Matapos mafinalized ang released papers at hospital bills ni Blake , mag-isa siyang lumabas ng ospital na iyon. Halos dalawang linggo din siyang nasa loob lang ng gusaling iyon para maging fully recovered. Hindi na siya dinalaw ng mga magulang niya dahil ang wika niya ay okay na naman siya at nagpapagaling na lang. Iyon ay sa kadahilanang ayaw niyang mag-alala ng sobra ang kaniyag Mom at gusto na din niya itong makapahinga . Ibinigay na din sa kaniya ng nurse na nag-aasikaso sa kaniya ang prescribed medicines na kaylangan niya para gumaling kaagad ang kaniyang sugat .Medyo masakit pa ang kaniyang paa na tinamaan ng bala nang minsang magkaengkwentro sila ni Jake. Sinubukan niyang tawagan Si Kate para magpasundo sana Pero hindi niya ito makontak. Tulad ng nakaraan, Si Zeith Kate naman ay nawala na lang daw bigla matapos magpaalam kina Mom at Dad nila matapos tawagan ang mga ito at dalhin sa ospital kung saan siya naroon . Ayon sa mga magulang niya ay may importante lang itong aasikasuh
Tila nagulat naman si Airene dahil sa tawag ng asawa. Halata sa mukha nito ang pag-alala at takot na bumabalot sa boses nito."Magmadali ka! Magligpit ka nang gamit natin at aalis tayo ngayon din!" Bakas sa mukha nito ang nakakabahalang takot. " Bakit Reden? A-ano ba ang problema?" naisipan niyang itanong dahil sa di normal na kilos ng asawa. "Nandito ang kapatid ni Sir Blake John Del Fuego." napatutop siya ng bunganga pagkarinig sa pangalang iyon." N-nandito siya? Ano daw ang kailangan niya?"Maging siya ay gimbal sa nagaganap ngayon. Ito na ang sinasabi ng asawa niya na magiging kalbaryo ang buhay nila oras na mabunyag ang sekreto ng mga ito tungkol sa pagkawala ni Arianne Arevalo."Hindi ko din alam." Wala sa sariling sagot ng asawa na busy sa pagliligpit ng kanilang mga kagamitan.Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Reden. Isa lang ang alam niya, natatakot ito sa maaring mangyari sa kanila.Ilang sandali pa ay puno na ng mga gamit ang dala nitong tila kna
Natunton na din ni Zeith Kate ang sinasabing bahay nina Reden at ng pamilya nito. Pinagmasdan niyang mabuti ang buong bahay at sinipat kung may tao ba roon. Nag'Tao Po! ' muna siya bago tuluyang pumasok sa bakuran ng bahay. May kataasan ang tila bungalow na bahay. Yari sa mga tabla ang mga dinding at hamba ng bahay na iyon. Isang simpleng house plan at design na pangarap ng isang simpleng pamilya.Hindi niya naiwasang maikumpara ang mansiyon nila sa bahay na iyon. Oo nga at nakatira siya sa isang malapalasyo at magarang mansiyon ng Del Fuego, pero ang mga nakatira Doon, hindi niya alam kung mga totoong tao.Through hundred years, naitago ang lihim na kabaliwan ng pamilya. Magpahanggang ngayon ay dala-dala pa din ng pamilya ang walang kwentang ritual na iyon na hindi nila alam kung totoo ba o gawa-gawa lamang ng kanilang mga kanunu-nunuan.She's been suffocated with this family sicked rituals! No one of them knows how her life became miserable every night and then. Some of the victims
ONEYear LATER***ONE... TWO ... THREE...! Isang masigabong palakapakan ang umingay sa buong mansiyon ng Del Fuego matapos hipan ni Jino ang 3-layer chocolate coated with peanut and choco almond na cake nito.Ngayon ay ang ika-1 year old nito at hindi basta-bastang handaan ang inihanda ni Blake lalo na ng kaniyang Mom at Dad. Isa iyong engrandeng pagdiriwang para sa unang apo ng mga ito sa kaniya.Nagalak naman sa sorpresa ang anak niya.Kitang-kita niya sa mga mata ng anak ang labis na tuwa at galak sa sorpresang inihanda ng buong pamilya.Kahit ang mga Lolo at Lola nito na sobrang kinagigiliwan ang apo ay hindi din mailalarawan ang sayang nararamdaman.Lagi nga nang mga ito karga-karga si Jino at halos ayaw nang bitiwan pa kapag napasakanlungan ng mga ito.Lagi kasing pinanggigilan ng mga ito ang apo.Kunsabagay, taglay ng anak ang kaputiang matagal nang nasa balat ng mga Del Fuego. Maging ang American-like pointed nitong ilong na namana talaga sa kaniya.Idagdag pa ang heig
"What's it all about now, Miguel!" Bulyaw ni Blake matapos ang lahat ng sinabi ni Miguel sa kaniya.Of all these times, naniniwala siyang kakampi nila si Miguel. Naniniwala silang nasa likod nila ito para pangalagaan ang sekreto nito.But look what's happening now.Miguel is nothing but a bias allied! Balimbing. Sinungaling! Double crosser!Hindi alam kung kanino talaga kumakampi! Does karma work? Napaatras ang dila niya matapos marinig ang halagang hinihingi nito para sa pananahimik nito."Five million pesos?" banggit niya sa halagang kababanggit lang nito.Mabuti na lang at lumabas siya sandali sa party ng anak.Kung nagkataong narinig iyon ng kaniyang ina ay baka ano naman ang mararamdaman nito.Maging ang kaniyang ama ay walang kaalam-alam sa nangyayari. Hindi din nito batid na matagal na palang nilalansi sila ni Miguel.Wala siyang ideya kung ano din ang sasabihin ng kaniyang Daddy Arthur oras na malaman nito iyon."That's the best price I can offer to you." pagpapatuloy nito s
Walang sinabing anuman si Jake nang dumating na si James para sunduin si Arianne. Sakay ng motorsiklo nito, nangingitngit na sinundan na lamang niya ng tingin ang dalawang daig pa ang magjowa.Ipinipaliwanag ito ng makita niyang yumakap si Arianne sa likod nito.Dahil doon, lalo siyang tinutupok ng selos ngayon! 'Magbestfriend lang daw? Sinong niloloko ng dalawang iyon? Baka naman kasi ibang combat training na ang ginagawa ng dalawa?Tapos malalaman na lang niya, natumba na si Arianne, aca nahulog ang loob sa lalaki?Nakuyom niya ang sariling kamao at napamuramg sinipa ang glass window nilang pintuan.'Shit!" angil niya at isinalya ang pinto na lumikha ng nakakabadtrip na tunog. Naisipan niyang magpakalunod sa alak ng umagang iyon. Sobra na itong nararamdaman niyang paninibugho. Kaylangan niya itong mai-released kahit papaano.Alak ang unang sumagi sa isipan niya kaya lumabas siya sandali upang bumili ng dalawang bote ng Red Horse 1000 ml. Ilang sandali pa ay pabalik na siya ng bah
Ayon sa napagkasunduan nina Miguel at Blake, ibinigay niya rito ang halagang hinihinging kapalit nito bilang pananahimik niya.Limang milyong piso kapalit ng pagtikom ng bibig nito tungkol sa kinalaman niya sa pagkawala ni Arianne, tungkol sa pagkidnap sa babae at ang utos ng pagpatay dito.Hindi na niya sinabi Daddy Arthur niya ang tungkol sa kasunduan nila.Mas minabuti niyang Siya na lang ang nakakaalam doon tutal siya naman ang nakipag negotiate dito."Siguro naman ay okay na iyang halagang natanggap mo, Miguel." wika niya sa lalaki matapos maibigay dito ang attached case na may lamang lilibuhing pera.Nasa isang sikat na Four Star Restaurant sila at katatapos lang makipagnegosasyon. Umorder lamang siya ng dalawang San Miguel Pilsen para sa kanilang dalawa. Gaya ng napag-usapan ay walang kiming iniabot niya rito ang pera.Abot-tenga naman ang ngiting tinanggap iyon ni Miguel."Huwag mo na kaming gagambalain pa. At sana wag ka nang magpapakita pa, dahil hindi pa din alam ni Daddy A
Hindi makapaniwala si Don Ronaldo at Nuera Zenaida nang makita sina Jake at Arianne na bumaba mula sa isang taxing huminto sa labas ng gate ng kanilang mansiyon. Kasalukuyang nasa terrace noon ang mag-asawa at panatag na nagkakape ng makarinig ng paghinto ng isang passenger taxi sa tapat ng pinakamalaking main gate ng mansiyon."Look who's coming!" nasorpresang kalabit ni Nuera Zenaida sa asawa na noon ay nakatalikod sa gawi niya. "Is that Jake?"Naging interesado naman ang asawa matapos niyang mabanggit ang pangalan ng panganay na anak na lalaki.Dahil medyo may kalayuan ang kinaroroonan nila bagaman tanaw nila sa malayo kung may dumarating ay hindi pa din nila maaninag ng klaro ang mukha at makilala agad kung sino man ang dumating.Idagdag pang medyo may edad na din silang mag-asawa pareho kung kaya't may konting depek na din ang kanilang paningin."I don't think so." unsure na tugon ng asawa. "Halika, salubungin natin at nang makilala natin kung sino iyang dumarating." Yaya nito at