Share

Chapter 48

Nagising siya dahil sa masamang panaginip. Napahawak siya sa kaniyang dibdib habang habol- habol ang kaniyang paghinga.

Katulad nang nakaraang gabi ay iyon na naman ang napaginipan niya. Hindi niya alam kung bakit lagi niya iyong napapaginipan. Isa ba iyong pangitain?

At sino ang lalaking iyon? Hindi niya gaanong nakilala ang mukha nito dahil malabo, ngunit natatandaan niya pa ang kaniyang panaginip.

Napahilamos siya sa kaniyang mukha. Pawis na pawis siya. Pangalawang beses na niya itong napapaginipan at ngayon ay tila continuation ito ng nauna niyang panaginip.

Napahinga siya ng malalim at pilit na ikinalma ang sarili niya. Malapit na kaya siyang mawala kaya nananaginip siya ng mga ganuong pangyayari?

Napatayo siya mula sa kama at nagtungo sa banyo pagtapos ay napatingin sa maliit na bintana ng banyo.

Anong oras na kaya? Tanong niya sa kaniyang isip pagkatapos ay tumungtong siya sa toilet upang tumanaw sa labas gamit ang maliit na bintana.

Sa labas ay nag- uumpisa ng magliwanag an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status