Ito ang unang gabi ni Minggay sa Casa Del Los Benditos at unang beses niyang matutulog sa isang napakalambot na kama na may malambot at mabango ring mga unan. Dito hindi na rin niya kailangan mag-electric fan. Bubuksan lang niya ang mga bintana at siguradong dadaloy ang sariwang hangin galing sa hardin ng simbahan.
Pagkaligo, isinuot ni Minggay ang isang pinaglumaang pajama na may disenyo ng mga oso at sorbetes. Medyo masikip ang pajama pero masaya si Minggay dahil para siyang bumalik sa pagkabata. Dati, kung anong suot niya sa buong araw, iyon na rin ang suot niya sa pagtulog. Wala kasi siya masyadong damit. Isa pa, mabuti na rin daw iyon para makakatipid sila ng tubig sa paglalaba sabi sa kanya ni Mama Linda."Hay, sana nandito kayo," sambit ni Minggay sa sarili. Nakatingin siya sa kisame at nakikita ang mukha ng mga kapatid niyang gutom na gutom. Dasal niya na sana huwag silang pabayaan ng nanay nila.Unti-unti, bumibigat na ang kanyang mga mata. Maya-maya pa, humikab siya at tuluyang nakatulog. Pero saglit lang iyon - mga limang minuto. Ginising kasi siya ng isang kalabog. Napabalikwas siya sa higaan at pagpihit sa kanan, nakita niya na parang may taong papalabas pintuan ng kanyang kuwarto.Naabutan niya itong nakatalikod at pasara na ang pinto. Naaninag niya pa ang laylayan ng suot nito. Parang nakasuot ito ng sutanang puti, katulad ng suot ni Father Tonyo at nahagip niya pa ang suot nitong sapatos na kulay pula."Father?" Nakaupo na si Minggay sa kama habang kinukusot-kusot ang kanyang mga mata.Hindi sumagot ang tao, pero hindi na rin ito hinabol ni Minggay. Baka kasi si Father Tonyo lang iyon. Sinilip lang siya saglit para mangamusta. Bumalik muli si Minggay sa pagtulog.+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-Alas sais 'y medya ng umaga na nagising si Minggay. Agad agad siyang naghilamos, nagsipilyo at nagpalit ng damit. Tinignan niya ang sarili sa salamin at nasiyahan siya sa kanyang nakita. Isang araw pa lang siya sa Casa Del Bendito at mukhang ibang tao na siya. Ibang-iba sa Minggay na parang laging kulang sa ligo at pagkain.Paglabas sa silid, binati siya ni Nana Conrada at inimbitahang mag-almusal na sa kusina kasama sina Mary Beth at Lila. Si Father Tonyo at Father Eman naman ay pumunta na sa simbahan para maghanda sa misa."Magandang umaga," nakangiting bati ni Minggay sa dalawa. "Saan kayo naka-assign ngayon maglinis?""Doon kami sa simbahan ngayon maglilinis pagkatapos ng misa. Ikaw ba?" Si Mary Beth ang sumagot."Siguro dito. Bubunutin ko 'yung hagdan tapos baka isusunod ko na rin 'yung simbahan. Nakalimutan ko kasi yata punasan yung mga santo doon kahapon," at lumagok si Minggay ng orange juice. "Eh, ikaw Lila sasama ka ba kay Mary Beth doon sa simbahan?""Hindi na muna, pero baka mamayang hapon maglilinis din ako doon. Mag-aaral lang ako saglit kasi baka may test si Mr. Aragon bukas sa amin," matamlay na sagot ni Lila. Mukhang kulang sa tulog."Sinong Mr. Aragon?" Sumubo si Minggay ng kapirasong scrambled egg."Siya 'yung tutor namin ni Lila. Tuwing hapon, monday to friday, nagpupunta siya dito para magturo sa amin. Magiging teacher mo na rin siya. Sigurado ako," sabik na sabi ni Mary Beth. Natutuwa siya dahil madadagan na siya ng kaklase, pero napansin niyang matamlay si Lila na katabi niya sa hapag. "Parang inaantok ka pa."Naghikab si Lila. "Oo nga. Lagi kasi akong nagigising 'pag dinadalaw ako ni Father Tonyo sa kuwarto. Nagigising ako sa tuwing palabas na siya. Hindi ko alam ba't lagi niya 'yon ginagawa. Kahit nila-lock ko 'yung kuwarto ko bago matulog nabubuksan pa rin niya. Siguro may susi siya ng kuwarto natin.""Baka naman kasi chine-check lang ni Father Tonyo kung okay tayo bago siya umakyat sa kuwarto niya sa taas. Saka pa'no ka nakakasiguro na si Father Tonyo nga 'yung pumapasok sa kuwarto mo?" Depensa ni Mary Beth."Siyempre, sino pa ba gagawa nu'n? Lagi kong nahuhuli na nakasuot ng pang-pari yung lumalabas sa kuwarto ko. Eh, sila lang naman ni Father Tonyo at Father Eman ang paring kasama natin dito, 'di ba? Imposible rin namang si Father Eman 'yun kasi ang sungit-sungit nu'n. Bihira nga lang tayo kausapin," maktol ni Lila."Alam mo, ako rin. May pumasok sa kuwarto ko kagabi pero hindi ko nakilala kasi palabas na siya noong nagising ako pero nakita ko na nakasuot siya ng pang-pari. Inisip ko na lang na baka nga si Father Tonyo 'yon," dugtong ni Minggay. "Ikaw ba Mary Beth, hindi ka ba chini-check ni Father Tonyo bago matulog?""Pa'no niya malalaman eh, tulog mantika 'yan. Kahit nga magkasunog siguro dito, hindi 'yan magigising," biro ni Lila."Siya nga pala, ano bang meron sa second floor? Kasi sabi sa akin ni Father Tonyo bawal daw umakyat doon puwera na lang kung may emergency daw," umiral na naman pagiging matanong ni Minggay. Hindi naman siya tsismosa, sadyang mausisa lang talaga siya.Tinatamad na sinubo ni Lila ang natitirang pagkain sa plato, "Hindi rin namin alam. Pagdating ko kasi dito gano'n din ang sinabi sa akin ni Father Tonyo. Huwag daw kami aakyat sa second floor dahil ayaw daw nilang mga pari ang maingay. Parang gano'n."Tumango-tango naman si Mary Beth bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Lila."Mga ineng, mawalang galang na ano. Magta-tanghali na't wala pa kayong nalilinis. 'Pag nakita ni Father Eman na madumi pa yung mga naka-toka sa inyo, pare-pareho tayo malalagot," biglang sabat ni Nana Conrada na may hawak pang sandok. Pakiramdam ni Minggay kanina pa sila nito pinakikinggan.Inubos agad nila Minggay ang almusal nang lumitaw si Nana Conrada at nagkanya-kanya rin sila ng hugas ng pinag-kainan. Hindi nila napansin na alas otso 'y medya na pala.Magkakasabay nilang kinuha ang mga gamit na pang-linis sa kabinet nito gaya ng bunot, floor wax, mop at basahan at saka sila naghiwa-hiwalay. Sina Mary Beth at Lila papunta sa simbahan at si Minggay naman sa may hagdanan sa Casa De Los Benditos.Dala ng sobrang pagmamadali, hindi napansin ni Minggay ang kasalubong. Pagliko sa may paanan ng hagdan, nabunggo niya si Father Eman at natapon ang laman ng hawak nitong maliit na planggana sa sahig."Ano ba't hindi ka tumitingin sa nilalakaran mo?" Gulat na sabi ng pari. Ito ang unang beses na nakita ni Minggay si Father Eman. Sa itsura, hindi sila nagkakalayo ni Father Tonyo bagaman mas mukha itong nakatatanda sa dalawa. Kung ano ang ikina-pusyaw ng kutis ni Father Tonyo gano'n naman ang ikina-itim ng kay Father Eman. Wala itong suot na salamin kaya't litaw na litaw ang nagdudumilat nitong mga mata."S-so-sorry po, Father. Pasensya na po," nauutal na sabi ni Minggay. Akma nitong pupunasan ang natapon sa sahig."Ikaw siguro ang bagong dating na binanggit sa 'kin ni Father Eman. Huwag mo ng galawin 'yan. Ako na ang bahala," malamig na sabi ni Father Eman."O-opo, ako po si Minggay." Yuyuko sana siya para punasan ang natapon pero hinawakan siya ni Father Eman sa braso para pigilan."Ako na sabi," matigas ang boses ng pari at saka nito hinablot ang basahan sa kamay ni Minggay. "Sige na, bumalik ka na sa kuwarto mo."Pero nagpumilit si Minggay kaya nabulayawan siya ni Father Eman. "Ako na sabi!"Napaatras si Minggay sa sigaw na iyon. Humingi naman agad ng dispensa ang pari. "I'm sorry. Ako na bahala maglinis dito. Bumalik ka na lang mamaya. Tulungan mo na lang muna sina Mary Beth at Lila du'n sa simbahan."Sinunod ni Minggay ang utos ng pari. Subalit habang naglalakad, hindi niya mawari kung ano kaya 'yung likidong natapon. Ang pula-pula kasi nito. Ka-kulay ng dugo.Napahawak si Minggay sa pader paglabas niya ng bahay. Nagulat siya sa inasal ng pari. Nanginginig ang laman niya sa hiya at galit. Bakit ganoon na lang ang naging reaksyon sa kanya ni Father Eman? Hindi naman niya sinasadya na mabunggo ito. Para kasi kay Minggay, ang mga pari ang dapat na maging ehemplo ng kahinahunan at kabutihang asal. Malayong-malayo si Father Eman kay Father Tonyo na siyang kabaliktaran nito. Napabuntong-hininga na lang tuloy si Minggay at tinungo si Mary Beth at Lila sa simbahan gaya ng iniutos sa kanya."Oh, bakit ka nandito?" Tanong sa kanya ni Mary Beth na abalang nagtitistis sa mga tunaw na kandila sa altar."Eh, si Father Eman kasi. Nagalit sa akin," nahihiyang sagot ni Minggay. Kinuha niya ang isang basahan na nakalagay sa balde at nagsimulang punasan isa-isa ang mga santo."Bakit naman? Nagkita na pala kayo?" "Oo, nakilala ko na rin siya. Hindi kaagad maganda una naming pagkikita. Nabunggo ko kasi siya pero 'di ko naman sadya 'yun. Ilang beses na nga ako
Nakaupo sa magkabilang dulo ng lamesa sina Father Eman at Father Tonyo. Alas tres na ng madaling araw at nasa loob sila ng meeting room sa unang palapag. "Itigil mo na ang kahibangang ito, Father Tonyo. Sa malao't madali may makakadiskubre sa mga ginagawa natin at kapag nangyari 'yun katapusan na na nating lahat," mahinahon ang boses ni Father Eman. Sa harapan niya ang isang bote ng red wine na nangangalahati na ang laman. Nitong mga nagdaang mga buwan napapadalas ang kanyang pag-inom."Itigil ang alin, Father Eman? Ginagawa ko lang naman ang huling habilin sa atin ni Father Greg. Sa akin niya ipinagkatiwala ang misyon. Alam mo naman siguro ang mangyayari kung hindi ko pinagpatuloy ang sinabi niya. Matinding trahedya ang dadanasin ng mundo kung hindi natin susundin ang mga sinabi niya. Alam kong alam mo 'yan dahil kinausap ka rin niya bago siya mamatay." Hindi direktang nakatingin si Father Tonyo kay Father Eman habang nagsasalita. Abala kasi ito sa pagpirma ng mga liham na ipapadala
Apat na araw na ang lumipas at hindi pa rin nagpapakita sa kanila si Mr. Aragon, ang tutor nila Mary Beth, Lila at magiging tutor na rin ni Minggay. Pero tumawag ito kay Father Tonyo at sinabing hindi muna siya makakabiyahe dahil tinamaan siya ng trangkaso. Kaya naman naisipan na lang ng pari na isama si Lila at Minggay sa Sanctuary Of The Abandoned Elders para magpamahagi ng mga donasyon mula sa mga parokyano at maninimba. Si Mary Beth naman ay naiwan para maglinis ng mga altar sa simbahan.Umarkila sila Father Tonyo ng jeep. Medyo dagsa rin kasi ang mga donasyon nitong nakaraang tatlong buwan at hindi nila ito napamahagi noon dahil nga kapos sila sa tao. Lima sila sa loob ng jeep. Sa unahan, nakaupo sina Father Tonyo katabi si Manong Jerry na hardinero at ang driver. Sa likod naman, nakasiksik sina Minggay at Lila kasama ang mga sako-sakong lumang damit, unan, kumot at adult diapers. Papunta sila sa Isabela kung saan nakatayo ang sanktwaryo.Tatlong oras din ang iginugol nila sa biy
Maigi na lang at hindi nag black out sa buong sanctuary. Sumabog lang ang mga fluorescent lamps sa ceremony hall pero hindi nito naapektuhan ang daloy ng elektrisidad sa buong pasilidad. Lumipat sila sa isa pang bulwagan, pero mas maliit ito doon sa mas naunang pinagdausan nila ng programa."I'm so sorry. That will be the end of our presentation and program today," paliwanang ni Ate Mira sa mga matatanda at staff na mukhang nahimasmasan na. Ang grupo naman ni Father Tonyo, nasa isang sulok, nalilito pa rin sa kung ano ba talaga ang nangyari."I think, kailangan na natin magpaalam sa kanila." Kalmado si Father Tonyo sa kabila ng napunit na manggas nito dahil sa pagpupumiglas ng lolo na binuhat niya kanina.Kinausap ni Father Tonyo si Ate Mira at sila ay nagkamayan. Pinagmamasdan ni Minggay ang nagwalang lolo at nakita niya itong mistulang bata na nakatalungko sa ilalim ng lamesa. Wala itong bukambibig kundi, "Kinuha nila si Binoy. Kinuha nila si Binoy. Kinuha nila si Binoy." Pagsakay
Imbes na uminom ng malamig na tubig, dumiretso agad si Minggay sa kuwarto niya at doon humagulgol. Siya na yata ang pinakamasamang tao sa mundo. Itinatwa niya ang itinuturing niyang pamilya na kasa-kasama na niya sa simula pa lang. Hindi niya makakalimutan ang kawawang mukha ni Caloy habang naglalakad ito papalayo sa grupo nila. Bigla niyang naisip na ano kaya kung magtapat na lang siya kay Father Tonyo at sabihin na lang niya ang lahat sa kanya? Na mayroon siyang maliliit na mga kapatid na nanlilimos araw-araw sa plaza. Na inutusan lang siya ng Mama Linda nila para magnakaw at may ipang-buhay sa kanila. Hindi puwede. Paano kung ipakulong si Mama Linda, magkakawatak-watak silang magkakapatid. Siguradong ikakalat sila sa kung saan-saan. Kinatok siya ni Nana Conrada at tinanong kung gusto pa raw ba niyang kumain dahil may niluto siyang mechado at maruya. Pinagbuksan naman siya ni Minggay at sinabing hindi na siya magha-hapunan dahil busog na siya sa kinain niyang mga fast food sa Sanc
Dahil nga hindi basta-basta puwedeng umakyat sa second floor, mas pinili na lang puntahan nila Minggay at Lila si Nana Conrada sa kanyang tulugan sa likod-bahay. Ikinuwento nila sa matanda ang tungkol sa pagkawala ni Mary Beth. Tuluyan na nilang nakalimutan ang tungkol sa taong naka-suot ng pang-pari na pumapasok sa kanilang kuwarto."Hinanap niyo na ba sa paligid? Baka nariyan lang 'yun. Sa kasilyas sinilip niyo na ba?" Tanong ng pupungas-pungas pang kasambahay."Opo, Nana. Nilibot na namin kuwarto niya pati buong bahay puwera na lang second floor kasi nga bawal kami umakyat doon. Pero Nana, hinanap na namin siya sa buong bahay saka sa paligid sa labas, pero wala pa rin siya," alalang sabi ni Lila na may hawak-hawak pang flashlight."Sige na't aakyatin ko sa taas sina Father Tonyo. Kami na mag-uusap. Pumasok na kayo sa mga kuwarto niyo." Kinuha sandali ng matanda ang balabal at pumasok ito sa loob ng Casa Del Los Benditos.Inihatid pa siya ng dalawa sa may hagdan. "Balitaan mo kami,
August 1996"May sasabihin ako sa'yo," bungad ni Father Greg kay Nana Conrada. Nakaupo sila sa pahabang bangko sa bakuran ng simbahan. Ang langit nagkukulay abo na. Pahiwatig na malapit ng umulan."Ano 'yun Father?" Ipinunas ni Nana Conrada ang mga basang kamay sa suot na apron. Hindi pa niya tapos ang paghuhugas ng pinggan nang ipatawag siya ni Father Greg."Kailangan ko tulong mo," hininaan ni Father Greg ang boses."Tulong saan, Father?"Hindi muna direktang sinagot ng pari ang tanong ng kasambahay. "Ilang taon ka nga ulit dito, Nana?""Magda-dalawang taon na, Father. Sa December. Naabutan ko pa noon si Father Joseph, Father Isagani tapos ikaw na," sagot ni Nana Conrada.Ipinasa lang si Nana Conrada ng isang kamag-anak kay Father Joseph noong nabubuhay pa ito. Magma-migrate na kasi pa-Canada ang naunang mga amo ni Nana Conrada at sa kasamaang palad hindi siya makakasama sa paglipat. Masakit kay Nana ang nangyari dahil napalapit na nang husto ang kalooban niya sa mga anak ng dating
Nagpakita na rin si Mr. Aragon, ang tutor, pagkatapos ng halos isang linggong pagliban nito dala ng trangkaso. Medyo numipis ang mukha nito at lumuwang ang suot nitong t-shirt. Napansin pa ni Lila na lumungkot din ang mga mata ng guro nang ipaalam sa kanya ang biglaang paglisan ni Mary Beth."Well, nakakalungkot. Matalinong bata pa naman si Mary Beth. Pero sana maipagpatuloy pa rin niya pag-aaral sa Maynila," ika ni Mr. Aragon habang nagbubuklat ng libro. Tinignan nito ang bago niyang estudyante. "Ikaw ba si Minggay? 'Yung bago nating kasama dito sabi ni Father Tonyo.""Opo. Melanie po tunay kong pangalan," sagot naman ni Minggay."Nice to meet you, Melanie or mas gusto mo Minggay na lang ang itawag ko sa'yo?" "Minggay na lang po. Doon po ako mas sanay." Nakangiti si Minggay dahil mukhang mabait naman pala si Mr. Aragon."All right then. Well, gusto ko sanang makipag-kuwentuhan pa kaya lang medyo behind na tayo sa mga lessons. Start muna tayo sa Philippine History. Please open your b