Share

BEASTLY SERIES 1: THE BEASTLY COUPLE (TAGALOG VERSION)
BEASTLY SERIES 1: THE BEASTLY COUPLE (TAGALOG VERSION)
Author: Ms. Hanuelkim

CHAPTER 1

"Ano ba naman 'yan Khrystal? Sobrang tanga mo naman! Maglalaba ka na lang ng mga damit ko hindi mo pa nagawa nang maayos!" inis na sabi ni John sabay balibag sa kanya ng mga nilabhan niyang damit noong nakaraang araw. Bukod kasi sa butas-butas na ay nawala na 'yong dating tingkad ng mga damit kaya hindi niya masisisi na gano'n ang maging reaksyon nito.

Wala kasi siyang magawa no'n kaya naisipan niyang maglaba ng mga pamasok nitong damit. Gusto niya kasing matuwa naman ito kahit papaano sa kanya dahil palagi na lang napupuna nito ang mga mali niyang nagagawa.

Lumaki kasi siyang buhay prinsesa na nasusunod ang lahat ng gusto kaya wala siyang alam kahit na isang simpleng gawain sa bahay dahil marami silang kasambahay na gumagawa ng lahat ng gawain.

"So-sorry, hindi ko sinasadya," naiiyak na sagot ni Khrystal kay John habang yakap-yakap sa bisig niya ang mga damit.

"Hindi ko na alam kung anong gagawin sa 'yo! Kung bakit naman kasi pumayag ako magpakasal sa babaeng hindi ko kilala at hindi ko naman mahal!" malakas na sabi niya pagkatapos ay walang lingon-likod siyang lumabas sa kuwarto ko.

Pupunta na naman siguro siya sa bar para uminom. Naisip ni Khrystal na ginagawa siguro 'yon ni John para makaiwas sa kanya. Mag-asawa sila ngunit sa mata lang ng mga taong nakakakilala sa kanila.

Umagang-umaga pa lang pero ang init na agad ng ulo niya dahil sa maling nagawa ko. Pinunasan niya ang mga luhang namuo sa kanyang mata't pisngi pagkatapos ay nagpasyang umupo sa dulo ng kama.

Tulala lang siyang nakatingin sa gilid ng dingding habang iniisip ang mga bagay-bagay. Akala niya noon hindi na uso ang fixed marriage na 'yan kasi year 2000 na, pero dahil sa ikinasal na siya kay John ay napatunayan niyang nage-exist pa pala.

Pagtuntong niya ng labing-walong taon, June 16, 2000 araw ng kaarawan niya ay sakto namang ini-announce ng daddy niya tatlong araw mula ngayon ang tungkol sa pagpapakasal niya.

Iyong akala niya na masayang araw dahil 18th birthday niya ay napalitan ng lungkot at pighati. Gustuhin man niyang magwala noong araw na 'yon pero kalahati ng mga bisita niya ay puro mga kaklase at kaibigan niya kaya di na lang niya ginawa at isa pa malaki ang utang na loob niya sa daddy niya dahil ito na ang nagpalaki sa kanya.

Magpapakasal kasi siya sa isang lalaking may mapungay at kayumangging mata, alon-along buhok, mestisuhing balat at may makisig na pangangatawan.

Ang alam niya ay nakilala lang ito ng daddy niya sa isang business meeting na pinuntahan nito sa London isang buwan na ang nakalipas at kaibigan ng daddy niya ang ama nito. Hindi niya alam kung anong naisip nito para ipakasal agad siya dahil hindi naman nalulugi ang kompanya.

Bilang unica hija ay ibinigay ni Daddy Drix ang kailangan ko. Dahil nga namatay si Mommy Felicity sa sakit na stage 4 breast cancer. Siya na ang nag-alaga't nagpalaki sa kanya simula noong limang taong gulang pa siya. Dahil sa sobrang pagmamahal ng daddy niya sa kanyang ina ay hindi na ito nag-isip na mag-asawa.

Wala naman siyang sama ng loob sa kanyang daddy dahil sa ginawa nitong desisyon na ipakasal siya kay John. Pero simula noong magpakasal sila't magsama ay naranasan niyang makarinig ng ilang masasakit na salita, na hindi niya lubos maisip na magagawa ng lalaking katulad niya na mukhang guwapo at isang maginoo. Kaya unti-unting may namuong galit sa puso niya para sa kagaya nito ng mapanlinlang.

Napabalik siya sa ulirat dahil sa naalala niya ang pangako na gantihan si John sa mga pinaggagawa nito sa kanya noong makalipas na buwan simula ng ikasal kami.

Lagi niyang naririnig dito ang mga salitang babaeng walang silbi, malas, at minsan ay hindi man lang siya matingnan nito na dumadagdag sa sama ng loob niya rito. Simula ng ikasal at magsama sila sa bahay nito ay wala man lang ipinakita na maganda sa kanya ang asawa.

Hindi siya m*****a pero para sa kanya gagawin niya kung paano ang astang m*****a at bitchy na asawa.

Kung kanina ay naiiyak siya, ngayon ay nakaramdam siya ng pagkasabik dahil sa mga gagawin niya na pagganti rito. "I will give whatever you want, my beastly husband," mapang-uyam kong sabi pagkatapos ay tumayo.

Dahan-dahang naglakad siya papunta sa kanyang kuwarto. Pagdating niya sa tapat ng pinto nito ay kumatok siya para malaman nitong nasa labas siya.

Narinig niyang humahakbang si John mula sa loob kaya inihanda niya na ang malapad na ngiti sa kanyang labi habang hawak ang mga damit niya na inihagis kanina. Kita niya kumulimlim ang mukha nito nang makita siya pagkatapos ay unti-unting napalitan ito ng pagtataka.

"What do you want?" inis na tanong ni John sa kanya.

"Nothing! I just want to give you this," nakangiting sabi niya sabay hagis ng mga dala niyang damit.

Kita niyang kumunot ang noo nito at nangigigil na hinayaang mahulog sa sahig ang damit na nasa balikat nito.

"Anong ibig sabihin nito? At bakit bina..." inilagay niya ang kanang hintuturo sa labi nito para patigilin si John sa pagsasalita.

"Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang maghagis ng damit?" mapang-uyam na tanong niya. "Hindi na ako papayag na pasakitan mo at sabihan mo ng mga masasakit na salita."

Nakahawak ang isang kamay ni Khrystal sa kanyang beywang habang ang isa naman ay nakahawak sa pinto. Mataman lang itong nakatingin sa kanya habang tinitingnan ang bawat galaw niya.

"Are you done with your speech, my wife?" nakangiting tanong nito na animo'y gusto siyang asarin.

"May sasabihin pa ba ako? Mukhang wala na kaya paalam." Tumalikod na si Khrystal para bumalik sa kuwarto niya ngunit may bigla siyang naalala kaya humarap ulit siya kay John.

"Gusto ko lang pala sagutin ang sinabi mo sa akin kanina. Hindi nga pala ako tanga, kasi kung tanga ako ay mas tanga ka dahil nagpakasal ka sa tangang tulad ko. Ang mabait, maunawain, iyakin at pasensyosang si Khrystal Kyenn na naging asawa mo ay hindi na papayag pang apihin ng katulad mo. Kaya lahat ng mga masasakit na salita na sasabihin mo sa akin ay ibabalik ko sa 'yo, paalam."

Mabilis na siyang tumalikod at naglakad na nakataas noo pabalik sa kuwarto. Isinarado agad niya ang pinto pagkapasok. Bigla na lang napaupo si Khrystal sa sahig dahil sa kabang naramdaman niya kanina habang kaharap ito.

Sa ilang buwan na naging mag-asawa sila kahit kailan ay hindi man lang sila nakapag-usap at tumingin sa isa't isa nang matagal na hindi nagbabangayan. Dahil sa bilis ng pangyayari noong ipakasal sila ng daddy niya sa simbahan ay hindi na niya matandaan kung ilang beses niya bang nakita nang malapitan ang mukha nito ng hindi ito nakasimangot o seryoso.

Mayamaya ay narinig niyang humarurot na paalis ang sasakyan. Mukhang papasok na si John sa kompanya bilang presidente ng Fuentebella Real Estate na dating pinamamahalaan ng daddy niya. Napabuntong-hininga na lang si Khrystal sa isiping hinayaan lang ng magulang niya sa ibang tao ang pinaghirapan niya pati siya na kanyang anak.

Nagpasya siyang pumunta na sa kusina para kumain ng almusal. Tuwing umaga ay laging siya lang mag-isa ang kumakain sa hapag-kainan dahil maagang umaalis si Beast ng bahay.

Mabuti na nga lang kahit papaano ay may isang siyang kasama sa bahay na puwede niyang makausap dahil kung wala ay baka mabaliw siya dahil siya lang ang bukod tanging nasa bahay kasama si Beast.

"Ma'am Khrystal nakahain na po ang almusal niyo," salubong na sabi sa kanya ni Manang Letty habang nagpupunas ng kanyang kamay sa suot na apron.

"Salamat po manang sa pagkain," nakangiting sagot niya. "Kayo po ba kumain na? Sumabay na kayo sa akin, tutal naman ako lang ang mag-isang kumakain e."

"Salamat Khrystal, pero kumain na kasi ako kanina. Kumain ka na riyan. Maiiwan na muna kita kasi magdidilig pa ako ng mga halaman sa labas. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka," paliwanag na sabi ni manang bago umalis sa harap niya.

Nag-umpisa na siyang kumuha ng scrambled egg, bacon at kanin pagkatapos ay inilagay niya sa platong inihanda ni manang. Itinuon ni Khrystal na lang ang puso't isip niya sa kinakain. Kahit ngayon lang ay makaramdam siya ng kalayaan.

"Daddy, bakit mo kasi ako ipinagkatiwala sa kagaya niyang walang puso? Ano ba kasing nasa isip mo at ginawa mong ipakasal ako sa kanya?" malungkot na tanong niya sa kanyang isip na hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagot. Sa tuwing magtatangka kasi siyang alamin ang dahilan sa daddy niya ay bigla na lang nitong iniiba ang usapan o kaya ay laging may kakausap sa kanya sa cellphone.

Pakiramdam niya tuloy ay may itinatago ang daddy niya sa kanya na sa tingin niya ay kailangan niyang malaman.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ganyan nga khrystal lumaban ka huwag kang magpapaapi
goodnovel comment avatar
Juvy Pem
thank you author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status