He washed his hair and changed his clothes. Manipis na boxer shorts ang suot niya ngayon at isang kulay puting sleeveless. Tulog na ang asawa niya nang makauwi siya. Nang maalala niya ang lahat ay bigla siyang nakaramdam ng pagkamuhi sa babaeng nalahiga sa kaniyang kama. Sheila died in the hands of this woman. Bigla siyang natakot na baka pati si Greta ay ipahamak ng asawa niya. "Damn," mahinang mura niya.Hinintay niyang matuyo ang buhok niya bago siya patihayang humiga sa tabi ni Lish Anne. Pinikit niya ang kaniyang mga mata at inalala ang mga panahong halos hindi niya kayang mawalay kay Greta. Ang katawan ng babae ay biglang lumitaw sa isipan niya. Sabik na sabik siyang mahawakan ito. "Ughm," halinghing niya nang biglang rumisponde ang kaniyang buhay na karne nang gumawa ng mga scenario ang isip niya. Kahit saan lang noon kapag may pagkakataon siyang makipagtalik kay Greta ay kaniyang ginagawa. Naging obsesyon niya ang bawat detalye ng katawan nito, mula sa mga labi, leeg, mga
Malakas ang kutob niya na ang pupuntahan ni Lish Anne ay ang magiging susi ng katotohanan. Hindi niya man alam kung ano ang malalaman niya pero tiyak siyang may kinalaman ito sa buhay ng asawa niya. Ang lokasyon na tinuturo ng tracker ay hindi pamilyar sa kaniya. Kung doctor niya ang pupuntahan ni Lish Anne ay tiyak siyang isasama siya nito. "Fuck," mura niya nang nakita niyang mas papalayo pa ang asawa niya. Mahigpit siyang nakahawak sa manibela ng sasakyan niya. He was eager to see that someone his wife would be seeing.Hindi siya mapakali. Parang gusto niyang ipalipad na lamang ang kaniyang sasakyan upang matunguhan agad niya ang paroonan ng asawa niya. Muli siyang tumingin sa screen ng smartphone niya. Both edge of his lips were lifted. "Gotcha," aniya nang makita na huminto ang asawa niya sa isang lokasyon. He zoomed the place at nakita niyang isa itong lumang warehouse. Mas lumalim ang duda niya sa kaniyang asawa. Kung doctor ang makikipagkita sa kaniya ay tiyak na sa clinic
Nakatulala siya at malalim ang iniisip. Tumungo siya sa balkonahe ng bahay nila at nakatitig siya sa malayo. Kaniyang pinakawalan ang marahas na hangin na kanina pa niya tinigilan. Biglang tumunog ang smartphone niya kaya ay tumitig siya rito. "Hello, this is Margarita. Kung oorder po kayo ng mga bulaklak ay mabuting ang kaibigan ko po ang inyong kontakin. May—""Greta, it's me. Parker." Bigla niyang naramdaman ang pagtaas ng kaniyang BP. Naiinis siya sa tuwing naririnig niya ang boses ng lalaki. Inisip niya kung saan nakuha nito ang numero niya? Noon ay hanap-hanap niya ang lalaki. Pantasya niya ito sa bawat gabing dumating. Pangarap niyang magising sa umaga na nakahiga sa bisig ng lalaki. Iba na ngayon. Tunay na ang nais niya na lang ay kabutihan para sa kanilang mag-ina. Kahit na ang katumbas ng katahimikan na iyon ay ang paglisan sa lugar na nakasanayan ay kaniya itong pipiliin. "Saan mo nakuha ang numero ko?" tanong niya sa lalaki. Narinig niya ang paghinga ng lalaki nang m
Ligaya ang nadarama ni Megumi habang yakap-yakap siya ng kaniyang ama. Hindi niya man kayang ikulong ang katawan ng kaniyang ama sa loob ng munti niyang mga bisig ay yumakap na rin siya rito. Ilang minuto ang tinagal ng pagyayakapan nila ng ama. Dahil sa yakap na iyon ay unti-unting napuno ang puwang sa puso niya. Bigla na lamang niyang naramdaman kung paano nabuo ang bawat basag na bahagi ng puso niya. Humiwalay ang ama niya sa kaniya. Tumitig ito sa mga mata niya. Magka-iba man sila ng kasarian ay para bang nakatitig siya sa salamin. Kuhang-kuha niya ang halos lahat ng detalye sa mukha ng ama niya. "Anak, tara na. Sumama ka sa akin," anyaya ng ama niya.Tumango siya. Hawak-hawak ng kaniyang ama ang munting kamay niya hanggang sa makarating sila sa kotseng kumikintab na pagmamay-ari ng ama. Napangiti ang munting puso niya. Ganito pala ang pakiramdam ng may ama? Kompleto at hindi siya nakaramdam ng malubhang kalungkutan. Para siyang isang prinsesa. Pinagbuksan siya ng ama niya ng
Kung hindi pabalik-balik si Greta sa dalawang direksyon ay tiyak na nasa gitna na siya ng EDSA dahil kanina pa siya lakad nang lakad. Puno ng pag-aalala ang puso niya. Sa katunayan ay halos sasabog na ang ulo niya sa sakit nito. Napagod siya dahil marami silang delivery ni Lexi ngayong araw. Ang pinakamalapit ay Antipolo. Pawis na pawis siya at ilang beses na rin siyang napamura. "Humanda talaga sa akin ang hayop na lalaking iyon mamaya! Wala siyang karapatan sa anak ko!" banta niya. Halos mamatay siya sa pag-aalala samantalang ang lalaking iyon ay nagpakasasa kasama ang anak niya. Hindi puwedeng maglapit ang dalawa dahil mapapahamak lamang sila ng anak niya. Napatitig siya sa kotseng paparating. Hindi siya nagkamali na ang lalaki nga ito. Unang bumaba ang lalaki at pinagbuksan nito ng pintuan ang anak niya. Binuhat ng lalaki ang bata upang makababa ito. "Nag-enjoy ka ba, anak?" tanong ng lalaki. Napapikit siya nang marinig ang boses ng lalaki na tinawag na “anak” ang anak niya.
Uminit ang dugo niya nang marinig ang pagbabanta ng asawa niya kay Greta. Pinasunod pala siya nito sa mga tauhan nito. "Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa, Lish Anne?! Enough of that foolishness!"Napalingon sa kaniya ang asawa niya at nanlaki ang mga mata nito. Hindi nito akalain na gising pa siya. Tatapusin niya ang kahibangan nito. Kinaumagahan noong nakaalala siya ay tumawag siya sa mga pulis upang ireklamo ang asawa niya. Nang nalaman niya ang relasyon nito kay Larry at plano nilang dalawa ay isinama niya na ring sampahan ng kaso ang lalaki. "P-Parker, it's a good idea! Tatapusin ko ang kahibangan ng babae mo," gulat na sambit ni Lish Anne. "Are you crazy? Kailan magiging good idea ang ipahamak ang iba? Ikaw ang hibang at hindi si Greta! Alam natin pareho na mali ang ginagawa mo. And I am not going to tolerate you this time. Tama na ang kahibangan mo, Lish Anne!"Lumapit sa kaniya ang asawa niya. Niyakap siya nito subalit wala siyang reaksyon. Nakatingin lamang siya sa kisami
Maalikabok ang shop. Kinuha niya ang pamunas at sinimulan niyang alisin ang mga alikabok na nasa transparent glass na dingding. Wala pa namang kustomer dahil sobrang aga pa. Hindi niya pinapasok ang anak niya sa eskuwela dahil natatakot siya na baka makipagkita na naman ang ama nito rito. Batid at ramdam niya na nais na ni Megumi na mas makilala pa si Parker kaya ay habang mas maaga pa ay dapat na niyang harangin ang hangarin ng anak niya. Alam niyang mali, subalit ginawa niya iyon upang maputol na ang koneksyon niya sa pamilya Sherlock. Hindi niya hahayaang mapalagay ang loob ng bata sa ama nito. Napasinghap na lamang si Greta nang naalala niya ang maling desisyon na ginawa niya. Pelaez na lang sana ang apelyidong pinadala niya sa bata at hindi ang apelyido ng ama nito. Hanggang mag-umaga ay hindi siya nakaidlip man lang. Maingay sa social media at mga balita ang pangalan ni Lish Anne at kalaguyo nitong hindi nahuli ng mga pulis. Tama ang hinala niya na hindi anak ni Parker si Ma
Napansin niya ang pagkadismaya ng kaibigan niyang si Lexi dahil sa ginawa niya. Namumuo pa ang mga luha ng kaibigan niya. Malamang ay naawa ito sa lalaking kaniyang iniwan sa labas na nanatiling nakaluhod. "Greta, kailangan ba talaga na pahirapan mo nang ganoon si Parker?"Hindi siya sumagot. Kaniyang tinungo ang mga gamit niya at inayos niya ang mga ito. Kusang gumalaw ang mga mata niya at tumitig ang mga ito sa labas. The man was still there. Nakaluhod at nakatitig sa semento. She sighed. Ang damdamin niya kasi ay tuluyan nang naging matigas. Noon ay alipin siya ng pag-ibig niya sa lalaki. Hindi na tulad nang dati ang lahat. Marami na talagang nagbago. Mahirap talaga na turuan ang puso niya na patawarin ang lalaki. Wala na kasing pakialam ang puso niya sa lalaki. Oo, alam niya na sinsiro ang lalaki subalit ayaw niyang bigyan ito ng pagkakataon. Halos ikamatay niya noon nang pinagtabuyan siya ng lalaki. Parang huling hininga na lamang niya iyon dahil sa takot na harapin ang bukas