CHAPTER 59 Niyakap ko siya. Wala kasi akong ibang maisagot sa kaniya. Awang-awa ako sa nakikita kong paghihirap ng kaniyang kalooban."Matatanggap ko sana kung may nagawa akong pagkakamali na maaring nagpabago sa desisyon mo. Kaya lang wala e. Mahal na mahal kita chief, kaya ako parang asong ulol na bubuntot-buntot sa'yo mula noon kahit alam kong may iba ka na at haggang ngayon na iniwan ka. Mahal na mahal kita kaya kahit sarili kong pangarap ay kaya kong ipagpalit just to be with you. Hindi kita sinisisi sa desiyon ko. Sarili kong desisyon iyon. I am telling you these, para malaman mong hindi lang si Dindo ang may mga isinakripisyo, sana maisip mong ako rin naman. May mga ginagawa rin ako para mapansin mo. Nagkataon lang na siya ang lahat mo at ako ang balewala sa’yo. Ang masakit sa akin, gusto kong palayain kita para sa kaniya ngunit nasaan ba siya? Kaya kong ipagkatiwala ka sa kaniya kung sa kaniya ka talaga magiging masaya ngunit paano ko gagawin iyon kung ni hindi mo alam kung b
CHAPTER 60Paano paalam na chief! Mag-iingat kang lagi ha.Naputol na ang record. Napaupo ako sa kama. Damn! Bakit lagi na lang akong umiiyak! napakabigat lang kasi sa dibdib na may nasasaktan ako. Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko pero sa tingin ko, kailangan kong manindigan, sa bulong ng kahapon o sa sinasabi ng ngayon. At ngayon, may gusto na akong paninindigan, hanggang sa huling laban. Sana nga hindi ako magkakamali sa aking gagawing desisyon ngayon.Sa bakasyon ay muli kong pinag-isipan ang lahat. Minabuti kong huwag na munang tawagan o kaya i-text si Rave at pakiramdaman kung ano nga ba talaga siya sa buhay ko. Alam kong iyon din ang gusto niyang gawin ko. Kailangan kong manindigan kung sino sa kanilang dalawa lalo pa't may nasasaktan na din ako na nagmamahal sa akin. Mahal ko si Dindo ngunit pinaglalayo kami ng aming prinsipyo at ng pagkakataon. Kahit sa sulat niya ay hindi niya sa akin masabi na kaya niyang talikuran ang kaniyang ipinaglalaban para sa pagmamahal niya sa
CHAPTER 61“Hello! Sinong nga nandito! Sagot!”Hindi namin alam kung ano ang aming gagawin at kung paano namin lulusutan ang nakaambang malaking problema sa aming dalawa.Huminga ng malalim. Mas lalo siyang magwawala kung wala ang isa sa amin ni Rave ang lalabas at lalong malilintikan si Rave kung siya na lalaki ang makita sa CR na pambabae.Bago pa man makapagreklamo at maunahan ako ni Rave ay ako na ang mabilis na nagbukas ng pinto.Isunot ng professor namin ang kanyang salamin nang makita niya ako at simbilis ng pagbukas ko ng pinto ang pagsara ko para hindi na nito makita si Rave sa loob.“Oh, Ancheta, ikaw ba ‘yong nakita kong parang lalaki kanina?”“Sorry medyo nagka LBM ho kaya ako bumalik agad sa loob. Baka ho hindi lang ninyo suot ang salamin ninyo kanina. Mukha ho naman akong lalaki talaga dahil maikli ang buhok ko.”“Ganoon ba? Para kasing lalaki yung nakita ko kanina. Sige, diyan na lang din ako mag-CR.” Bubuksan na niya ang cubicle na pinanggalingan ko.Kinabahan ako. Nas
CHAPTER 62"Mommy! Nilock mo e!" sigaw ko."Naka-lock ba? Kunin mo kay manang yung susi. Alam mo naman ako, makakalimutin na."Kinuha ko ang susi kay manang na nasa labas at nagdidilig ng halaman.Pagbukas ko ng pintuan ay halos mahulog ko ang hawak kong susi sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan ang aking nabungaran sa loob.Nakahiga si Rave na hubot-hubad sa kama. Nakatirik ang ari niya na may nakalagay na pulang ribbon at nakasuot siya ng santa claus hat."Surprise!" sigaw niya.Dahil sa takot ko na baka makita siya na nakaganoon ay mabilis ko din isinara at nilock ang pintuan."Oh my! Ano to chief?" natatawa ko. “Ang halay naman. Paano kung si Mommy o bunso o kahit si Manang ang pumasok na nakaganito ka?”“Nasabihan ko na sila na ikaw lang dapat ang pumasok. Kaya nga naka-lock e. Bilis hilain mo yung ribbon para makita mo ang gift ko sa'yo."Seryoso siya samantalang ako ay hindi ko mapigilang hindi matawa. Nakakalibog nga naman ang hitsura niya ngunit hindi ko lubos maisip na kaya niy
CHAPTER 63Bago ang pasukan ng Fourth Year (First Class cadet) ay naisipan kong sumama kay Rave sa Vizcaya.“Sigurado ka ba ‘nak na kaya mon a?”“Matagal na rin na wala si Daddy. Alam kong hindi niya ikatutuwa kung hindi ako uuwi sa lugar na kinalakhan niya Mommy lalo pa’t naroon pa sina Lolo at Lola. Namimiss ko na rin sila.”“Salamat naman anak at naisip mo ‘yan. Matagal na kitang hinimok na sana umuwi ka naman doon kasi miss na miss ka na nila.”“Mahirap kasi para sa akin noon na tanggapin ang lahat. Ayaw ko na ho kasi sanang maalala pa ang nangyari kay Daddy.”“Kailangan nating magpatuloy sa buhay anak. Kung buhay ang Daddy mo, paniguradong matutuwa iyon kasi di ba nga dati, masayang-masaya siya sa tuwing uuwi tayo doon?”“Oo nga Mommy, tandang-tanda ko pa.”“Hindi ako makakasama anak, alam mo naman ang trabaho ko hindi ba? Mag-isa na akong nagtataguyod sa inyo ni bunso.”“Ako na lang ho ang magpapaliwanag kina Lolo at Lola Mom. Alam ko namang maiintindihan nila iyon.”“Sige anak
CHAPTER 64Nang naroon na ako sa gitna ng kadiliman ay biglang may humila sa akin.Nagpumiglas ako sa pagkagulat.Mabilis na tinakpan agad ng estranghero ang aking bibig."Huwag kang maingay at baka may mga nakasunod sa atin sa mga kasamahan ko.” boses iyon ni Dindo. Tama. Hindi ako maaring magkamali. Itinigil ko ang ginagawa kong pagwawala. “Iniligaw ko lang sila dahil baka makita nilang kakausapin kita." boses ni Dindo.Naramdaman ko ang magaspang niyang mga kamay sa aking bibig at ang matigas niyang katawan na dumikit sa aking katawan. Tinanggal niya ang kamay niyang nakatakip sa aking bibig. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa mas looban na malayo sa daanan ng tao ngunit may kaunting sinag ng ilaw para maaninag namin ang isa't isa. Pagkabitaw niya sa akin ay hinarap niya ako. Mabigat ang kaniyang paghinga. Nakatingin lang ako sa kaniya mga mata. Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin at sasabihin. Titig na titig siya sa aking mukha. L
CHAPTER 65Bigla akong hinila ni Dindo patago. Tinakpan niya ang bibig ko.“Mamaya ka na bumalik sa pinsan mo. Alam kong hinahanap ka niya pero marami pa tayong pag-uusapan.”Nakita kong dumaan si Rave. Patuloy pa rin niyang isinisigaw ang pangalan ko. Huminto rin siya ng bahagya. Nakikiramdam kung may tao sa madilim na bahaging tinaguan namin pansamantala. Magkayakap kami ni Dindo sa maliit na espasyo na iyon. Naaamoy ko ang kanyang mabangong hininga. Ramdam ko ang maskulado niyang katawan na nakadikit sa aking katawan.Hanggang sa tuluyang nakalayo sa amin si Rave na patuloy pa rin ang pagtawag niya ng malakas sa aking pangalan.“Baka gusto mong lumayo na sa akin?”“Sorry,” huminga siya ng malalim. “Anong sinabi mo kanina? Walang saysay na ipinaglalaban? Sinabi mong walang kuwenta ang ilang taon na naming isinisigaw?”“Hindi ba? Ilang taon na ba kayo diyan sa apniniwala ninyo? May nangyari ba? May napapala ba kayo? Wala!”“Ang sakit mong magsalita pero wala kang alam sa imperyalismo
CHAPTER 66Ilang sandali pa ay dinig ko ang usapan ng dalawang padaan sa tinaguan namin. Tahimik lang kaming nakinig sa usapan nila habang magkayakap muli sa kadiliman."Kailangan na nating makaalis. Hindi tayo puwedeng gabihin masyado sa daan lalo pa't may checkpoint sa bahaging dadaanan natin. Saan ba kasi nagpunta 'yun. Sinabi ba niya?""Sabi niya may bibilhin lang sandali. Nakita ko dito siya kanina tumungo sa bahaging ito kumander."Sinilip ko ang magkausap na iyon at namukhaan ko ang lalaking nakita ko noon sa graduation ko. Siya ang alam kong pumatay kay Daddy. Hindi ko makalimutan ang mukhang iyon. Namayani ang galit sa aking dibdib parang gusto ko siyang habulin at paghigantihan. Naramdaman iyon ni Dindo dahil pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin at sa pagpipigil niya sa akin ay nakalampag ang isang kalapit naming malaking basurahan. Naglikha iyon ng ingay.Huminto sila. Tumingin sa bahaging iyon na tinaguan namin.Lumapit ang isa. Hawak niya ang nakasuks