Share

Chapter One Hundred-Ten: News

“MOMMY?”

Sumilip si Princess sa loob ng kwarto ni Stella at Ace at doon ay nakita niya ang kaniyang in ana nakaupo sa isang single sofa na nakaharap sa bintana kung saan nakatingin ito doon na tila napakalayo ng tinatanaw. Pumasok ito sa loob at naglakad papalapit sa ina.

“Ang sabi po ni daddy hindi ka pa kumakain.” Mahinang sabi nito kay Stella ngunit wala siyang natanggap na sagot. Napabuntong hininga si Princess, dalawang linggo na ang nakakalipas magmula ng ilibing si Ava at dalawang linggo na ‘rin ang nakalilipas magmula ng mawala ito sa kanila.

Dalawang linggo na ‘ring ganoon si Stella, tahimik. Hindi makausap ng maayos, hindi kumakain ng maayos at palaging nakatulala. Lahat ng mga nakapaligid sa kaniya ay nag-aalala na lalo na ang kaniyang mag-ama. Hindi nila alam kung anong kausap ang gagawin nila kay Stella para matauhan ito na hindi niya kasalanan ang lahat.

Lahat sila ay nalungkot sa pagkawala ni Ava ngunit mas nalungkot sila nang unti-unti na ‘ring nawawala sa kanila s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status