Sinulyapan ni Sharon ang mayamuting lalaki sa harapan niya. Tapos na nga ang oras ng trabaho at wala ng iba pang naroroon, pero opisina pa rin nila ito. Hindi naaangkop para sa rito na hawakan ang kamay niya nang ganito, tama?Sandaling naging malamig ang tingin ni Howard nang lumabas siya at nakita ang kaniyang tito na hawak-hawak ang kamay ni Sharon. Gayunpaman, nagkunwari siyang maging mabait at nagtanong, “Tito, dadalhin mo ba siya sa ospital?”Hindi ito sigurado kung narinig ba ni Simon ang sinabi niya. Hindi man lang nito sinulyapan si Howard at nilagpasan lamang ito habang mahigpit na hawak ang kamay ni Sharon.Hindi nagtagal, dinala nito si Sharon papasok sa elevator at naglaho sa paningin ni Howard.Ang peke niyang ngiti sa mukha ay naglaho. Ang kaniyang mga kamay na nasa kaniyang gilid ay yumukom.Nang lumabas sila sa elevator, nasa kamay pa rin ni Sharon ang malaking kamay ng lalaki. Mayroon itong madilim na ekspresyon sa mukha habang naglalakad ito sa unahan niya. Maha
Kapapasok pa lamang ni Sharon sa kwarto nang mayroong kumatok sa pinto. “Mrs. Zachary, ako po si Xavier Fuller. Pinadala ako ni President Zachary.”Alam ni Sharon na si Xavier ang doktor ng pamilya Zachary. Bakit siya pinatawag ni Simon?Binuksan niya ang pinto. “Dr. Fuller?”Masayang ngumiti si Xavier at magalang na sinabi, “Sinabi ni President Zachary na mayroon po kayong sugat sa kamay. Pinapunta niya ako para gamutin ito.”Lumukso ang puso ni Sharon nang marinig niya ito. Istrikto ang ekspresyon sa mukha ng lalaki kanina, pero tinawag ka kaagad nito ang doktor?“Aabalahin kita, kung ganoon.” Sabi niya habang binubuksan ang pinto at pinapasok ang doktor.“Walang problema. Trabaho ko ito.”Nang malaman ni Sebastian na mayroong sugat sa kamay ang kaniyang nanay, kaagad niyang iniwanan ang kaniyang homework at tumakbo para puntahan ito. “Mommy, paano po nagkasugat ang kamay niyo?” Malungkot na tiningnan ng bata ang namamagang kamay niya habang nakayuko at hinihipan ito. “Masakit
Naging magulo ang tibok ng puso ni Sharon. Kahit ang kaniyang paghinga ay bumilis. “Eh ano? Anong kinalaman noon sa iyo? Wala kaming ginawang mali five years ago, hindi ko ba siya pwedeng mahalin pagkatapos ng limang taon?”“Anong minahal mo sa kaniya?” Sigaw nito nang pagalit at nakatitig sa kaniya nang masama. “Hindi mo nga ako hinahayaang hawakan ka noong tayo pa. At ngayon?”“Manahimik ka!” Hindi na matiis pa ni Sharon ang kabastusan nito, kaya’t galit niyang tinaas ang kamay at sinampal ito. Nanginginig pa siya sa galit.Tumahimik si Howard dahil sa sampal, ngunit kaagad na naipon sa kaniyang mga mata ang labis na kabaliwan. Mas idiniin niya ito sa kotse. “Anong problema? Mali ba ako? o ... hindi ka kailanman hinawakan ng tito ko? Wala siyang pakialam sa iyo, kunwarian lang ang kasal niyo!”Mayroong pagkataranta sa mga mata ni Sharon, at bigla siyang nagpumiglas. “Bitawan mo ako, walang hiya ka! Hindi ka patatawarin ng tito mo kapag mayroon kang gawin sa akin!”Hindi alam kun
Bumaba si Simon, hinawakan ang kwelyo nito, at itinayo. Muli nanamang babagsak ang kaniyang nakakuyom na kamao!Isang maawtoridad na boses ng isang babae ang biglang umalingawngaw. “Tumigil kayo!”Natakot si Sharon sa sigaw at mabilis na lumapit kay Simon at kunin ang kamay nito dahil bubugbugin na na nito hanggang kamatayan si Howard.Tumalikod siya para tumingin, at lumapit si Penelope na seryoso ang mukha.“Nababaliw na ba kayo? Nag-aaway kayo sa bahay ng mga Zachary. Sa tingin niyo ba ay patay na ako?” Galit na galit si Penelope, nagtataas-baba ang kaniyang dibdib sa galit.Dahan-dahang bumaba ang kamao ni Simon, pero malamig pa rin nitong tiningnan si Howard at binalaan ito, “Asawa ko na siya ngayon. Huwag ka ng maglakas loob na hawakan siya ulit!”Puro pasa ang mukha ni Howard. Masama ang pagkakabugbog dito, ngunit mayroon pa rin katigasan ng ulo ang makikita sa mga mata nito.Malamig na tiningnan ni Penelope si Sharon. ‘Lahat na naman ng ito ay para sa babaeng ito! Tama
Hindi niya mapigilang sumagot, “Walang kwenta! Iniinsulto mo ako at pinipilit ang sarili mo sa akin! Tiningnan niya si Penelope at sinabi, “Kung hindi kayo naniniwala sa akin, pwede niyong tingnan ang surveillance cameras para makitang pinipilit niya ang sarili niya sa akin!”Mayroong surveillance cameras sa buong kabahayan ng mga Zachary, kasama na ang garahe. Mapapatunayan ang kasinungalingan nii Howard sa oras na makita ang surveillance footage.“Walang hiya ka! Sinaktan mo ulit ang mommy ko!” Nakawala si Sebastian mula sa bisig ng ina at tumakbo palapit kay Howard para suntukin ito nang marinig niya ang sinabi ng ina.“Sebastian, halika dito kay lolo.” Natatakot si Douglas na maimpluwensyahan nila ng masama ang bata.“Lolo, kailangan niyo siyang parusahan. Sinaktan niya ang mommy ko,” saad ni Sebastian habang galit na nakatura kay Howard.“Paparusahan ko siya kung siya ang may kasalanan. Halika.”“Gusto ko kay Mommy.” Tumakbo pabalik si Sebastian sa kaniyang ina.Muling tin
“Sandali. Sinong nagsabi na pwede mong dalhin ang bata?” Tanong ni Douglas.Bahagyang nanginig ang puso ni Sharon. Bago pa siya makapagsalita, inutos ni Douglas, “Dalhin niyo ang bata sa kaniyang kwarto."Ilang kasambahay ang kaagad na lumapit sa kaniya at kinuha ang bata mula sa kaniya.Nabigla si Sharon. “Anong ginagawa niyo? Umalis kayo. Huwag niyong hahawakan ang anak ko!”Inayawan din ni Sebastian ang paglapit ng mga kasambahay. “Umalis kayo. Gusto kong sumama kay Mommy!”Hinampas ni Simon ang mesa at tumayo. “Tumigil kayo! Babaliin ko ang kamay ng sinumang hahawak sa kanila!”Hindi makagalaw ang mga kasambahay sa labis na takot at nagtinginan na lamang.Lumapit si Simon at binuhat ang bata. “Sebastian, manatili ka muna kasama ni lolo, aalis muna kami ng nanay mo ng ilang araw.”Ibinigay ni Simon ang bata kay Douglas. “Dad, alagaan mo ang bata. Aalis ako kasama ni Sharon.”Nanlaki ang mga mata ni Sharon. ‘Nababaliw na ba siya? Hindi ko pwedeng iwanan ang anak ko sa bahay
Pwersahan niyang binawi ang kaniyang kamay, sinusubukang pigilan ang hapdi sa kaniyang mga mata habang tumatangging umiyak sa harapan nito. Mapupula ang kaniyang mga matang tinitigan ito. “Inapi ako ni Howard sa opisina at sa bahay. Pinagdududahan mo pa akong mayroon akong relasyon sa kaniya. Hindi ako gusto ng kapatid mo at gusto akong paalisin. Sige, aalis ako. Pero sino ang tatay mo para kunin ang anak ko? Tinulungan mo pa silang kunin ang anak ko! Ibalik mo sa akin ang anak ko! Ibalik mo siya!”Sinubukan niyang hindi umiyak noong una, pero hindi niya na mapigilan habang nagsasalita. Lahat ng kaniyang sama ng loob at kalungkutan ay bumalik sa kaniya. Niyumukom niya ang kamao at sinuntok ito sa dibdib, umiiyak. “Ibalik mo siya. Ibalik mo si Sebastian sa akin!”Labis ang pagkakunot ng noo ni Simon at hinayaan lamang niyang bumagsak ang mga kamao nito sa kaniya at hindi gumalaw. Nang makita niya itong umiiyak nang may luha ang mga mata at nagmukhang batang babaeng ginawan ng masama,
Tiningnan siya nang nakapupukaw ni Simon at kalmadong nagtanong, “Gaano katagal sa tingin mo kaya ng batang iyon na mahiwalay sa iyo?Nasurpresa si Sharon. Hindi pa sila kailanman nagkahiwalay ni Sebastian. Hindi siya maaring mawalay dito, at hindi ito mabubuhay nang wala siya.Magwawala ang bata kapag hindi siya nakita, at hindi niya alam kung ano ang magagawa nito.Bigla niyang naintindihan kung bakit sinabi ni Simon na aalis sila ng ilang araw. Base sa kung gaano kamahal ni Douglas si Sebastian, siguradong maaawa si Douglas kapag patuloy hanapin ni Sebastian ang kaniyang ina.Tiningnan niya mula sa gilid ang kalmadong lalaki. Naisip niya na ito bago pa ang lahat. Hindi nakapagtatakang inilabas siya nito nang hindi lumalaban.“Dapat ba muna akong tumuloy sa kaibigan ko nang ilang araw?” Kahit na sinabi niya ito, nag-aalinlangan siyang lumayo sa kaniyang anak nang ganito katagal. Paulit-ulit niyang tintiingnan ang bahay ng mag Zachary mula sa bintana. ‘Tatakbo ba ito palabas? O h