Share

Chapter 4

Kathryn

Nandito pa rin ako sa labas ng room ni Dad dito sa hospital. Di ko pa kasi kayang pumasok sa loob at makita ang kalagayan nito ngayon. 

Na kokonsensya kasi ako eh. Ako ang dahilan kung bakit nandito kami ngayon at nasa ganito siyang sitwasyon. 

Kung sana ay kinausap ko na lang ito ng maayos kanina hindi sana wala kami dito ngayon. 

Kung sana ay di ako nag matigas dito at nakinig ng maayos sa paliwanag niya sa akin kanina. Baka sakali ay nag ka linawan kami ng mga saloobin nito. 

Kung sana ay hindi ko pinairal ang init ng ulo ko at nakipag usap ako dito ng Ama sa Anak ay baka walang mangyayari na masama. Pero wala na akong magagawa pa. 

May dahilan siguro ito kaya gusto nyang makipag merge ang company niya sa ibang companies. 

Naiinis at nagagalit lang talaga sa isiping doon sa nerd na iyon pa ako nito ipapakasal.

Pero nandito na nga at nangyari na ito. Kaya kakausapin ko na lang ulit ang aking ama kung ano ang gusto na nito ay wala na talaga akong magagawa pa. Mas mahalaga ang buhay nito kaysa sa iisipin pa ng iba sa akin. 

Sana lang talaga ay hindi ito maka abot sa school ang issue na ito. Dahil isa itong malaking kahihiyan sa aking pangalan. Sana lang talaga. 

Maya lang ay naramdaman ko ang pag tapik sa aking balikat. Agad ko naman nilingon ito si Yaya Carmen pala. 

Mabilis na niyakap ko ito at umiyak na sa balikat niya. Nilabas ko lahat ang kanina ko pa pinipigilan na sama ng loob ko. 

"Yaya si Daddy, di ko mapapatawad ang aking sarili pag may nangyari sa kanya. Kasalanan ko ito eh. Dapat nakinig ako sa kanya at sumunod na lang sa gusto niya." Mangiyak ngiyak na sabi ko dito. 

"Tama na yan anak, malalampasan din yan ng Daddy mo. Pansamantala ay mag pahinga ka muna at baka ikaw naman ang bumigay." Nakakaunawang tugon nito sa akin.

"Umuwi muna tayo ng bahay at hayaan mo muna sila Manang mo Belen ang tumingin sa Dad mo. Bumalik na lang tayo ng maaga bukas. Tsaka di pa rin naman gising yang si Sir eh kaya tama lang na umuwi na muna tayo." Pangungumbinsi nito sa akin. 

"Tsaka kailangan din nating kumuha ng mga gagamitin ni Sir dito sa ospital. Kaya kailangan na talaga nating umuwi iha." Agad naman na akong tumango dito. 

"Tingnan ko lang muna si Dad yaya. Mag bibilin na tuloy ako sa nagbabantay sa kanya dito habang wala pa ako." Paalam ko dito tsaka pumasok na sa loob ng room nito. 

Pagpasok ko ay nakita ko kaagad ang mga tubo na nakakabit sa katawan ni Dad. May machine din ako na nakita kung saan makikita mo dito ang kanyang heartbeat. 

Napapikit na lang ako dahil sa mga nakikita kong ito sa kanya ngayon. Di ako sanay na ganito siya na parang isang taong walang buhay. 

Mukha kasi itong maputla na parang ang haggard ng itsura nya na para bang ilang taon ang nadagdag sa edad nito. 

Di kasi ako sanay na ganito siya. Kahit naman kasi sobrang subsob sa trabaho yang si Dad ay maalaga pa rin sa katawan yan. Kaya nga di ko talaga alam na may sakit pala ito sa puso. 

Napaka tikas kasi nitong si Dad. Marami kayang mga nagkakagusto dyan, na di lang nito pinapansin. 

Alam ko naman kasi na hanggang ngayon ay si Mom pa rin ang mahal nito. Madalas ko kaya makita ito sa kwarto nya na nakatitig lang sa larawan ni Mom habang kinakausap ito. 

Kaya wala talagang pag asa yung mga nagpapa pansin dito. Kahit pa nga iyong mga dalaga ay hindi maiwasang magka gusto sa kanya. 

Pero no pansin lang ang mga iyon kay Dad. Lampasan muna nila ang kagandahan ng Mommy ko at baka sakali ay mapansin pa sila ni nito. 

Nag bilin na lang ako a nurse na nagbabantay dito. Saka nag iwan ng contact number ko. Incase na may emergency na nangyari dito ay matawagan niya ako kaagad. 

Panay lang naman ang tango nito sa akin. Nang matapos kong mag bilin sa nurse eh sila aling Belen naman ang binalingan ko. Kuntodo bilin din ang ginawa ko. Nang matiyak kong okay na ang lahat ay doon pa lang ako lumabas ng kwarto. 

Paglabas ko ng room ni Dad ay agad kong nilapitan si yaya Carmen na ngayon ay nakikipag usap na kay Mang Nestor. 

Agad kong sinabi dito na pwede na kaming umuwi sa bahay. 

Nandito na kami sa kotse at nag da drive na ulit si Mang Nestor. Di ko pa kasi kaya na mag drive eh. Feeling ko ay wala akong kalakas lakas ngayon. 

Nakayakap lang ako kay yaya Carmen. Dito ako ngayon kumukuha ng lakas upang malampasan ko ang lahat ng pagsubok na ito.

Panay lang naman ang hagod nito sa likod at buhok ko. Na siyang nagpapa kalma sa akin ngayon. 

Buti na lang talaga at kahit kailan ay hindi ako nagawa nitong iwan. Na kahit malaki na ako ay nandito pa rin siyang nakasubaybay sa akin. 

Kaya nga mahal na mahal ko ito eh. Kasi sya na lang ang nakaka intindi sa akin minsan dito sa bahay. Lalo na pag pinagalitan ako ni Dad sa mga grades kong alanganin. 

Duh kasalanan ko bang di ko maintindihan ang itinuturo nila. Mag tatas sila ng standards nila pero sablay naman magturo. Para tuloy mga tanga lang. 

Gusto ko rin sana na tawagan ang mga kaibigan ko pero parang lolokohin ko lang ang sarili ko.

Wala din naman kasi akong asahan sa mga kaibigan ko kono. Alam kong di rin naman ako matutulungan ng mga iyon. Baka lalo lang ako mainis pag puro kaartehan at reklamo ang lumabas sa bibig ng mga ito. 

Maya lang ay nakarating na rin naman kami sa bahay. Inaalalayan na lang akong bumaba ni Yaya. Dahil nga sa parang naubusan na ako ng lakas dahil sa mga nangyayaring ito ngayon sa buhay ko.

Nang makarating kami sa aking kwarto ay agad na akong nag palit ng aking damit. Hindi na muna ako mag shower ngayon. 

Bukas na lang ako maliligo dahil gusto ko na kasing mag pahinga talaga. Sana naman ay okay lang doon si Dad. 

Maaga na lang siguro ako gigising bukas para ayusin ang mga kailangan naming dalhin sa ospital. 

Ako na muna siguro ang maghahanda ng mga damit nito. Para kahit dito na lang ay may nagawa ako para kay Dad. 

Agad na akong humiga ng makapag palit ako ng damit. Di na rin ako nakapag hilamos pa ng aking mukha at nakapag lagay ng cream para dito. 

Sa lagay na ganito eh makakapag ayos pa ba naman ako ng aking sarili? 

Nakahiga na ako ngayon pero hanggang ngayon ay ang nangyari pa rin kanina ang nasa isip ko. 

Paano naman kasing hindi ko iisipin yon eh buhay ko at buhay ng Dad ang nakasalalay ngayon sa magiging desisyon ko. 

Ayaw ko na makasal kay nerd, pero pag di ko naman ginawa iyon ay buhay naman ni Dad ang malalagay sa alanganin. 

Pero kung mag papakasal naman ako kay nerd eh buhay ko naman ang masisira. 

Haist di ko na talaga alam kung ano ang aking gagawin. Kung sana buhay pa si Mommy malamang na hindi aabot sa ganito ngayong sitwasyon. 

Malamang na mahihiya si Dad dito na gumawa ng mga ganoong bagay. At malamang na hindi rin iyon papayagan ng aking ina.

Pero dahil wala na nga ito kaya magiging sunod sunuran na lang ako kay Dad. 

Pero ang dapat ko munang tanungin at kastiguhin ay ang nerd na iyon. Siya ang alam kong may pakana ng lahat ng ito eh.

Sa isiping ito ay tuluyan na akong nakatulog. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status