Jheanne's Pov Ako na yata ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa dahil mahal rin ako ng lalaking mahal ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na mahal ako ni Ubi. Baliw na nga yata ako dahil kahit wala namang nakakatawa ay natatawa ako. Katulad nalang ngayon, habang gumagawa ako ng plano ng bahay na gusto kong ipatayo in the near future ay napapangiti ako. Sana ay hindi na matatapos itong sayang nararamdaman ko ngayon.Ilang araw ang lumipas matapos ipagtapat sa akin ni Ubi na mahal niya rin ako ay simula noon ay araw-araw na siyang pumupunta rito sa opisina ko upang dalhan ako ng pagkain at sabay rin kaming kakain. Katulad na lang ngayon, narito siya at may dalang pananghalian."Let's eat, baby." aniya sa akin."Okay!" nakangiti kong tugon. Magana kaming kumain na dalawa, at paminsan-minsa'y sinusubuan niya rin ako."Open your mouth, baby." utos niya sa akin.Binuka ko naman agad ang aking bibig upang tanggapin ang isinusubo niya sa akin. "Ahh,""Subuan mo rin ako,
Hugo's Pov Binalibag ko ang lahat ng gamit na makita at madaanan ko. "Buwesit!" galit kong sigaw sa hangin.Pinagsusuntok ko ang pader dahilan upang tumiklop ang balat ko sa aking kamao at lumabas ang dugo mula roon. Naramdaman ko ang matinding hapdi pero binalewala ko ito. Pumupuyos ang kalooban ko sa lalaking iyon. Gustong-gusto ko siyang sakalin ngayon, pero papano? Binali niya ang isang braso ko!"Fuck!" gigil ko pang sigaw.Pumasok ako sa kusina at kumuha ng maiinom na beer sa refrigerator gamit ang isang braso ko. Nasa bahay ako ngayon at wala sa condo namin ni Janna. Mabuti na rin at wala rito ang babaeng iyon. Dahil kung nagkataon, mapupuno na naman ng talak ang tenga ko ngayon lalo na kapag nalaman niya ang ginawa ko kanina.Alam kong wala na kami ni Jheanne, at ako ang dahilan ng pagkawasak namin, pero napag-isip-isip ko na mas bagay talaga kaming dalawa kaysa sa bestfriend niya, at gusto ko siyang bawiin sa lalaking iyon."Ubi? Hahaha! Bakit naman ganoon ang pangalan niy
Jheanne's Pov Habang nagluluto ako ng almusal ay dalawang braso ang pumulupot sa bewang ko. Napangiti ako at kinilig. "Good morning, baby." bati niya sa akin. Ang pagbuga niya ng hangin ay tumatama sa aking leeg, mainit iyon at dumagdag pa sa kilig na nararamdaman ko.Pinagpatuloy ko ang pagluluto habang sinagot ko naman siya, "Good morning too. Kumusta ang tulog mo? Hindi na ba sumasakit ang ulo mo?" Simula nang magsama kami sa iisang bahay ay palagi ko na nakikita na humahawak siya sa ulo niya, lalo sa kalaliman ng gabi. May isang beses pa nga na nagulat ako dahil bigla siyang gumising at sumisigaw mula sa isang bangungot. Kung hindi ko pa siya sasampalin ay hindi pa siya magigising."Hindi na. Ganito lang talaga ako kahit noong hindi pa tayo nagkakilala, baby. Siguro migraine lang ito.""Sigurado ka?" ani ko sabay pumihit ako paharap sa kaniya. Isinampay ko ang dalawang braso sa magkabila niyang balikat at tiningnan siya sa mga mata. "Pa-check up kaya tayo, Ubi? Para masiguro na
Ubi's Pov Habang tinitingnan ko siya na masayang nakikipag-usap sa mga magulang niya ay lalo akong napamahal. Para rin akong isang balon. Katulad ng isang balon na malalim ay ganoon rin kalalim ang pagmamahal ko kay Jheanne.Siguro kung iiwan niya ako ay hindi ako makakaahon dahil hulog na hulog na ako sa kaniya.Napangiti ako habang nakatitig sa maganda niyang mukha.Nasa hardin kami, kasama ang mga magulang niya. Nag-usap tungkol sa nalalapit naming kasal. Hinihingi rin nila ang apelyedo ko, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon naibibigay. Mabuti nalang at nililigaw ni Jheanne ang usapan kaya nawala siguro iyon sa isipan ng mommy niya.Sa totoo lang ay nahihiya ako dahil wala ako ni pisong duling na ibinigay kay Jheanne para sa aming kasal. Wala naman kasi akong pera dahil isa lamang akong pulubi na binihisan niya at pinakain.Malungkot akong nagbaba ng tingin dahil sa isiping iyon.Pero muli akong napaangat ng tingin nang marinig ko ang sinabi ng mommy ni Jheanne sa akin."U
Carlos' Pov Three months later.Pirromalli Veterinarian Clinic.This clinic is owned by me. Pinatayo ko ito noon dahil likas na mahilig ako sa mga hayop, katulad ng aso. I am also a businessman. I'm running a Handyman Business Company. Maliban doon ay isa rin akong licensed architect. Nagtapos ako ng Bachelor of Architecture in Italy, where my dad, Rocco, lives. Limang taon mahigit ang ginulgol ko upang makapagtapos sa kursong nais ko. My dad is also the owner of Pirromalli Services Corporation in Italy kaya hindi niya ito maiwan roon. Siya ang namamahala dahil hindi ko pa ito kayang hawakan sa ngayon, at isa pa ay may sarili akong negosyo na pinalalakad. Taga Italy si Daddy, nang magbakasyon doon si Mommy pagkatapos nitong makapagtapos ng pag-aaral dito sa Pilipinas ay doon sila pinagtagpo at nagkakilala. And that's where their love story started.Napangiti ako nang maalala ang kuwento ni Mom. Ever since ay hindi siya nagsasawa sa pagkukuwento niya sa akin ng love story nila ni Dad
Carlos' Pov I was sitting on the couch while checking on the little puppy. Every month ay dinadala sila rito ng mga amo nila or should I say, the family, for their monthly checkups. At dahil isang taon akong nawala ay dinagsa itong clinic ko. Nang malaman kasi nila na nakabalik na ako ay pumunta sila kaagad ng mansiyon at nagdala ng kung anu-ano bilang pa welcome sa akin. Na-miss rin daw ako ng mga alaga nila.Hinaplos ko ang ulo ng puppy na tila ba isa itong bata. "Good boy, healthy ka." Pagkausap ko rito."Thanks, doc!" nakangiting sabi sa akin ng may ari ng aso na hawak ko. "You're welcome, Mrs. Clinton." ganting sabi ko naman dito. Tumango ito at gumanti ng isang ngiti sa'kin.Akmang tatayo na ito pero mukhang may nakalimutan sabihin sa akin kaya muli itong naupo sa silya."By the way, doc, saan ka po pala pumunta at ang tagal mo naman bumalik?"Ngumiti ako kay Mrs. Clinton. Halos lahat ay iisa lang ang tanong sa akin. Kung saan ba ako pumunta at bakit matagal akong nakabalik.
Carlos' PovI dreamed about the woman I met in my clinic. Sa panaginip ko ay masaya kaming nagkukuwentuhan na dalawa. We also shared kisses, and we ended up making love in a dark room full of sensations.The woman called me Ubi, many times, and it was like my real name to her. Para bang iyon talaga ang pangalan ko. We are both happy, kitang-kita ko rin sa panaginip ang sarili ko na puno ako ng pagmamahal para sa kaniya. Hanggang sa bigla kong nakita ang sarili ko na iniwan ang babaeng nakatulog na dahil sa pagod mula sa mainit namin na p********k. Lumabas ako ng isang silid na walang lingon-likod. Ngunit bago ako tuluyan na makalayo ay narinig ko ang isang malakas na boses na siyang tumawag sa pangalan ko."Ubi!"Isang sikat ng araw na nagmumula sa bintana ang tumama sa mga mata ko dahilan upang magising ang diwa ko.Kinusot-kusot ko ang aking mga mata habang inaaninag ko ang silid na kinaroroonan ko.I'm in my room. Bumangon ako at ininat-inat ang katawan habang tinutungo ko ang bin
Makati Medical Hospital Jheanne's Pov Isang puting silid ang nakita ko nang imulat ko ang aking mga mata.Nasaan ako?Nagsimulang maglikot ang mga mata ko sa paligid at hinahanap ang taong huling nasilayan ko bago ako nawalan ng malay sa labas ng Café.Pero dumapo ang mga mata ko sa taong hindi ko inaasahan na narito ngayon at nakaupo sa gilid ng kama at nakangiting nakatingin sa akin."H-Hugo..." malat ang boses na sambit ko sa pangalan niya."How are you, Jhe? Bakit ka ba sinugod dito sa Hospital? Alam mo bang alalang-alala ako sayo?" Umangat ang kamay niya at hinaplos ang noo ko. "Iniwan ko nga ang meeting ko para puntahan ka dito." Nginitian ko si Hugo pero ang kabaliktaran niyon ay nalulungkot ako dahil ang taong hinahanap ko ay wala rito ngayon. Hindi kaya mas pinili niya ang babae niya kaysa sa akin? Naalala ko ang babaeng iyon, nakita ko na iyon sa Cebu. Pero sinabi ni Ubi na hindi niya ito kilala. Bakit siya nagsinungaling sa akin noon?Parang piniga ang puso ko sa isiping