Naiiyak ako! Dalawang chapter nalang! Thank you so much!
“TANDAAN mo wife, wag kang kikilos hanggat hindi pa kami nakakapasok maliwanag?” seryosong sabi ni Ace sa earpiece kung saan lang sila maaaring mag-usap. Nag-aayos si Stella sa loob ng kaniyang sasakyan bago bumaba sa harapan ng mansion ng mga Del Rosario. Mayroong mga bantay sa gate ngunit pinapasok siya nito ibig sabihin siya ang target ni Eduardo at inaantay siya nito. Samantalang sila Ace naman ay nasa loob ng van kung saan nakakonnect sa kanilang dalang laptop ang mga CCTV sa loob na na-hack ni Diego. “’Wag kang mag-alala Alas, ayos lang ako. Bababa na ako,” mas naging seryoso ang nasa loob ng van, andoon si Ace, Lucas, Harris, Theo at Ellias. Sila ang may kakayanang lumaban kung kaya minabuti nilang sila nalamang ang papasok sa loob. Marami silang dalang mga baril at ilang armas para sa magaganap na labanan dahil nga sa plano nila ay naihanda nila ang lahat ng ito. Nasabihan na nila si Philip at siguradong papunta na nag mga ito ngayon upang tulungan sila kay Eduardo. Kit
“D-DITO Faith, umakyat ka bilis!” hinihingal na sabi ni Stella kay Faith nang dalhin niya ito sa likod nang Falls kung saan silang dalawa lang ni Ace ang nakaka-alam. Umuubo pa si Faith ng makaakyat sa kweba habang si Stella ay hindi na magawang maka-akyat pa dahil sa tama ng bala.“S-Stella! Halika tutulungan kita!” nang matauhan si Faith ay tinulungan niya ito at nakita nila ang gown niyang nababalutan pa ‘rin ng dugo dahil hindi ito tumitigil sa pag-agos. “K-Kailangan ko ng panali, punitin mo pa ang laylayan ng gown ko.” utos ni Stella sa kaibigan na ikinatango naman ni Faith.Si Faith na ‘rin ang nagtali niyon sa kaniya habang nakapikit ito at tila nanghihina na. “S-Stella, ‘wag mo akong iiwan ah! ‘Wag kang mawawala!” natatakot na sabi ni Faith na ikinatango ni Stella. “A-Ano ka ba, isang tama lang ‘to ng bala.” Natatawang sabi ni Stella.“Pero napuruhan ka kanina! Pagod na ang katawan mo!” tama si Faith, nararamdaman niya ano ‘mang oras ay babagsak na siya. Hindi kinaya ng katawan
“HOW could you do this Diego?!” Isang galit na galit na tinig ang gumising kay Stella at Diego mula sa kanilang pagkakahimbing. Kapwa sila nagulat ng makita ang pamilya na lalaki na sina Talia Del Rosario Alcantara, ang ina ni Diego. Daniel Alcantara, ang kaniyang ama at Faith Del Rosario Alcantara ang kaniyang nakababatang kapatid. Hinablot nito ang kumot na tumatabing sa kanilang dalawa at doon ay kitang-kita ang hubad na katawan nila kung kaya’t sabay nilang hinila pabalik ang kumot na iyon. “Mama! Stop!” pabalik na sabi ni Diego dito habang si Stella naman ay hindi mawari kung saan siya titingin kakahanap ng kaniyang damit. Hindi niya lubusang maisip kung paano sila humantong sa ganoong sitwasyon ng lalaki. Namumula na ang kaniyang muka sa kahihiyan at takot sa magulang ng lalaki lalo na kay Talia. Maya-maya ay nakita niyang lumapit sa kaniya si Faith Del Rosario Alcantara at iniabot ang kaniyang kasootan. “S-Salamat,” utal na sabi niya sa babae na ikinangiti lang nito sa kaniy
NAGLALAKAD si Stella sa gitna ng malawak na daanan na kung saan ay bibihira lamang ang mga dumadaan na sasakyan o di kaya bibihira lang ang bahay ang naroroon sa gilid ng kalsada. Siya ay nakatira sa Isabella at doon lumaki ngunit walang ibang nakakaalam na siya ay isang Montecarlos o ang nag-iisang anak ng Montecarlos.Kahit na ganoon nagawa niyang kabisaduhin ang bawat sulok na mayroon sa kanilang bayan dahil mayroon siyang kakayanan na madaling maka-alala sa mga bagay o lugar na unang beses palang niya na makita. Alam iyon ng dalaga kaya kahit na madilim na sa daan at tanging ilaw sa poste ang kaniyang gamit na kung minsan nga ay pundi pa ang ilaw ay hindi siya natatakot na maglakad mag-isa.Mayroon naman siyang naitabi na pera kung kaya’t nagbabalak siya na pumunta sa Maynila kung saan malayo doon lalo na at pinag-iinitan siya ng mga Del Rosario. Maya-maya ay mayroong huminto na mamahaling sasakyan sa kaniyang gilid kaya napayakap siya ng mahigpit sa kaniyang bag.“Wow! Kung sinusw
HINDI makapaniwalang nakatingin ang dalaga sa lalaki na mukang ikinatauhan din nito. Bigla nalamang namula ang tenga nito at nag-iwas sa kaniya ng tingin. “H’wag kang mag-alala dahil dito ako sa sala’s matutulog!” mabilis na sabi ng lalaki at naunang maglakad sa kaniya kaya wala siyang nagawa kung di ang sumunod dito. Binuksan nito ang nag-iisang pinto sa may parte papunta kusina at binuhay ang ilaw. Mayroong isang papag na siguradong pang isang tao lamang, mayroon na ding isang unan at kumot ang nasa ibabaw. Mayroong isang bintana na gawa lamang sa kahoy at tinutungkuran ng kahoy kapag binubuksan, kasing laki ito ng isang malaking kahon. Mayroon ding lamesa na maliit sa tabi ng higaan at mayroong mga libro sa ibabaw. “Pasensya kana sa libro, mahilig kasi akong magbasa kapag walang ginagawa.” Napatingin siya sa lalaki at umiling dito. Naglakad ito papunta sa higaan at ibinaba ang bag niya doon. “Ito na ang iyong magiging higaan. Wag kang mag-alala saakin dahil sanay ako sa ganoon,
NAKATULALA na nakatingin si Stella sa itaas ng bubog. Paulit-ulit na nag-iingay ang manok sa labas at alam niyang maaga na ngunit wala siyang ganang tumayo dahil naaalala niya ang nangyari kagabi. Naitakip niya ang kaniyang kamay sa muka at tahimik na sumigaw. Kung alam niya lang na gising ang lalaki edi sana ay hindi na siya naglakas loob na lapitan ito at bigyan ng kumot. Pabalang na napaupo siya sa papag at kinausap ang sarili. “Ano ka ba naman Stella! Tama ang ginawa mo dahil malamig doon!” sabi niya sa sarili na ikinahinto niya sandali at maya-maya ay napatango. “Tama, tama. Tama ang sinabi mo.” Pag sangayon niya sa sarili ngunit maya-maya pa’y muli siyang napasabunot sa buhok. “Hindi! Nakakahiya talaga!” ipinadyak pa niya ang kaniyang paa ngunit napahinto siya ng makarinig ng katok sa pinto. “Stella ayos ka lang ba jan? Bakit ka tumitili?” napa-upo siya ng tuwid at nanlalaki ang matang itinigil ang ginagawa. “A-Ayos lang ako! L-Lalabas na ‘rin ako!” kabado niyang sabi at dali
KITANG-kita ang paglagaslas ng tubig na nagmula sa falls na nakalilikha ng mumunting usok dahil sa pagtatagpo nito sa tubig na nasa ibaba. Naglilikha din ito ng malamig na simoy ng hangin habang ang paligid nito ay napapalibutan ng naglalakihang bato at mangilan-ngilan na ligaw na bulaklak at halaman. Naglakad siya papunta sa pinakang dulo ng lupa at isang hakbang nalang ay maaari na siyang tumalon sa tubig. “Gusto mong maligo?” napalingon siya sa kaniyang likod dahil doon. “Pwede ba?” nakangiti niyang sabi na ikinatango ng lalaki. “Syempre naman!” pagkasabi niyon ni Alas ay agad na siyang tumalon sa tubig at lumangoy doon. Nagtagal siya sa ilalim dahil kitang-kita niya ang ganda nito mula doon, sanay siyang lumangoy dahil natuto siya sa pagpuslit niya sa lugar na iyon. Maya-maya ay nakita niya si Alas na tumalon din at papalapit ito sa kaniya kaya agad siyang umahon. “Stella! Stella!” napakunot ang kaniyang noo ng tawagin siya ng lalaki na umahon kasabay niya. “Akala ko nalunod ka
“MAGPAPAHINGA na muna ako at magbibihis. Ikaw ‘din magbihis kana para hindi ka sipunin.” Mabilis na sabi ni Stella sa kaniya at agad na pumasok sa loob ng kwarto. Napatingin siya sa orasan na nasa ding-ding at tanghali na pala kung kaya’t naligo muna siya at nag luto ng makakain. Nagluto siya ng sopas tutal ay malamig. Pumunta siya sa pinto ng kwarto nito at kakatok na sana ngunit biglang pumasok sa isip niya ang tagpo na muntik na niyang halikan ito. Napailing siya dahil doon at agad na winaglit iyon sa kaniyang isip at kumatok sa pinto. “Stella, nakapagluto ako ng sopas, kumain na tayo.” Ilang minutong walang sumagot sa kaniya kung kaya’t binuksan niya ang pinto at nakita niya ito na mahimbing na natutulog. Napangiti siya dahil doon at sinara nang muli ang pinto. Hinayaan nalang ito na matulog at kumain siya ng mag-isa. Nang matapos siyang kumain ay mahihiga sana siya sa sofa ng biglang tumunog ang kaniyang telepono na nasa lamesa. Mayroon siyang touch screen na cellphone na bi