Share

Chapter 25

"Sa ngalan ng ama, ng anak at ng espiritu santo. Amen." Yumuko si Father Mer pagkatapos niyang bigyan ng bendisyon ang mga maninimba. "Tapos na ang misa. Humayo kayo nang mapayapa."

Umawit ang choir na nakapuwesto sa gilid, malapit sa altar. Nagpalakpakan ang mga tao. Pero imbes na samahan ni Father Mer ang mga sakristan niya sa pag-martsa palabas ng simbahan at para makamayan na rin ang mga parokyano, agad na nanakbo ang pari sa may likod ng altar. Napahawak siya sa pader. Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso na para bang ito'y sasambulat na sa kanyang dibdib. Ang mga palad at batok niya ay nagsisimula nang mag-pawis. Narito na naman muli ang pakiramdam na may sasalpok na kometa sa kanya.

Sinusumpong na naman siya ng kanyang anxiety attack.

Umupo siya saglit sa isang sulok, tumingala at ipinikit ang mga mata. Huminga siya nang malalim. Pakiramdam ni Father Mer anumang sandali ay bigla siyang tutumba at malalagutan ng hininga. Kumapit siya sa bangko at mas pilit pang pinakalma ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status