Share

Chapter 70

Nagising si Jazz. Halos hindi pa niya maimulat ang kaniyang mga mata dahil nahihilo siya. Hindi niya alam pero ang natatandaan niya lamang ay ang pinaamoy nila siya ng pangpatulog yata iyon.

Unti- unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Nahihilo pa siya hanggang sa mga oras na iyon ngunit pinili na lamang niya ang imulat ng kaniyang nga mata. Halos walang lakas ang katawan niya at ramdam na ramdam niya ang panghihina.

Idagdag pa na masakit pa rin hanggang sa mga oras na iyon ang katawan niya dahil sa pagbangga niya sa pinto.

Ilang sandali pa ay tuluyan na niyang naimulat ang mga mata niya. Kahit nahihirapan siya ay nagawa niyang ilibot ang kaniyang paningin sa kaniyang paligid.

Hindi pamilyar sa kaniya ang lugar kung nasaan siya ng mga oras na iyon. Niyuko niya ang kaniyang sarili. Nakatali na ang kaniyang katawan sa isang upuan.

Wala siyang kasama ng mga oras na iyon sa lugar na iyon. Napatingala siya sa kaniyang taas. Kaagad siyang napapikit dahil sa pagkasilaw. Nasilaw siya sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status