Saka siya lumingon kay Quincy at nagsisising sinabi, “Nakinig dapat ako sa iyo. Hindi dapat ako nakipagkilala sa ganoong klaseng lalaki. Nasayang lang ang oras ko.”Walang emosyon ang tono ni Quincy nang sumagot, “Mabuting bagay rin na nakilala mo siya.” Kahit paano, alam na niya ngayon kung gaano kasamang lalaki si Dayton.“Tama. Mayroong banquet sa hall ngayon. Mayroong mga pagkain at inumin sa baba. Bumaba tayo.” Isinantabi muna ni Renee ang sama ng loob niya.Umiling si Quincy at sinabing, “Medyo pagod ako. Ayaw kong gumalaw.” Ayaw niyang makita siya sa mga tauhan ni Dayton.“Mommy, pwede ba akong kumain kasama ni Renee? Medyo gutom na po ako,” Nagmakaawa si Little Cupcake sa kaniya.Tiningnan ni Quincy ang anak. Wala naman problema kung isasama siya ni Renee.“Sige, pwede kang sumama sa kaniya, pero hindi ka pwedeng umalis nang mag-isa.”“Huwag kang mag-alala, Ate Quincy. Aalagaan ko nang mabuti si Little Cupcake.” Pagkatapos magsalita, hinawakan ni Renee ang kamay ni Littl
Naranasan na rin ni Dayton ang tunay na kahihiyan sa edad na 30.Hindi malaking bagay na basa ang pantalon niya. Pero ang malala, nasa isang nakakahiyang area ang basang parte.At saka, tumakbo ang batang babae na para bang mayroong malaking nangyari at sumigaw na basa ang pantalon niya!Kung hindi siya mukhang inosenteng bata, maghihinala siya na sinasadya niya itong gawin.Dito naman tumingin ang lahat sa kaniya. Kahit na sinusubukan nilang hindi tumawa nang malakas, ang ilan sa kanila ay hindi nakontrol ang mga sarili.Nagdilim ang mukha ni Dayton nang marinig niyang magtanong ang isang bata sa magulang nito, “Mommy, naihi ba ang titong iyon sa pantalon niya dahil hindi niya makontrol ang sarili niya?”Kaagad na tinakpan ng nanay ng bata ang bibig ng bata. “Huwag ka nang magsalita. Matanda na ang titong iyan. Paano siya..”“Bakit po siya naihi sa pantalon?” Naiintriga pa rin at natatawa ang bata.Tiningnan nang madilim ni Dayton ang batang babae sa harapan niya. Kung hindi l
Kumunot ang noo ni Quincy nang marinig ang sinabi ni Renee. Katulad ng inaasahan niya…napakamapaghiganting tao ni Dayton.At saka, kung plano nitong hanapin si Renee, ibig sabihin ay hindi lang simpleng monetary compensation o pagbili ng isang bagong pares ng pantalon ang ipapagawa nito.“Sabihan mo ako kapag hinanap ka niya,” Sabi ni Quincy.Hindi kilala ni Renee si Dayton, kaya kinaway niya lang ang kamay. “Ayos lang, kaya ko na iyon.”…Naupo si Dayton at naghintay sa loob ng kotse na nasa entrance ng hotel. Umuwi siya nang madilim ang ekspresyon sa mukha.Dito naman lumabas si Hayley para habulin siya at sinabing, “Aalis ka na lang? Kasisimula pa lang ng birthday dinner ko.”“Ganito na ang sitwasyon. Kung hindi ako aalis, dapat ba akong manatili rito at hayaang pagtawanan ako ng lahat?” Malamig niyang tanong.Tiningnan ni Hayley ang pantalon ni Dayton. Hinabol niya ito matapos marinig ang nangyari.“Sobra naman ang anak ng mga Sullivan. Bakit niya hinayaan ang isang bata n
“Teacher, nakita ko po nang malinaw. Tumawa po si Sirius Night,” Mariin na sagot sa kaniya ng bata.Kahit na nahihirapang maniwala si Mrs. Wellington, tinanong niya pa rin ito, “Sirius Night, tumawa ka ba?”Katulad nang nakagawian ay hindi sumagot sa tanong niya ang little young master ng pamilya Night. Nakaupo lang ito roon. Nasa sariling mundo.Lihim na napabuntong-hininga si Mrs. Wellington. Ang totoo, ang mga katulad niyang bata ay hindi kailangang pumasok sa eskwelahan. Wala itong naidudulot na iba sa kanila.Mabuti na lamang ay tahimik lang ito palagi, kaya wala itong binigay na anumang problema sa sinuman.Dito naman nakita ni Little Cupcake si Sirius. Nasasabik siyang lumapit at sumigaw, “Oh, ikaw pala!”Nagkita sila dalawang araw na ang nakalilipas. Gusto niyang isama siya sa labas para magsaya, pero nakakapanghinayang na nakalimutan niya ang direksyon.“Sirius Night ba ang pangalan mo? Ako si Yenny Lane. Magkakilala na tayo ngayon,” Sabi ni Little Cupcake.Hindi mapig
“Wow, galing ka pala sa mayamang pamilya!”“Oo, galing ako sa isang mayamang pamilya, kaya hindi lahat ay mayroong karapatan na maging kaibigan ko. Naiintindihan mo na ba ngayon?” Walang emosyon niyang sabi. Saka siya tumalikod para umalis.Biglang hinawakan ni Little Cupcake ang manggas niya. “Sinabi ko sa iyo noong nakaraan na ilalabas kita para magsaya, pero hindi ko nagawa. Hayaan mong ilabas kita ngayon para magsaya.” Saka niya hinila si Sirius bago pa man ito makapagsalita.Sinubukan siyang itulak palayo ni Sirius. Ngunit, mahigpit ang hawak sa kaniya ng malambot nitong kamay. Kakaiba ang pakiramdam na ito. Hindi pa niya nararanasang maging ganito kalapit sa isang tao.Sa hindi malamang dahilan, hindi niya tinabig ang kamay nito. Hinayaan niya lang na hilain siya nito palayo.Hindi siya dinala sa malayo ni Little Cupcake. Nagpunta sila sa isang tindahan sa tabi ng eskwelahan.Tiningnan ni Sirius ang makina at umirap. Ito ang makina na mga babae lang ang gustong maglaro. Hi
“Sino kayo? Bakit niyo kami pinipigilan?” Napatalon sa takot si Little Cupcake nang makita niya ang mga bodyguards na nakasuot ng itim. Hinila niya si Sirius at napaatras nang ilang hakbang habang mahinang sinasabi, “Masasama siguro silang mga tao. Tayo marahil ang pakay nila.” Medyo nangangamba na siya.Ang mga bodyguards sa harapan nila ay pinadala ng butler mula sa bahay ng mga Night.Dumating sa eskwelahan ang butler para sunduin si Sirius. Ngunit, hindi niya makita si Sirius. Nahanap niya ito rito matapos ang ilang sandaling paghahanap,Hindi inaasahan ng butler na mayroong batang babae sa tabi ng Little Young Master na kahit kailan ay walang kinilalang ibang tao. Tila kaedad niya rin ang batang babae. Pareho din sila ng suot na uniporme.Ibig sabihin ay kaklase ng Little Young Master ang batang babae na ito.Mas nakapagtataka iyon. Matagal na simula nang magsimulang pumasok ang Little Young Master sa eskwelahan pero ni minsan ay wala siyang nakasundo sa mga kaklase niya.Pa
Sumakay ang dalawang bata sa itim na Maserati na nagdala sa kanila pabalik sa villa ng pamilya Night.Pinagmasdan ni Little Cupcake ang paligid pagkatapos bumaba ng kotse. “Wow, ang laki ng bahay mo. Mas malaki pa ito sa bahay na tinitirhan ko ngayon.” Gayunpaman, hindi ito kasing lawak ng bahay na tinitirhan nila ng nanay niya sa ibang bansa.“Narito ka ba para sa isang tour?” Bumaba si Sirius sa kotse at sarkastikong tiningnan si Little Cupcake. Matapos magsalita, dumiretso siya sa bahay nang hindi na nag-aabala pang kausapin ito.“Oh, hintayin mo ako…” Hinila ni Little Cupcake ang supot ng mga plushies at saka hinabol si Sirius.Nag-alok ang butler na tulungan siyang buhatin ang supot ng mga plushies pero tumanggi siya. Sinabi niyang tinulungan siya ni Sirius na makuha ang mga plushies na ito mula sa claw machine, kaya kailangan niya itong bantayan nang maigi.Pinag-isipan ito ng butler. Ang Little Young Master na building blocks lang ang nilalaro ay naglaro sa claw machine?B
“Pwede…pwede mo naman na pasalamatan na lang ako. Sino ang nagsabi sa iyo na pwede mo akong halikan?” Tinakpan ni Sirius ang pisngi na hinalikan ni Little Cupcake. Parang isa siyang nahihiya at naiinis na asawang babae ngayon.Lumapit sa kaniya si Little Cupcake pagkatapos marinig ang mga sinabi niya. “Huh, bakit ka namumula? Oh…alam ko! Nahihiya ka! Hahaha…” Tinawanan niya ito nang malakas.Mas lalong nahiya si Sirius. Gayunpaman, dahil sa tigas ng kaniyang ulo, ayaw niya itong aminin. “Sinong nahihiya? Kung ano-anong pinagsasabi mo!”“Sigurado ka? Bakit ka namumula? Hindi ko inakalang sobrang inosente mo.” Para kay Little Cupcake ay normal lang na halikan sa pisngi ang ibang tao. Noong nakatira siya sa ibang bansa, madalas ay nagbebeso ang mga magkakaibigan sa tuwing nagkikita-kita.Hindi inaasahan ni Sirius na tatawanan siya nito. Walang sinuman ang naglakas-loob na tawanan siya nang ganito!“Kung wala ng iba pa, umuwi ka na. Hindi na kita kakausapin pa.” Lumitaw ang madilim na