MABILIS ang kaniyang takbo papalayo sa bahay na pinagmulan nila kanina. Alam niya na hindi siya titigilan ni Alas at hahabulin ito ng hahabulin kung kaya’t ginagawa niya ang kaniyang makakaya upang hindi siya nito maabutan. Takot na ang nadarama ng dalaga para sa binata hindi tulad noon na tuwang-tuwa siya kapag nakikita niya ito. Ang lahat ng iyon ay biglang naglaho sa isang kisap mata. “A-Aray!” napadapa siya dahil doon at ang polo na ibinigay sa kaniya ng lalaking kumuha sa kaniya kanina ay isinuot niya dahil punit na ang kaniyang damit. Hindi niya alam kung saan ang tungo ng kaniyang tinatakbuhan basta ang gutso niya ay makalayo kay Alas. Maya-maya ay nakakita siya ng kalsada sa dulo ng kaniyang tinatakbuhan kung kaya’t mas binilisan niya ang takbo. Nang makalabas sa kalsada ay laking gulat niya ng sumalubong sa kaniya ang tunog ng busina ng isang kotse. Kusa siyang napaupo sa sahig at inintay ang pagtama nito sa kaniyang katawan. Ngunit ilang sandali ang kaniyang inintay ay
“BAKIT galit sayo si madam Talia?” biglang usisa sa kaniya ng mayordoma ng makapasok siya sa loob ng kusina. Napayuko naman siya dahil doon at hindi makasagot. “H’wag mong sabihin na ikaw yung babaeng kasama ni sir Diego sa news?!” mas lalo siyang nanliit dahil sa sinabi ng matanda at hindi alam kung saan lulugar. “Wag kang mag-alala hija, hindi ka naming huhusgahan. Magtiwala ka lang saamin at mag kwento.” Napaangat siya ng tingin dito at nakita niya ang kasamahan niya na tumango maliban sa isang lalaki, habang nakangiti kaya biglang gumaan ang kaniyang pakiramdam. Sa dirty kitchen sila kumakain kung saan mayroong hapagkainan para sa kanilang mga katulong, body guards at mga bantay sa bahay. Mula sa dirty kitchen papasok sa pinakang loob ay kanilang perte lalo na at walang ibang amo na pumapasok doon maliban kay Faith na alam nilang mabait na bata. Ang katulong doon ay nasa tatlo, pang apat siya at ang dalawa ay may sakit kung kaya’t dalawa lang sila na andodoon. Ang body guards
“HALIKA, tignan mo itong mga larawan na ito.” Nakangiting sumunod si Stella kay nanang Lili at kinuha ang isang lalagyan ng sapatos kung saan andoon sa loob ang mga litrato na ubod ng dami. “Kung hindi ako nagakakamali ay mayroon ditong dalawang litrato, litrato namin at litrato niya.” Muling dagdag ng matanda at hinanap niya iyon. Napakaraming litrato ng matanda na siya uso pa noong nakaraang panahon, ang mga developed na litrato. “Ito ho ba?” Mayroon siyang kinuhang isang litrato ngunit umiling ang matanda sa kaniya kaya naghanap pa ito doon. Maya maya ay napahinto siya ng mayroon siyang makitang dalawang dalaga sa isang litrato at kamukang-kmuka niya ang isa. “M-Mommy...” nag-init bigla ang kaniyang mga mata dahil doon na ikinatingin sa kaniya ng matanda. “Ayan! Iyan ang iyong ina Stella, sabi ko sayo kamuka mo siya.” Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya dahil doon. Sa tanang buhay niya ay ngayon niya lamang nakita ang itsura ng kaniyang ina. Kung tutuusin ay hindi
NAPABUNTONG hininga nalang si Stella ng makapunta siya sa kwarto nila at nagpasyang matulog nalamang kaysa isipin ang nangyari buong araw. Ayos na sa kaniya ang katotohanan na tinanggap siya ng pamilya ng mga ito kung kaya’t makakahinga na siya ng maluwag. Kinabukasan ay ginising siya ni Rea dahil mayroon daw mahalagang panauhin ang mga ito kung kaya’t nag-luluto na sila para sa tanghalian. Kapag ganoon na may okasyon ay hindi na nakakapag umagahan ang pamilya nila Faith dahil sa sobrang busy. Lumipas din ang halos limang oras at hindi pa niya nakikita si Faith maging ang ibang amo nila. “Ang balita ko ay fiancé daw ni si Diego ang pupunta!” biglang dating ni Rea sa loob ng kusina na ikinatigil niya sa pagluluto. Siya narin kasi ang nagluluto dahil hindi n akaya ni nanang, taga payo nalamang ito at utos sa kanila. “Fiancé? Eh hindi ba ikaw ang nadisgrasya Stella?” biglang sabi ni Mario na nanonood sa kaniyang niluluto. Ang sabi pa nga niya ay daig pa niya ang anak nitong babae an
“STELLA ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong sa kaniya ni Rea ng pumasok ito sa kanilang silid. Tumango lamang siya dito kahit na alam nitong hindi dahil umiiyak siya. Hinayaan nalang siya ng babae at sila na ang nagasikaso sa mga Del Rosario. Inabot ng isang oras si Stella kakiyak at ng siya ay mapagod nahiga sa higaan at napatulala sa itaas ng double deck na higaan. Bumabalik sa kaniyang isipan ang sinabi ni Don Enrique, ang akala niya au mabait na tao ito ngunit hindi pala nagkakalayo ang ugali nila ng kaniyang anak. ‘’Ang Del Rosario ang siyang pumatay sa magilang mo!” Naalala niya ang sinabi ng tiyo at tiya niya ngunit agad niyang ipinilig ang ulo dahil wala silang matibay na ebidensya. Ayaw niyang mambintang kung kaya’t ipinikit nalang niya ang mga mata at hinayaan na makatulog ang sarili. *** Nagising siya gabi na at tulog na si Rea sa kabilang double deck na katapat ng higaan nila. Sa baba kasi siya natutulog at sa itaas ang dalawang kasama pa nilang may sakit. Nakar
MAAGANG nagising si Stella at natuwa siya ng hindi nagmaga ang kaniyang mata ng makita ang sarili sa salamin. Sinermunan siya ni Oliver kagabi at pinatulog kaagad. Habang naglilinis siya sa sala hagdan ay sinadyang apakan ni Elise na dito na nanunuluyan dahil Fiancé naman daw ito ni Diego, kaya napadaing siya dahil doon. “Opss! Sorry, diko nakita ang kamay mo.” Hindi nalang niya pinansin ang babae at hinilot nalamang ng kaunti ang kamay. Nakatakong si ito kaya masakit ang pagkakatama nito ngunit hinayaan nalang niya. Dumating ang alas dyes ng umaga ng bigla siyang makarinig ng sigawan sa may gilid ng mansion papunta sa malawak na lupain sa may kwadra kung kaya’t naglakad siya papunta doon. “Tumawag kayo ng doctor! Bilisan niyo! Faith! Faith!” sigaw na sabi ni Daniel Alcantara sa kaniyang anak na nakahiga sa sahig at pawisan na tila pawala na ang ulirat. “OMG tito! Anong nangyari?!” sugaw na sabi ni Elise na nasa tabi ng mga ito. “Nakagat siya ng ahas! Magpatawag kayo ng doctor bi
PABALIK balik si Stella sa kanilang kwarto habang ang mga ito ay pinagsisilbihan ang mga Del Rosario na kumakain. Akam niya at sigurado siya na hindi si Diego ang ama ng bata, alam niya dahil katawan niya ito. Nagbunga ang isang gabi nila ni Alas! Hindi maipaliwanag na tuwa ang kaniyang nararamdaman dahil doon at gustong-gusto na niya itong sabihin sa lalaki ngunit wala naman ito doon. Lalabas na sana siya ng silid ng biglang pumasok si Faith doon at nagulat din ng makita siyang nakatayo. “Stella!” Agad siya nitong niyakap na ikinagilat niya ngunit niyakap nalang din niya ito. Maya-maya ay nagulat siya ng umiyak ito sa balikat niya.”S-Salamat! Salamat Stella! Hindi ko alam ang gagawin ko kung sala ka! Sobrang laki ng naitulong mo saakin! Iniligtas mo ang buhay ko!” napangiti siya dahil sa sinabi nito at umiling. “Ano kaba Faith, tutulungan kita hanggang sa makakaya ko dahil iyon lamang ang paraan na alam ko upang masuklian ang lahat ng pagtulong mo saakin.” Nakangiti niyang sabi
NGAYON ang araw ng kasal ni Diego at Elise kung kaya’t maging siya ay busy sa olanong gagawin. Hindi siya pinagtatrabaho dahil nga sa siya ay buntis ngunit siya naman iyo’y hinahanap si Daniel na kaniyang huling pag-asa. Gusto niya itong makausap dahil alam niya na ito ang huling paraan para makaalis siya sa Del Rosario lalo na at anak nito ang ama ng dinadala niya. Sakto na nakita niya ito papunta sa kwadra na mukang titignan ang mga kabayo nito, namana dito ni Alas ang pagiging mahilig sa mga hayop lalo na sa kabayo. Agad siyang tumakbo papunta dito at tinignan kung may makakakita ba sa kanila at ng wala ay agad siyang pumasok sa loob. “S-Sir Daniel!” napalingon ito sa kaniya at nagawa pa niyang yumuko dito kahit kabadong-kabado siya. “Stella, ano ang ginagawa mo dito?” napaangat siya ng tinigin dito dahil doon. “S-Sir please sabihin mo po kay Alas na wag niya akong iwan. Tulungan niyo po ako na umalis dito!” biglang nawala ang emosyon nito sa muka dahil sa kaniyang sinabi. “Pw