Natapos na ang isinagawang tests sa kaniya at ng anak niya. Gising na rin si Megumi matapos ang ilang araw subalit mahina ito. Nakatulig na rin ang bata matapos itong kumain.Kinakabahan si Greta dahil posibleng hindi siya mag-match bilang fonor ng kaniyang anak."Greta, kanina ka pa palakad-lakad at parehong destinasyon lang naman ang pinupuntahan mo. Umupo ka na nga lang at ako na ang sumasakit ang ulo sa ginagawa mong iyan."Tumigil siya sa paglalakad. Tumingin siya sa kaibigan niya. "Paano kung hindi kami mag-match ni Megumi, Lexi? Ano ang puwede kong gawin?" tanong niya sa kaibigan. Umupo si Greta sa tabi ni Lexi. "Huwag ka nang nag-iisip ng negatibo, Greta. Tumigil ka sa pagiging nega mo! Ibalik mo ugali ng Greta na kasama ko sa club noon, palaging nag-iisip ng positibo. Ang gawin natin ay magdasal para sa magandang results ng tests na isinagawa sa inyo ni Megumi."Kahit papaano ay napagaan ng kaniyang kaibigan ang ang loob niya. Ngayon niya lang din napagtanto na ang layo ni
Hindi siya nakapagsalita. Hindi siya puwedeng magpadala sa galit na mayroon siya sa puso niya. This time, ang kailangan niya ay hindi ilabas ang mga salitang nasa utak niya. Ang dapat na gawin niya ay magpakumbaba at maging manhid laban sa mga masasakit na salitang ibabato ng babae sa kaniya.Lumapit sa kaniya si Lish Anne at agad siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa. "Ano ang sadya mo?" Kasabay ng kaniyang pagtitig sa mga mata ng kausap ay ang pagbagsak ng kaniyang mga luha. "Tulungan mo ako, Lish Anne. Kailangan ko ang tulong mo," sabi niya. Lish Anne laughed sarcastically. "Saan na ba iyong tapang mo at bakit desperate kang humingi ng tulong sa akin? Inahas mo ang asawa ko at nagkaanak ka pa sa kaniya. Pilit mo ting isiksik ang mga sarili niyo sa asawa ko. What do you expect me to do? Inaasahan mo na tutulungan kita?""Lish, para sa anak ko. Ina ka rin at alam ko na gagawin mo rin itong ginagawa ko. Gagawin mo ang lahat para sa anak m-mo."Huminga nang malalim si Lish An
Hindi siya mapakali sa labas ng OR. Natatakot siya na baka mapahamak ang isa sa mga bata. Ang tanging nagawa na lamang niya ay pag-isahin ang mga kamay at marahan niyang pinamasahe sa isa't isa ang mga kamay niya. Siya ay napatingin na lang kay Jaye nang pinatong ng lalaki ang kamay nito sa mga kamay niya. Naramdaman niya ang init ng palad ng lalaki. The man squeezed her hands and it made her stare at the man's face. Nakangiti sa kaniya ang lalaki kaya naman ay puwersa siyang ngumiti. "Nate, natatakot ako kasi baka mapahamak ang isa sa kanila.""Hindi iyan, Greta. Parehong matatag ang mga bata. Isa pa ay mahal na mahal nila ang isa't isa. Hindi kasi kaugali noong si Mattina si Keila. Maganda ang puso ni Keila. It was obvious that she has a great love to your daughter."Tama si Nate. Naalala ni Greta ang mga panahong magkasama ang dalawang bata. Kung gaano ka-sama ang ugali ni Mattina ay kabaliktaran iyon ng ugali ni Keila. Mahal niya si Megumi. Dumalaw na naman sa isipan ni Greta a
Nanatili siyang nakatalikod sa lalaki. Hindi niya pa rin alam kung ano ang kaniyang pasya. Malakas ang tibok ng puso niya. Kung kailan ay unti-unti nang humihilom ang puso niya ay roon naman siya sinusubukan muli ng tadhana. "Miss," tawag ulit ng lalaki sa kaniya.May kung anong materyal sa boses ng lalaki na naging dahilan upangbsiya ay lumingon dito. bumalik na naman ang tikas ng lalaki at kaguwapuhan nito. Umiling siya at sinubukang umarte nang nornal. "Yes? Ano ang kailangan mo?" Sa wakas ay nagkaroon na rin siya ng tinig. Kanina kasi ay literal na nawalan siya ng boses. Kinilatis ng lalaki ang kaniyang mukha. Parang ito ang unang pagkakataon na nakita siya ng lalaki. Tumikhim si Greta. Ang lalaki naman ang para bang nahipnotismo niya. "Sir, nagmamadali ako. Busy akong tao at kung wala kang sasabihin ay aalis na kami ng anak ko," sabi niya sa lalaki. "Bakit hindi mo na kami ginugulo?" biglang tanong ng lalaki.Hindi napigilan ni Greta ang pataphaw na pagtawa niya. Ano ang ibig
Hinayaan niya lang ang magmaneho patungo saan. Hindi pamilyar sa kaniya ang lugar na ito. Bigla siyang natakot na baka ay saktan na naman siya ni Parker. "Parker, ano ang plano mo? Saan mo ba ako dadalhin? Ang layo na natin," sabi niya.Tumitig sa kaniya ang lalaki. "Relax, hindi naman ako katulad ng iniisip mo. Hindi rin ako tulad ng mga lalaki sa bar na iyon kanina na bastos. Alam ko kung saan lang ako hanggang," sabi ng lalaki.Ang ironic. Ito siguro ang epekto ng amnesia ni Parker. Maging ang pagiging manyak at babaero nito ay nalimutan na niya. Gustong matawa ni Greta dahil doon. "What's funny? Hindi ka ba naniniwala sa akin?""Yeah," maikling tugon niya. Binalik ng lalaki ang kaniyang atensyon sa pagmamaneho. Hindi na ito muling nagsalita pa. Ilang metro pa ang binyahe nila bago muling narinig ni Greta ang buntong-hininga nito. "Ano ba talaga ako noon?" bigla nitong tanong. Umirap si Greta. Binato niya ang titig niya sa labas ng kotse. Puros ilaw lamang ng mga sasakyan at i
Ngayon niya lang napansin na medyo blurry na ang paningin niya. Damn it! Ngayon lang umepekto sa kaniya ang ilang bote ng alak na ininom niya. Walang-imik ang babaeng nakasandal sa pinto. Bakas sa mukha nito ang magkahalong takot at inis nito sa kaniya. He was asking himself, ano ang nagawa niyang mali sa babae? Tumayo siya at kinuha niya ang upuan at agad niya itong pinuwesto sa tapat niya. "Woman, come here," tawag niya sa babae. Narinig na niya minsan ang pangalan ng babae pero hindi lang siya tiyak kung ano ito. Honestly, paramg gusto niya itong tawaging ‘Angel’ dahil sa mukha nito. Para naman talagang anghel na bumaba mula sa langit ang babae. He hated this woman because that was what Lish Anne told him to do. Wala siyang alam tungkol sa babae. Ang mga impormasyon na alam niya tungkol dito ay ang pagiging prostitute nito at paghahabol niya sa pera ng mga lalaking naging kustomer niya. Iyon ang pinaniwalaan niya dahil wala siyang choice. Pero nang lumipas pa ang mga araw at u
He washed his hair and changed his clothes. Manipis na boxer shorts ang suot niya ngayon at isang kulay puting sleeveless. Tulog na ang asawa niya nang makauwi siya. Nang maalala niya ang lahat ay bigla siyang nakaramdam ng pagkamuhi sa babaeng nalahiga sa kaniyang kama. Sheila died in the hands of this woman. Bigla siyang natakot na baka pati si Greta ay ipahamak ng asawa niya. "Damn," mahinang mura niya.Hinintay niyang matuyo ang buhok niya bago siya patihayang humiga sa tabi ni Lish Anne. Pinikit niya ang kaniyang mga mata at inalala ang mga panahong halos hindi niya kayang mawalay kay Greta. Ang katawan ng babae ay biglang lumitaw sa isipan niya. Sabik na sabik siyang mahawakan ito. "Ughm," halinghing niya nang biglang rumisponde ang kaniyang buhay na karne nang gumawa ng mga scenario ang isip niya. Kahit saan lang noon kapag may pagkakataon siyang makipagtalik kay Greta ay kaniyang ginagawa. Naging obsesyon niya ang bawat detalye ng katawan nito, mula sa mga labi, leeg, mga
Malakas ang kutob niya na ang pupuntahan ni Lish Anne ay ang magiging susi ng katotohanan. Hindi niya man alam kung ano ang malalaman niya pero tiyak siyang may kinalaman ito sa buhay ng asawa niya. Ang lokasyon na tinuturo ng tracker ay hindi pamilyar sa kaniya. Kung doctor niya ang pupuntahan ni Lish Anne ay tiyak siyang isasama siya nito. "Fuck," mura niya nang nakita niyang mas papalayo pa ang asawa niya. Mahigpit siyang nakahawak sa manibela ng sasakyan niya. He was eager to see that someone his wife would be seeing.Hindi siya mapakali. Parang gusto niyang ipalipad na lamang ang kaniyang sasakyan upang matunguhan agad niya ang paroonan ng asawa niya. Muli siyang tumingin sa screen ng smartphone niya. Both edge of his lips were lifted. "Gotcha," aniya nang makita na huminto ang asawa niya sa isang lokasyon. He zoomed the place at nakita niyang isa itong lumang warehouse. Mas lumalim ang duda niya sa kaniyang asawa. Kung doctor ang makikipagkita sa kaniya ay tiyak na sa clinic