CHAPTER 67"Dindo! Putang ina na! Kanina ka pa naming hinahanap!"Nang makita kong padating ang lalaking nakita ko noong graduation ko ay muling nanumbalik ang galit sa aking dibdib. Nagpupuyos ang aking damdamin. Kung may baril lang akong dala o kahit anong armas na maari kong magamit sa pagsagupa sa kaniya ay siguradong pinagbigyan ko na ang galit kong gantihan ang hayop na pumatay kay Daddy. Kahit wala akong matibay na katibayan ay alam kong siya ang bumaril kay Daddy at Mommy noon. Nakita ko kasi sa mga mata niya noon ang galit. Galit na nakita ko din noon sa mga mata ni Dindo noon."Umalis na kayo dito. Bilis! Ako na ang bahalang haharap kay kuya. Please dude?" si Dindo. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Nababanaag ko sa kaniyang mukha ang takot para sa akin. Nakita niya ang paninigas ng aking kamao ang galit sa aking mukha."Kuya? Ibig sabihin tama ang hinala ko kanina pa na kuya mo nga ang pumatay kay Daddy?" galit kong singhal.Tinitigan ako ni Dindo. Alam kong nakita niya
CHAPTER 68 "Baka doon muna ako sa 5th Infantry Division sa Gamu, Isabela.”“Isabela? Bakit doon?”“Matagal ko nang gusto doon kasi alam kong doon ko mahahanap ang hustisya sa pagkamatay ni Daddy. Ngunit tentative pa lang basta ang mahalaga kahit saang bahagi ng Northern Luzon ako ipapadestino ay okey lang. Gawan ko ng paraan na makaharap ang kuya ni Dindo para magtuos kami sa huling laban.”“Kasama ba si Dindo sa paghihigantian mo?”“Iyon ang pinili niyang buhay at ito ang sa akin. Kapag makatapos ako at ganan ng sundalo, mortal na rin kaming magkaaway.”Tumango si Rave. "Huwag mong pabayaan ang sarili mo doon chief ha?""Makakaasa ka chief.""Mahirap man pero ganito talaga ang buhay. Nothing is permanent at kailangan nating sumabay sa mga pagbabago. Masaya akong sa kabila ng pagbabagong iyon ay nanatili akong bahagi ng buhay mo. Iyon ang lagi kong ipinagpapasalamat. Gusto kong samahan ka kahit saan ka man mapunta. Gagawin ko ang lahat para masundan kita doon chief.""Kaya nga hindi
CHAPTER 69Magtutuos kami ng lalaking ito. Humanda rin ang higad na ‘yan! Mas malandi pa yata ito sa akin! Kailagan kong malamam kung anong score nilang dalawa. Hindi pwede ito lalo pa’t si Rave na ang nasa puso ko. Hindi ko hahayaang makuha lang siya ng kung sino sa akin, ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya.Nagreply ako."Gano'n na lang yun chief? Kasi ako, namimiss kita. Hindi ba puwedeng tayo ang magkasama sa bakasyon mo sa Vizcaya? Akala ko lang kasi mamimiss mo ako lalo na at mgkakalayo na tayo. Kaya nga hindi muna ako nagreport sa work kasi gusto kita munang makasama. Bakit si Dame ang kasama mo ngayon at hindi ako?"Hindi siya nagreply. Naghintay pa ako ng ilang minuto ngunit sadyang hindi na siya sumagot. Minabuti kong tawagan siya ngunit nagriring lang ang kaniyang cellphone. Hindi niya ito sinasagot. Naalala ko at naramdaman ko ang ginawa ko sa kanya noong nakatanggap ako ng sulat ni Dindo. Ginagantihan ba niya ako?"Bakit di mo sinasagot ang mga tawag ko?”Ilang min
CHAPTER 70"Never mind. Huwag mo na siyang gisingin. Salamat sa pagsagot. Pakisabi na lang na pupunta ako ng maaga diyan bukas at kailangan naming mag-usap. Bye."Pinatayan ko na. Kasabay iyon ng aking pagluha. Gusto kong ilabas ang aking hinanakit. Pagkatapos ng lahat? Ito lang pala ang gagawin niya sa akin. Isinuko ko ang pagmamahal ko kay Dindo para sa kaniya pero iiwan at ipagpapalit din lang pala niya ako.Natuyo ang luha ngunit naroon ang sakit sa aking dibdib. Nakatulog ako ng alas dos ng madaling araw. Kahit puyat ay maaga pa rin akong nagising. Alas-sais nang paalis na ako sa bahay dala ang aminng sasakyan. Hindi na ako mag-commute pa. ito ang unang pagkakataon na mag-drive ako ng solo pauwi ng Vizcaya. Ang paalam ko kay Mommy ay uuwi muna ako sa probinsiya para makapagrelax bago sasabak sa trabaho ko bilang isang sundalo."Take this with you anak. Pakibagay na din lang kina lolo at lola mo."Kinuha ko ang isang maliit na backpack na ibinigay ni Mom sa akin. Humalik ako sa ka
CHAPTER 71Sa Gamu, Isabela ako nadestino bilang 2nd Lieutenant ng 5th Infantry Division ng Philippine Army na kung saan ang pinakauna sa aming misyon ay buwagin ang mga naghahari-hariang NPA sa buong lambak ng Cagayan at sa kalapit probinsiya. Nang una ay hindi ako pinagkakatiwalaang sumabak sa field. Ang gusto ng mga nakatataas ay pamunuan ko ang support team dahil nga sa babae ako. Hindi ako pumayag. Hindi ako nagsawalang-kibo. NIlapitan ko ang mga ninong ko at mga kaibigan ni Daddy na bigyan ako ng pagkakataon na sumabak sa laban dahil iyon naman talaga ang aking inaral. Napakaraming mga pag-uusap at proseso pa ang nangyari bago ako pinayagan. Isa ako kung hindi man unang babaeng pinayagan na mamuno para sa mga digmaan na madalas kung hindi man laging pinamumunuan lang dapat ng mga lalaking sundalo. Girl power. Ano ba ang ginagawa ng mga lalaki na hindi namin kayang gawing mga babae sa panahon ngayon sa trabaho? Gender equality ang ipinaglaban ko rito kahit alam kong dadaan ako sa
CHAPTER 72Nagsaludo siya sa akin. Mabilis ko ding sinaluduhan siya at kinamayan."Congratulations! Ganap ka na din palang sundalo! Kumusta?""Ayos lang Ma’am. Nalaman ko kasi na baka magiging tauhan ninyo ako sa Cagayan. Kaya hindi ko na hinintay na mag-umaga para bisitahin ko kayo dito sa tinitirhan ninyo.""Talaga? Sinabi ba sa’yo?”“Hindi ba ninyo nakita sa listahang ibinigay sa inyo Lieutenant?”“Hindi pa e. Inabot sa akin pero hindi ko pa nababasa. So, isa ka sa mga magiging tauhan ko sa Cagayan?”“Yes Lieutenant.”“Ayos! Ayos na ayos tayo diyan. Kahit papaano may makakasama ako doon. Medyo hindi lang pinalad si Rave na makasama ko dito. Kaya alam mo na nakakalungkot din talaga.""Ganoon nga talaga siguro Ma’am. Malay ninyo sa susunod na taon madestino na rin siya dito. Sino pa ba ang iba nating makakasama sa Cagayan ma’am?" tanong niya."Wala e, hindi ko pa talaga pinasadahan yung listahan. Inabot lang kaninang umaga at hindi ko pa inisa-isang tinignan kasi. Sa susunod na araw
CHAPTER 73Nang matapos ang aming pagkanta ay mahigpit naming niyakap ang isa't isa. Napapikit ako nang magtagpo ang aming mga labi. Pagmulat ko ay nakita ko si Dindo. Nanlaki ang aking mga mata. Paanong nakapasok dito si Dindo? Anong ginagawa niya rito?Tumalikod siya. nasa kabilang bahagi pa ang armas ko. Paano ko ngayon iyon makukuha.“Sandali!” sigaw ko.Tumayo na rin si Rave.Kapwa kami nangangapa kung ano ang gagawin namin dahil alam naming kalaban si Dindo at ang pagpasok niya sa mismong camp ay paniguradong may malalim na dahilan.“Para hindi tayo magkasakitan dito, humarap ka sa amin at itaas moa ng iyong mga kamay bilang pagsuko!” sigaw ko. Mahirap sa akin sabihin iyon ngunit kailangan.Nagpatuloy lang siya sa kanyang paglakad. Hindi man lang siya natinag.“May armas ka?” tanong ko kay Rave.“Wala. Ikaw?”“Nasa hinubad kong damit ko. Anong gagawin natin. Palayo na siya?”“Kunin mo ang baril mo at ako na ang bahala sa kanya.”Hindi na ako sumagot. Mabilis akong tumakbo papun
CHAPTER 74Dumating ang araw na pagbiyahe namin papunta sa aming outpost sa Cagayan. Kami ni Rave ang magkatabi sa harap ng aming Army Truck. Nasa likod si Dame kasama ng labin-isa pa naming mga kasamahan. Labin-apat kaming lahat at ito ay sapat na para mabuo ang isang squad. Kami na muna ang pinauna sa bahaging iyon ng Solana Cagayan. Tatlo hanggang apat na oras din ang biyahe mula Gamu, Isabela hanggang sa Solana, Cagayan. Lahat kami ay armado ng M-16 Rifle, may mga dala rin kaming mga iba pang armas na maaring magamit kung magkakagipitan na sa laban. Lahat kami ay naka-comouflage. Nilingon ko ang mga kasamahan ko at napansin kong nawiwili sila sa kanilang mga biruan at tawanan. Panay ang tingin sa amin ni Dame dahil nga hindi pa niya nakikilala ang mga iba ko pang tauhan. Kami palang naman ni Rave ang kaniyang kaututang dila. Nasa bukana na kami ng Tuguegarao sa bahaging Santa Maria, Isabela nang kinalabit ko si Rave na tahimik at naiinip na sa aming biyahe. Nilingon niya ako. Ngin