Share

Chapter 20

Nakangiti lang ang demonyong may tatlong ulo ng aso habang pinagmamasdan mula sa kanyang silid sa itaas ng bahay si Isabel, ang nakatatandang kapatid ng bagong kura paroko.

Pagpasok pa lang nito ng bahay ay agad niyang nagustuhan ang halimuyak nito. Bango na nanggagaling sa matinding debosyon sa Diyos ngunit puno ng hinanakit ang puso.

Dinilaan ng demonyong may tatlong ulo ng aso ang mga labi nito. Ang laway nila ay pumapatak sa sahig at napatay ang isa sa mga lamparang nakasindi roon.

+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+

Pagpasok pa lang ng gate, agad na tinakbo at niyakap ni Minggay si Tangkad, ang matalik na kaibigan niyang puno.

"Na-miss kita, Tangkad. Apat na araw din tayong hindi nagkita."

Naglaglagan ang ilan sa mga dahon ng puno at umulan iyon kay Minggay. "Uy, na-miss niya rin ako."

Hindi na muli pang gumalaw ang puno simula noong engkwentro nito sa Kuya Iking nila. Hanggang ngayon, pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad ang katawan ni Kuya Iking na nakabaon malapit din mismo sa pu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status