CALEB’S POV
“Ibig sabihin ba nito wala na nga ng tuluyan ang Heart of Magic?” tanong ko sa nanginginig na boses.
“Hindi ko man ninanais, pero tama ka, aking nak…”
Halos mahulog ang puso ko. Ano na ang sasabihin ko sa Dark Lord, ngayon? Pinangako niyang hahayaan niyang mabuhay ang mga kasama ko kapalit ng batong iyon.
Nagpasya kami na manatili muna sa bahay na ito hanggang sa sumapit ang araw. Pag-aalala at pangamba ang siyang nagpapanatiling gising sa akin ng buong gabi. Sa sandaling makabalik na ako, malalaman ng Dark Lord ang katotohan at alam ng Diyos kung gaano karaming werewolves ang kanyang papatayin…”
Niyakap ni Aurora ang matanda bago kami umalis, ipinagako niya din na dadalhin niya si Tiara dito sa araw na lumaki na ito. Nakakalambot ng puso na makita kung gaano kasaya si Aurora sa naging samahan naming ng boung magdamag.
Pero ramdam ko pa din ang panlalamig ng puso ko. Gusto kong makaramdam ng
TYSON’S POV Naupo lamang ako doon na walang kibo ng napakatagal. Ano bang problema sa babaeng ito? Halos kinuha ko na lahat ng lakas ng loob ko para sabihin at aminin sa kanya ang nararamdaman ko pero sa huli, tumakbo lamang siya na hindi man lang ako pinakinggan. Huminga ako ng malalim saka hinanap sina Caleb at Tyson. Ang araw malapit ng lumubog. Kailangan kong mahanap ang dalawang iyon bago pa man dumilim. Hindi magandang ideya ang maging mag-isa sa gubat na ito lalo na sa gabi. At matapos ang isang oras na paghahanap, Natagpuan ko si Caleb na nakatayo sa gilid ng isang matarik na lambak. “Anong ginagawa mo dito?” sabi ko habang papalapit sa kanya. Sa gulat niya ay agad naman itong lumingon sa akin at halos kamuntikan nang malaglag sa may lambak. “Damn it! Tyson… Hindi ka ba nag-iisip? Tignan mo naman ang lambak… kapag nahulog ako dito… siguradong basag na ako…” sabi ni Caleb habang inaayos ang balance niya at nagmadaling u
TYSON’S POV Napakalakas ng tibok ng puso ko nang malapit na kami sa Pearl Palace. Nakaramdam ako ng pagod at pagkabahala… na tila ba may mangyayaring hindi maganda. At bumilis naman ang paglalakad ko sa sandaling maisip ko iyon… Hindi na rin mapigilan ni Aurora ang sarili at tumakbo na papasok ng palasyo. Matapos ang ilang sandali, agad naman akong lumapit sa kanya at maglalagpasan ko n asana siya pero bigla itong nagteleport. Napatawa naman siya dahil natalo niya ako, “Ano ang nararamdaman mo na natalo kita, aking kamahalan?” Sinubukan kong pigilan ang pagngiti ng mga labi ko pero hindi ko nagawa. Ngumiti ako na parang ewan at sinabing, “Masaya ako na matalo ako mula sayo, aking mahal…” Namula ang mukha niya at agad na tumingin palayo. Napapaisip ako kung tatanggapin niya kaya ang pagmamahal ko sa kanya… mukha namang may malasakit siya sa akin, at mukhang naaakit din siya sa akin… pero hindi ko alam kung mahal niya ba
ASLAN’S POV Nasaktan ako nang makita ko si Aurora na paalis. Ibig sabihin ba no’n pinatay talaga ni Zarina si Tiara? Parang kidlat ang pagtibok ng puso ko at lumapit ako sa harapan ng hawla. “Zizi, huwag mong sabihin sa akin na pinatay mo nga talaga ang sanggol… Gusto mo lamang siyang gamitin bilang bitag hindi ba…” sabi ko nang may nanginginig na boses. “Ano naman ngayon kung pinatay ko siya… ano bang pakialam mo?” Bumigay na ang mga binti ko at natumba na lamang ako sa sahig. Tumulo ang mga luha sa aking mata at sumisigaw ang buong pagkatao ko sa sakit…. Isa lamang itong kasinungalingan… hindi niya iyon magagawa. Lumuhod naman si Tyson sa tabi ko at hinila niya ako at niyakap, “Patawarin mo ako Aslan, napakalaki kong pagkakamali… dapat gumawa na lamang ako ng mas mabuting paraan…” “Hindi, Tyson. Hindi… ako hetong nakagawa ng isang pagkakamali…”
ASLAN’S POV Nanlambot na naman ang puso ko sa ginawang kabaitan ni Aurora. Wala nang katulad niya. At gagawin ko lahat para tulungan siya na makita ang kasiyahan niya sa abot ng makakaya ko. “Pero paano niyo napagpalit ang anak namin…” Ang boses mula kay Aurora ay hinila ako pabalik sa malalim nap ag-iisip ko. “Binigay sa akin ni Tyson ang isang locket na magpupunta sa iyo sa isang ligtas na lugar. Agad ko naman iyong nilagay sa leeg ni Tiara sa sandaling kunin ko siya sa’yo at agad na nag-teleport sa lugar na iyon. At andoon na rin si Raina na siyang naghihintay sa amin hawak ang anak naming… Kung alam ko lang na kayang pumatay ni Zizi…” “Sa tingin mo ba mas magandang sabihin natin ang tungkol kay Tyson bago pa man niya sunugin ang buong gubat?” mabilis na sabi ni Raina. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga at sinabing, “Masiyadong dinibdib ni Tyson lahat ng sinabi mo sa kanya. Gusto niyang ib
CALEB’S POV Anim na buwan na ang lumipas noong huling araw na nakita ko si Aurora. Sa biglaang pangugulila ko sa kanya tinext ko siya na makipagkita sa akin. Hindi ko alam kung darating man siya o hindi, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hintayin siya.Urong-sulong ako sa daan at hinihintay pa rin siya. Sampung minute ang lumipas hanggang dalawampung minute na. At nang hindi siya dumating kahit pa isang oras na akong naghihintay, nagpasya na akong umalis.Tumalikod na ako at aalis na sana nang biglang sumulpot sa harapan ko si Aurora. Nagulat naman ako at napaatras.Ngumiti siya sa akin at sinabing, “Sorry kung nahuli ako, Caleb. Binilin sa akin ni Tyson na maniguradong ligtas ako, binilin niyang hintayin muna kitang papaalis na bago lumapit alam mo naman kung gaano kaparanoid iyon.”“Nagulat din naman ako at pinayagan kanyang makipagkita sa akin.”Suminghap siya at sinabing, “Hindi naman niya ako katulong. Hindi ko kailangan ng permisyo niya.”“Oo na… O
TYSON’S POV “Nagpunta ako sa Roxiant ngayon.” “Ano? Bakit ka nagpunta doon? Dapat pinadala mon a lamang ako o kaya si Zarina. Alam mo ba lung gaano kadelikado ang lugar na iyon? Iyon ay lugar kung saan nagkikita-kita lahat ng mga makapangyarihan na manghuhula. Paano kung may isang maglagay ng hex o spell sa’yo?” “Abala kayong pareho. At may nakapagsabi lang sa akin at nakaka-interesado ang impotmasyon na iyon para maghintay pa ako…”“Sabihin mo sa akin… buti naman at may nakuha kang impormasyon…” “Masasabi kong ang peligro na maari kong makasalubong ay sulit din naman. Mayroon na akong blue print sa plano ng Dark Lord. Ang plano niya ay hinati hati niya sa magkakaibang paraan. Una ay ang kunin si Tiara.” “Damn! Kaya ba masyado kanga tat na papuntahin sila sa Sanctuary?” “Hmmm… plano ko lang naman na ilayo sila sa gulong ito…” “Kung hindi natin siya hahayaang magawa ang una niyang plano, manan
AURORA’S POV Naupon kami sa bawat sulok ng mapa at naghawak kamay. “Kapag nagbigay kami ng senyas lahat tayo ay kailangan sugatan ang palad at hayaang tumulo ang dugo sa mapa. At walang magsasalita, naiintindihan ba?” Lahat kami ay tumango at bumuo ng isang bilog. Ako at si Zarina ay pinikit ang mga mata at nagsimulang bumulong. Noong una lahat at tila itim lamang pero habang tumatagal, nakikita ko ang isang bagay sa gitna ng dilim pero nakatago ito sa likod ng tila mga usok… At nang makaramdam na kami agad kong binuksan ang kamay ko at hiniwa ang aking palad, ganoon din ang mga iba. Lahat ng dugo naming ay tumutulo sa gitna nito pero walang nangyayar… “Damn! Masyado akong nagtiwala na gagana ang spell na ito.” Sabi ni Zarina at napasabunot sa sariling buhok. “Gumana nga ito… Hindi sa kung paano ito gumagana kundi nakikita ko ang mga ito sa isipan ko… Nasa Earth si Tiara… Hindi natin siya maramdaman dahil nasa
AURORA’S POV Ipinikit ko nag mga mata ko at pinokus ko lamang ang isipan ko sa lugar na nakita ko sa isipan ko at nagteleport papunta doon. Ilang minute lang ang lumipas ay nahulog ako sa lupa, naliligo sa pawis at hinahabol ang hininga. Ang kapangyarihan ko ay hindi ganon kalakas para tumagos ako sa harang. Isang paraan na lang ang kailangan nagyon… Bumalik ako sa Sanctuary at kunuha ang heart of magic. Kinilabutan ako sa kapangyarihang dumadaloy sa akin sa sandaling hawakan ko ito. Gagamitin ko na sana ang kapangyarihan nito nang biglang sumulpot sa isipan ko ang sinabi ng lolang iyon, “Sa tuwing ginagamit mo ang batong ito, mawawala ang bagay na parte ng buhay mo. Lalamunin nito lahat ng kasiyahan, pagmamahal, kabutihan at puro kadiliman na lang ang matitira sa iyo, parang isang malamig na bangkay na walang emosyon.” Nanginginig ang mga kamay ko at napakabilis ng bawat tibok ng puso ko. Ginawa na nila Aslan, Zarina at Tyso