HINDI makapaniwalang nakatingin ang dalaga sa lalaki na mukang ikinatauhan din nito. Bigla nalamang namula ang tenga nito at nag-iwas sa kaniya ng tingin. “H’wag kang mag-alala dahil dito ako sa sala’s matutulog!” mabilis na sabi ng lalaki at naunang maglakad sa kaniya kaya wala siyang nagawa kung di ang sumunod dito. Binuksan nito ang nag-iisang pinto sa may parte papunta kusina at binuhay ang ilaw.
Mayroong isang papag na siguradong pang isang tao lamang, mayroon na ding isang unan at kumot ang nasa ibabaw. Mayroong isang bintana na gawa lamang sa kahoy at tinutungkuran ng kahoy kapag binubuksan, kasing laki ito ng isang malaking kahon. Mayroon ding lamesa na maliit sa tabi ng higaan at mayroong mga libro sa ibabaw.
“Pasensya kana sa libro, mahilig kasi akong magbasa kapag walang ginagawa.” Napatingin siya sa lalaki at umiling dito. Naglakad ito papunta sa higaan at ibinaba ang bag niya doon. “Ito na ang iyong magiging higaan. Wag kang mag-alala saakin dahil sanay ako sa ganoon, dati nga sa kalye ako natutulog.” Nakita niya na parang binabalikan ng lalaki ang munting ala-ala nito sa nakaraan habang nakangiti ng mapait.
“Maaari ba akong mag tanong?” napatingin ito sa kaniya dahil doon. “Oo, naman. Ano iyon?” nakangiti nitong sabi na ikinaiwas niya ng tingin at napahigpit ang kapit sa kaniyang kamay. “B-Bakit mo ako tinutulungan?” natahimik ang lalaki dahil sa kaniyang tanong at pagtingin niya dito ay mukang nagulat din ito sa tanong niya. “W-Wag mo sanang masamain, hindi mo ako kilala, hindi kita kilala. Kaya’t nagtataka ako.” Nag-angat ito ng tingin sa kaniya at ngumisi ng nakakaloko.
“Ikaw, bakit sumama ka saakin dito? Hindi ba’t hindi mo ako kilala? Hindi kaba natatakot na baka katulad ako ng mga lalaki kanina sa daan?” hindi niya inaasahan ang pagbabalik nito sa kaniyang tanong at para na siyang kiti-kiti na hindi mapakali sa kaniyang kinatatayuan. Nararamdaman na niya ang panlalamig ng kaniyang kamay. “A-Ah h-hindi ko alam,” kabado niyang sagot.
“Exactly!” nagulat siya sa pagsigaw nito at napatingin dito na nakangiti na. “Ang ibig kong sabihin tama ka, ganiyan din ako. Hindi ko alam, so isipin nalang natin na matagal na tayong magkakilala okay?” wala siyang nagawa kung di ang tumango sa lalaki at naglakad na ito papalabas ng kwarto. “Maiwan na muna kita para makapagpahinga ka. Kapag nagugutom ka lumabas ka at ipagluluto na kita.” Napalingon siya dito dahil doon at sasabihin sana na h’wag na ngunit naisara na nito ang pinto.
NAPABUNTONG hininga si Alas ng isara niya ang pinto ng kaniyang kwarto. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya sa isang babae lalo na hindi niya naman ito lubos na kakilala. Napapikit siya dahil doon at napasabunot sa kaniyang buhok, kauuwi niya lang galing sa kaniyang ama dahil kinausap siya nito. Isa pa iyon na kaniyang problema, ang kaniyang ama.
Ipinilig nalang niya ang kaniyang ulo at dumeretsyo sa kusina. Naglabas siya ng isang delata na hindi niya kinakain dahil binili iyon ng kaniyang ama at nagbuhay ng kalan upang igisa ito. Mabuti nalang at may natira pang kanin kung kaya’t hindi na niya kinakailangan pang mag saing. Nang matapos na niyang igisa ang corn beef na alam niyang mamahalin dahil bibihira lang ang taong nakakabili nito ay tinakpan niya ito sa lamesa pati ang kanin pagkatapos ay dumeretsyo siya sa sala at nahiga sa sofa.
Napatitig siya sa bubong ng kaniyang bahay at biglang naalala ang kaniyang ama. “Ace handa akong paaralin ka sa Maynila. Basta umalis ka lang dito at wag babalik hangga’t wala kang maipagmamalaki sa kanila.” Naipilig niya ang kaniyang ulo dahil doon. Aalis? Para saan, para maging masaya sila ng pamilya niya? Takbo sa isip ng lalaki na ikinakuyom ng kaniyang kamao.
“Hindi ako aalis hangga’t hindi ko nakikitang miserable ang buhay ng mga Del Rosario.” Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at dahil sa pagod ay hindi niya namalayang nakatulog na siya. Kasya naman siya sa sofa at malambot iyon dahil bili narin ng kaniyang ama kung kaya’t nakatulog siya agad. Ang kaibahan lang ay mas malamig doon kaysa sa kaniyang kwarto.
Isang oras ang lumipas at nakaramdam siya ng presensya na lumapit sa gawi niya. Pinakiramdaman niya muna ito dahil alam niya na ang babaeng pinatuloy niya sa kaniyang bahay iyon. Hindi pa niya natatanong ang pangalan nito, ngunit napahinto siya sandali ng maramdaman niya ang isang malambot na kumot na tumabing sa kaniyang buong katawan.
“Hindi pa ako nagpapasalamat sa’yo Alas,” mahinang sabi nito sa kaniya at mukang wala itong balak na gisingin siya. “Salamat sa pagtulong saakin, kung alam mo lang kung gaano ako katakot kanina.” Narinig niya ang buntong hininga nito at alam niyang aalis na ang babae kung kaya’t idinilat niya ang kaniyang mga mata at mabilis na hinawakan ang pulsuhan nito.
Nanlalaki ang matang napalingon pabalik sa kaniya ang babae na gusto niyang ikatawa ngunit pinigilan niya. “Walang ano ‘man binibini, ano ba ang iyong pangalan?” medyo kakaiba pa ang kaniyang boses dahil galing siya sa pagtulog. Nakita niya na napalunok ang babae bago sumagot.
“A-Ako si Stella,” napangiti siya dahil doon at binitawan na ang kamay nito’t niyakap ang kumot na ibinigay nito. “Ka’y gandang pangalan. Salamat sa kumo’t Stella.” Tumango lamang ito sa kaniya at mabilis na naglakad papunta sa kwarto. Napatawa pa siya ng napalakas ang pagsara nito ng pintuan, kitang-kita niya ang pamumula ng muka nito kanina.
“Stella, kay gandang pangalan.” Nakangiti niyang sabi at muli ng pumikit upang ipagpatuloy ang pagtulog.
NAKATULALA na nakatingin si Stella sa itaas ng bubog. Paulit-ulit na nag-iingay ang manok sa labas at alam niyang maaga na ngunit wala siyang ganang tumayo dahil naaalala niya ang nangyari kagabi. Naitakip niya ang kaniyang kamay sa muka at tahimik na sumigaw. Kung alam niya lang na gising ang lalaki edi sana ay hindi na siya naglakas loob na lapitan ito at bigyan ng kumot. Pabalang na napaupo siya sa papag at kinausap ang sarili. “Ano ka ba naman Stella! Tama ang ginawa mo dahil malamig doon!” sabi niya sa sarili na ikinahinto niya sandali at maya-maya ay napatango. “Tama, tama. Tama ang sinabi mo.” Pag sangayon niya sa sarili ngunit maya-maya pa’y muli siyang napasabunot sa buhok. “Hindi! Nakakahiya talaga!” ipinadyak pa niya ang kaniyang paa ngunit napahinto siya ng makarinig ng katok sa pinto. “Stella ayos ka lang ba jan? Bakit ka tumitili?” napa-upo siya ng tuwid at nanlalaki ang matang itinigil ang ginagawa. “A-Ayos lang ako! L-Lalabas na ‘rin ako!” kabado niyang sabi at dali
KITANG-kita ang paglagaslas ng tubig na nagmula sa falls na nakalilikha ng mumunting usok dahil sa pagtatagpo nito sa tubig na nasa ibaba. Naglilikha din ito ng malamig na simoy ng hangin habang ang paligid nito ay napapalibutan ng naglalakihang bato at mangilan-ngilan na ligaw na bulaklak at halaman. Naglakad siya papunta sa pinakang dulo ng lupa at isang hakbang nalang ay maaari na siyang tumalon sa tubig. “Gusto mong maligo?” napalingon siya sa kaniyang likod dahil doon. “Pwede ba?” nakangiti niyang sabi na ikinatango ng lalaki. “Syempre naman!” pagkasabi niyon ni Alas ay agad na siyang tumalon sa tubig at lumangoy doon. Nagtagal siya sa ilalim dahil kitang-kita niya ang ganda nito mula doon, sanay siyang lumangoy dahil natuto siya sa pagpuslit niya sa lugar na iyon. Maya-maya ay nakita niya si Alas na tumalon din at papalapit ito sa kaniya kaya agad siyang umahon. “Stella! Stella!” napakunot ang kaniyang noo ng tawagin siya ng lalaki na umahon kasabay niya. “Akala ko nalunod ka
“MAGPAPAHINGA na muna ako at magbibihis. Ikaw ‘din magbihis kana para hindi ka sipunin.” Mabilis na sabi ni Stella sa kaniya at agad na pumasok sa loob ng kwarto. Napatingin siya sa orasan na nasa ding-ding at tanghali na pala kung kaya’t naligo muna siya at nag luto ng makakain. Nagluto siya ng sopas tutal ay malamig. Pumunta siya sa pinto ng kwarto nito at kakatok na sana ngunit biglang pumasok sa isip niya ang tagpo na muntik na niyang halikan ito. Napailing siya dahil doon at agad na winaglit iyon sa kaniyang isip at kumatok sa pinto. “Stella, nakapagluto ako ng sopas, kumain na tayo.” Ilang minutong walang sumagot sa kaniya kung kaya’t binuksan niya ang pinto at nakita niya ito na mahimbing na natutulog. Napangiti siya dahil doon at sinara nang muli ang pinto. Hinayaan nalang ito na matulog at kumain siya ng mag-isa. Nang matapos siyang kumain ay mahihiga sana siya sa sofa ng biglang tumunog ang kaniyang telepono na nasa lamesa. Mayroon siyang touch screen na cellphone na bi
PAGKABALIK niya galing sa pagpapalit ng damit ay agad niya itong pinainom ng gamot at paulit-ulit na pinahidan ng bimpo na basa upang kahit papaano ay bumaba ang lagnat nito. “M-Mommy… wag niyo po akong iwan…” napatigil siya sa pagpupunas ng bigla itong magsalita habang natutulog. “M-Mommy… Daddy…” hindi niya mapigilan na maawa sa babae. Alam niya ang pakiramdam ng nag-iisa. Alam niya ang feeling ng mawalan ng pamilya kung kaya’t alam niyang masakit ito para sa babae. Pinagpatuloy niya ang pagpupunas niya sa babae ngunit lumipas ang ilang minuto ng magulat siya dahil bigla itong nanginig dahil sa sobrang lamig na nararamdaman. “S-Stella, Stella anong nangyayari sayo?!” tawag niya dito ngunit hindi nito magawang idilat ang kaniyang mga mata o di kaya ang sagutin manlang siya. “W-Wala po akong kasalanan!” napatigil siya ng magsalita nanaman ito. Alam na niya, binabangungot ang babae kung kaya’t nilamig siya ng ganoon lalo na at mataas ang lagnat nito. Gusto na niya itong dalhin sa
ITO ang unang pagkakataon na pupunta si Stella sa bayan para mag grocery. Kapag kasi si Abby ang kasama niya ay ibang lugar naman ang pinupuntahan nila, bar. Si Abby ang nag pakilala sa kaniya ng bar kung kaya’t natuto siyang uminom ngunit hindi siya ganoon kalakas sa alak kung kaya’t lasing na lasing siya ng may mangyaring gulo sa pagitan niya at ng mga Del Rosario. “Are you okay?” napalingon siya kay Alas dahil nagsalita ito at kinunutan niya ng noo. “Sorry—I mean, patawad. Ang sabi ko, kung ayos ka lang?” napangiti siya dahil sa sinabi nito at tumango sa lalaki. “Ito kasi ang unang beses na mamimili ako ng sariling pagkain.” Binigyan siya nito nang natutuwang reaksyon ng sabihin niya iyon. “Seryoso?” tumango siya dito. “Well, that’s good!” muli ay tinignan niya ng kakaiba ang lalaki na tila isa itong kakaibang nilalang sa mata niya. “Ang sabi ko maganda ‘yan. Alam mo dapat siguro mag-simula tayo sa mga basic English words.” Panaka-nakang tingin ang ibinigay ni Alas sa kaniya dah
“GUSTO mo bang tulungan kita magbuhat ng ref Alas?” napangiti siya sa tanong ng babae at umiling. “Hindi pwede, mabigat ito. Ipasok mo nalang sa loob ang mga pag-kain natin.” Tumango sa kaniya ang babae kaya napangiti habang umiiling siya dito. Nang maipasok niya sa loob ang ref ay nakita niya si Stella na nag-aayos ng mga delata. “Stella,” napalingon ito sa kaniya at ngumiti na ikinatigil niya. Hindi niya alam kung bakit sa tuwing ngumingiti ang babae sa kaniya ay napapangiti din siya at parang mayroong mga paro-paro sa kaniyang tiyan. “Ayos ka lang ba Alas?” napakurap siya dahil sa sinabi ng babae at hindi niya napansin na andito na pala sa harapan niya. “A-Ah oo, sasabihin ko lang sana na tuturuan na kitang mag basa mamaya ng ingles at magsulat.” Biglang nagkaroon ng ngiti sa muka ni Stella dahil doon na lalo niyang ikinahinto dahil lalong gumanda ang babae. “Talaga?! Sige, bibilisan ko na dito!” malaki ang ngiti sa muka ng babae pagkasabi niya niyon kung kaya’t nag presinta na
“STELLA!” Nagulat siya ng marinig ang malakas na pagtawag sa kaniya ni Alas kung kaya’t dali-dali niyang iniwan ang libro na hawak dahil baka kung anong ang nangyari sa lalaki. Pagbukas niya ng pinto ng kwarto ay nakita niya ang masamang muka nito at nang magtagpo ang kanilang mata ay sobrang sama nito kung makatingin kung kaya’t napaatras siya dahil doon. “A-Alas, nakauwi kana pala.” Pinipilit niyang ngumiti sa harapan ng lalaki dahil sa takot dito. Ngunit hindi niya inaasahan ang mabilis na paglapit nito sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang magkabilang braso. “Sino kaba talaga Stella?!” bigla siyang nakaramdam ng takot sa lalaki dahil doon lalo na sa higpit ng pagkakakapit nito sa kaniyang braso. “N-Nasasaktan ako A-Alas,” pagpupumiglas niya ngunit hindi siya pinansin ng lalaki. “Talagang masasaktan ka saakin!” natigilan siya sa isinigaw nito sa kaniyang muka. Kitang-kita niya na iba na ang itsura nito doon sa Alas na nakilala niya isang linggo na ang nakakaraan. “Sa
PALAKAD lakad si Stella sa malawak na daanan sa bayan nila habang nakatulala at walang pakialam sa kaniyang paligid. Para siyang isang garapon na walang laman dahil pakiramdam niya ay wala ng natitirang lakas sa kaniyang katawan. Kusang tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata at hindi siya nag-abalang pahidan iyon. “Akalain mo nga naman ang pagkakataon,” nakarinig siya ng nagsalita sa kaniyang gilid at nakita niya na mayroong isang lalaking pababa ng kaniyang kotse at nanlaki ang mata niya ng makilala iyon. Ito ‘yung lalaking kinagat niya at muntik na siyang kunin kasama ang mga kaibigan nito. Tatakbo na sana siya palayo ngunit agad nitong nahawakan ang kaniyang kamay. “Saan ka pupunta?” nakangisi nitong sabi sa kaniya. “B-Bitawan mo ako!” mahina ngunit takot na sabi niya sa lalaki. Dahil nga nanghihina siya ay hindi niya magawang magpumiglas sa lalaki. “Not ever again. Sumakay ka, may utang ka pa saakin.” Wala siyang nagawa ng ipasok siya nito sa loob ng sasakyan nito at bumalik it