ShanraPagdating ko sa bahay ay agad akong pumasok sa loob ng aking banyo at naligo. Kinuskos kong mabuti ang aking balat lalo na ang part kung saan ako hinawakan ni Baldo habang nasa loob kami ng kotse at papunta pa lang sa building ni Madrigal. Kinuskos kong mabuti ang balat ko na para bang may germs na nakakapit sa aking balat.Pagkatapos kong maligo ng mahigit na isang oras ay agad kong isinuot ang aking bathrobe at humarap sa malaking salamin na nasa loob ng aking banyo. Napatitig ako sa mukha ko sa salamin at dumako ang mga mata ko sa aking mga labi. Naalala ko ang naganap sa amin ni Craig sa loob ng kuwarto sa building ni Madrigal. Iyon ang unang beses na ginantihan ko ang halik niya nang nalalaman niya. Ang naunang halik na namagitan sa amin ay hindi ko tinugon ang halik niya at lasing naman siya nang mangyari ang pangalawa at pangatlong halikan namin kaya hindi siya aware na tinugon ko ang halik niya. Napabuntong-hininga ako at ipinilig ang aking ulo. It's not right for me to
ShanraMaaga akong nagising para mag-jogging dahil ilang araw na rin akong hindi nakakapag-jogging. Hindi na rin ako nakakapag-practice sa mini gym sa BAS building dahil ayokong magtagpong muli ang mga landas namin ni Henry. Dapat pala magpagawa ako ng mini gym sa loob ng bahay ko para dito na lamang ako mag-practice.Pagkatapos kong magbihis ng fitted jogging pants at fitted na manipis na sweat shirt at rubber shoes ay lumabas na ako ng bahay ko para tumakbo. Dito lang naman ako tumatakbo sa loob ng aming subdivision. Maraming mga may edad na lalaki at babae ang nagjo-jogging tuwing umaga kaya naman hindi lamang ako mag-isa tumatakbo sa palibot ng aming subdivision. May nakapasak din na wireless bluetooth sa tainga ko para nagmu-music ako habang tumatakbo. In that way, hindi ako mabilis na mapagod.Ang mga nakakasalubong ko na nagjo-jogging din katulad ko ay tinatanguan ko lamang kapag binabati nila ako. Hindi ako sanay na nakikipag-socialize sa mga tao kaya tango at bahagyang ngiti
ShanraSa isang mamahalin at formal na restaurant ako dinala ni Craig. Hindi ako nailang kahit na masyadong formal ang mga suot ng pumapasok na mga customer sa restaurant na iyon kahit na ang suot ko ay isang simpleng puting t-shirt at pantalong maong. Ngunit kung marunong tumingin sila ay makikita nila na kahit ganito ang suot ko ay puro branded naman ang tatak. Ngunit hindi ko ito ipinagmamayabang dahil kaya lamang ako bumibili ng mga mamahaling damit at iba pang kagamitan dahil gusto ko lang gastahin ang perang ibinabayad sa akin bilang assassin. Kahit ibinibigay ko sa mga non-government charity ang kalahati ng bayad na nakukuha ko ay sobra-sobra pa rin ang natitira sa akin. Mag-isa lamang ako sa buhay at walang pinaglalaanan kaya mas mabuti na igasta ko ang ang mga ibinabayad sa akin."Kung naiilang ka rito ay maaari naman tayong lumipat ng ibang restaurant," bulong ni Craig sa aking tainga. Siguro ay iniisip niya na ang aking pananahimik ay dahil naiilang ako sa loob ng restauran
ShanraMaaga ulit akong gumising ngayon ngunit hindi para mag-jogging kundi para magpunta sa school na pinagtuturuan ko ng self-defense. Wala akong pasok ngayon ngunit tinawagan ako ng head nang school at pinapapunta nang maaga. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinapapunta dahil ngayon lang naman nangyari na tinawagan ako ng school.Pagdating ko sa school ay agad akong dumiretso sa opisina ng head dahil iyon ang bilin niya sa akin. Kumatok muna ako ng tatlong beses at nang marinig ko ang boses ng head na pinapaasok ako ay saka ko pa lamang binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Hindi lamang ito ang tao sa loob ng opisina nito ngunit hindi ko pinansin o tinapunan man lang sila ng tingin. Deresto lamang akong naglakad palapit sa harapan ng head na si Mr. Ramon Choa. Naramdaman ko na may kakaiba sa paligid lalo pa at tila hindi mapakali ang head."Good morning, Sir. I'm already here. Ano po ang sadya ninyo at pinapunta ninyo ako ng maaga kahit na wala akong pasok?" walang paligoy-ligo
ShanraSix sharp ng gabi ay dumating si Craig na guwapong-guwapo ang hitsura. Fresh na fresh ang hitsura at mukhang bagong gupit pa. Hindi ko napigilan ang mapailing at lihim na mapangiti. Obvious naman na nagpa-guwapo siya dahil makikipagkita siya sa akin."Saan mo gustong kumain, My.lady?" biro niya sa akin habang nakasakay kami sa kanyang kotse."Hindi ba ako ang magde-decide kung saan tayo kakain?" paalala ko sa kanya at saglit ko siyang sinulyapan."Yeah, I know. Kaya nga tinatanong kita kung saan mo gustong kumain para maihatid kita sa lugar na kakainan natin," nakangiti niyang sagot sa akin. Napansin ko na mas magaan na kaming nag-uusap ngayon kaysa noong una at pangalawang beses kaming nagkita at nagkausap."Then, let me drive your car," sabi ko sa kanya. Walang tanong na inihimpil nito sa tabi ng daan ang kotse nito at bumaba pagkatapos ay umikot papunta sa kabilang pintuan sa aking side. Lumipat naman ako at naupo sa driver's seat. "Hold on," biro ko sa kanya matapos kong p
Shanra"Good morning, Teacher Shanra!" sabay-sabay na bati sa akin ng mga estudyanteng tinuturuan ko ng self-defense. Hindi natuloy ang pagsisante sa akin ni Mr. Choa dahil tinawagan niya ako. Akala ko ay uutang siya sa akin ng pera ngunit sa halip na umutang siya ay inalok niya ako na maging co-owner ng school. Pumayag ako sa gusto niya kaya binayaran ko ang pagkakautang niya sa bangko. Hindi natuloy na mailit ang school niya at naging dalawa kami na may-ari. Ngunit nakiusap ako sa kanya na ilihim na lamang sa lahat ng mga empleyado niya ang tungkol sa pagiging co-owner ko ng school at pumayag naman siya. Nagkasundo kami na unti-unti niyang babayaran ang kalahati ng ibinayad ko sa bangko. So, hindi na nga ako natanggal sa trabaho ay naging co-owner pa ako ng school."Good morning, Kids!" nakangiting bati ko sa kanila. Ibang Shanra ang nakikita ng mga bata kaysa sa Shanra na nakikita ng mga tao sa labas ng school. Dito ay nakakangiti ako bagama't hindi ito gaanong umaabot sa aking mga
ShanraPagkatapos akong padalhan ng text messages ni Ninong Eddie ay agad akong nag-drive papunta sa BAS headquarters. Ni hindi nga muna ako naligo o nagbihis man lang ng damit dahil medyo basa ang suot kong uniform pa ng aking klase. Gustong-gusto ko nang makarating sa headquarters para malaman ko kung sino ang aking next target. Pang-pito ko na ito itong next target ko. Pagkatapos nito ay tatlong tao na lang ang kailangan kong ma-assassinate at makakaharap ko na rin ang BAS leader. Makakausap ko na rin siya ng harapan at matatanong ko sa kanya ang mga nais kong itanong at malaman.Mabilis ang patakbo ko sa aking kotse dahil gusto ko agad na makarating sa headquarters ngunit nang makita kong naka-red ang traffic lights ay inapakan ko ang preno ng sasakyan ko para huminto ngunit laking pagtataka ko nang hindi kumagat ang preno. Wala akong choice kundi ang dumiretso na lamang kahit na naka-red sa aking side. Mabuti na lamang at walang nauuna sa akin na sasakyan kaya wala akong nabangg
Shanra "Here is your new mission, Shanra. But this time, you will do the mission together with Tom. You're an insider while Tom is the outsider. Naiintindihan mo ba ako?" tanong sa akin ni Ninong Eddie matapos ang short briefing ng bagong mission ko. Mali pala. Hindi ko lang pala ito mission dahil kasama ko si Tom ngayon. Ito ang pinakaunang mission na pagsasamahan naming dalawa. Para kaming bagong loveteam na isasabak sa isang bagong pelikula."Alam na ba ni Tom na magkasama kami sa iisang misyon?" tanong ko habang binubuklat-buklat ko ang files ni Rexor Soriano. ang aking bagong target, este, namin pala.Kilala ko si Rexor Soriano dahil katulad ni Veron ay isa ring sikat na artista ang lalaki. But I only know now na may evil secret palang itinatago ang artistang ito. Isa itong illegal human organ smuggler at kasalukuyan itong minamanmanan ng mga pulis. Ngunit ang taong nagbayad para i-assassinate ito ay hindi na makapaghintay. Gusto nito na maunahan nilang iligpit ang artista kaysa