Hi Kimmie's! Sorry super late na ng update ko for today pero hinabol ko talaga, btw magkakaroon ng new book cover ang story nila Stella at Ace na sigurado akong magugustuhan niyo dahil sakto sa characters nila so wait lang natin ang approval! Btw gusto kong mag thank you kina ate Cristy Pablo, Enaiz Azier, at Norie Arban Morgad sa walang sawang pagsuporta at sa pagbibigay ng gems! Kayo po ang dahilan kung bakit nasa top Four sa gems ranking ang story nila Stella! Sobrang happy ko po. Super thank you sa inyo! Love lots!
STELLA NAGISING ako ng kusa mula sa pagkakatulog at pagtingin ko sa aking mga katabi ay mahimbing pa ‘rin ang kanilang pagkakatulog. Napailing pa ako ng makitang magkayakap ang dalawa, kahit hindi halata saakin ay masaya ako para sa kanilang mag-ina dahil kahit papaano ay bumalik ang ala-ala ni mama. Kahit pa na walang kasiguraduhan kung hanggang kalian ang ala-ala niya na iyon. Tumayo na ako mula sa higaan at lumabas ng kwarto. Kailangan ko ng mag-luto at kailangan ko na ding asikasuhin ang pagpunta sa states, hindi lang iyon ang kailangan kong gawin kaya kailangan kong mag-double time. Paglabas ko ng kwarto ay naramdaman ko ang presensya ni Abby, hanggang ngayon ay napapaisip ako kung sadya ba o hindi sadya ang pagkikita naming dalawa. Hindi ko pinansin si Abby at nagpatuloy sa paglakad papunta sa baba ngunit hindi ito nakuntento dahil hinawakan niya nag baraso ako kaya napahinto ako sa paglalakad. “Mag-usap tayo Stella.” Napalingon ako sa kaniya dahil doon at tinaasan siya ng
“WELCOME to united states madam.” Tumayo na ako sa aking kinauupuan dahil sa narinig na sinabi ng pilot. Kusa nang bumukas ang pinto at agad na isinuot ang shades ko dahil sa sobrang tirik ng araw. Maaga ngayon sa states kaya malamang na gabi na sa Pilipinas. Siguradong hindi ako makakauwi agad kaya nag text nalag ako kay Ace na hindi ako uuwi ng ilang araw. Pagbaba ko ay may naka-abang nang kotse para saakin. Alam na nila kung saan pupunta dahil siguradong naayos n ani Vanessa ang lahat, siya na ‘rin ang nag book ng meeting para saamin ni Daniel. Napagkaalaman ko na mayroon itong negosyo dito sa states na malamang ay sa mga Del Rosario. Dumeretsyo kami sa isang mamahaling restaurant, sinigurado talaga ni Vanessa na nasa maayos kaming lugar. Pagdating ko doon ay wala pa si Daniel, sabagay masyado pang maaga at dahil kumain naman ako sa jet ay hindi muna kao u-morder at sinabing iintayin ko muna ang aking ka-meet up. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakita ko nang pumasok ang isan
~22 YEARS, AGO~ “SA ayaw at sa gusto mo pakakasalan mo ang nag-iisa kong anak na si Talia!” Nanghihinang bumalik si Daniel sa kanilang tinitirhan ni Athena at nang anak nilang si Alas na limang taong gulang palamang. Hindi maalis sa kaniyang isipan ang sinabing iyon ni Don Enrique matapos na ipatawag siya nito sa Hacienda Del Rosario. Isang araw palang ang lumipas ng makapag-usap sila ni Talia dahil naging magkaibigan silang dalawa ng siya ay mag trabaho sa mga Del Rosario. Nalaman niya na nagdadalang tao si Talia sa hindi niya kilalang lalaki at ngayon na nalaman ni Don Enrique ang katotohanan na tinakbuhan ito ng nakabuntis sa anak ay siya na kalapit ng anak nito ang pinagdiskitahan ng matanda. Ibinigay sa kaniya ang tungkulin na hindi naman niya dapat gawin lalo na at may sarili na siyang pamilya. “Mahal! Tila napa-aga ata ang uwi mo ngayon ah?” Napatingin siya kay Athena na sumalubong sa kaniya kapag pasok palang sa kanilang munting tahanan. Gawa iyon sa kahoy ngunit mati
NAGISING si Daniel sa kaniyang pagbabalik tanaw sa nakaraan ng bigla nalamang tumunog kaniyang cellphone na maging ito ay naihagis niya sa kung saan. Dali-dali niyang hinanap kung saan ito nagmumula at ng makita na si Don Enrique ang tumatawag ay agad siyang napaayos ng tayo at seryoso. Mabilis niyang inayos ang sarili at maging ang boses pagkatapos ay sinagot ang tawag. “Hello, papa.” Pagbati niya sa matanda. “Narinig ko na nag set ng meeting at nakausap mo kanina ang may ari ng MonReal, Daniel. Bakit hindi mo sinabi saakin?” salubong na sabi nito sa kaniya. Ganito madalas ang kanilang usapan ng matanda, kung hindi siya pinapagalitan at inuutusan ay purong negosyo lamang. Alam niya na hindi siya gusto ni Don Enrique at ganoon din siya. Nang dahil dito ay nasira ang kaniyang buhay. “Sasabihin ko palang sa’yo papa.” Kalmado niyang sabi. “Anong sabi? Tinanggap mo ba ang alok niya?” sunod-sunod na tanong nito. “Hindi papa—” hindi natapos ang kaniyang sasabihin ng biglang sumigaw ang
HINDI makapaniwalang nakatingin si Abby kay Stella na karating lang. Hindi nagdalawang isip na pumunta sa gawi ng mga ito at pabalang na kinuha niya ang kamay na nakahawak sa buhok ni Athena. “Ang kapal ng muka mo na saktan si mama!” simpal niya ang pisnge ni Abby na siyang ikinabagsak nito sa damuhan. “Akala mo ba matatakot ako sa mga bantam o Abby?! Baka nakakalimutan mo na napakalaki ng kasalanan mo saakin kaya hindi ako magdadalawang isip na sipain ka palabas ng bahay namin!” Nanlalaki ang mata ni Athena habang nagsasalita ito. Habang si Abby naman ay napahawak sa kaniyang pisnge na mukang namanhid dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal ng dalaga. Tinignan niya ng masama si Stella na ngayon ay inaalalayan na si Athena na tumayo habang nakatalikod kaya ginawa iyong pagkakataon ni Abby upang hablutin ang buhok ni Stella. At dahil nga busy si Stella sa pag aasikaso kay Athena ay hindi niya napansin ang gagawin sa kaniya ni Abby at nagulat nalamang ng maramdaman niya ang buhok na
LUMIPAS ang ilang oras at naiwan sa living room sila Stella, Athena at Abby dahil mayroon lamang daw aasikasuhin si Ace sa itaas kung kaya napatingin si Stella kay Athena at tumango ito sa kaniya. “Stella, makikikuha mo nga ako ng tubig nauuhaw na ako e,” tumayo agad si Stella dahil doon habang si Abby ay hindi pinansin ang mga ito dahil busy sa panonood. Pagkakuha ni Stella ng tubig ay agad siyang dumeretsyo sa living room. Ngunit ng malapit na siya kay Abby ay sinadya na magpakapatid kunwari dahilan upang tumapon ang dala niyang tubig sa dalaga. “What the fvck?!” gulat na sigaw ni Abby at napatayo dahil doon. Sakto naman na kabababa lang ni Ace galing sa taas at nakita niya ang pagkakapatid ni Stella. “Wife!” napatingin si Abby sa hagdan at nakita niyang dali-daling tumakbo si Ace papunta sa asawa at inalalayan ito na tumayo. “Hindi ko akalain na madadapa ako, sorry Abby.” Ngisi na sabi nito kay Abby. Nangigigil si Abby dahil alam niya na sinadya ito ni Stella. “Aksidente ang nan
STELLA “HELLO Theo,” napatingin ako sa bintana sa palihim na paraan upang tignan kung anong ginagawa nila Theo at Ellias na matyagang nagbabantay sa labas ng aming bahay. Hindi naman sila maghapon na naroon hinula ko, sadyang tuwing umaga at gabi ko sila nararamdaman kaya tingin ko ganong oras sila nagbabantay. Tinatawagan ko sila dahil ngayon ko na isasagawa ang aking plano, hindi dapat ako magaksaya ng oras sa pagiimbestiga sa mga Chan. “Hello Stella, may problema ba?” bumalik ako sa loob ng aking kwarto ng makita kong dadako ang tingin ng kausap ko na si Theo sa aking bintana. “Tumawag ako dahil mayroon akong mahalagang sasabihin,” Saglit na natahimik sa kabilang linya. “Ano ‘yon Stella?” maya maya’y tanong nito. “Naalala niyo yung babae na pinalayas namin? Siya si Abby, kilala ko siya noong nasa Isabella ako at hindi maganda ang ugnayan naming dalawa. Nakakapagtaka na bigla nalang siyang lumitaw at nagsimula ‘din ang pagtatangka sa aking buhay simula ng dumating siya.” “Sin
“WHAT’S up everybody?!” Agad na nabatukan ni Lucas si Harris dahil sa malakas na sigaw nito ng pumasok sila sa loob ng bahay nila Ace. “Ang ingay mo, alam mo naman na andito si tita.” Talim na tingin ang ibinigay ni Lucas sa kaibigan na ikinakamot naman nito sa kaniyang batok habang si Ace na nakatingin sa dalawang kaibigan ay napailing nalamang. “Lucas, Harris! Masaya akong makita kayo ulit!” gulat na napatingin sa nagsalita ang dalawa at doon ay nakita nila sa living room ang mag-ina na nakaupo at mukang nanonood ng TV. “Tita naaalala niyo na kami?” excited na sabi ni Harris na ikinatango naman nito habang nakangiti kaya agad na lumapit ang dalawa sa mga ito. “Seryoso tita?! Paano? Naalala ko halos itaboy mo na kami palayo.” Tanong ni Lucas dito. “Mahirap ipaliwanag, basta pabalik-balik lang ang ala-ala ko. Minsan wala, minsan anjan.” Napatingin ang dalawa kay Ace na tinanguan lang sila. “Grabe hindi ako makapaniwala, teka nasaan nga pala ang asawa mo Ace?” “Umalis siya, baka