MATULING lumipas ang mga araw at unti-unti nang nakakarecover kahit papaano ang pamilya Arevalo. Maging si Arianne ay nagpasya na ring bumalik ng Cebu para muling magtrabaho. Inisip niya na mas makabubuti kung malayo siya sa lugar nila para mas mabilis niyang matanggap ang nangyari at the sametime, mabilis maghilom ang sugat. Sigurado siyang mas lalo siyang malulugmok kung nasa bahay lang nila siya dahil mas marami siyang pagkakataon para maalala ang kaniyang yumaong ama.Bagay na hindi naman tinutulan ng kaniyang ina, lalo’t may punta naman siya. Kapag busy na sa trabaho si Arianne, kahit paano ay maililigaw niya ang lungkot at pangungulila. Tatakbo din ang oras nang hindi niya namamalayan. Hindi katulad dito, na habang kinukulong niya ang sarili niya ay mas lalao niyang maiisip ang masasayang sandali na magkasama sila nito. Ang isa inaalala niya ay matagal na siyang wala sa trabaho, kaya’t umaasa siyang may lugar pa siya sa Hotel Uno sa kaniyang pagbabalik.Noon ay kasalukuyang nagl
Sa muling pagtuntong ng mga paa ni Arianne sa kaniyang inuupahang dormitory, ramdam pa rin niya ang nakakaibang ambiance ng pinanggalingan niya. Pakiramdam niya naging anino na niya ang lungkot. Ilang oras lang ang naging biyahe niya pabalik ng Cebu. Maayos naman ang naging flight niya at nakarating nang ligtas.Bago siya umalis sa kanila ay nakausap na niya si Grace patungkol sa pagbabalik trabaho nito. nakausap na rin daw nito Si Blake John maging si Jake Domingo. Wala daw magiging problema sa kaniya dahil nagpaalam naman daw siya ng maayos. Maging ang may-ari ng dormitory na inuupahan niya ay nakausap niya na rin. Sinigurado niyang walang magiging problema sa kaniya pagbabalik. Medyo nagkaayos na rin sila ni Jake nang muli silang nag-usap. Narealized niyang wala naman siyang karapatang mag burst out sa pakikitungo nito sa mga nagdaang araw dahil maging siya ay nagkulang din ng pag update sa lalaki. Naalala niyang hindi niya na nagawa pang makapagtext man lang upang mak
BUONG tiyaga na hinintay ni Arianne ang pagdating ng kaniyang kaibigan. Alam niyang hindi naman ito matatagalan lalo’t may sarili itong kotse na ayon sa nalaman niya ay regalo ng manliligaw nitong foreigner. Kaya naniniwala siya na minuto lang ay nasa tapat na ng kaniyang dormitory ang kotse nito. Sa totoo lang , ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong masdan ang kabuuhan ng dormitory. Lagi kasi ay busy siya at gabi na kung umuwi. Sa umaga naman, ay maghahanda lang siya ng breakfast, maliligo at kakain. Ganoon ang kaniyang daily routine kaya di na niya masyadong napagmamasdan o naisasalarawan ang lugar niya.Malapad ang space sa harapan ng dormitory. Para itong mga nakahilerang room. Nasa 20 rooms ito, ang bawat rooms ay kayang i-oocupied ang limang tao, dahil malalaki ang bedroom ng mga ito. Idagdag pa na two storey ang tulugan. Pero sa napiling room niya ay maliit ang espasyo nito at under improvement. Medyo may kamahalan pero hindi naman naging kabigatan dahil sa maxi
Napag-alaman ni Blake John na bumalik na ulit sa trabaho si Arianne. Bagay na ikinatuwa ng binata. Ang totoo, matagal na siyang may lihim na paghanga sa babae. Noong una pa lang niyang makita ito na papasok ng Hotel Uno, pakiramdam niya ay nakupidong napaibig siya agad dito. Ang kaso, nawalan siya ng pagkakataong manligaw sa babae dahil laging umaaligid-aligid ang mortal niyang kaaway. Lagi din itong nagpapansin sa babae. Hindi tuloy siya makakakuha ng tiyansa na makalapit sa babae. Palagi ding dedma kahit ang mga palipad hangin at panakaw na kindat ay wa epek din sa babae. Hindi naman siya madaya pagdating sa pakikipagkompetensiya sa babae. Dahil nga ay hindi naman siya nabibigyang pagkakataon ng babae, hihintayin na lamang niya ang pagkakataong maka’move’ siya. At titiyakin niyang may hawak siyang alas sa araw na iyon. Nabigo man siya sa ngayon, pero sisiguraduhin niyang siya pa din ang panalo sa huling bahagi ng kuwento. Hindi papayag ang isang Blake John Del Fuego na maging anino a
Walang araw na pinalampas si Jake para ayusin ang kanilang relasyon ni Arianne. Alam niyang nasaktan niya ng sobra ang babae. Lahat ng paraan ng panunuyo ay nagawa na niya pero nanatiling galit sa kaniya ang babae. Hindi siya nawalan ng pag-asang balang araw, mapapatawad siya nito.Bitbit ng isang staff sa Fand B Department ang kaniyang regalo, binigyan niya ito ng isang papel na naglalaman ng pangalan na pagbibigyan niya. Matapos abutan ito ng konting halaga ay nilisan na siya nito. Puno naman ng tiwalang nasundan niya ng tingin ito habang papalayo. Habang nawawala ito sa kaniyang paningin, bitbit ng inutusan niya ang kaniyang pag-asang magkakabalikan pa sila ni Arianne.Nang ganap itong mawala ay saka pa lamang siya umupo sa isang swivel chair at hinarap ang sandamakmak na mga papel. Alam niyang magulo ang isip niya ngayon, pero hindi niya hahayaang masira ang kaniyang trabaho dahil sa kasalukyang L.Q nila ni Arianne. Kahit pa batid niyang si Arianne na mismo ang nagsabing tapos na
Umuwing lasing si Blake John ng araw na na iyon mula sa isang kilalang sikat at luxurius bar. Masakit para sa kaniya ang rejection. Hindi sa lahat ng pagkakataon, pero pakiramdam niya ay lagi siyang malas sa lahat nga bagay. Kahit anong pilit niyang makipagsapalaran, kahit gaano man sila ka mapera at kilala, pakiramdam niya ay palagi pa ring may kulang. Halos nasa kamay na niya ang lahat ng bagay na naisin niya. Kung tutuusin, kayang bilhin ng pamilya niya ang buong Cebu. His family owns a forty plus establishments within the city and businesses branches in all parts of the Cebu. His family also owned huge, luxurious and popular hotels in and out of the Philippines. Pero bakit sa kabila ng lahat ng ito, he seemed remains doomed inferiority. In despite of all successes at glorious attainment, why he still fell looser? Kahit lango ay nagawa pa rin niyang makapagdrive pauwi sa kanilang mansiyon. Matapos makapagbeep ng sunod-sunod ay pupungos-pungos na nagbukas ang kanilang guard. Matapo
Gulat na napalingon si Blake John sa may-ari ng tinig. Isa iyong pagbati sa Spanish language. Sandaling itinigil niya muna ang pagsisipelyo at tiningnan mula paa paitaas ang di inaasahang bisita.Nakasuot ito ng semi-pointed red doll shoes. Nakastocking din ito. Hinagod niya ito ng tingin paitaas at nakita niyang nakasuot ito ng…“Sira!” isang hampas ng kamay ang tumama sa kaniya. Sa wakas ay bumalik sa dating estilo at kilos ang babae. Sandaling kinalimutan ang pagiging stateside at naging tipikal na Filipina. Napahawak na lang sa ulo si Blake John na sinipat ang tinamong hampas sa babae.“Ginulat mo ako. Ni hindi ka nagpaabiso na darating ka.” Natatawang wika niya. Muli siyang nagmumog upang linisin ang bunganga niya. Pagkatapos ay muling hinarap ang di inaasahang bisita.“Do I need to do that?” nakataas ang kilay na ulit nito sa sinabi niya.“Off course.” Walang gatol niyang katwiran. “Remember, kuya mo ako. You should pay some respects.” Dagdag pa niya at ibinalik ang kaniyang too
Matapos ang nangyari ay hindi na muna nagpakita pa si Jake kay Arianne. Alam niyang galit na galit pa ito sa kaniya at hindi niya siya nito mapapatawad sa ngayon. Mas minabuti na lamang niyang lumayo muna sandali at magliwaliw. Binalak niyang pumunta sa Luzon at ang Baguio ang kaniyang naging destinasyon. May kamaganak siya sa la Union at doon siya pansamantalang makikituloy. He will be arrived in Baguio in twenty five minutes. Along with his borrowed Mercedes Benz GLC car of his Cousins at La Union, he will spend at least three days for a short vacation. He believes that the soothing climate and the natural ambiance of the Baguio would bring him a relieving medicine of the nature’s secrets. He also begun to think the cold climate in there is suits for all who wants to achieve peace of minds and refreshments. ‘still, it hurts!’ piping wika ng puso niya. Kung ano mang kahungkagang nararamdaman niya ngayon, walang makakapagsabi kung gaano kalaki iyon. Hindi naiwasang napatulo ang luha