Share

Chapter 21

Nasa biyahe na ako pauwi sa bahay ko nang maramdaman ko na tila magaan ang aking katawan. Parang may nawala sa akin ngunit hindi ko alam kung ano. Kinapa-kapa ko ang katawan ko para malaman ko kung ano ba ang kulang sa akin. Bigla akong nag-preno nang maisip ko na ang cellphone ko ang kulang sa akin. Napamura ako ng mahina sa pag-aalala. Baka makuha ng taxi driver ang cellphone ko or worst ay mapunta ito kay Craig. Malalaman ng lahat na ako at si Silent Assassin ay iisa. Masisira ang pinaghirapan ko para mabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng aking pamilya.

Agad akong nag-uturn at mabilis na pinatakbo ang kotse ko papunta sa deriksiyon kung saan nagtungo ang taxi. Mabuti na lamang at natandaan ko ang plate number ng taxi kaya bawat taxi na madaraanan at kasabay ko ay sinusuri kong mabuti ang plate number. Naabutan ko ang taxi sa mismong tapat ng bahay ni Craig. Eksaktong pababa ang driver nang umibis naman ako sa aking sasakyan.

"Sinundan mo kami, Ma'am. Nag-aalala po ba kayo na b
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status