong niya kung nakarating ka na. Gusto ka raw kausapin, anak. Tatawag siya uli.""Sabihin ninyo Mom, tulog ako. Sabihin ninyo nagpapahinga ako. Saka Mom, mauna na lang kayo kumain mamaya. Gusto ko lang bumawi sa mga pagod ko." sagot ko. “Ako na lang ang tatawag sa kanya.”"Okey ka lang ba anak?""Okey lang ho ako. Pahinga lang katapat nito Mom."Pinilit kong makatulog. Gusto kong paggising ko ay wala na yung nararamdaman kong sakit at lungkot sa nabasa ko sa sulat ni Dindo.Madaling araw nang magising ako. Kinuha ko ang cellphone ko at ini-on ko hab
CHAPTER 59 Niyakap ko siya. Wala kasi akong ibang maisagot sa kaniya. Awang-awa ako sa nakikita kong paghihirap ng kaniyang kalooban."Matatanggap ko sana kung may nagawa akong pagkakamali na maaring nagpabago sa desisyon mo. Kaya lang wala e. Mahal na mahal kita chief, kaya ako parang asong ulol na bubuntot-buntot sa'yo mula noon kahit alam kong may iba ka na at haggang ngayon na iniwan ka. Mahal na mahal kita kaya kahit sarili kong pangarap ay kaya kong ipagpalit just to be with you. Hindi kita sinisisi sa desiyon ko. Sarili kong desisyon iyon. I am telling you these, para malaman mong hindi lang si Dindo ang may mga isinakripisyo, sana maisip mong ako rin naman. May mga ginagawa rin ako para mapansin mo. Nagkataon lang na siya ang lahat mo at ako ang balewala sa’yo. Ang masakit sa akin, gusto kong palayain kita para sa kaniya ngunit nasaan ba siya? Kaya kong ipagkatiwala ka sa kaniya kung sa kaniya ka talaga magiging masaya ngunit paano ko gagawin iyon kung ni hindi mo alam kung b
CHAPTER 60Paano paalam na chief! Mag-iingat kang lagi ha.Naputol na ang record. Napaupo ako sa kama. Damn! Bakit lagi na lang akong umiiyak! napakabigat lang kasi sa dibdib na may nasasaktan ako. Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko pero sa tingin ko, kailangan kong manindigan, sa bulong ng kahapon o sa sinasabi ng ngayon. At ngayon, may gusto na akong paninindigan, hanggang sa huling laban. Sana nga hindi ako magkakamali sa aking gagawing desisyon ngayon.Sa bakasyon ay muli kong pinag-isipan ang lahat. Minabuti kong huwag na munang tawagan o kaya i-text si Rave at pakiramdaman kung ano nga ba talaga siya sa buhay ko. Alam kong iyon din ang gusto niyang gawin ko. Kailangan kong manindigan kung sino sa kanilang dalawa lalo pa't may nasasaktan na din ako na nagmamahal sa akin. Mahal ko si Dindo ngunit pinaglalayo kami ng aming prinsipyo at ng pagkakataon. Kahit sa sulat niya ay hindi niya sa akin masabi na kaya niyang talikuran ang kaniyang ipinaglalaban para sa pagmamahal niya sa
CHAPTER 61“Hello! Sinong nga nandito! Sagot!”Hindi namin alam kung ano ang aming gagawin at kung paano namin lulusutan ang nakaambang malaking problema sa aming dalawa.Huminga ng malalim. Mas lalo siyang magwawala kung wala ang isa sa amin ni Rave ang lalabas at lalong malilintikan si Rave kung siya na lalaki ang makita sa CR na pambabae.Bago pa man makapagreklamo at maunahan ako ni Rave ay ako na ang mabilis na nagbukas ng pinto.Isunot ng professor namin ang kanyang salamin nang makita niya ako at simbilis ng pagbukas ko ng pinto ang pagsara ko para hindi na nito makita si Rave sa loob.“Oh, Ancheta, ikaw ba ‘yong nakita kong parang lalaki kanina?”“Sorry medyo nagka LBM ho kaya ako bumalik agad sa loob. Baka ho hindi lang ninyo suot ang salamin ninyo kanina. Mukha ho naman akong lalaki talaga dahil maikli ang buhok ko.”“Ganoon ba? Para kasing lalaki yung nakita ko kanina. Sige, diyan na lang din ako mag-CR.” Bubuksan na niya ang cubicle na pinanggalingan ko.Kinabahan ako. Nas
CHAPTER 62"Mommy! Nilock mo e!" sigaw ko."Naka-lock ba? Kunin mo kay manang yung susi. Alam mo naman ako, makakalimutin na."Kinuha ko ang susi kay manang na nasa labas at nagdidilig ng halaman.Pagbukas ko ng pintuan ay halos mahulog ko ang hawak kong susi sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan ang aking nabungaran sa loob.Nakahiga si Rave na hubot-hubad sa kama. Nakatirik ang ari niya na may nakalagay na pulang ribbon at nakasuot siya ng santa claus hat."Surprise!" sigaw niya.Dahil sa takot ko na baka makita siya na nakaganoon ay mabilis ko din isinara at nilock ang pintuan."Oh my! Ano to chief?" natatawa ko. “Ang halay naman. Paano kung si Mommy o bunso o kahit si Manang ang pumasok na nakaganito ka?”“Nasabihan ko na sila na ikaw lang dapat ang pumasok. Kaya nga naka-lock e. Bilis hilain mo yung ribbon para makita mo ang gift ko sa'yo."Seryoso siya samantalang ako ay hindi ko mapigilang hindi matawa. Nakakalibog nga naman ang hitsura niya ngunit hindi ko lubos maisip na kaya niy