Share

CHAPTER 38

TYSON’S POV

Naupo lamang ako doon na walang kibo ng napakatagal. Ano bang problema sa babaeng ito? Halos kinuha ko na lahat ng lakas ng loob ko para sabihin at aminin sa kanya ang nararamdaman ko pero sa huli, tumakbo lamang siya na hindi man lang ako pinakinggan.

Huminga ako ng malalim saka hinanap sina Caleb at Tyson. Ang araw malapit ng lumubog. Kailangan kong mahanap ang dalawang iyon bago pa man dumilim. Hindi magandang ideya ang maging mag-isa sa gubat na ito lalo na sa gabi.

At matapos ang isang oras na paghahanap, Natagpuan ko si Caleb na nakatayo sa gilid ng isang matarik na lambak.

“Anong ginagawa mo dito?” sabi ko habang papalapit sa kanya. Sa gulat niya ay agad naman itong lumingon sa akin at halos kamuntikan nang malaglag sa may lambak.

“Damn it! Tyson… Hindi ka ba nag-iisip? Tignan mo naman ang lambak… kapag nahulog ako dito… siguradong basag na ako…” sabi ni Caleb habang inaayos ang balance niya at nagmadaling u

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status