CHAPTER 89Tumalikod siya at naglakad sa ulan. Lumakas ang pintig ng aking puso. Parang mahihimatay ako sa nasasaksihan ko. Hindi ganoon ang nararamdaman kong tindi ng sakit kanina kay Rave. Iba kay Dindo. Ibang hapdi na halos dinudurog ang puso ko. Pinapatay ng sakit ang aking pagkatao. Natigilan ako nang marinig ko ang pagsara ng gate at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Kasabay ng malakas n buhos ng ulan ang di ko mapigilang pagbuhos ng aking luha.Ang pagsara ng gate ang siyang naging hudyat sa akin para bumalik sa aking katinuan. Basam-basa ang aking mukha sa aking luha. Nanikip ang aking dibdib. Parang sandaling huminto ang tibok ng aking puso. Tumayo ako. Kailangan ko siyang habulin. Pipigilan ko siya. Sigurado akong hindi si Dindo ang dapat mawala sa akin. Hindi ko na kakayaning muli siyang mawala sa akin. Iba yung tindi ng naramdaman kong sakit nang tumalikod siya at tuluyan na niya akong isinuko sa laban. Mabilis ang aking mga paa sa paghakbang hanggang sa paglabas k
CHAPTER 90"Mahal na mahal kita dude. Sobrang mahal na mahal."Nilingon ko siya. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi. Inilapit ko ang labi ko sa labi niya. Habang nagpapahinga kami ay sinasamyo namin ang mabangong hininga ng bawat isa.Isang oras kaming nakahiga nang magdesisyon akong kausapin na si Rave. Hindi sapat yung nakita ko kanina sa bintana. Kailangan ko pa ring isatinig sa kanya ang lahan. Bumangon ako. Nagtatanong ang tingin sa akin ni Dindo. Pagkapalit ko ng damit ay bumalik ako sa kama. Umupo ako at nagpakawala ng isang malalim na hininga."Puntahan ko lang si Rave sa kabilang kuwarto. Kailangan na nga naming tapusin ang lahat.”“Kaya mo na ba?”“Kakayanin ko dahil ito naman talaga ang dapat at tama.”“Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.”“Wala ka naman dapat pang sabihin. Pagbalik ko dito, maghanda ka na. Aalis tayo. Simulan na nating lumimot sa hindi magandang mga nangyari. Hindi magandang tignan na nandito tayong apat. Ikaw at tayo na nagmamahalan, si Rave at ako na ma
CHAPTER 91Nang nakasakay na kami ng bus ni Dindo pauwi ng Tuguegarao ay inakbayan niya ako. Alam kong may sasabihin siya kasi kanina pa siya hindi mapakali."Sige sabihin mo na sa akin kung ano ang kanina mo pa iniisip." Bulong ko."Si Cedrick. Nagtetext siya. Kailangan natin siyang makuha mula sa mga dati kong kasamahan. May matayog na pangarap ang batang iyon at hindi ko siya hahayaang mapunta lang sa wala ang kaniyang katalinuhan. Naawa ako sa pinsan ko.""Iyon din ang iniisip ko. Kailangan natin siyang makuha mula sa kanila."Bago kami tumuloy ng Tuguegarao ay dumaan na muna kami ni Dindo sa Gamu para formal na pagre-resume ko sa aking trabaho. Iniwan ko na muna siya sa bus station dahil hindi ko naman siya puwedeng isama hanggang sa loob ng aming headquarter. Kinamayan at binate ako ng aming commanding officer sa matagumpay naming laban nang nakaraan. Maaring maitatas na ang ranggo ko sa susunod na taong kung magtuloy-tuloy ang matagumpay na pakikisagupa namin sa mga rebelde. No
CHAPTER 92 Huminga ako ng malalim. KInakabahan ako."Sige ganito ang gagawin natin. Makinig ka."Maayos kong inilahad sa kaniya ang plano namin. Alam kong matalinong bata si Cedrick kaya madali niyang maintindihan lahat ang aking mga ipinagagawa. Nang matapos kaming mag-usap ay tumawag ako kay Lim at Sullivan. Kailangan ko sila sa misyon kong ito.Tatlumpong minuto akong umikot-ikot hanggang sa nakita ko din si Cedrick. Lumapit sa akin para kunyari bibili ng balot."Nakita mo ang exit doon?" simula kong bilin sa kaniya ng pabulong, habang binibigyan siya ng balot. "Doon ka tumakbo mamaya kapag magkagulo na at magtago ka sa likod ng bakanteng gusali na 'yan."inginuso ko ang lumang gusali sa hindi kalayuan. Hindi ko maarin ituro gamit ang aking kamay dahil baka mapansin ako. "Doon tayo magkikita mamaya. Doon kita pupuntahan."“Opo.”“Maliwanag ha? Lahat naintindihan mo?”“Opo.”Kumuha ako ng dalawang karagdagang balot pa at iniabot ko sa kaniya. Nakita ko kasing palapit na sa akin ang
CHAPTER 93Puno na ng rebelde ang aming bahay at hindi ko alam kung paano ko ililigtas ang buhay ko at buhay ni Cedrick. Sana tulungan kami ni Dindo ngayong nasa bingit na kami ng kamatayan.Matalas ang mga mata kong tumingin kay Cedrick. Kailangang makatakas ang bata. Nanginginig na tumitig sa akin si Cedrick. Butil-butil na ang pawis ng bata. Tinignan ko siya saka ko nginuso ang nakabukas na pintuan. Sana makuha niya ang gusto kong iutos sa kaniya."Bitiwan mo ang baril mo!" utos ng rebelde sa akin nasa likuran ko. Ginamit pa niya ang baril para itulak ako papasok. Humakbang pa ako papasok. Dalawa na silang nakatutok sa akin ng baril.Naisip ko. Wala silang balak na patayin ako agad. Kung papaayin nila ako dapat kanina pa nila iyon ginawa. Hindi na nila ako dapat tinututukan lang ngayon ng baril. Kung ang sadya nila ay patayin ako, dapat pagpasok ko palang ay binaril na agad nila ako. Kailangan kong lumaban para sa kaligtasan ng bata.Pagkabitaw ko ng aking baril ay sinabay kong kin
Chapter 94Tanging masaganang luha lang talaga ang bumaybay sa aking pisngi bilang pagpapatunay kung gaano kasakit sa aking makita siyang nasa ganoong kalagayan. Muli'y wala akong magawa para iligtas siya. Sumisigaw ako ngunit alam kong walang boses na lumalabas sa aking bibig. Sinikap kong tanggalin ang aking mga kamay sa pagkakatali ngunit walang nangyari. Kahit pa gusto kong tumayo at lumundag ngunit sadyang mahigpit ang pagkakatali nila sa akin. Hanggang sa buong mukha ko na ang kanilang tinakpan ng itim na tela. Hindi ko na nakita pa ang nangyari kay Dindo. Muling nagkabarilan pagkatapos ay narinig ko na lang ang malakas na pagsara nila ng van. Kahit sa kawalang pag-asa ay gusto kong maniwalang ligtas si Dindo. Hindi ko alam kung paano namin maipapanalo ang huli naming laban ngunit umaasa pa rin ako sa isang himala. Isang himala ng aming wagas na pag-iibigan.Mabilis ang mga naging pangyayari. Alam kong hindi malayong mangyari muli ito sa akin ngunit hindi ko inaasahan na ganito
CHAPTER 95Madaling araw nang kumulog at kumidlat. Bumuhos ang ulan. Naging dobleng pasanin ang ibinigay niyon sa akin. Malamig at tuluyan nang parang walang pakiramdam ang aking mga paa. Namamanhid na ang aking katawan. Dahil sa pagod, hirap at hapdi ng natalian kong kamay at paa, idagdag pa ang mga suntok at sipa nila sa akin ay hindi ko na kaya pang pigilan ang aking pagluha. Gusto kong ilabas ang sakit na aking nararamdaman. Ganito ba kahirap ang kailangan kong pagdaanan? Paano kung bukas nga ay hindi na ako sisikatan ng araw? Paano kung hanggang bukas wala pa rin ang aking tagapagligtas? Ngayon palang naiisip ko na ang gagawin ng lahat sa akin. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang kaysa babuyin ako’t pagpapasa-pasaan.Isa pang nakakapagbagabag sa akin ay ang takot na maaring nasa hospital si Dindo ngayon kung hindi man siya natuluyan kanina ng mga rebelde. Bakit laging ganoon? Bakit lagi akong walang magawa kung nasa kapahamakan ang taong mahal ko? Lagi bang kailangang ako ang
CHAPTER 96“Katapusan mo na! Papatayin kita hayop ka!” sigaw ko kasabay ng kaagad kong pagkalabit sa gatilyo...Inulit ko pa, inulit ng inulit ng inulit...Ngunit walang putok...Walang bala ang lumabas. Nanlumo ako.Walang bala ang naagaw kong baril.Nagtawanan silang lahat. Lalo akong kinabahan."Ano ha? Akala mo mauutakan mo pa kami gaga!" singhal ng kumander nila.Hindi ko kailangan sagutin iyon. Hindi ko kagustuhang magkamali sa aking diskarte."Sige Jacko. Dalhin mo ang mainit na tubig na iyan at ibuhos mo sa kaniya para malapnos siyang buhay!"“Pero kumander paano naman yung usapan. Mas masarap ‘yang kainin na hindi luto. Pwede bang matikman na muna bago lutuin ng buhay?” paningit ng dumidila-dila pang isang rebelde.“Oo nga kumander. Tirahin na muna kaya namin ‘yan.”“Tumahimik nga kayo. Kahit naman lapnos na ang balat niyan ay titirahin niyo pa rin. Mamayang gabi na lang ‘yan tirahin kapag hindi pa dumating ang kanyang tagapagligtas para bukas ng umaga, hindi na ito sisikata