First update for today Kimmie's, later ulit!
SINUSUNDAN ni Theo ang kotse ni Eman habang siya ay malayo sa mga ito. Hindi niya pwedeng ilapit ang sasakyan dahil makakahalata ito. Gamit niya ang isang tracker upang malaman kung saan ito nagpupunta. Maya-maya ay huminto ito sa isang malaking bahay na malayo sa mga kabahayan, tila isa itong mansion na hindi ganoong ka-luma ngunit sapat na upang mahalatang abandunado dahil sa daming dahon na nakakalat sa paligid. “Kaninong bahay ito?” tanong niya sa sarili at bumaba. Nakita niya ang kotse ni Eman sa isang tabi. Alam niya na walang ibang tao doon dahil na ‘rin sa wala siyang nararamdaman. Sumilip siya sa loob at nang masigurong walang ibang tao ay pumasok siya sa loob. Hinahanap niya kung saan dinala si Stella habang pilit na dinadama kung nasaan ang presesnya nito. Hindi siya pwedeng pumasok sa pinakang loob dahil kailangan pa niyang tawagin si Philip. Kahit na wala itong ibang kasama ay maaaring paparating na ang mga ito dahil hindi basta-basta magdadala ng hostage ang isang tao
STELLA NAPATINGIN kami ng sabay ni Eman ng mayroong magsalita mula sa pinto. Dali-dali na lumapit si Mr.Chan papunta sa gawi naming at hinawakan sa magkabilang balikat ang anak at inilayo saakin. “Tigilan mo na ito anak!” sabi ng matanda sa lalaki ngunit nawala ang attensyon ko sa dalawa ng lumapit saakin ang secretary ni Mr.Chan. “Kailangan mo ng tumakas dito.” Pumunta ito sa likod ko at kakalagan sana ko pero alam kong nagulat siya ng makitang wala na ang tali doon. “Wag mo akong maliitin Ms.Lilia.” sabi ko na ikinatingin nito. “Sino ka ba?” bakit ba hindi ko agad nalaman na hindi masamang tao si Mr.Chan? Gusto kong parusahan ang sarili ko dahil doon. “Ako si Stella, ang mission ko ay ang pumatay sa pamilya ng tito ko.” Gulat na napatingin ito saakin habang si Mr.Chan ay busy sa pagkikipag-usap sa anak. “Hindi ka ganito Eman, hindi ito ang Eman na pinalaki naming ng mama mo!” nakita ko na umiiyak na si Mr.Chan habang si Eman naman ay nakaupo sa higaan at nakakapit sa kaniyang u
NAKAUPO ako ngayon dito sa labas ng kwarto ni mama habang nasa tabi ko si Philip. Hindi muna kami pumasok sa loob dahil gusto ‘daw akong makausap nito. “Alam mo bang sa ginawa mo ay maaaring pumunta sila dito ng hindi natin alam?” kalmado ngunit tila napapagod na sabi saakin ni Philip. Aminado ako na mali na lumaban ako mag-isa, pero kaya ko naman. Kaya ko kung hindi ganito ka kumplikado. Nakatingin ako kanina pa sa kwintas na ibinigay ni Lilia saakin. Sa tuwing naaalala ko kung paano siya nawalan ng buhay sa harapan ko ay nanghihina ako. “Sinabi kong makinig ka saakin Stella,” hindi ko na napigilan ang sarili ko at humarap dito. “Nangyari na ang nangyari Philip, ang kailangan nalang nating gawin ay labanan sila.” Seryoso kong sabi. “Ang hirap kasi sa’yo akala mo madadaan ang lahat sa dahas,” nag-iwan ito ng tingin saakin. “Anong sinasabi mo? Hindi ba pinatay niya ang pamilya mo? Hindi ba ito ang dahilan kung bakit ka nagtayo ng agency, ang maipaghiganti mo ang pamilya mo!” umiling
“DANIEL!” Napalingon si Daniel ng marinig ang tumawag sa kaniya at nakita niya sa isang tabi si Stella kaya lumapit siya dito. “Pumunta na tayo agad sa ospital, Stella. Kailangan lang nating bilisan dahil baka mahuli si Ellias.” Tumango ang babae sa kaniya. “Talagang kailangan nating bilisan—” biglang napahinto ang babae sa pagsasalita ng ma-realize niya na hindi niya pala dapat iyon sabihin. “Ano ‘yun Stella?” napaseryoso naman si Daniel dahil sa biglang paghinto ng dalaga. Tumingin ng deretsyo si Stella sa lalaki at nagtitigan sila sandali hanggang sa tuluyan nang naunang maglakad si Daniel palabas ng airport. “B-Biglaan ang lahat Daniel! Nabaril si mama sa bandang puso kaya—” “Nabaril? Paano nangyari iyon Stella? May kaaway ka ba?” umiling si Stella dahil sa sinabi nito. “Alam niyo ho kung sino lang ang kaaway ko, at isa pa hindi pa nalalaman kung sino ang may gawa. Ang sabi ng doctor ay lumala ang kalagayan niya dahil doon.” Napahawak si Daniel sa kaniyang sintido dahil doon.
HINDI makapaniwalang napayakap si Stella sa batang mabilis na lumapit papunta sa kaniyang gawi. “Princess!” napakunot ang mga noo nila Ace, Harris at Lucas dahil sa biglang dumating. Humahangos din ang isang babae na nakasoot ng makapal na jacket katulad nung batang tumakbo papunta sa gawi ni Stella. “P-Princess, anong ginagawa mo dito?” nauutal na tanong ni Stella sa anak ngunit hindi siya sinagot ng bata dahil napatingin ito sa lalaking nasa harapan nito. Napatingin din si Stella kay Ace dahil doon, sobrang bilis ng tibok ng kaniyang puso na akala mo ay galing siya sa marathon. Napalunok siya ng madiin habang pinagpapawisan na siya ng malapot kahit pa na malamig sa lugar na kinalalagyan nila. “S-Stella m-magpapaliwanag ako—” napahinto sa pagsasalita si Ave ng sumingit si Ace. “Sino siya?” kahit hindi nakatingin kay Stella ay alam niya na siya ang kinakausap nito. “A-Ah s-siya si—” muli ay hindi natapos ang kaniyang sasabihin ng si Princess naman ang magsalita. “Ikaw ba ang daddy
“P-Princess?” napalingon sila si Daniel at Philip sa tinitignan at tinawag ni Athena na Princess “Lola!” agad na tumakbo papunta si Princess sa kinalalagyan ni Athena at niyakap ito ng sobrang higpit. Napalayo nalamang si Daniel dahil tingin niya ay kailangan na mag-usap ng dalawa. Lumapit siya sa gawi ni Philip habang sila Lucas at Harris ay nagtataka kung sino ito. Habang si Ava naman ay nagulat ng makita doon si Agent E, dalawang beses niya palang itong nakikita at hindi niya akalain na kasa-kasama pala ito ni Stella lalo na ang lolang tinatawag ni Princess ay si agent Goddess. Napatingin sa kaniya si Philip at nginitian nito. “Tito Philip, sino po siya?” hindi na napigilan ni Harris ang magtanong kay Philip. “Siya ba? Siya si Daniel, ang ama ni Ace.” Nanlaki ang mata ng dalawang lalaki at nagpakilala naman sa kanila si Daniel. “I’m Daniel Alcantara, nice to meet you both.” Seryosong sabi nito na ikinalunok nila. Alam na nila kung kanino nagmana si Ace. “K-Kaibigan po kami ni Ac
MABILIS na lumapit si Philip kay Ace dahil nagsisimula nang tumingin sa kanila ang mga taong nakikipaglamay. Ayaw niya na mag panic ang mag tao na nasa loob kung kaya hangga’t maaari ay itatago nila ang nangyayari. “’Wag mong isigaw Ace, maaaring malagay sa alanganin ang buhay ng lahat ng taong naririto kapag nag-panic sila.” Natigilan si Ace at napatingin sa mga tao na naroroon. Humarap si Philip sa harapan at doon kinausap niya ng mahina si Theo. “Theo gusto ko na kunin niyo ang plate number ng kahit isa sa sasakyan na dala nila. Kung maaari ay malagyan sana ng tracker ang isang kotse.” Tumango si Theo sa kabilang linya at binaba na ang telepono. “Theo tignan mo,” napatingin si Theo sa tinuro ng kaibigan at doon ay nanlaki ang mata ng makita si Eman kasama si Stella. “Patay na,” mahinang sabi nito at nakita na nagsilapitan ang mga tauhan ni Eman sa kanila upang i-assist papunta sa sasakyan nito. “Ellias, lumabas ka bilis. Ilagay mo itong tracker jan sa kotse na malapit lang.” tum
“SANDALI.” Napatigil si Eman sa paglapit kay Stella ng bigla siyang pigilan nito. “Ano nanaman?” medyo naiirita na tanong nito sa babae. “Hindi ba gusto mo itong katawan ko?” seryoso nitong sabi habang nag cross legs na para naming ikinatulo ng laway ni Eman at sunod-sunod na tumango. “Kung ganon paano ako? Hahayaan mo bang may tali ako?” Tinignan siya ni Eman at tila nalinawagan ito. “Tama ka nga naman,” lumapit ito sa kaniya at pumunta sa likod upang kalagan ang tali. Nakatingin lamang sa kanila si Mr.Chan na nag-aalala kay Stella. Si Stella naman ay nakaabang lang sa mga susunod na mangyayari, kapag kinalagan na siya ni Eman ay gagaiwn niya itong pagkakataon upang makalaya. Pero ang kaniyang plano ay agad na nawala ng agaran nitong itali ang dalawang kamay sa harapan niy. “Anong ginagawa mo?” tanong niya sa lalaki na ikinatingin nito sa kaniya habang nakangisi. “Hindi mo ako mauutakan, Stella.” Pinanliitan nalang niya ng mata si Eman at hindi na umarte pa ng itulak siya nito p