“Good afternoon Mr. Madriaga. I'm glad to see you again,” magalang na bati ni Zayne sa may edad ng lalaki pagpasok nila sa Café Athena kung saan siya dinala ni Monica. Ito ang ama ng dalaga at kasalukuyang CEO ng Madriaga Enterprises. Ang kompanyang pagmamay-ari ng pamilya ni Monica ay nag i-export ng luxury cars sa iba't ibang bahagi ng mundo. Nakilala niya ito noong maging girlfriend niya si Monica one year ago. Besides, this is also where he buys his expensive car collection. He likes to collect rare and vintage cars, most of which are worth millions.“Hi, dad!" bati naman ni Monica."Hello, hija.""I'm also glad to see you hijo," anang Mr. Madriaga kay Zayne. Inabot naman ni Zayne ang palad sa lalaki para makipag-kamay. Matapos niyon ay naupo na siya sa silyang katapat nito habang sa tabi naman niya naupo si Monica. "I heard that many businessmen want to invest in the new resort you are building," dagdag pa ng lalaki. Malapad ang pagkakangiti nito ng sabihin iyon."Yes, Sir. But
“Wow! You're so beautiful, bruh!" Hindi mapigilang mapangiti ni Calley nang marinig ang compliment na iyon mula kay Maggie pagkatapos siya nitong ayusan. Maging siya ay hindi makapaniwalang siya ang nakikita niya sa salamin. Magaling mag-makeup si Maggie kaya na-enhanced nito ang kanyang itsura. Siya kasi ay walang hilig sa pagme-makeup kaya hindi rin siya nag-aral kung paano gumamit niyon. Lipstick at face powder lang ang tanging alam niyang ilagay sa mukha. Pinagmasdan ni Calley ang itsura sa harap ng vanity mirror habang nakangiti. Nakaladlad ang itim at mahaba niyang buhok na bahagyang kinulot ang dulo, at ang tanging palamuti roon ay isang white hair clip. Naka-makeup din siya pero light lamang iyon dahil gabi naman. Ang suot naman niya ay isang white off-shoulder dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba na pinarisan ng isang flat white sandals. Simple lang iyon kung tutuusin subalit lumabas ang tunay na ganda niya sa pusturang iyon. "Ganda naman this girl! I'm sure kapag na
“Excuse me, Miss. Anong room number ni Mr. Sancho?“Mula sa pagtitipa ng kung anu-ano sa computer na kaharap ay nag-angat ang tingin ng babaeng nurse na naka-duty ng gabing iyon. "Good evening Ma'am," bati nito sa kanya. Walang kangiti-ngiti ang nurse nang sabihin iyon subalit nang mapatingin kay Zack na nakatayo lang sa kanyang likuran ay ngumiti ito ng ubod-tamis at tumayo pa mula sa kinauupuan. “Good evening Sir. Kapatid niyo po ba si Mr. Sancho?" sa halip ay tanong nito kay Zack na hindi pinansin ang sinabi niya. Bahagya pa nitong inartehan ang boses ng sabihin iyon dahilan para lihim siyang mapaismid."Yes," Zack replied in a cold voice. Tila hindi apektado sa pagpapa-cute na ginagawa ng babaeng nurse.“Uhm... Mr. Sancho is in room 256 on the third floor," anang nurse na bakas sa tinig ang pagkapahiya dahil sa ipinakitang coldness ng kaharap. “Pagbaba ninyo ng elevator, turn left and you will see the room of Mr. Sancho.“"Okay, thank you." Iyon na lang sinabi ni Calley sa babae
PUNO man ng takot at pangamba ang dibdib ni Calley, wala na siyang pagpipilian kung hindi tanggapin ang trabahong ibinigay sa kan'ya ni Lynette. Ang ibenta ang sarili kapalit ng malaking halaga ng pera.Labag man sa kanyang kalooban, wala na siyang pagpipilian. Kailangan niya ng pera para sa operasyon ng kanyang Nanay na kasalukuyang nasa Intensive Care Unit. May brain tumor ito at kailangan ng agarang operasyon.Ulila na siya sa ama at wala rin siyang kapatid. Kaya't kung mawawala pa ang kanyang ina, hindi na niya alam kung saan siya pupulutin.Ilang sandali pa, nakarinig siya ng paglagatik ng pinto, senyales na bumukas iyon. Sumunod ay ang mga yabag papalapit sa kinaroroonan niya.Tumahip ang dibdib ni Calley habang pinakikiramdaman ang paligid. At dahil tanging karimlan lang ang nakikita n'y
“CALLYX, come here. Ready na ang food mo,” pagtawag ni Calley sa kanyang apat na taong gulang na anak na si Callyx. Nasa kusina siya noon at katatapos lang ihanda ang lunch nilang mag-ina.Nang hindi sumagot ang anak, binitiwan niya ang kutsarang hawak saka dali-daling nagtungo sa sala. At doon, naabutan niyang tutok na tutok ang paslit sa panonood ng favorite cartoon nitong Mr. Bean, habang nakasalampak sa sahig na may kulay kremang tiles.Marahang nilapitan ni Calley ang anak pero hindi pa rin siya nito napapansin. Nakatalikod kasi ito sa gawi niya. Kaya naman habang nakatutok ito sa pinanonood ay tumalungko siya sa likuran nito at pasimpleng ninakawan ng halik sa pisngi.“Huli ka!” bungisngis ni Calley sa anak sabay yakap sa baywang nito.“Mama!” bulalas naman ni Callyx na s
“PARADISE Island Hotel and Resort is now hiring ten receptionists,” basa ni Calley sa isang ads na lumitaw sa kanyang Facebook account.Nagaw ang atensyon niya ng ads na ‘yon. Bukod kasi sa mataas ang salary para sa naturang trabaho, free pa ang tirahan, kuryente, at tubig. Iyon nga lang, sa Coron sa Palawan pa madedestino ang matatanggap sa posisyong iyon.Napaisip naman si Calley, saka binalingan ang nahihimbing na anak sa kanyang tabi. Pasado alas-onse na iyon ng gabi pero hindi pa rin siya makatulog, kaya naman naisipan n’yang bisitahin ang kanyang social media account para mag-post ng kanyang mga homemade cupcakes.
"WELCOME to Paradise Island, Calley!" magkasabay na bati ni Maggy at Tristan sa kaniya.Iyon ang first day niya bilang receptionist sa Paradise Island, at ang dalawang iyon ang makakasama niya sa morning shift. Si Tristan ay isang handsome gay, samantalang si Maggy naman ay maganda na may jolly attitude. Mabilis niyang nakasundo ang dalawa dahil mababait ang mga iyon."Thank you guys," kimi niyang tugon sa dalawa."Ay o? Anak mo 'to, sis? Ang cute-cute!" si Tristan habang nakatingin kay Callyx.Nasa isang sulok ang musmos habang nagkukulay ng drawing book nito sa maliit na mesa. Thankful din siyang napaka-behave ng kanyang anak kaya hindi niya ito kailangang intindihin habang nagtatrabaho. Nagbaon na lang siya ng toys at food nito in case
UMAGA pa lang ngunit napakarami ng guests ng Paradise Island ang nagtse-check in. Ang karamihan ay mga dayuhan na nais makita ang natatanging ganda ng Pilipinas, partikular sa Coron, Palawan.Halos hindi na nga magkanda-ugaga si Calley, Maggy, at Tristan sa pageestima sa mga hotel guest. At kahit iyon pa lang ang pangatlong araw ni Calley bilang receptionist, gamay na niya ang trabaho. Kayang-kaya na niyang sumabay sa dalawang kasamahan.“Good morning, Ma’am, Sir! Welcome to Paradise Island Hotel and Resort,” masiglang bati ni Calley sa dalawang foreigner na sa hula niya ay mag-asawa.Ngumiti naman ang mga ito sa kaniya pagkatapos ay sinabing nais nitong mag-check in ng one week. Wedding anniversary kasi ng mag-asawa at doon nito gustong i-celebrate ang nasabing okasyon.Matapos i-assist ni Cal