29
" KAYA ANG nangyari satin kanina ay talagang ginusto ko, gusto kong mag rebelde at isiping hindi lang siya Ang kayang gawin din yon, kaya ko rin. But when I wake up a while ago, I realized na dapat hindi kita dinamay sa gulo ng buhay ko."
Napatitig ako sa kanya, naiintindihan ko, kahit masakit pero alam ko na hindi ko na dapat pang palawigin Ang connection naming dalawa dahil baka malaman pa nitong may mga anak kami. Siguro dadamayan ko siya muna at kong sa tingin ko kaya na niya o kailangan na talagang putulin Ang kong ano man ang meron kami ay gagawin ko. Bahala nang masaktan ang mahalaga ligtas ang mga anak ko.
"Katulad ng sabi niyo sir na may nararamdaman ako sa inyo, kahit sino naman siguro magkakagusto sa inyo sir. Sino ba namang hindi? kayo ata si sir Marcus Maxwell ang pinak
30MASASAYA ang araw ko dahil lagi ko ng kasama si sir Marcus, marami kaming pinupuntahan at naiinggit na nga ang mga kasamahan ko dahil lagi nalang daw akong nagliliwalil at minsan tinutukso din nila ako Kay sir Marcus na halata daw na my gusto ako dito at kung may himala daw baka may gusto din sakin si sir Marcus na tinawanan ko nalang."alam mo Anna napaka swerte mo talaga, Sana all nagliliwalil pero may sweldo parin." naiinggit na sabi ni Devy. Naglilinis kami ngayon sa conference room actually anim kami dito ngayon dahil may emergency meeting daw at kailangang mapabilis dahil kailangan na daw Ito. Himala nga at hindi ako hinanap ni sir Marcus siguro busy ito." Bakit nga pala nagpapa conference si sir Ashton? hindi naman to ginagawa ah, nagpapa conference lang ito kong talag
31PAGKATAPOS ng meeting nila sir Marcus ay kaagad ako nitong hinanap. Nagulat nalang ako nang kausapin ako ni ma'am Jenny na hinahanap daw ako ni sir Marcus at tapos na daw ang trabaho ko ngayong araw. Siguro nagtataka na ito pero takot lang magtanong dahil kay sir Marcus, hindi naman kasi Basta bastang tao si sir Marcus, isa itong Maxwell at Isa sa mga amo niya."maraming salamat ma'am Jenny" ngumiti lang ito at sininyasan akong magmadali, huwag ko daw paghintayin ang lalaki.Napanganga ako ng Makita ko ang gwapong gwapo na si sir Marcus na nakasandal sa gilid ng elevator, naka maong pants nalang ito at v-neck na t-shirt at naka sneakers na sapatos, pero kahit ganoon lutang na lutang parin ang kagwapuhan nito. Nang makita ako ay kaagad itong umayos ng tayo at ngumiting lumapit sakin.
32PUMUNTA akong falls at isinawsaw ang mga paa at muntik ko na itong bawiin ng maramdaman kong gaano ka lamig ang tubig. Iniwanan ko muna si sir Marcus sa kubo at pumunta ako dito sa falls, busy ang lalaki sa kakahanda ng mga dala nitong mga pagkain, mag pi-picnic daw kami. Hindi ko naman alam na may mga dala na pala siyang mga pagkain bago niya ako sinundo sa hotel. Napangiti ako sa effort nito, ngayong araw hindi muna ako mag iisip ng kong anong mga negatibong bagay, ayaw kong sirain ang moment na ito."are you enjoying?"Nagulat ako dahil sa bigla nitong paglitaw ni hindi ko man lang narinig and foot work nito."sorry nagulat ba kita?" sabi nito saka umupo sa tabi ko."hindi nama
33HINDI KO naiwasang yakapin siya ng marinig ang ikinuwento nito. Napakasakit siguro noon, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galit sa asawa nito kay ma'am Meghan. Napaka swerte niya dahil mahal na mahal siya ni sir Marcus pero sinayang niya lang, Ang isang katulad niya ay hindi nararapat para kay sir Marcus. Napaka bait ni sir Marcus kaya hindi ko alam kong paano niya nagawa Ito."Huwag mo akong kaawaan Anna!"Matigas na sabi nito pero alam kong pinipigilan lang nitong hindi ipakita ang sakit na nararamdaman nito, Hindi nito alam na nakatitig lang ako sa kanya habang ikinuwento nito ang nangyari sa kanila ng asawa at hindi ito aware na tumutulo na pala ang luha nito."Okay lang naman na umiyak ka sir, dahil alam kong hindi biro an
34LUMIPAS ANG mga araw, buwan at naging okay naman lahat, at nagpapasalamat ako dahil hindi nag cross ang landas ng mag-aama. Wala ako sa mood ngayon dahil siguro ilang araw ko ng hindi nakikita si sir Marcus, lumuwas ito pa Maynila dahil may mahalaga daw itong aasikasuhin. Kaya balik na naman ako sa trabaho at walang pahinga dahil gusto kong kalimutan muna si sir Marcus, kong wala kasi akong trabaho at naka tambay lang mas lalo akong naiinip at naiisip si sir Marcus na baka hindi na ito bumalik na baka nagkita na ito at si ma'am Meghan at nagkabalikan at kong anu ano pang pumapasok sa utak ko na hindi maganda. Sa totoo niyan sinubukan ko din siyang iwasan dahil natatakot ako na baka pag hindi ko pa pinutol ang kong ano mang connection namin ay baka malaman na nito ang itinatago tago kong lihim. Pero hindi ko kaya, minsan nakikita ko nalang ang sariling umiiyak at gusto na itong tawagan
35MALAPAD ang ngiti ko habang naglalakad at sinusulyapan ang ipinadala ni sir Marcus kay sir Ashton. Napatigil ulit ako sa paglalakad at gusto nang basahin ang gold na papel na nakapangalan pa sakin. Akala ko nga kong anong ipinabibigay ni sir Marcus na kailangan pang si sir Ashton ang magbigay. Pero kahit sobrang excited na basahin ang sulat ay pinigilan ko dahil sa bahay ko ito babasahin mamaya kaya tinago ko muna ito sa bulsa, malalim naman ang bulsa ko kaya hindi ito mayuyupi.Papasok palang ako sa hotel ng makasalubong ko si sir Diego na ang lapad ng ngiti pagkakakita sakin."at last Anna! I've been waiting for you."Nakangiting sabi nito na kaagad na lumapit sakin para humalik sa pisngi ko pero kaagad akong umiwas dahil sa gula
36NALIGO muna ako sa puso sa labas dahil hindi ako nakapag bunlaw kanina. Nang makabihis na, naririnig ko ang malakas na boses ni Marky na parang may magandang nangyari dito."Bukas na bukas Lola sasama ako kay kuya Andoy pupunta daw sila sa bayan para magtinda ng perlas! malaki daw ang kita!" Excited nitong sabi. Pero napatigil sa pagpapatuyo ng buhok ng marinig ang sinabi nito."at bakit ka naman sasama doon sa pagbibinta ha? baka ano pang mangyari sa inyo roon." Pagsuway na sabi ni inay."Pinagsabihan ko na ang mga iyan inay, pero ayaw pa tigil." sabi ni ate Anne." Ate naman, gusto lang namin magka pera at malaki ang nabibinta ng perlas at mga pulseras, noong isang araw nga mga
37DAHIL AYAW talaga akong tigilan ni Diego kakapilit para sumama dito, ay wala nang choice kundi samahan pagkatapos ng break ko. Tuwang tuwa ito at sinabing e li-libre daw ako nito, natawa nalang ako dahil lagi naman ako nitong ni li-libre.Bumili ito ng mga cups noodles at mga dilata kaya nagtaka ako kong aanhin niya ang mga ito."Ang dami naman niyan, ikaw lang kakain niyan?" Ngumiti ito pero hindi sinagot ang tanong ko.Ngumungusong sumunod lang ako dito dahil ang dami talaga nitong binili na mga pagkain, may mga meat at mga gamit pang bahay.NANG matapos ito ay sumakay lang ako sa pick up nito na walang tanong tanong dahil ayaw talaga akong sagutin, kumakanta pa ito habang nag d