Share

Chapter 46

Ligaya ang nadarama ni Megumi habang yakap-yakap siya ng kaniyang ama. Hindi niya man kayang ikulong ang katawan ng kaniyang ama sa loob ng munti niyang mga bisig ay yumakap na rin siya rito.

Ilang minuto ang tinagal ng pagyayakapan nila ng ama. Dahil sa yakap na iyon ay unti-unting napuno ang puwang sa puso niya. Bigla na lamang niyang naramdaman kung paano nabuo ang bawat basag na bahagi ng puso niya.

Humiwalay ang ama niya sa kaniya. Tumitig ito sa mga mata niya. Magka-iba man sila ng kasarian ay para bang nakatitig siya sa salamin. Kuhang-kuha niya ang halos lahat ng detalye sa mukha ng ama niya.

"Anak, tara na. Sumama ka sa akin," anyaya ng ama niya.

Tumango siya. Hawak-hawak ng kaniyang ama ang munting kamay niya hanggang sa makarating sila sa kotseng kumikintab na pagmamay-ari ng ama.

Napangiti ang munting puso niya. Ganito pala ang pakiramdam ng may ama? Kompleto at hindi siya nakaramdam ng malubhang kalungkutan.

Para siyang isang prinsesa. Pinagbuksan siya ng ama niya ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rose Laya Relampagos
ang ganda author,sure talaga sila ang mgkatuluyan ni greta
goodnovel comment avatar
Mary Heart Cabigon
nakaktawa namn ang reaction mo greta haha galing mo otor tnx po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status