Arrianne POV "Arrianne, halika na. Kain na," tawag ni Ate Mercy."Nand'yan na po," matamlay kong tugon. Buntong-hininga ang kasabay ng pag-upo ko. "Alam mo, Arrianne ang OA mo na, lagi ka na lang gan'yan. Nakakalito ka rin. Dapat nga ay natutuwa ka dahil mabait na si sir Danny sa'yo," dada' niya habang inaabot sa akin ang ulam. "Ang tamlay mo. Kapag gan'yan ka, iisipin ni sir na hindi ka pa nga magaling. Ikaw din, mas matatagalan ang pahinga mo."Napasimangot ako. "Paanong hindi ako magiging ganito. Wala na akong ibang ginawa rito kun'di umupo at tumunganga. Mas magkakasakit ako nito, Ate Mers!" maktol ko."Kita mo 'yang ugali mo, ikaw na nga ang inaalala ng mga boss natin. Ikaw pa ang may ganang magmaktol. Kami nga, e gusto na ring magkasakit para maranasan din namin ang umupo at tumunganga na lang," sabi niya. Buntong-hininga na lamang ang tugon ko. Kahit kasi anong sabihin ko, pareho pa rin ang kalalabasan. Lagi nilang sinasabi na dapat magpasalamat na lang ako dahil mababait an
DANNY POV Hindi pa ako tuluyang nakapasok ng gate pero kaagad nag-init ang ulo ko sa nakikita. Kasalukuyang inaagaw ni Mang Arturo ang hawak na hose ni Arrianne. Ang tigas talaga ng ulo niya, kahit paulit-ulit ko na ngang sinabi sa kan'ya na magpahinga muna. Dinaan ko pa sa paninisi at sermon, sundin niya lang ang mga utos at bilin ko. Pero wala talaga, ayaw pumasok sa utak niya.Lahat ng klase ng pag-intindi sa ugali niya ay ginawa ko na. Kahit minsan nakakasakit na ng damdamin ang mga inaakto niya na parang walang paki' sa kabutihang pinakapakita ko. Alam ko at ramdam ko, feeling niya ay kinokontrol ko siya. Kailan niya pa kaya niya marealize na kaya ginagawa ko ang lahat ng ito ay hindi dahil sa gusto kong kontrolin ang buhay niya. Kun'di dahil mahal ko siya.Pero wala din naman akong paki. Sabihin na niya ang dapat sabihin pero hindi ko hahayaan na gawin niya lahat ng gusto niya na alam kong hindi naman makabubuti sa kalusugan niya. Kahit kasi sabihin niya na okay na siya, alam
She came to a standstill and met my gaze, but she said nothing. Her look and scorching glare imply that she is trying to contain her anger.Napangisi ako. Akala siguro niya ay madadaan niya ako sa pagmamaldita at pagsusungit niya. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kan'ya. Huling-huli ko ang pag-iba ng ekspresyon niya habang papalapit ako."S-sir, lalabas na nga po ako, d'yan!" utal niyang sabi. Turo niya pa ang maindoor. Ang laki pa ng mga hakbang niya papunta roon. Nauna na nga siyang lumabas at iniwan ako. Ang bait naman pala niya kapag tinakot. Hindi ko mapigilan ang matawa. Pero matapos ang sandaling tawa na 'yon ay malakas na buntong-hininga. Sa ngayon, nagawa ko pa ang tumawa, ewan na lang mamaya kung makakatawa pa ba ako. Mabagal ang ginawa kong paghakbang palabas ng pinto. Ang bigat kasi ng katawan ko. Ang sikip ng pakiramdam ko. Utak ko nga parang sasabog na. Halo-halo kasi ang nararamdaman ko. Excitement, kaba, tuwa. Pero mas nangingibabaw ang pangamba. Pangamba na
ARRIANNE POV Sa sobrang sama ng loob ko kay Sir Danny ay umalis ako sa harap niya at basta na lang pumasok sa silid kahit walang pahintulot mula kan'ya. Ang sama talaga ng ugali niya. Okay lang naman sana kung parusahan nga niya ako. Pero ang sabihin niya na hindi ko pwedeng makausap si Mama kasi mababawasan ang bigat ng parusa ko ay kalabisan na. Hindi lang kasi ako ang pinarurusahan niya, kun'di pati na ang Mama ko. Ayokong magkasakit siya dahil sa pag-aalala.Hinding-hindi ko talaga siya mapapatawad kapag may mangyaring masama kay Mama. ***Nagising ako dahil sa naramdamang lamig. Nakatulogan ko pala ang pag-iyak. Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama. Madilim na. Tanaw ko na kasi ang nagkikislapang mga bituin sa langit. Talagang walang paki' ang boss ko sa nararamdaman ko. Hinayaan niya akong matulog na bukas ang bintana. Gusto yata niya na mangisay ako sa lamig.Tumayo ako at mabagal na humakbang patungo sa bintana. Yakap ko na rin ang sarili. Maibsan man lang ang lamig na n
DANNY POVNagising ako dahil sa naramdamang mabigat na nakadagan sa akin. Pero dahil sa nanghihina pa rin ako ay hindi ako kaagad nagdilat.Hanggang sa maramdaman ko ang kakaibang init na humaplos at nagumapang sa loob ng t-shirt ko. Awtomatikong bumuka ang mga mata ko.Umawang ang bibig ko at napakurap ng paulit-ulit nang makita si Arrinanne na yakap-yakap ako. Napigil ko ang paghinga ko nang gumalaw siya. Lalong humigpit ang yakap niya. Pinatong niya pa ang hita sa puson ko. "Sh¡t ..." pabulong kong mura. Anong nangyayari? Bakit magkatabi kami ni Arrianne? Dahan-dahan kong iginala ang paningin sa buong silid, nakita ko ang mga bowl na may tubig at may bimpo na nakababad doon.That explains why Arrianne is sleeping in the same bed with me. Naalala ko, sumama nga pala ang pakikiramdam ko dahil sa kaganapan kaninang umaga.Sa kabila ng sakit at lungkot na naramdam ko, hindi ko akalain na sasaya pa ako ng ganito. Napangiti ako habang nakatingin sa kan'ya. Kahit halos maduling na ako sa
DANNY POVLumukso na naman ang puso ko nang makitang nag-aalala si Arrianne. Dinala na naman ako sa alapaap ng sayang nararamdaman. Kahit alam kong lalagapak din naman ako matapos ang sandaling saya ko. Pero mahal ko nga, kahit simpleng galaw niya napapasaya ako. Nakakalungkot lang na kailangan ko munang itago ang nararamdaman kong saya. Nakakapagod. Pero sige lang ... tiwala lang. Tuloy pa rin siya sa paghimas sa tiyan ko na hinayaan ko lang. Pero nang bumaba ang paningin ko sa kamay niya ay kaagad niya iyong inangat. Parang napaso. Pero mabilis kong hinawakan ang kamay niya.Walang kurap na tumitig ako sa kan'ya habang dahan-dahang nilapat ang palad niya sa tapat ng puso ko. "Ito, ang masakit, Arrianne ..." halos pabulong kong sabi. Sabi na. Lumagapak din kaagad ang sayang nararamdaman ko. Nakakadismaya. Hindi man lang niya ako magawang tingnan. Nasa kamay niya na hawak ko ang tingin niya.Inangat ko ang kamay niya at pinatong iyon sa noo ko. "At ito ... nilalagnat nga ako, hindi
ARRIANNE POVByudo at may mga Anak? Ano ngayon? Matinong tao naman siya. Naging lasinggo pero dahil naman sa nawasak ang puso niya.Patunay lang 'yon na matindi siyang magmahal. Kaya talagang maswerte ang babaeng mamahalin niya. Nasa kan'ya na kaya lahat. Guwapo, mayaman, may mala nokia 5110 sa tigas na abs, at higit sa lahat buang. Saglit akong napangiti. Ano ba ang nangyayari sa akin. Dati, asar na asar ako sa pagkabuang niya. But now I find it cute and sweet. Sekreto kong nakurot ang sarili. Hindi ko na rin kasi maintindihan ang sarili ko. Simula kasi no'ng mapindot ko ang abs niya ay nag-iba na ang takbo ng isip ko. Iyong mga kilos niya na kinaiinisan ko dati ay biglang sweet na ang dating sa akin ngayon. Hibang na rin yata ako. Alam kong hindi dapat, hindi tama. Boss ko siya. At 'yong ginawa ko gabi ay wala ngang malisya. Dapat hindi ko lagyan ng ibang kahulugan. Dahil hindi naman niya alam na ginawa ko 'yon. Ay ewan ... kaya ako nasasaktan ng mga lalaki dahil ang bilis kong l
I wasn't in the mood, so I remained silent while helping Lena in the kitchen. She was preparing a meal for Sir Danny and me."Ma'am, ayos ka lang po ba?" tanong niya. Sandaling sulyap ang kasabay ng tanong niya. Kanina ko pa talaga napapansin na panay ang sulyap niya sa akin. Ngayon ay talagang hindi na nga siya nakatiis at nagtanong na. Ngumiti ako. "Ayos lang, " tipid kong tugon matapos ang sandaling sulyap sa kan'ya. Tipid din siyang ngumiti at napapailing pa. "Ma'am, 'wag mo po sanang masamain, ha ... pansin ko kasi na parang may problema kayo ni Sir Danny. Pareho kayong laging tahimik at madalas tulala."Muli na naman akong napangiti dahil totoo naman kasi na madalas nga talaga kaming tahimik at tulala ni Sir. 'Yong pagkukunwari naming lambingan noon ay hindi na naulit. Pakiramdam ko nga, ang pagpapanggap naming iyon ang dahilan kung bakit parang may nakaharang na malaking bakod sa pagitan naming dalawa. Matapos Kasi ang araw na ’yon ay nagbago na ang pakikitungo niya sa akin.