TANGHALI na nang magising ako pagkatapos ng nakakapagod na araw na iyon kahapon. Tulog na tulog pa rin si Benrick sa aking tabi. Hindi ko na namang maiwasang titigan siya. Narito na naman ang pamilyar na pakiramdam.Pero bago pa man lumambot ang sarili sa binata ay pinigil ko ang sarili ko. Dahan-dahan ko ring tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa aking hubad na katawan. Nilingon ko pa siya, walang movements kaya humarap ako sa gilid ko para bumaba ng kama.Akmang bababa ako ng kama nang pigilan ako ni Benrick."Where are you going?" "My God, Ben! Iihi lang ako!" asik ko sa kanya.Binitawan naman niya ako sabay angat ng kilay. Seryoso nga siya sa sinabi na hindi niya hahayaang mawala sa harap niya. Mabilis na naligo ako at binalot ang katawan ko ng extra towel mula sa cabinet ng banyo na iyon. Paglabas ko ay nakaupo si Benrick sa kama. Mukhang inaabangan niya ang aking paglabas dahil sa gawi ng banyo siya nakatingin."Pupunta ako ng presinto ngayon, babalik din kaagad ako," ani
RUTH'S POV'SHARMAINE,' ani ko sa isipan ko.Anong ginagawa niya dito? Saglit niya akong tinapunan nang tingin bago niya dinaluhan si Benrick na noon nagpupumilit na bumangon. Kita ko kung paano niya dinaluhan kaya hindi na 'ko tumuloy. Saka masikip kung tutulong din ako.Hinayaan ko na lang si Sharmaine na tulungan niya si Benrick hanggang sa makaupo ang binata sa upuan.Akmang tatalikod ako nang tawagin ako ni Benrick."Ruth,""M-may kukunin lang ako sa silid," palusot ko.Ngumiti ako sa kanilang dalawa na noo'y nakatingin na sa akin.Hindi ko alam kung nakita nilang pilit ang ngiti ko. Wala akong pakialam.Dahan-dahan akong tumalikod at bumalik na lang muna sa silid. Hindi ko alam ang gagawin ko doon sa totoo lang. Nakaramdam ako nang kirot nang makita siya. Hindi ko pwedeng ikaila iyon sa aking sarili.Hindi ko rin alam ang sasabihin kaya nag-stay pa ako nang ilang sandali sa silid.Mukhang laging pumapasok si Sharmaine dahil hindi ko man lang narinig ang pag-doorbell nito. Labas
RUTH’S POV SAGLIT kong tinapunan ang telepono ko na tumutunog. Si Benrick iyon. Wala ako sa bahay niya kaya magtatanong talaga siya kung nasaan ako. Dalawang araw na akong sa bahay ko umuuwi. Pumasok rin ako ngayon sa foundation para libangin ang sarili ko habang hinihintay ang tawag ni Sarhento. Sabi niya kasi, tatawagan na lang niya ako kapag may balita na tungkol kay Cara. Kaya tama lang na sa foundation ko abalahin ang sarili ko. Saka dito, maraming mga bata. Para maibsan ang pagka-miss ko kay Cara, sa mga bata ko binabaling ang atensyon ko. Nagpalipat ako ng trabaho sa superior ko. Sabi ko, mas gusto kong bantayan ang mga bata. Buti na lang pumayag sila. “Hello, Miss Ruth!” Kumaway si Bidek sa akin nang makita ako. Bagong pasok siya sa silid at pawis na pawis. Galing yata sa playground. “Halika nga rito. Bibihisan kita. Dami mo nang pawis, o.” Nakangiting lumapit naman ang bata at naupo sa kandungan ko. “W-wala po si Sir Benrick?” tanong niya sa akin na ikinatigil ko. Pin
RUTH’S POV SAGLIT akong nakipag-usap sa anak ni Kyrie at nagpaalam na din sa kanila. Hangga’t maaari, ayokong lumapit sila sa akin lalo na ang mga anak ni Kyrie. Ilang beses na akong nakita ng dating boss ko sa ganoong lugar at sa alanganing sitwasyon. Maraming katanungan sa isipan niya marahil na hindi ko magawang sagutin at ayokong harapin iyon ngayon. Hindi ko na sinabi kung anong ginagawa ko dito nang tanungin ako ni Kyrie. Pinigilan kong humaba ang usapan namin, baka kasi maabutan pa ako ni Benrick. ‘Yon ay kung sinundan niya ako. Kaagad akong pumara ng taxi nang makarating sa labas ng ospital. Narinig ko ang sunod-sunod na ring ng telepono ko pero hindi ko pinansin dahil sa nagbabadyang luha ko. Nang makalayo ang taxi, saka ko lang nailabas ang mabigat na dinadala. Hindi ko na napigilang umiyak habang inaalala ang mga sinabi ni Sharmaine sa akin. Doon ko rin napagtantong hindi kami bagay ni Benrick at hindi ko hahayaang masira ang image niya at ng pamilya niya dahil sa akin.
RUTH’S POVHINDI ko maiwasang malungkot nang mawala sa aking paningin ang aking anak. Inilipat na si Cara sa isang silid na naman. Hindi ko na naman alam ang drama ni Sharmaine. Talagang pinakain niya muna ako bago nagdesisyon.Sabi niya nang tanungin ko, madumi na daw sa silid na inuukupa ni Cara. Wala akong lakas kanina dahil sa ginawang blood transfusion kaya hinayaan ko muna. Pero ngayong bumabalik na ang lakas ko nanginginig ako sa galit.“Pwede ko bang makita si Ca– I mean si Maisie, Benrick?” ani ko sa kanya nang makasalubong ko sa hallway.“I’m sorry, baby. Kakatulog lang niya ulit. Mamaya na lang siguro paggising.” Tumango ako sa kanya. “Ano kaya kung ihatid na lang muna kita sa bahay para makapagpahinga ka?”“A-ayoko, Benrick.” Baka kasi biglang mawala sa paningin ko si Cara. Hindi ako pwedeng umalis dito. Paano kung ilayo siya sa akin ni Sharmaine, huh? Kaya hindi pwede!“Pero kagagaling mo lang sa blood–”“Ayoko nga sabi!” Tinapik ko pa ang kamay niya. Hindi ko na rin main
RUTH’S POV “A-ano ba ang nangyari, Sergeant?” Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Vance habang nakaratay sa higaan na ‘yon ang walang buhay niyang katawan. Nakita ito sa pribado niyang selda na nakahandusay at bumubula ang bibig. “Iniimbestigahan pa namin, Ruth. Pero malakas ang kutob ko, baka hinalo sa kanyang pagkain ang lason.” Napasinghap ako sa narinig. “Oh, Vance,” usal ko at muli siyang tiningnan. Gusto ko rin naman siyang makitang magbayad ng mga kasalanan niya sa akin pati sa lipunan pero hindi sa ganitong paraan. “Nga pala, ayon sa abogado niya, wala nang ibang pupunta dito para kunin ang katawan niya. Naisip kitang tanungin kung ano ang gagawin–” “Ako na ang bahala sa kanya, Sergeant.” Tumango naman sa akin si Sarhento. May utang na loob din naman ako sa kanya kahit papaano kaya gusto kong bayaran iyon sa paraang ito. Gusto ko siyang bigyan nang maayos na libing. “Sige, Ruth. Maiwan muna kita rito.” Nakailang hakbang na si Sergeant nang may naalala. “Um, Ruth
RUTH’S POV Umilang pakawala ako ng hangin bago nag-doorbell sa unit ni Benrick. Nasa loob na raw si Sharmaine ayon sa text na natanggap ko kanina. Wala itong alam sa mga mangyayari dahil wala pang sinasabi si Benrick. Napakunot ako ng noo nang bumukas ang pintuan tapos walang tao akong nakita. Pero bago ako humakbang ay may humawak sa hita ko. “Nanay!” “Cara!” masayang sabi ko at pinagpantay ang sarili ko sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Na-miss ka ni Nanay, anak ko.” Higpit na yakap din ang tinugon ni Cara sa akin. Napangiti ako nang marinig ang hagikhik ni Cara. Hinalikan ko kasi siya sa batok niya. Naalala ko kasi may kiliti siya doon. Nakakatuwa lang dahil hindi pa pala nagbago. “Na-miss ka po namin ni Daddy, Nanay,” bulong niya sa akin mayamaya nang tumigil ako. “Salamat, anak. Pero sinabi ba ‘yan ng Daddy mo?” Marahan siyang tumango sa akin bilang sagot. “Nasaan ba siya?” Tinuro niya ang bandang kusina. “Nasa kusina po.” “E-eh, ang Mommy Sharmaine mo?” “N
NAI-REPORT ko na kay Sergeant na nakita ko na ang anak ko. Masaya siya para sa akin dahil sa wakas ay nakita ko na nga si Cara. Nasabi ko rin ang tungkol kay Sharmaine maging sa kinatatakutan ko. Magda-dalawang linggo na ang nakakalipas noon. Tahimik naman ang buhay naming dalawa ni Cara pero hindi ako panatag. Kaya nasabi ko rin sa kanya na sa bahay na lang ni Vance kami titira habang hinihintay si Benedict. Nakalaya na kasi si Janet at ang asawa nito na siyang tumayong magulang ni Benedict noon. Hindi na rin siya pumapasok sa foundation. Nag-file na siya ng resignation at binigay iyon kay Ayeisha. Sinakto niya iyon nang araw na umalis si Benrick para sa business trip nito. Ang sabi ni Ayeisha mga dalawang linggo ito doon kaya sinamantala ko ang lahat maging ang pagkuha ko sa bunsong anak na si Benedict. Alam na ni Ayeisha ang nakaraan namin ni Benrick. Pero mukhang wala pang nasabi si Benrick sa mga ito ang tungkol kay Cara dahil lumipad nga ito papuntang California. Ang gusto k