Katakot-takot ang pamumutla ng mukha ni Tia. Lalo siyang nakonsensya at natakot nang itama ni Dayton ang malamig at matalim na tingin nito sa kaniya.Iniisip niya pa rin kung paano nalaman ni Dayton ang tungkol doon.Anong ebidensya ang nahanap niya?Bakit tinatanong lang siya nito tungkol sa ginawa niya apat na taon na ang nakalipas? Hindi… Lahat ng surveillance camera ay nasira ng apoy noon. Walang ebidensyang naiwan. Kung hindi, sa angking kakayahan ni Dayron, hindi aabot ng apat na taon bago nito malaman na siya ang nasa likod ng lahat. Ibig sabihin, wala siyang ebidensiya. Marahil nakarinig lang siya ng mga sabi-sabi sa kung sino man.Matapos suriin ang sitwasyon, ang puso ni Tia na nangangamba ay unti-unting kumakalma…Hanggat wala siyang ebidensya at patuloy niyang itatanggi ang lahat, walang magagawa sa kaniya si Dayton. Umiling siya at nagkunwaring nagagalit dahil sa maling akusasyon. "Sino ang nagkakalat ng tsismis sa harapan mo at na inaakusahan ako sa isang bagay
Ayaw nang marinig ni Dayton na depensahan ni Tia ang sarili. Kinaway niya ang kamay. Hinila palabas si Tia ng mga tauah niya.Pakiramdam ni Tia ay hinihila siya papunta sa kaniyang execution site. Nagpumiglas siya at buong lakas na nakipaglaban. "Hindi talaga ako iyon! Kapag nakinig ka sa kaniya at pagbintangan ako ng mali, hindi ko siya titigilan kahit na patay na ako!" Walang pakialam si Dayton sa sinasabi ni Tia. Kay Quincy lang siya naniniwala. Gusto niyang ibigay sa kaniya ang abo ni Tia bilang kabayaran.At saka… pinagtangkaan ni Tia na sunugin ang asawa niya. Bilang asawa ni Quincy, bakit hindi niya ito ipaghihiganti?Hinila si Tia ng nva tauhan Dayton papunta sa isang maliit na kwarto. Pagkatapos nito, kinulong siya sa loob. Pinaghahampas niya ang pinto dahil sa takot at sumigaw, "Palabasin niyo ako…Huwag niyo akong sunugin. Nagmamakaawa ako sa inyo…" Umiiyak siya habang nagmamakaawa sa kanila at paulit-ulit na hinahampas ang pinto. Hinihiling niyang magbago ang isip n
“Ah! Ah! Iligtas niyo ako! Pakiusap tulungan niyo ako!" Tumitili na si Tia mula sa loob ng gusali na ngayon ay pinapalibutan na ng malakas na apoy.Labis nang natataranta si Hayley matapos marinig ang mga sigaw ng paghingi ng tulong ni Tia. "Tia, papasok kaagad ako para iligtas ka. Kumapit ka lang!"Kaagad na sumigaw si Tia matapos marinig ang sinabi ni Hayley. "Tita…Iligtas niyo ako, bilisan niyo…Malapit na akong mamatay. Ah!" Sinusunog na siya ng apoy ngayon!Inutusan niya ang mga tauhan ni Dayton, "Patayin niyo kaagad ang apoy! Naririnig niyo ba ako?!"Mga tauhan itong lahat ni Dayton, at kay Dayton lang sila nakikinig. Wala sa kanila ang magpapatay ng apoy hanggang walang sinasabi si Dayton.Dahil hindi niya mautusan ang mga ito, walang ibang nagawa si Hayley kung hindi ang sigawan ulit si Dayton, "Sabihan mo ang mga tauhan mo na patayin kaagad ang apoy! Talaga bang paaptayin mo sa sunog si Tia? Mayroong buhay na tao sa loob!" Walang emosyon siyang tiningnan ni Dayton at
“Huwag mo akong tawaging tita, ikaw na walang awa at walang pusong tao!" Sigaw sa kanya ni Hayley sa labis nitong galit.Alam ni Dayton na siya ay pagagalitan nito bago pa man siya pumasok, kaya naman hindi nagbago ang kanyang ekspresyon. "Tita, huwag kayong padadala sa emosyon. Kailangan niyong magpahinga at hayaang gumaling ang mga sugat niyo.""Huwag mo akong sabihan ng mga mapagpanggap mong mga salita! Alam mo ba kung gaano nakakaawa si Tia ngayon? Paano mo nagagawang maging napakalupit?" Nais talaga ni Hayley na saktan ang damdamin ni Dayton at malaman kung totoo nga bang bato na ito. "Kumuha ako ng mga magagaling na doktor para gamutin siya." Sabi niya sa tono na para bang nagpakita siya ng napakalaking awa kay Tia."Magagaling na doktor?" Bigla namang natawa si Hayley. "Hehe… Walang silbi ang magagaling na doktor. Mayroon siyang paso sa buo niyang katawan. Mas nanaisin niya pang mamatay kaysa mabuhay sa ganiyang kalagayan…""Tita, ikaw ang may gusto na iligtas siya…" malam
Naglakad si Quincy papasok sa opisina ng presidente kasama ang kaniyang assistant. Itong lugar na ito ay pagmamay-ari ng Lanes noon. Dati, siya ay isa pang young miss ng pamilya Lane. Ang ama niya ang nagpapatakbo ng kumpanya. Paminsan-minsan ay bumibisita siya rito. Nasabi rin niya sa kaniyang ama na tutulong siya sa pagpapatakbo ng kumpanya pagdating ng panahon. Kinaawan siya ng kaniyang ama sa pagpapatakbo ng isang malaking kumpanya bilang isang babae. Nais niyang tulungan ang kaniyang anak na makahanap ng mapapangasawa na marunong magpatakbo ng kumpanya. Sa ganoong paraan, hindi siya gaanong mahihirapan sa buhay. Walang nagakala na lahat ng kanilang pag-aari ay makukuha ng isang katulad niyang walang pusong tarantado, Dayton Night, bago pa man siya mahanapan ng kaniyang ama ng mapapangasawa o bago pa niya mapatakbo ang kumpanya mula sa kaniyang ama. Ang opisina ay ibang-iba na ang ayos kumpara sa naaalala niya. Matapos makuha ni Dayton ang kumpanya, naging opisina niya it
Malakas na enerhiya ang pumuno sa katawan ni Quincy nang tabigin niya ang kamay nito. Marahil natamaan nita ito nang sobrang lakas, o marahil sinadya niyang isabit nang maluwag ang tuwalya sa kaniyang balakang. Nang tinanggal niya ang kamay nito, natanggal din ang tuwalya sa kaniyang ibabang katawan! Ang hangin sa pagitan nila ay biglang lumamig.Tumitig si Quincy sa kaniyang pangibabang katawan at bumalik din sa kaniyang katinuan. Pinikit niya ang kaniyang mata agad!Bwisit! nakakasira ng mata!"Sinasadya mo ata itong gawin!" Siya ay galit at nahihiya rin. Ang kaniyang mukha ay biglang namula.Ngumiting pa-inosente si Dayton at tinanong, "Paano mo ako masisi kung ikaw naman ang nagtanggal ng tuwalya?""Magsuot ka na ng damit mo!" Nakapikit pa rin ang mga mata niya. Pero, ang utak niya ay puno ng mga litrato ng nakita niya kanina.Tumawa siya nang mahina at tinanong, "Bakit ka nahihiya? Mag asawa tayo. Meron din tayong anak. Matagal mo na bang hindi nakita ang katawan ko?Hind
Patuloy na tinititigan ni Quincy ang dokumento. Ang galit sa loob ng puso niya ay unti-unting nagiging isang malaking silakbo."Dayton Night, sinadya mo ito, tama?" Nagwala na rin siya sa galit sa harapan nito. Hindi na nakapagtataka kung bakit wala itong reaksyon sa lahat ng ginawa niya. Hinayaan pa nito na harangin niya ang lahat ng projects at pahirapan siya.Nagkibit-balikat si Dayton habang inosente ang ekspresyon sa mukha. "Sinabi ko na sa iyo noong una pa lang na ibibigay ko ang lahat ng gusto mo. Hindi ba't ginagawa ko ngayon ang hiling mo?""Bakit hindi mo sinabi sa akin na mayroon akong parte sa kumpanya?""Sinabi ko na sa iyo na mag-asawa pa rin tayo. Dahil kasal tayo, pagmamay-ari natin ang parehong mga ari-aruan." Huminto siya sandali bago idagdag, "At saka, pagmamay-ari nating dalawa ang kumpanyang ito simula nang magpakasal tayo. Hindi mo ba alam iyon?"Syempre ay hindi maiisip ni Quincy ang ganoong bagay.Noon ay niloko siya ni Dayton para magpakasal sa kaniya p
Kawalan din ng mga directors na ito ang kawalan ng kumpanya.Hindi na sila masaya sa pinapakita ni Dayton. Kung hindi pa rin nito aayusin ang operasyon ng kumpanya, pag-iisipan nilang pagbotohang paalisin sa board si Dayton."Mayroong malaking mangyayari sa kumpanya, pero hindi ito masamang bagay." Tiningnan niya ang kaniyang secretary na nakatayo sa likuran niya at sinenyasan ito na buksan ang pinto ng conference room. Pagkatapos bumukas ng pinto, pumasok si Quincy."Miss Quincy?!" Mayroong napasigaw. Ilan sa mga matatandang director ng kumpanya na nasa meeting ay mga kaibigan ng tatay niya. Kilala siya ng mga ito.Simula nang pakasalan niya si Dayton, walang anumang masabi ang mga matatandang director na ito kay DaytonPagkatapos nito, nalaman nilang nawawala siya. Kahit gaano man sila naaawa sa pamilya niya, wala silang magagawa. Nakabalik na siya ngayon. Hindi alam ng mga matatandang director na ito kung dapat ba silang maging masaya o mag-alala. Pumasok si Quincy sa k