Share

Chapter 61

DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.

Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.

Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.

Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.

Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.

Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.

Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open field para sa nais magrenta ng bikes, 4x4 motor bikes at scooters. Napansin na rin niyang bukas ang isang sunken bar na may billiards, darts at ibang board games na available sa loob, may iilang tao rin naroon.

Naglakad muli siya palabas ng resort para makarating ng front beach, habang sinasalubong ang hangin sa dalampasigan at kasabay si Steve, natanaw niya na tila may photo shoot na nagaganap sa madadaanang beach side.

Habang naglalakad at dinadaanan ang mga ito, minamasdan niya ang magkasintahan na kinukuhanan ng litrato habang abala ang staff at photographer sa kanila. Hindi niya napigilang hindi mangiti dahil sa sweetness ng couples, at hindi niya rin inaasahan ang pumasok sa isip niya.

Magiging ganito rin kaya kami kasaya ni Silver?

Hindi sa ayaw niya ang ideyang ito pero ayaw niya paasahin ang sarili niya rito. Kaya tuluyan niyang nilampasan ang minamasdang photo shoot kanina.

Naglakad-lakad lang din siya sa beach kahit pa matirik ang araw, hindi niya yun alintana dahil malamig ang simoy ng hangin, nakatulong din ang suot niyang big hat at sunglasses kahit pa naka-maxi dress siya pang ibabaw.

Dahil umabot na siya sa dulo ng resort area, nagpasya na siyang maglakad pabalik dahil nakaramdam na rin siya ng gutom. Bumalik siya sa restaurant sa loob ng resort, kasama pa rin si Steve, at nagpasyang subukan ang mga pagkaing naroon.

Kapansin-pansin pang world class ang menu ngunit may iilan pa ring authentic cuisines. At ang nakakatuwa pa ay may espeyal na menu para sa alagang hayop na kasama ng guest sa restaurant.

Habang nagiintay ng in-order niya, namasdan niya muli ang tinatayong coffee shop na halatang kay Benjamin, hindi niya napigilang ngumiti at mailing dahil rito.

Matapos niyang kumain, bumalik siya ng kwarto niya saglit upang kumuha ng ilang gamit at bumalik na rin sa beach front. Naglatag siya ng sapin niya habang nagbabasa ng libro sa ilalim ng puno ng buko. Nasa tabi niya lang din si Steve na inaabala ang sarili ngunit hindi naman lumalayo sa kanya.

Napapatanaw siya minsan sa mga taong nasa beach at hindi niya maiwasan ang sumasagi sa isip niya, si Silver.

Nakita niyang may couples na umaakyat sa kayak, naglalakad na magkahawak kamay, naglalakad na may hawak na snorkeling gears at mayroon ding nag-swimming sa dagat ng sabay. Lahat ng ito ay nakakapagpaalala sa kanya ng nagawa nila noon ni Silver na magkasama. Hindi niya malaman kung nais niyang mangiti o malungkot.

Sobra na niyang nami-miss ang binata ngunit kapag naalala niya ito, tila nalulungkot siya at nanlulumo. Gustong-gusto niyang kamustahin ito ngunit kailangan muna niyang pigilan ang sarili hangga't hindi pa siya desidido sa sarili. Ayaw naman din niyang maging unfair kay Silver na mahal nga niya ito ngunit hindi buo.

Sa lumipas na araw, gayun na lamang ang ginagawa ni Evie para malibang ang sarili. She did swimming, kayaking, surfing, snorkeling on her own. She even tried to play golf, billiards and even play in casino for passing time yet her mind is always occupied by someone. Always Silver.

She hate herself for loving him too much yet couldn't be sure about accepting things from him. She also then misses Toffer and she was thinking how does it goes with his mother's case.

She knew DNA test result will come out tomorrow but still couldn't find a courage on how will she going to accept it.

She then again went out of her room and do the daily routine of watching the sunset at the beach front. But this time, she wanted to rent a yacht and do some sailing around the ocean.

"Well then, Miss Symaco."

"Please, just Evie."

"Okay, Miss Evie. The yacht is all set. Are you sure you don't need anyone to assist you to --"

"No, it's okay. The yacht wasn't that big at all. And, I will just be nearby the beach."

"Well then, Ma’am." nakangiti naman ang receptionist ng iabot kay Evie ang tila susi ng yacht na nirentahan niya.

Bigla naman lumabas mula sa opisina nito ang manager ng front desk na siya ring nakausap noon ni Evie. Tila natuwa ito at na-excite ng makitang si Evie ang nasa front desk.

"Ah, good afternoon, Miss Symaco!"

"Good afternoon, Mr. Lance. And please, just Evie." pagngiti pa niya rito.

"Ah, okay Miss Evie. How's your stay here?" magiliw pa rin nitong tanong.

"It was so great. I never expected this resort will be this awesome."

"Really? Ahm, how about the services?" tila paguusisa pa rin nito.

"The services are one of the kind. I appreciate all the help and assistance. Staffs are friendly as well." pagsagot naman nito ng nakangiti kahit pa walang kaalam-alam na VIP na pala ang tingin sa kanya ng mga ito.

Tila nagpipigil naman ng tuwa si Lance ng marinig ang komento ni Evie sa kanila.

"Ah, thank you so much Miss Evie."

Lumabas na si Evie at nagtungo sa nirentahang yate, kagaya ng plano niya, naglayag siyang mag-isa para mas mapanood ang paglubog ng araw sa gitna ng karagatan.

Nakamasid lamang siya roon na tila kay lalim ng iniisip. Napapayakap siya sa sarili dahil sa lamig ng hampas ng hangin sa kanyang balat.

Living with or without you, huh? Does it make any sense at all?

NANG magpasya na siyang bumalik sa pangpang at sa hotel, sa main entrance na siya dumaan dahil mas maliwanag ang daan doon, unexpectedly, hindi pa man din siya nakakapasok, napatigil siya dahil sa nakita sa harapan ng resort.

She knew and saw the ongoing construction there because of the renovation, she just stopped and almost drop her jaw as she saw the almost finish signage of the new name for the resort.

Napahawak na lang siya sa nakapanganga pa rin niyang bibig habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa wala pang ilaw na signage ngunit malapit ng matapos.

Hindi na rin niya napigilan ang luhang kumawala sa mga mata niya and then by that moment she realised, what they feel for each other is true and real.

ANG attorney na ni Silver na si Atty. Jason ang kumuha ng DNA result sa ospital para dalahin sa presinto at doon muli silang maghaharap ni Tin at ng batang sinasabing anak niya.

Ilang araw ng tila magkakasakit si Silver dahil noong naging puspos siya sa pagtatrabaho, napabayaan na naman niya ang sarili dahil na rin sa lungkot na nadarama sa pagalis ni Evie. Dahil sa hindi niya nasusunod ang maintenance ng gamot niya, naospital siya ng pagkailang ulit, mabuti na lamang at may nauutusan siyang sekretarya at si Benjamin na lagi siyang kinakamusta.

At ngayong araw nga ay dumiretso na lamang siyang presinto at nautusan ang attorney niyang kumuha ng result dahil hindi niya rin kayang malaman kaagad ang resulta nun.

I wish you were here with me, mommy. I need you.

Kahit walang gana at napipilitan na lamang, lumabas na si Silver ng sasakyan niya nang makapagparada sa police station. Pagkapasok niya sa loob ay dumiretso na silang Women and children protection desk at nakitang naroon na rin si Tin kasama ang mga taga-DSWD.

"Where's the kid?" walang ganang tanong niya sa mga ito.

"Ahm, I'm sorry Sir. Hangga't hindi pa po napapatunayang kayo ang ama ng bata, minabuting hindi na lamang po namin siya dalahin rito."

Napabuntong hininga na lamang si Silver at napatingin kay Tin na nananahimik na nakaupo, ni hindi ito makatingin na sa kanya.

"Excuse me Sir Alessandro, yung result po ng DNA?" tanong na ng chief.

"Paparating na ang attorney ko, siya ang may dala."

"Nakahanda na rin po ang kaso kung sakaling itutuloy niyo po."

Tila hindi maipinta na ang reaksyon ni Tin, hindi malaman kung nahihiya ba ito o natatakot. Ngunit walang lakas si Silver para intindihin ito. Gusto na lamang din niyang malaman ang totoo upang matapos na ang dilemma niya. May Evie pa siyang nais harapin.

Makalipas ang ilang minuto nilang pagiintay, dumating na rin si Atty. Jason dala ang DNA result ni Silver at ng bata.

"Thank you for waiting, have here the envelope in my hands the DNA result of my client and the child Miss Cruz referring his child."

Labis ng nanlalamig si Silver kahit hindi niya maipakita ang emosyon niya, kinakabahan siya na natatakot, pero narito na ito, wala ng atrasan.

Nakaantabay ang lahat kay Attorney habang binubuksan nito ang sealed envelope, at nang kunin na nito ang papel, napapikit na lamang si Silver dahil parang hindi nito kayang harapin ang lahat.

"The DNA paternity result says -- it's 0.00%." saad nito at tila ang lahat ay nabigla.

Napatingin ang lahat kay Tin na hindi maipinta ang mukha dahil sa kahihiyan.

"Hindi! Hindi yan totoo!" sambit lang nito.

"I'm sorry, Miss Cruz. But this the legitimacy of the result is a hundred and one percent accurate. Unlike the legitimacy of your son you are referring as Mr. Alessandro's child."

Tila namimingi pa si Silver at wala naiintindihan, napadilat na siya ng marinig ang pagiingay sa pagsasalita ng ilang taong naroon sa loob ng silid.

Lumapit si Atty. Jason sa kanya na bakas ang ngiti bago siya hinawakan sa may balikat niya habang nakaupo pa rin.

"It's negative, Sir."

"What -- negative?"

"He's not your son, Sir Silver. Are we continuing to file a case against Miss Cruz?"

Halos lumutang si Silver ng mabunutan ng sibat sa dibdib. Napahimas siya ng dibdib niya at bumuga ng malakas na hangin.

"My goodness." bulong nito sa sarili. "He's not mine? But --" napaturo pa ito kay Tin ngunit napaseryoso siya rito. "You! You really came this far for lying!"

"But -- Silver --"

"I could have lost my wife!"

Biglang lumapit si Tin sa kanya at lumuhod sa harapan niya.

"Silver please! Huwag mo akong kasuhan! Hi -- hindi ko sinasadya."

"Liar! Hindi sinasadya? You even blackmailed me! You disgust me." napahilamos pa siya ng mukha bago humugot ulit ng malalim na hininga. "Tama si Evie, sinong matinong babae ang magpapabuntis ng hindi alam kung sino talaga ang ama ng anak niya? I knew it! Baka nga wala naman talaga nangyari sa atin nun dahil lasing talaga ako!"

"I -- I was so lost! I don't really know what to do!"

Tumayo si Silver at iniwasan si Tin na napaupo na sa sahig at umiiyak.

"Kung hindi si Sir Silver ang tatay ng bata, eh di sino?" tanong naman ng chief na pumapagitna sa kanila.

"Iniwan ako ng ex ko dahil -- hindi ko alam na may girlfriend na pala talaga siya. Noong sinabi kong buntis ako, nalaman yun ng girlfriend niya at -- at nagalit dahil naging kabit ako ng boyfriend niya." nangingiyak nitong payahag. "Hindi ko naman talaga alam na may girlfriend na pala ang sira ulong yun! Niloko niya rin ako! Mawawalan ako ng trabaho kapag nalaman na buntis ako, kaya -- kaya na-set up ko si Silver."

"So you're admitting that you purposely lied to me?" nababanas man pero mas nananaig kay Silver ang kasiyahan na hindi pala talaga siya ang ama ng bata. Isa lamang ang nasa isip niya, magiging maayos na sila ni Evie.

"Miss Cruz, malinaw na malaking kasalanan ang nagawa niyo, pati na rin ang pagpapabaya sa bata noon naiwala niyo ito sa mall."

"False declaration and e****a ang maaaring isampang kaso namin sa kanya." saad pa ng attorney ni Silver.

"Huwag! Please!" halos gumapang ito patungo sa paanan ni Silver at nagmamakaawa. "Please, Silver! Maawa ka sa akin at sa anak ko! Please!"

"Kailangan mong madala! Muntik mo ng masira ang relasyon namin ni Evie." tila pagmamatigas nito.

"I'm sorry! I'm so sorry! Nagawa ko lang naman yun dahil wala na kong pagpipilian, alam kong matutulungan mo ko pero hindi ko rin naman sinasadyang lokohin ka."

"Matatanggap ko pang naloko mo ko, pero yung masira kami ni Evie, hindi!" tila pagtitimpi pa nito. Napahilot siya ng sintido dahil kanina pa talaga siya nakakaramdam ng pagkahilo at panghihina.

"Silver, please! Maawa ka!"

Pilit lumayo na si Silver kahit pa nakakapit pa rin si Tin sa laylayan ng pantalon niya. Inaawat naman ito ng ilang mga pulis at taga-DSWD habang lumalayo siya. Naiwan naman doon si Atty. Jason.

Habang naglalakad siya palabas ng police station, tila nagdidilim na ang paningin niya kaya napakapit at sandal na siya sa gilid ng kotse niya. Marahan niyang ipinikit ang mga mata dahil umiikot na rin ang paningin niya.

"Ma -- mommy.."

Yun na lamang ang nasambit niya bago tuluyang mawalan ng malay at bumagsak sa gilid ng kotse.

MABIGAT ang talukab ng Silver ng unti-unting idinidilat ang mata niya. Pamilyar ang amoy ng kinaroroonan lalo ang puting-puting kapaliguran. Malalim ang hugot ng hininga na niya bago tuluyang mapagtanto ang kamalayan.

"Hey there sleeping beauty." pabirong bati ni Benjamin na nakangiti pa kay Silver habang nakaupo sa gilid ng kama niya.

Napatingin kaagad si Silver kay Benjamin ngunit hindi pa makapagsalita.

"Attorney Jason mentioned when I called him, I was just asking about the contracts."

Pilit namang bumangon si Silver hanggang sa mapaupong higa sa hospital bed niya.

"How you feeling?"

"I -- don't know."

"Nag-collapse ka daw eh, masyado ka bang stressed out these days?"

"You have no idea."

"I bet."

Napapahilot pa ng sintido si Silver habang sinusubukang alalahanin ang nangyari sa kanya kanina bago mawalan ng malay.

Naramdaman niyang tumayo na si Benjamin mas malapit sa kanya.

"I don't know if -- it's something could be celebrating about but -- good thing it was negative."

Nagkatinginan naman sila at biglang natawa.

"Dude, muntikan ka na." biro pa ni Benjamin sabay hawak sa balikat ni Silver.

"Alam ko naman na yun, just for everyone's peace of mind!"

"At sa tingin ko, may mas deserve ng peace of mind na yan."

Napatango-tango naman si Silver rito.

"Still no idea where she is."

"I do." bigla naman napatingin sa kanya si Silver na mas lalong naging interesante. Nginitian naman niya ito.

"What do you mean? Kinontak ka na niya?"

"Hmm... Let's just say, I think she made up her mind."

Gustong manlumo ni Silver at kahit nakakaramdam ng init sa may tainga dahil sa paghalam ng mga mata, huminga na lang siya ng malalim para mapigilan ito.

"And it's your decision to find out what."

HINDI na halos nakatulog si Evie dahil sa mga naiisip. Kahit pa alam na niya sa sarili niya na sigurado na siya ngayon sa desisiyon niya, may mga bagay pa rin siyang hindi niya maiwasang isipin at alalahanin.

"I hope I made a right decision, Steve." paghimas pa niya sa ulo ng aso bago sila tuluyang pumasok sa eroplano.

Makalipas ng isang oras mahigit na byahe, nakarating na rin sila ng Metro. Kaagad na dumiretso sa apartment niya si Evie at sigurado siyang wala si Silver doon dahil may trabaho ito sa oras na ito.

At hindi nga siya nagkamali ng abutang ganun pa rin ang ayos ng apartment niya simula ng iwan niya. Ngunit kapansin-pansin ang nakatuping papel na nasa coffee table niya sa salas kaya kinuha niya kaagad ito at binasa.

Mommy,

Please contact me as soon as you read this. I'm so worried about you, and I miss you so much. Please come back. I love you.

Payak na nangiti na lamang si Evie at napabuntong hininga.

Kaagad rin siyang nagayos ng gamit niya at hindi pa man din siya nagtatagal sa apartment niya ay muli siyang umalis.

Nagmaneho kaagad siya patungong Yu Solar Panels Inc. na para bang ordinaryong araw na papasok siya sa trabaho.

"Oh? Good -- good morning, Miss Evie!" natutuwang bati naman ng gwardyang si Jorge ng makitang muli si Evie. Halos mag-iisang linggo na rin kasi siyang hindi pumapasok sa opisina.

"Good morning, kuya Jorge!"

"Long time no see ah? Teka --" nabigla ito ng makitang kasama ni Evie si Steve na wala man lang leash.

"Ahm, mabait naman po yan, kuya Jorge."

"Nako! Sana nga! -- good boy ba yan? Good boy ba?" susubukan pa nitong hawakan si Steve sa ulo ngunit tumingala sa kanya ang aso kaya kaagad niyang binawi ang kamay dahil sa takot. "Harujusko!"

Natawa na lamang si Evie rito dahil alam niyang binibiro lang din siya ng katrabaho.

"Nung nakaraan, bata ang dala mo sa pagpasok. Ngayon naman, malaking aso!"

"Don't worry, kuya Jorge, bumibisita lang siya."

Dumiretso na sa loob si Evie at halos walang sumabay sa kanya sa pagsakay sa elevator dahil sa takot kay Steve.

Nangingiwi naman at halatang nangingilag din ang nagiisang lalaking katrabaho niyang naglakas loob na sumakay kasabay niya.

"Ma -- mabait naman po siguro yan, Miss Evie noh?" nangingilag pa nitong tanong dahil nakatayo sa pagitan nila ni Evie si Steve.

"Depende kung kikilos ka ng masama." pangaasar pa ni Evie na nagpipigil ng ngiti.

Napatayong tuwid naman ang katrabaho niya kahit halata pa rin ang panginginig sa takot. Halos manakbo ito palabas ng elevator ng makarating sa palapag na bababaan.

NANG makarating si Evie sa opisina nila ni Benjamin, natatanaw na niya sa mula sa elevator pa lamang na may nakaupo na sa cubicle niya, napaisip pa siya kung nakakuha na ba kaagad si Benjamin ng kapalit niya.

"Fe?"

"Miss Evie!!!"

Biglang harap sa kanya ni Fe at halos manakbo ng makita siya. Kaagad naman siyang niyakap din nito.

"OMG Miss Evie! Thank goodness, you're here!" natutuwang saad pa nito ng maghiwalay sila sa pagkakayakap.

"Wow! Mukhang -- may bago ka ng job description ah?" natutuwang komento nito.

"Hay nako! Mag-iisang linggo pa lang ako rito pero yung stress ko -- eto oh? Nakikita mo eyebags ko? Pwede ng kiluhin!" pagturo pa nito sa may mata niya.

"Hahaha! I never expected na nakahanap kaagad ng kapalit ko si Benjamin."

"Hay nako! Nung nalaman kong on leave ka daw at naghahanap si director ng acting executive secretary niya, aba'y 'I volunteer' kaagad ako!" pagsenyas pa nito ng magkadikit ang hinlalaki at hinliliit na mga darili.

"Hahaha! Thank you so much, Fe! You're a saviour!"

Napansin naman kaagad ni Fe ang asong nasa likuran ni Steve at nakaupo lang na nakaharap sa kanila.

"Teka? Ito ba yung aso mong si Steve? Grabe! Ang laki nga sa personal ah?"

"Oo eh."

"Ah, ikaw na ba ang du-duty? Nako! Buti naman kasi feeling ko, maaga akong tatanda sa posisyon na toh! Akala ko nung una, hulog ng langit!" tila nagmamadali pa sana itong umalis sa cubicle ni Evie.

"Ahm, sandali lang Fe." pagpigil pa niya rito kaya napatingin sa kanya. "Ahm, I have a favor sana."

*TOK! Tok!

"May I come in?" bungad ni Evie ng buksan ang pintuan ng opisina ni Benjamin.

Halos mapatulala si Benjamin ng makita siya, ni hindi ito nakapagsalita kaagad at natigil sa kung ano mang ginagawa. Napatayo siya at sasalubungin sana si Evie.

"Hey! Ahm -- I'm with --"

Arf!

Biglang pasok ni Steve na nananakbong lumapit kay Benjamin.

"Hey there, buddy!" pagsalubong niya kay Steve na nagpahimas naman sa kanya habang panay ang kawag ng buntot.

Lumapit si Evie kay Benjamin at ngayo'y magkaharap na sila. Tila nahihiya pa siya rito dahil na rin sa biglaang pagkawala niya.

"Hey? How are you?" bati naman din ni Benjamin kay Evie na may ngiti sa labi.

"Doing good, I guess."

"I've missed you."

"Me too, Benj."

Ilang sandali pa silang nagkamustahan hanggang umabot na nga sa tunay na pakay ng pagbabalik ni Evie sa opisina.

"Are you sure this is something you really want? Hindi lang ba dahil -- may iniiwasan ka?"

"I'm sure of this, Benj. Couldn't thank you enough for everything. And to chairman, as well."

"Damn it! I'm gonna miss you! I don't really want you to go but --"

"Benj, we've talked about this. I came here to formally file it."

"Can you still just stay?" pagbabakasakali pa rin ni Benjamin pero umiling na lang si Evie sa kanya habang nakangiti bilang tugon.

"This will be my main priority now. And I would love to do it. With all my foolish, stupid and stubborn heart." biro pa nito na kinatawa naman nila.

"Yeah, yeah, I know. Sino ba naman ako para humadlang di ba? Kahit pa ayaw kitang umalis, wala naman na kong magagawa." may pagtatampo sa tinig nito.

"I have decided." pagngiti pa niya rito.

Nagkatinginan pa sila saka sabay na nangiti sa isa't isa.

"Whatever it is, I hope it will make you happy."

"I am happy already. But this time, I'll just make it right."

Nagyakapan naman silang dalawa ng mahigpit. Hinalikan pa ni Benjamin si Evie sa may ulo nito habang nakayakap pa rin.

"I'm gonna miss you, both of you. Bisitahin niyo ko palagi ah?"

"Of course, you're my best friend, remember?"

"Of course."

Naghiwalay naman na din sila sa pagkakayakap at nakatingin pa rin sa bawat isa.

"There's one more thing I should have peace with." saad naman ni Evie pa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status