Share

Chapter 31

SA MULING PAGDATING ng rurok ng kanilang pagnanasa, pareho nilang hinahabol ang hangin sa kanilang paghinga.

Padapang naibagsak ni Evie ang kanyang sarili sa kama habang nakatingin sa kaliwa niya kung saan si Silver naman ay nakapatagilid na harap sa kanya.

"Bakit ang ganda mo?" tanong pa nito sa nangaakit na tingin habang hinahaplos ang likuran ni Evie.

"Nakadalawa ka na, huwag ka ng mang-uto dyan." pag-irap pa ni Evie rito na kinatawa ng bahagya ni Silver.

"Hindi kita inuuto noh. Kahit mukha ka pa rin nakipagsabunutan, maganda ka pa rin. -- Tapos ang sarap pa."

Pareho naman na silang natawa sa pangaasar pa ni Silver. "I know, right?"

"I want to tell you something." tila na-curious naman si Evie sa sinabi niya. "I've met her."

Nangunot naman kaagad ang noo ni Evie rito. "Who?!"

"My real mom."

Napabiglang bangon naman si Evie na halos manlaki ang mga mata niya sa nalaman.

"Yung -- yung totoong nanay mo?"

Tumungo-tungo naman si Silver sa kanya na may kaunting ngiti. "Yeap, my biological mom."

"Really? How is it?" pagtukod pa ni Evie sa dalawang kamay at braso para kaunting mapaangat ang sarili mula sa pagkakadapa.

"Nakipagkita daw siya sa stepmom ko at tinanong kung nasaan ako."

"Teka? Paano naman niya na-contact ang stepmom mo?"

"Si mama nga lang nakakakilala talaga sa kanya. Matagal niya daw akong pinagtatanong-tanong at nung nalaman niyang patay na pala si papa, sinubukan niyang hanapin ulit kami."

"Ganun? Sa tagal ng panahon? Baka tinatago ka talaga ng papa at stepmom mo?"

Napatungo muli si Silver sa kanya. "Yeap. Ganun na nga."

"So ano namang naisipan ng stepmom mo at bigla ka na niya pinagkanuno?"

"Not actually, she doesn't even sure where exactly I am, di ba? Pero nagawa na niyang ipaalam sa totoong nanay ko ang tungkol sa akin dahil akala niya mapapatawad ko siya sa ginawa nila ni Georgia noon sa yate kong toh."

"Ahh.. Kaya pala.." tila mas naliwanagan naman na si Evie. She have Missed a lot of things.

"Sinabi niya lang sa biological mom ko kung nasaan ang fruit warehouse ko sa Urdaneta at dahil magbabagong taon yun last year, alam niyang naroon ako. Kaya, nagpangita kami."

"That's -- that's awesome. How is it? Paano yung moment niyo? Nagyapakan ba kayo? Nag-iyakan?" naku-curious pang tanong ni Evie dahil hindi pa rin siya makapaniwalang nakita na pala ni Silver ang totoong ina nito na kahit kailan ay hindi pa nito nakilala dahil noong sanggol pa lamang siya ay itinakas na siya ng ama niya at stepmom niya mula roon.

"Hmm.. I don't know. I was so surprised yet I can't loose it up. Syempre nagduda ako."

"Wala ka man lang bang naramdamang lukso ng dugo?"

"Wala, hindi ko alam. Hindi kasi ako nag-assume kaagad kahit pa nagpakita siya ng certificate of marriage nila ni papa noon at birth certificate niya. Noong lumabas pa lang ang DNA result, doon ko pa lang tinanggap pero --"

"Pero ano? Nasaan na ba siya ngayon?"

"Nadoon na rin sa sarili niyang pamilya sa Cebu."

"Ay ang layo."

"Nabisita ko na rin naman siya doon noong nagka-project ako ulit sa Cebu. Balak ko rin kasing ibalik ang branch ko doon ng kompanya."

"Well then. Why not?"

Hinalikan naman ni Silver si Evie at tinugon naman din ito ng dalaga.

"You asked me before what's her name di ba? Pero hindi ko sinabi."

Naalala nga iyon ni Evie at nakaramdam ng lungkot. Tila may kung anong kumurot sa kanya.

"Her name is Sylvia."

Nangiti naman ng bahagya si Evie. "Sylvia?"

"Yeap. I was named after her pala ni papa."

"I'm happy for you, Silver. You are complete now."

Napalingon naman muli si Silver kay Evie at hinalikan ang balikat ng dalaga. "Mas makokompleto ako kung asawa na kita." natahimik na lamang din si Evie sa sinabi nito.

"Kami ngang after 30 years pa bago nagkita, tayo pa kayang four years palang, tingin mo susukuan ko?"

"Wow? Nahiya naman ako sa isang taong mahigit natin na yun eh, naghiwalay na lang tayo pero hindi pa rin nagkita!" sabay irap pa ni Evie rito. Naalala na naman niya ang lungkot at inis ng mga panahong iyon.

"Sorry na kasi, huwag ka ng magtampo. Babawi na talaga ako sayo sa lahat-lahat!"

Bumangon na si Evie kahit pa hubo't hubad pa ito. "Tse! Bumangon ka na dyan! Baka hinahanap na nila tayo!" tila pagtataray na nito at hinanap na ang mga damit niyang mukhang nagkalat sa silid.

Nangingiti na lamang din si Silver at sumunod sa kanya.

DAHAN-dahan pa silang pumasok sa bahay mula sa likod dahil mas tahimik buksan ang maliit na gate roon kaysa sa front gate. Sumilip pa sila sa loob ng bahay kung baka may gising na ngunit tahimik pa rin at walang ingay.

Sa kusina sila dumaan at mukhang hindi pa nakakarating ng bahay rin ang mga katiwala niya.

"Shh! Buti nakauwi tayo bago sila magising." bulong pa ni Evie habang nauunang maglakad papalabas ng kusina.

At dahil nasa likuran niya si Silver, pinisil nito ang pwet niya na ikinagulat niya at hampas sa braso nito bilang pagsuway. Tinatawanan lamang siya nito.

"Huwag kang maingay."

"I don't understand? Why I need to sneak in into my own house?" tila inis pang tanong ni Silver.

"Shh! Bilisan mo na lang ng makapanik na tayo sa kwarto."

Nang makaakyat sila ay nagtungo kaagad si Evie sa guest room niya at pilit pang papasok roon si Silver ngunit pinipigilan siya ni Evie.

"Ano ba? Doon ka nga sa kwarto mo!" mahinang singhal nito kay Silver na halatang inaasar lang siya.

"Bakit?"

"Huwag ka ngang makulit, Silver! Doon ka na!" naitulak niya ito ng malakas at dinilatan pa ng mata bago pinagsarahan ng pinto.

Napapailing at ngiti na lamang din si Silver hindi dahil naasar niya si Evie, kundi dahil sa wakas ay nakasama na niya ito. Dumiretsong pasok na lamang din siya sa kwarto niya.

Nang maisara ni Silver ang pintuan ng kanyang kwarto, saka namang bukas ng guest room kung saan naroon sina Benjamin at Sofie nananatili. Lumabas roon si Benjamin at maglalakad na sana pababa ngunit nahinto siya sa tapat ng pinto ng silid naman ni Evie.

Tinitigan niya ito at saka naglakad ng pababa ng hagdanan.

HABANG nagaalmusal silang apat sa may garden, tila panay sulyap si Silver kay Evie na patay malisya naman sa kanya. Tila parang walang naganap sa kanila at umaakto ito kagaya pa rin ng dati.

"How's your scratches?" tanong pa ni Benjamin kay Evie na napalingon rin naman sa kanya.

"Kinda healing." pagsigurado pa niya rito.

"I cannot believe she did that? Akala ko pa naman mabait siya at siya yung naargabyado." komento naman ni Sofie habang kumakain.

Wala namang umimik sa kanila upang magbigay ng komento pa.

"I -- I apologise for that." tumugon naman si Silver kay Evie at hinawakan ang braso nito. "I apologise na nadamay ka pa." sincere namang saad nito na hindi inaasahan ni Evie.

"That's -- that's fine."

Napatingin naman si Benjamin sa ginawa ni Silver at tila hindi maipinta ang itsura niya. Nananahimik na lamang siya ngunit hindi maitago ang pagkaselos at hinala nito. Kaibigan niya si Evie, kaibigan niya rin si Silver, normal lang naman siguro na maging magkaibigan rin ang dalawa lalo't palagi rin silang nagkakasama. Pero bakit hindi niya maunawaan na nakakaramdam siya ng inggit at selos sa tuwing nagkakasama ang mga ito ng wala siya?

Hindi niya maintindihan kung dahil nai-intimidate lamang siya dahil napupunta na rin ang atensyon ni Evie? Na nagkakaroon na ito ng closeness sa iba? Matagal na panahong nasanay siyang siya lamang ang inaalalang kaibigan ni Evie. Hindi niya mawari kung bakit kailangan niya itong maramdaman gayung wala namang masamang mapalapit si Evie sa ibang tao kung tutuusin.

Matapos ang kanilang almusal ay nagkaayaan naman na silang mag-swimming sa beach kaya pagkabihis nila ay nagtungo na rin sila roon.

Pagkalatag ni Silver ng sapin nila sa beach front, naghubad na siya ng puting shirt na suot at naupo roon. Naghubad na rin si Benjamin ng sando niya at naupo rin sa tabi ni Silver.

Nagtanggal naman na ng manipis na pamatong si Sofie showing and wearing her red two-piece bikini. Naka-push up ang tops niya kaya sumasabog ang cleavage niya. Lalong lumitaw ang kaputian niya dahil rito.

"Benj, pa-help namang maglagay ng sunblock oh?" pagtabi pa nito kay Benjamin at inabot ang sunblock lotion niya. Hindi naman na nagreklamo si Benjamin at tinulungan nga si Sofie.

Maya-maya pa ay natatanaw na ni Silver si Evie na papalapit sa pwesto nila dahil kinuha pa nito ang snorkeling gear na hiniram niya. Kasamang naglalakad nito ang asong si Steve. Napababa pa ni Silver ng suot niyang sunglasses para makitang mabuti si Evie na nakasuot ng sarong na itim.

Nakarating ito sa pwesto nila at inilapag ang dalawang set ng goggles, oxygen tube at pares ng flippers.

"Nice." na-excite naman si Benjamin dahil nais niya ring mag-snorkeling, ginagawa nila ni Evie noon ito. Sa sobrang excited niya, itinigil niya ang pagpahid sa likuran ni Sofie ng sunblock at inilapag ang lotion sa tabi lang nito saka tumayo at lumapit kay Evie.

Labis na nabigla at nabwisit si Sofie dahil rito. Hindi siya makapaniwalang iiwan siya ni Benjamin kahit pa may ginagawa ito sa kanya.

"I've seen some spot doon sa may gawing yun." pagturo pa ni Benjamin at napatingin naman din doon si Evie.

"Ah, oo doon din ako nakakita dati. Kaya nga -- nanghiram na ko nitong gears." saad pa ni Evie na napatingin kay Silver. Hindi naman niya malaman kung nakatingin sa kanya si Silver dahil naka-sunglasses ito.

"Sisisid kayo?" tila inis pang tanong ni Sofie.

"Snorkeling." nakangiti pang sagot ni Benjamin.

"You can join us." saad pa ni Evie ngunit asiwa pa rin ang mukha ni Sofie at nagpatuloy sa pagpahid ng sunblock sa braso niya.

"No thanks. Hindi kasi ako -- magaling lumangoy." tila nahihiya pang pag-amin nito.

Natahimik naman sina Evie at Benjamin.

"Ikaw, Silv? Join us!" baling naman ni Benjamin kay Silver.

"Sige lang, magsu-surf ako eh." sagot naman nito tinapik pa ang malaking surfing board nga na nakalatag sa likuran niya.

Dinampot naman na ni Benjamin ang isang set ng snorkeling gear na nasa sapin nila, sinasamaan naman siya ng tingin ni Sofie ngunit hindi niya ito pinapansin.

Habang si Evie naman ay inaalis ang pagkabuhol ng sarong na nakatali mula sa leeg niya. Nang matanggal niya ito, kaagad na pabukas niyang inalis ito showing fit and sexy figure. She's wearing a simple nude color two-piece bikini. Sakto namang napalingon sa kanya si Benjamin at kaagad na natulala sa kanya. Napakunot naman ng noo si Silver dahil tila hindi niya nagugustuhan na may ibang nakakatingin sa katawan ni Evie. He gets hard on nang masilayan ang katawan ni Evie kahit pa may kaunting saplot pa ito.

"Tss.." mahina ngunit narinig ni Silver ang reaksyon ni Sofie sa hindi kalayuan sa kanya. Hindi nakakapagtakang magselos rin ito kay Evie.

Maganda at sexy si Sofie, gayun din si Evie, ngunit hindi hamak na mas ma-appeal ito kahit pa walang makeup. Mas maputi man si Sofie, bagay pa rin sa kaputian ni Evie ang nude bikini niya. Hindi mapigilan ni Silver pakatitigan ito at napapalunok. Mukhang kailangan na rin niyang maligo ng dagat para mahimasmasan.

"Stay here baby ah? Babalik din si mommy." paghimas pa ni Evie kay Steve habang nakaupo ito sa tabi niya. Hinubad na niya ang suot na sunglasses at kinuha na ang snorkeling gears niya.

Nagtungo na sa beach sina Evie at Benjamin, nagtungo na rin sa dalampasigan si Sofie at panay kuha ng selfie. Naiwan pa roon si Silver sa pwesto nito at tumatanaw-tanaw lang. May mga ibang taong naliligo rin sa beach, maramihan ang mga grupo ng mga ito, may magbabarkada at pamilya.

"Dito ka lang Stevey ah? Bantayan mo mga gamit natin." saad pa ni Silver at hinimas ang ulo ni Steve na nakahiga at harap sa beach. Kinuha na niya ang surf board at nagtungo na ring beach, doon rin siya nagtungo kung nasaan banda sina Evie at Benjamin.

MAKALIPAS ng ilang minuto, napagod na rin si Sofie sa palakad-lakad at panay selfie lang. Tinanaw niya sa beach kung nasaan ang mga kasama niya. Nakita niya kaagad si Silver na nasa malalim na parte at nakaupo sa surfboard nito habang palutang-lutang lang.

Lumapit banda si Sofie kung nasaan banda si Silver ngunit bago niya sana tawagin ito, nakita niyang umahon na rin si Benjamin kasunod ay si Evie. Parehong naka-goggles pa ang mga ito ngunit inalis ang mga air tube sa bibig.

Tatawagin niya sana ito ngunit natigilan siya ng makitang tinutulungan ni Benjamin si Evie na hawiin ang buhok nitong nagkalat sa harapan at mukha. Lalo siya nakaramdam ng pagngingitngit sa dalaga.

Sa hindi rin kalayuan, habang nakaupo lang sa surfboard niya si Silver at nagpapalutang-lutang sa gitna ng dagat, tinatanaw-tanaw niya rin kung nasaan sina Evie at Benjamin. Nang mapansin niyang umahon na si Benjamin, kasunod na rin nun si Evie. Nagsagwan pa siya gamit ang kamay niya para makalapit na sa ito ngunit nakita niya rin ang ginagawa ni Evie. Tila napaka-sweet naman yata nito bigla sa dalaga, kaya mas minadali niyang makalapit sa dalawa.

"Hey!" pagtawag na niya at sabay namang napalingon sa kanya ang mga ito. Hinubad na rin nila ang mga suot na goggles.

Sinalubong naman kaagad ni Benjamin ng ngiti si Silver.

"Wanna try surfing?" tanong pa ni Silver ng makalapit sa dalawa. Bumaba na siya ng surfboard at hanggang beywang lang niya ang tubig na hanggang dibdib ni Evie.

"S -- sure." tugon naman ni Benjamin at nagpalit sila ni Silver. Inabot niya isa-isa ang snorkeling gears kay Silver at kinuha naman din niya ang surfboard ni Silver. "Ingat guys.." tila labag man sa kalooban niya ay iniwan niya ang dalawa at nagsimulang mag-surf sa kalayuan.

Habang kinakabit ni Silver ang flippers sa paa niya, napakapit siyang bigla sa balikat ni Evie.

"Really? Ikaw nagsu-snorkeling?" pagsita pa ni Evie dahil alam niyang Silver's not into this kind of activity.

"Oo, bakit hindi. Kaya nga ako may ganito oh?" pagtukoy pa nito sa mga hawak na gears, napairap na lamang si Evie sa kanya.

Kinabit na muli ni Evie ang goggles at oxygen tube saka muling lumangoy sa mas malalim na parte ng dagat. Sumunod na lamang si Silver rito.

HABANG nag-sighting ng ilalim ng dagat, nakakita sila ng iba't ibang isda at ilang sea grasses. Napapaturo pa si Silver sa makukuha na isda para makita iyon ni Evie. Kapag nalalapit sila sa isa't isa, panay hawak at tsansing naman si Silver pa kay Evie, palagi naman siyang tinatapik o kinukurot ni Evie.

Nang nauunang lumangoy si Evie, pinisil muli ni Silver ang pisngi ng pwet ni Evie at alam niyang nagulat ito at hinawi ang kamay ni Silver. Kaagad na umahon si Evie at inalis ang oxygen tube sa bibig. Umahon rin naman si Silver.

"Ano ba? Kanina ka pa manyak ng manyak sa akin ah?" inis namang pagsita pa ni Evie kay Silver ng umahon ito sa harapan niya at inalis na rin ang nakasuot sa bibig na oxygen tube.

"Hoy! -- Eh ano naman? Asawa naman kita!"

"Hindi tayo kasal!"

"Gayun na rin yun! Akin ka lang!"

"Hindi ako bagay na pag-aari mo, Silver."

Lumapit naman si Silver kay Evie at pinayakap ito.

"Pero akin ka lang, please?" tila paglalambing pa nito na hindi pinatulan ni Evie.

"Baka may makakita sa atin." paglibot pa ni Evie ng tingin sa palagid. Hindi niya rin kasi matanaw si Benjamin.

"Ano naman? Kung pwede lang eh. Ikaw lang may ayaw."

"Silv --"

"Call me daddy, it sounds better."

"Ewan ko sayo!" kakalas na sana si Evie rito ngunit hinalikan siya ni Silver, at dahil nakapayakap pa rin ito sa kanya, hindi siya kaagad nakapalag.

NAGMAMARTSA si Sofie ng bumalik sa pwesto nila. Naabutan niyang nakahiga sa sapin nila si Steve kaya natakot siya at napaatras. Lalo siyang nabwisit dahil pagod na nga siya, pero hindi pa siya makapagpahinga dahil ayaw niyang makatabi ang aso sa sapin.

"Bwisit talagang Evie na toh! Pati aso niya, bwisit! Argh!" singhal pa nito kaya napaangat ng ulo ang aso at tingin sa kanya. Bigla rin siyang inangilan nito. "Umalis ka nga dyan! Shoo! Shoo!" pagtaboy niya pa rito ngunit tumayo na ang aso at nagpagpag pa kaya lalo siyang napaatras.

Napalingon-lingon pa siya sa paligid kung nasa malapit na ba ang mga kasama ngunit wala pa rin talaga. Napabaling siya ng tingin muli sa aso at nakita niya ang sunglasses ni Evie na naroon. Nang nangamot ng tainga ang aso, mabilisan niyang kinuha ang sunglasses ni Evie sa tabi nito. Halos mandiri naman siya at matakot sa ginawa.

"Hoy aso! Lumayas ka dyan!" napatingin sa kanya ang aso ng pinangduro pa niya ang hawak na shades. Napansin niyang doon napunta ang atensyon ng aso dahil tila nakatitig ito sa hawak niya kahit saan niya ipaling.

Tila napangiti naman si Sofie at may naisip na hindi kagandahang ideya.

"Chuu! Come here doggy!" pagtawag niya aso habang pinapakita ang sunglasses ng amo nito kaya sumunod rin sa kanya ang aso. Umalis ng sapin si Steve at mabilis na sinundan si Sofie patungong beach. "Eh di umalis ka rin!"

Nang tangkang dadambahin na siya ni Steve dahil sa hawak niya, mabilis niya itong ibinato na sa dagat.

"Aahhh!" tili nito sa gulat at takot kaya napaupo pa siya dahil nawalan ng balanse.

Kaagad naman nanakbo si Steve sa tubig at sinalo ang malalaking alon ng dagat para lang makuha ang sunglasses ng amo na binato ni Sofie roon.

Tumayo na si Sofie at pinapagpag pa ang sariling pang-upo dahil nabasa ang bikini niya at nabuhanginan.

"Stupid dog!" inis pang saad nito at pabalik na sana sa pwesto nila ngunit natigilan siya ng marinig ang tahol at iyak ni Steve. Kaagad niya itong nilingon at nanlalaki ang mata niya sa takot ng makita ang aso na nahihirapan sa paglangoy dahil nilalamon ng malalakas na alon.

"Ay! Ahm.." halos natataranta na siya at minasdan pa ang aso na halos umiiyak na dahil hindi makalangoy ng maayos kahit patuloy itong lumalangoy ay tinatangay pa rin ng alon. "Shit!"

"Di ba marunong lumangoy ang aso?! Bakit -- nako naman oh! Pahamak talaga!" hindi na niya mapakaling saad at natataranta.

MATAPOS mag-snorkeling ay umahon na rin sina Evie at Silver. Habang paahon ay tinatanggal na nila isa-isa ang oxygen tube, goggles at flippers nila habang umaahon sa dalampasigan.

Biglang pinalo naman ni Silver ang pisngi ng pwet ni Evie na kinabigla talaga ng dalaga ngunit napigilan ang sarili. Napahawak siya rito at nalingon si Silver na kasabay na niyang naglalakad. Tiningnan pa niya ito ng masama.

"Mamaya ka sa akin." banta pa ni Evie dito ngunit todo ngiti lang sa kanya si Silver.

"Mamaya ka rin sa akin." sabay kindat pa kay Evie at iripan lang siya nito.

Habang naglalakad sila sa dalampasigan pabalik sa pwesto nila, natanaw nilang tila walang naroon kahit pa ang aso ni Evie na si Steve.

"Aahhh! Help! Help!"

Kaagad naman sila napalibot ng tingin sa narinig na nagsisigaw at nagtititili. Labis rin silang nangamba.

"Si Sofie?" nakita ni Evie na si Sofie pala ang sumisigaw at humihingi ng tulong. Tila natataranta na ito masyado, may ibang taong naroon ngunit parang walang mahingian pa rin ito ng tulong. "Silv! Silv! Si Sofie humihingi ng --" biglang nanlaki ang mga mata niya at natigil sa pagkalabit kay Silver ng makita kung sino ang nasa dagat. Ang asong si Steve na mukhang nahihirapang lumangoy dahil sa malalakas at mamamataas na alon. "Steve!"

Malakas na sigaw ni Evie at nananakbo papalapit muli sa dalampasigan. Nabitawan na nito ang lahat ng hawak at walang tanong na sumunod sa tubig at nag-dive upang makalapit kay Steve. Kaagad rin naman sinundan ni Silver si Evie at gayun din ang ginawa.

"Steve! Baby!" pagsigaw na tawag pa ni Evie sa aso at alam niyang naririnig siya nito.

Patuloy ang iyak ng aso na nakakapagpadurog ng puso ni Evie. Labi siyang nagaalala at natatakot para sa alagang aso.

"Evie!" sigaw rin ni Silver na sinusundan si Evie. Nilangoy na rin niya ang tubig dahil lumalalim na.

Kahit pa nakakainom na si Evie ng tubig dagat, hindi niya iyon alintana. Nilangoy niya ang dagat at kahit pa hinahampas siya ng alon pabalik ay patuloy pa rin siya para lang makalapit.

Steve! Wait mo si mommy!

Napansin pa ni Evie na may malaking alon na paparating pa kaya mas nagmadali siyang languyin ang tubig patungo sa aso niya.

"Evie!!!" malakas na sigaw pa ni Silver na nagmamadali ring lumalangoy patungo kay Evie. Mas lalo niya rin binilisan ng makita ang paparating na alon.

Steve!

Ngunit dumating na ang malakas na alon at hinampas sila nun. At sabay na nawala sa paningin ni Silver sina Evie at ang aso nitong si Steve.

Nilamon din ng alon si Silver, lumubog siya ngunit mabilis din siyang nakalangoy paahon. Tinanaw niya sa paningin niya ang paligid at hindi na niya makita si Evie o Steve.

"Evie!!!" sigaw niya pa at lumangoy-langoy sa kung saan hanggang sa natanaw na niya ang nakadapang si Evie sa hindi kalayuan na nagpapalutang-lutang. "Evie!" kaagad siya lumangoy patungo kay Evie hanggang sa nalapitan na niya ito. Kaagad rin naman niyang kinuha ito at inangat ang ulo.

Kinarga kaagad ni Silver si Evie at tinapik-tapik ang pisngi dahil tila wala itong malay. Lumangoy na siya kaagad papuntang pangpang habang dala si Evie.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status