Antok na me. DI ko na madagdagan. By the way, fast pace na me bukas. Thank you.
AYEISHA "GRABE, ang ganda-ganda niyo po talaga! Maligayang pagbabalik po, Ma’am!" masayang bati sa akin ng sekretarya ko pagpasok sa opisina. Nagpahinga pa ako ng tatlong araw bago pumasok. Masyado akong napagod sa biyahe dahil kay Kalei. Nagtatae siya kaya wala rin akong tulog habang nasa biyahe. “Thank you, Elina.” Kinuha ko ang bulaklak na hawak niya pagkuwa’y inamoy. “Tumawag si Sir Ben, tinatanong niya kung payag daw po kayo sa celebration? And announcement na rin po na babalik na po kayo for good sa company.” “Kailangan pa ba?” “I think, yes, kailangan po. Sigurado pong matutuwa ang mga investors na hindi uma-attend ng meeting simula nang mawala ka.” “Oh, may gano’n. As in merong hindi pupumunta?” “Pumupunta naman po pero representative lang po.” “Okay. Sige. Dinner or–” “Party po mismo,” “Oh, okay. Kailangan ko pa lang maghanda pati ng damit.” “Next Saturday po, okay lang po?” “Kayo ang bahala. Hindi ba kayo gahol sa oras?” “Hindi naman po. Actually, approval mo na
AYEISHA NAGISING ako sa hitang nakadantay sa akin. Meron ding braso na nakayakap sa akin at bahagyang nakapaloob sa damit ko ang kamay niya. Hindi ko maiwasang mapailing. Sa pagkakatanda ko, may unan sa pagitan namin ni King. Tumingin ako sa mukha niyang payapa pa ring natutulog. Medyo okay na rin ang kulay niya, hindi kagaya gabi. Tinanggal ko nang dahan-dahan ang braso niya. Buti na lang hindi siya nagising. Bigla ko pa namang binitawan ang kamay niya. Unang ginawa ko pagkalabas ay tinawagan si Mommy pagkuwa'y ang mga bata. Hindi ko sinabing magkasama kami ni King. Pero sasabihan ko na lang paggising si King na tawagan ang dalawa. Tulog pa rin si King nang bumalik ako sa silid niya kaya sinamantala ko ang aking sarili na maligo muna. Kumuha din ako ng damit niya para hiramin. Naiilang ako ng kaunti dahil boxer lang ang suot sa baba. Buti na lang mahaba ang puting damit na nahila ko. Pagkatapos kong maligo ay sa kusina ni King ako pumunta. Nagluto ako ng breakfast namin saka
AYEISHA HINDI pa ako nakakabihis nang tumunog ang doorbell ng tinutuluyan ko dito, sa taas lang din ng opisina ko. Kaagad kong tinungo iyon at pinagbuksan nang makitang si Elina ang nasa labas. “H-hi,” ani ni Mr. Hart sa akin. Hindi ko siya napansin sa hole kanina. Akala ko si Elina lang ang nasa labas. Tumingin ako kay Elina. “I’m sorry po, ma’am, naistorbo po yata namin kayo. Sinamahan ko lang po si Mr. Hart para ibigay ang regalo niya po sa ‘yo.” “Yeah. It’s my fault, Miss Santillan. Naiwan ko kasi sa sasakyan ito. At gusto kong ibigay talaga ‘to sa ‘yo ng personal, matagal na.” “O-okay,” ani ko na lang. Nandito naman na siya kaya hinayaan ko na lang. “Mauna na po ako sa baba, Ma’am, Mr. Hart.” Tumango ako kay Elina. Pinapasok ko na lang si Mr. Hart sa loob pagkaalis ni Elina. Pinaupo ko siya sa sofa kapagkuwan. Nakangiting tumingin sa akin si Mr. Hart matapos niyang libutin nang tingin ang aking tinutuluyan. “Nice place, Miss Santillan. The interior suits your person
AYEISHA“KING?” ani ko sabay kunot ng noo.Nakaupo si King sa single chair na hubad. Tapos nakatunghay lang sa akin. Pansin ko rin ang namumungay niyang mata kaya napalunok ako. “H-hindi ka natulog?” Umiling siya sa akin.“Why?”“Baka paggising ko, hindi ito totoo.”“Sira ka talaga. Totoo nga ito. May nangyari nga sa atin kagabi. Kaya anong sinasabi mo diyan?”Napahilot siya sa sintido. “Sinong nagsabing may nangyari sa atin? Baka panaginip mo lang ‘yon.”“Ako malamang, kakasabi ko nga lang.” Sumilip ako sa ilalim ng kumot, hubad ako.“Are sure na may nangyari sa atin kagabi?”“Oo. ‘Di ba nga–” Natigilan ako nang maalala ang nangyari kagabi. “Oh. God!” Napaupo ako sabay kagat ng labi.“I’m so sorry.” Nag-peace sign pa ako. “Hindi ko sinasadya.”“So yeah. Sumakit lang naman ang puson ko. Nahirapan na rin akong makatulog. Damn!”“Bawi na lang ako,” ani kong nakangiti. “For now, matulog ka muna dahil kapag ngayon baka tulugan mo din ako. Magpalakas ka muna.” Tumawa pa ako. “Ano pa nga
KING “ANY good news, Ate?” Pabagsak na naupo ako sa upuan sa loob ng opisina ni Ate Kiarra sa bahay nila sa Makati. “Anong news? Sa annulment?” “Yeah.” “Why don’t you ask Daddy?” Halata ang pagsusungit sa boses niya. Bahagya akong napakunot ng noo. “Sabi niya itanong ko sa ‘yo, nag-usap na yata kayo. He said your husband could help me.” “Oh. Tawagan mo si JM. Pinalayas ko kagabi, e.” “What?! Bakit naman?” “May hinawakang hindi dapat.” Natawa ako sa sinabi ng kapatid ko. “Baka hindi sinasadya.” “Binalaan ko na ‘wag humawak, sumige pa rin. Ayon pinauwi ko sa magulang niya.” “Hindi mo man lang pinag-explain?” “Eh, ikaw ba, pinag-explain mo si Ayeisha? Huh? Makapagsalita ka, akala mo hindi tayo magka-ugali.” “Fine. Saan ko ba siya p’wedeng puntahan?” “ZL Lounge? I don’t know.” “Okay.” Tumayo ako kapagkuwan. “Good night, sis.” “Please send my regards to the twins,” “I will.: Ngumiti ako sa kan’ya. “Eh, kay Kuya JM?” pabirong tanong ko. “No. Get out!” taboy niya sa akin ka
KING’S POV Three months later… NALUNGKOT kong tinanaw ang papaalis na sasakyang kinalulunanan ng mga anak namin ni Ayeisha. Kahit din naman ang kambal namin ay sobrang nalulungkot dahil sa pagkawala ng ina nila. Sa totoo lang, halos wala na akong oras sa kanila kakahanap kay Ayeisha. Hanggang ngayon, wala pa rin kaming lead sa pagkawala niya. Ang taxing sinakyan niya ay peke lang din ang plate number at biglang nawala rin nang suyurin ang cctv kung saan sila pumunta. Sinakto niyang magpalit siguro ng sasakyan sa walang security camera kaya hindi rin matunton. At isa nga sa suspect ay si Mr. Hart. Kita naman sa CCTV at sa palitan nila ng mensahe ni Ayeisha. Wala pang kongkretong ebidensya pero hindi pa rin siya ligtas. Under investigation pa rin siya. Bawal siyang umalis ng bansa rin. Wala naman may ibang motibo kung hindi siya lang. Siya lang itong patay na patay kay Ayeisha. Kaagad na nagbihis ako. Pupunta na naman ako sa police station para makibalita. Pero bigo na naman ako. K
AYEISHA ANG aga-aga pero buntonghininga kaagad ang ginawa ko. Narinig ko na naman ang maingay na boses ng lalaki. Alas kuwatro pa lang nang-iistorbo na. Talagang kakalampagin ang pintuan niyo. Ewan ko lang kung hindi ka pa magising. Tumingin ako kay Ruth na nagbibilang ng pera. Sabi niya, naipon niya sa huling dalawang nakatal*k niya. Buti nga namigay, e, sa mga nakaraan niya, wala siyang natanggap. Sa tingin ko, nagkakaisip na rin siyang tumakas dito. Hindi na kasi siya kumukontra sa akin. Kahapon may tinapon ako sa labas nang utusan akong magtapon ng basura. Kahapon lang ako nasinagan ng araw sa loob ng tatlong buwan. Masisilip mo sa bintana, hanggang doon lang. Hindi mo nga mailalabas ang mga kamay para damhin ang hangin. “Anong gagawin ko kapag nabunot ka bukas?” Napapikit ako sa narinig. “Wala bang ibang paraan, Ruth? Wala ka bang nakakausap na mga kliyente nila? May mabuting tao pa rin naman siguro.” “Hayok sila sa s*x kaya mas pipiliin nilang kampihan ang club. Hangga’t ma
KING’S POV “Three months na, Dad. Wala bang paraan para mapadali ang paghahanap kay Ayeisha?” Habang tumatagal, lalo akong nakaramdam nang takot. Paano kung may nangyaring masama sa kan’ya. Gabi-gabi na lang umiiyak ang dalawa kakabanggitnila ng pangalan ng ina. Hindi ko rin alam ang isasagot kaya mahigpit na yakap na lang ang sinasagot ko sa kanila. “Hindi gano’n kadali hanapin ang taong walang iniwang bakas, King. Lahat naman ginagawa namin. Lahat ng koneksyon ko ay ginamit ko na. Pero wala pa rin. Sa AO ba walang balita? Hindi ko pa nakakausap si BK tungkol sa update.” “Galing kanina doon. Kay Mr. Hart sila nakatutok ngayon dahil sa mga kakaibang kilos niya ngayon. At ‘yong pinanggalingan ng bote, hindi pa rin matunton.” “Anong balita sa anak ko, King?” Sabay kaming napatingin nang marinig ang boses ni Tatay Thunder. Umiling ako sa kan’ya na ikinahawak niya sa noo niya. “I’m sorry, ‘Tay,” tanging sambit ko. Pasalampak siyang naupo sa sofa ng aking condo. Alam kong hindi ri