Share

Chapter 5

Kathryn

Mag uumaga na ng magising ako. Agad ko naman kinuha ang aking cellphone at tiningnan ito kung may message galing sa hospital. Pero wala naman kaya medyo naka hinga ako ng maluwag dahil doon.

Agad ko namang nag Dial ang number ng nurse na nakabantay kay Dad. Mga ilang ring pa ay sinagot na rin naman nito iyon.

"Hello" dinig kong sabi ng nurse sa kabilang linya. Halata din sa boses nito na parang bagong gising din lang sya.

"Si Ms. Kathryn Monte Falco ito. Gusto ko lang sana kumustahin ang lagay ni Dad ngayon." Tanong ko kaagad sa kanya.

"Okay naman po ang lagay ni Sir at walang nangyaring anuman nitong nakalipas na gabi Ma'am Kathryn." Mahinahong sagot nito sa akin.

"Salamat naman at maayos lang ang lagay niya. Mamaya pa siguro ako makakabalik dyan sa ospital at marami pa akong ihahanda na da dalhin dyan eh. Huwag na huwag mong iiwanan ang aking ama na mag isa lang dyan ha. Basta ako na lang ang bahala sayo kung mag exceed ka man ng oras mo." Bilin ko dito bago ko binaba na ang tawag.

Nagmadali na akong pumunta ng cr upang gawing ang aking daily routine. Naligo na rin ako at hinanda na ang mga gamit ko. Sure naman ako na inihanda na rin ni Yaya ang kay Dad. Magtatanong na lang ako mamaya baka kasi may nakalimutan pa kami eh.

Mas alam naman kasi nito kung ano ang mga kailangan eh. Alam nyo na hindi ako sanay sa mga ganyan. Palagi na may nag a asikaso ng mga gamit ko. Kaya naman si yaya na ang bahala doon.

Ako na rin lang mag aayos ng gamit ko ngayon. Kaya ko naman na ang bagay na yun eh. Alam ko naman ang mga kailangan kung dalhin sa hindi eh.

After ko maayos na ang lahat ng dadalhin ko ay bumaba na ako agad. Naabutan ko naman ang aming kasambahay na busy na sila sa pagluluto.

Agad na akong nagpa timpla ng coffee. Kailangan ko pa naman ito lalo na nga at halos hindi ako masyadong nakatulog kakaisip sa kalagayan ni Dad l. After ko magpa timpla ng kape ay nag tanong na ako kung nasaan na si Yaya Carmen. Hindi ko kasi siya napansin dito pag baba ko eh. Baka mamaya ay nauna na yin sa hospital.

"Nasa kwarto po ni Sir at mag aayos daw po sya ng mga dadalhin sa ospital." Mabilis na sagot naman sa akin ni manang habang nilapag naman nito ang pina timpla kong kape.

Sabi na eh. Si yaya na ang bahala sa bagay na yun. Maasahan talaga siya sa lahat ng oras. Lalong lalo na sa mga ganitong sitwasyon.

Nag ka kape na ako nang biglang pumasok dito sa may dining room si Yaya.

Agad naman itong lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo habang nakayakap naman ako sa kanya. Dito na lang ako kumukuha ngayon ng lakas ng aking loob. Wala naman kasi akong maaasahan sa mga kaibigan ko na walang pakinabang. Hindi ko nga alam kung paano ko naging kaibigan ang mga yun eh. Sabagay kahit kailan naman ay hindi ko sila itinuring na kaibigan. Para sa akin mga alepores ko lamang sila.

Para tuloy gusto ko na namang umiyak dahil doon. Maya lang ay kumalas na rin ako ng pag kakayakap sa kanya.

"Kumain na muna tayo bago natin puntahan ang Daddy mo Kathryn." Suggestion naman sa akin ni Yaya. Kahit wala naman sana akong balak kumain ay napa oo na lang ako dito. Ayaw ko rin naman na mag alala pa ito sa akin.

Naghanda naman na agad ng breakfast si Yaya kila manang.

Nang makapag hain na sila manang ay inaya ko na ring sabayan akong kumain ni yaya. Sabi ko nga eh tinuring ko ng pangalawang ina ito. Kaya sanay na yan na lagi akong sinasabayan sa pagkain.

Tahimik lang na kumain kami at di na pinag usapan pa ang anumang may kinalaman sa ospital at kay Dad. Alam ko naman kasi na iniiwasan din nito ang bagay na iyon. Baka kasi mawalan lang ako tuliyan ng ganang kumain eh.

After kumain ay umakyat na ulit ako upang mag ready na pa punta sa ospital. Nakapag bilin na rin ako kay Mang Nestor na ihatid niya ulit kami doon.

Nang makapag ayos na at sa tingin ko naman ay wala na akong nakalimutan pa ay nag madali na rin akong bumaba ng hagdanan.

Baka kasi magising na si Dad tapos wala man lang ako sa kanyang tabi eh baka sumama pa ang loob nito.

Nag message na rin naman ako sa mga Prof ko na di muna ako makakapasok ngayon dahil sa may emergency akong ginagawa.

Wala din naman akong pakialam sa mga ito kung pumayag man sila o hindi. Hindi sila pwedeng mag malaki sa akin. Baka taasan ko lang sila ng kilay ko.

Nag message na rin ako sa mga friends kong pa sosyal na di ako makakapasok dahil may emergency na nangyari. Saka sinabi ko sa mga ito na huwag akong istorbohin ng tawag at text.

Buti na nga lang at mga takot din sa akin ang mga ito kaya napaka tahimik pa rin hanggang ngayon ng cellphone ko.

Subukan lang naman talaga nilang mang istorbo at baka makita nila kung gaano ka m*****a ang isang Kathryn no.

Pag baba ko sa hagdan ay nandoon na sila Yaya at Mang Nestor na naka abang sa akin at mukhang ako na lang ang hinihintay nila.

Mabilis na sumakay na ako sa kotse kasunod si Yaya.

"Senorita Kathryn, may dadaanan pa po ba tayo o diretso na sa ospital?" Tanong agad nito sa akin habang nag ma mani obra na ng sasakyan ito.

"Tuloy na po tayo sa ospital at kailangan na maka punta ako agad doon. Baka kasi magising si Dad tapos wala man lang ako sa tabi niya" mabilis kong sagot dito.

Tumango na lang naman ito sa akin at si na umimik pa. Nag patuloy na lang ito sa kanyang pag drive.

Ilang saglit pa eh nakarating na kami sa ospital. Mabilis lang na bumaba na kami ni Yaya at diretso na pumasok sa loob nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status