“STELLA ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong sa kaniya ni Rea ng pumasok ito sa kanilang silid. Tumango lamang siya dito kahit na alam nitong hindi dahil umiiyak siya. Hinayaan nalang siya ng babae at sila na ang nagasikaso sa mga Del Rosario. Inabot ng isang oras si Stella kakiyak at ng siya ay mapagod nahiga sa higaan at napatulala sa itaas ng double deck na higaan. Bumabalik sa kaniyang isipan ang sinabi ni Don Enrique, ang akala niya au mabait na tao ito ngunit hindi pala nagkakalayo ang ugali nila ng kaniyang anak. ‘’Ang Del Rosario ang siyang pumatay sa magilang mo!” Naalala niya ang sinabi ng tiyo at tiya niya ngunit agad niyang ipinilig ang ulo dahil wala silang matibay na ebidensya. Ayaw niyang mambintang kung kaya’t ipinikit nalang niya ang mga mata at hinayaan na makatulog ang sarili. *** Nagising siya gabi na at tulog na si Rea sa kabilang double deck na katapat ng higaan nila. Sa baba kasi siya natutulog at sa itaas ang dalawang kasama pa nilang may sakit. Nakar
MAAGANG nagising si Stella at natuwa siya ng hindi nagmaga ang kaniyang mata ng makita ang sarili sa salamin. Sinermunan siya ni Oliver kagabi at pinatulog kaagad. Habang naglilinis siya sa sala hagdan ay sinadyang apakan ni Elise na dito na nanunuluyan dahil Fiancé naman daw ito ni Diego, kaya napadaing siya dahil doon. “Opss! Sorry, diko nakita ang kamay mo.” Hindi nalang niya pinansin ang babae at hinilot nalamang ng kaunti ang kamay. Nakatakong si ito kaya masakit ang pagkakatama nito ngunit hinayaan nalang niya. Dumating ang alas dyes ng umaga ng bigla siyang makarinig ng sigawan sa may gilid ng mansion papunta sa malawak na lupain sa may kwadra kung kaya’t naglakad siya papunta doon. “Tumawag kayo ng doctor! Bilisan niyo! Faith! Faith!” sigaw na sabi ni Daniel Alcantara sa kaniyang anak na nakahiga sa sahig at pawisan na tila pawala na ang ulirat. “OMG tito! Anong nangyari?!” sugaw na sabi ni Elise na nasa tabi ng mga ito. “Nakagat siya ng ahas! Magpatawag kayo ng doctor bi
PABALIK balik si Stella sa kanilang kwarto habang ang mga ito ay pinagsisilbihan ang mga Del Rosario na kumakain. Akam niya at sigurado siya na hindi si Diego ang ama ng bata, alam niya dahil katawan niya ito. Nagbunga ang isang gabi nila ni Alas! Hindi maipaliwanag na tuwa ang kaniyang nararamdaman dahil doon at gustong-gusto na niya itong sabihin sa lalaki ngunit wala naman ito doon. Lalabas na sana siya ng silid ng biglang pumasok si Faith doon at nagulat din ng makita siyang nakatayo. “Stella!” Agad siya nitong niyakap na ikinagilat niya ngunit niyakap nalang din niya ito. Maya-maya ay nagulat siya ng umiyak ito sa balikat niya.”S-Salamat! Salamat Stella! Hindi ko alam ang gagawin ko kung sala ka! Sobrang laki ng naitulong mo saakin! Iniligtas mo ang buhay ko!” napangiti siya dahil sa sinabi nito at umiling. “Ano kaba Faith, tutulungan kita hanggang sa makakaya ko dahil iyon lamang ang paraan na alam ko upang masuklian ang lahat ng pagtulong mo saakin.” Nakangiti niyang sabi
NGAYON ang araw ng kasal ni Diego at Elise kung kaya’t maging siya ay busy sa olanong gagawin. Hindi siya pinagtatrabaho dahil nga sa siya ay buntis ngunit siya naman iyo’y hinahanap si Daniel na kaniyang huling pag-asa. Gusto niya itong makausap dahil alam niya na ito ang huling paraan para makaalis siya sa Del Rosario lalo na at anak nito ang ama ng dinadala niya. Sakto na nakita niya ito papunta sa kwadra na mukang titignan ang mga kabayo nito, namana dito ni Alas ang pagiging mahilig sa mga hayop lalo na sa kabayo. Agad siyang tumakbo papunta dito at tinignan kung may makakakita ba sa kanila at ng wala ay agad siyang pumasok sa loob. “S-Sir Daniel!” napalingon ito sa kaniya at nagawa pa niyang yumuko dito kahit kabadong-kabado siya. “Stella, ano ang ginagawa mo dito?” napaangat siya ng tinigin dito dahil doon. “S-Sir please sabihin mo po kay Alas na wag niya akong iwan. Tulungan niyo po ako na umalis dito!” biglang nawala ang emosyon nito sa muka dahil sa kaniyang sinabi. “Pw
APAT na araw ng walang kain si Stella, kung hindi lang umuulan ay malamang na patay na siya nang dahil sa uhaw. Hinang-hina na ang kaniyang katawan at tingin niya ay hindi na niya kakayanin pang tumayo manlang. Naalala niya si Alas, muntik na siyang mahulog sa puppy love dahil sap ag-aakalang si Diego ang gusto niya. Iniisip niya kung nasaan na ab ito ngayon at kung anon a nag ginagawa, gusto niya itong makita at makasama ngunit ang huli niyang balita dito ay hindi na makontak ng ama nito. Naramdaman niya na mayroong nagbubukas ng pinto matapos ang napakaraming araw. “S-Stella! Stella!” Napadilat siya dahil doon at naaninag niya ang isang babae na tumatawag sa kaniyang pangalan. Nang luminaw iyon ay namukaan niya si Faith. “F-Faith,” umiiyak na ito sa kaniyang harapan at tinulungan siya nitong makaupo. “Uminom ka Stella, heto.” Kusang bumuka ang kaniyang labi dahil doon at sa unang pagkakataon ay nakainom na din siya ng totoong tubig. “S-Salamat,” mahina niyang sabi na lalong i
NAGISING siya sa isang hindi kilalang kwarto na mayroong kakaibang desensyo. Hindi niya mawari kug kulambo o design ang nakikita niya sa itaas. Inilibot niya nag kaniyang paningin at doon ay nakita niya ang kabuuan ng kwarto at kulay gray and white ito. Ang kumot na nakatabing sa kaniya ay kulay brown. Mayroong malaking salamit sa may gilid at lames ana mayroong libro sa ibabaw. Mayroon pang isang cabinet na puro libro ang nakalagay na parang kay ganda sa kaniyang mata ngunit kailangan niya muna alamin kung nasaan siya. Sakto na pagupo niya ay ang pagpasok ng isang babae na nakasoot ng dress kahit na nasa bahay. “Mabuti naman at gising kana,” natatandaan niya ang bose nito at iyon ang boses ng babaeng mataray na may-ari ng kotse. Tama nga siya na may pagkamataray ang muka nito ngunit maganda. “Ako si Athena Devillian.” tanong nito sa kaniya habang ito ay naupo sa tabi niya at sinubuan siya ng dala nitong sopas. “Kumain ka, hindi magandang hindi makakain ang bata sa tiyan mo.” Nat
4 YEARS LATER “Alam mo ba kung ano ang status ni White Angel?” Bulong na sabi ng isang agent na nanonood kay Stella na nag sasanay sa gitna ng kanilang Gym. Halos lahat ng mga kasabayan nito na magsanay kanina ay umalis na dahil sa pagod ngunit ito ay tuloy tuloy parin. “Hindi mo ba alam? May anak na si White Angel pero hindi pa niya ipinapakita sa team.” Gulat na napatingin ang lalaki sa kausap nito “S-Seryoso?!” tumango ito sa kaniya ngunit napahinto sila ng marinig nila ang malakas na pagsuntok ng babae sa punching bag at napatingin dito. “N-Narinig niya ba tayo?” gulat na sabi ng nagtatanong na lalaki na ikinaatras din ng kasama niya dahil bigla nalamang lumingon ang babae sa kanila. “Hindi ko alam, umalis nalang tayo dito! Balita ko may kapangyarihan ‘yan!” agad na tumakbo palabas ang dalawa dahil sa takot sa dalaga. Si Stella naman na nakatingin sa mga ito ay napailing dahil doon. Gusto niyang matawa tungkol sa mga balitang kumakalat na mayroon siyang kapangyarihan gayo
PAGKARATING niya sa bahay ay agad siyang sinalubong ni Princess na ikinangiti niya ng malaki. “Mommy!” kapag kaharap niya si Princess ay nag-iibang tao siya ngunit kapag ibang tao ay para itong walang emosyon na halos hindi mo manlang mapapatawa kahit nakakatawa na. Minsan ay tinanong siya ng anak kung bakit siya ganoon makitungo sa ibang tao ngunit ang sinasagot niya lang upang hindi siya maloko ng mga ito. “Hello there my Princess,” niyakap siya ng bata hindi pa siya nakakapasok sa kanilang bahay. Si Princess ang nagsisilbing gamot niya sa tuwing nagkaroon siya ng mahirap na mission. Naalala niya noon na napuruhan siya kung kaya’t si Princess mismo ang nagbantay sa kaniya. Sa edad na apat na taon ay marunong na ang bata sa gawaing bahay at matatas na ang dila sa pakikipag-usap. Kapag ganoon naman na napuruhan siya o may sugat ay siya mismo ang nagpapagaling sa sarili, uuwi lang siya at itutulog ang sakit. Hindi siya nag te-take ng pain killer upang maramdaman niya ang sakit ng na