C4
Hanggang sumapit ang gabi ay hindi pa rin nag re-reply sa akin si Isaiah siguro galit talaga siya sa akin hindi ko naman iyon sinasadya. Akala ko kasi matutuwa siya kapag sinabi kung ako nalang ang magbabayad sa kakainin niya kasi girlfriend niya ako.
“Ma’am Charlotte tinatawag kana ng mommy mo!”
“Bababa na po ako yaya!” Inayos ko naman ang sarili ko at agad ng bumaba baka lalo pang magalit si mommy kapag matagal akong bumama.
Nang makarating ako sa dining ay nandoon na si mommy at daddy wala pa naman si Ansel kaya umupo na ako habang hinihintay namin siya. Hindi kasi kami kumain kapag hindi kami kompleto pero kapag nasa business trip si daddy ay kami lang ang kumakain.
“Yaya, where is Ansel?”
“Naliligo pa po ma’am.”
“Can you put down your phone Charlotte?!” mabilis ko namang itinago ito sa aking bulsa.
“Why do you always hold that?”
“I’m sorry mom may tinatanong lang po sa akin si Jezz,” mahinang sagot ko naman kay mommy.
“How's your school?”
“Okay naman po dad,”
“Your grade must be high.”
“Opo dad,” Pumasok naman si Ansel at h*****k ito sa pisngi ni mommy at daddy bago umupo sa aking tabi. tahimik naman kaming kumain ng biglang tumunog ang phone ko kaya agad ko itong tiningnan. Napa-angat naman ako ng tingin dahil nakatingin si mommy sa akin kaya agad ko itong ibinalik sa aking bulsa.
Pagkatapos naming kumain ay umakyat agad ako sa taas at mabilis tiningnan ang aking phone kinakabahan naman akong napatingin sa message ni Isaiah sa akin.
Hon: why did you not answer my call?” napatakbo naman ako sa kama at nagpagulong-gulong dahil sa tuwa na tumawag siya at hindi na siya galit sa akin. Kaya tumawag na ako sa kanya at agad naman niya itong sinagot.
“H-hello,” mahinang sabi ko sa kanya habang nakikinig lang siya sa kabilang linya.
“Hon sorry ha hindi ko nasagot kanina kasi kumakain pa kami.” narinig ko naman ang kanyang buntong hininga.
“A-ano bang kailangan mo hon? Na miss mo ba ako? Alam mo ba miss na miss kita,”
“Tsk. I want you to do my project.”
“Ha oo ba hindi kapa ba tapos noon?”
“Magpapagawa ba ako sa’yo kung meron na.”
“Sorry hon s-sige gagawa na ako hon para maibigay ko na sa’yo bukas.”
“Thanks”
“Ah kumai-.” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pinatay na niya ang kabilang linya. Kaya napa-buntong hininga nalang ako.
Me: I love you so much hon, message sent. Hindi naman siya nag response sa message ko kaya sinimulan ko nalang gawin ang project niya.
Napatingin ako sa aking orasan at nakitang mag alas dos na ng madaling araw. Napangiti naman ako habang nakatingin sa ginawa kong project ni Isaiah dahil tapos na ito. Mabilis naman akong huminga dahil masakit na ang aking likod at antok na antok na din ako mayamaya pa ay hinila na ako ng antok habang may ngiti sa aking labi. Dahil alam kong matutuwa si Isaiah kapag binigay ko na sa kanya ang project niya.
“Ate why are you carrying something like that again?” tanong ng kapatid ko habang pasakay na kami sa kanyang sasakyan.
“Because the one I bought before is broken.” pagsisinungaling ko sa kanya dahil kapag nalaman niyang ginawa ko ito para kay Isaiah ay magagalit siya. Tumango naman siya sa akin at hindi na nagtatanong pa. mayamaya pa ay nakarating na kami sa school kaya agad na akong pumunta sa rooftop dahil doon ang usapan namin ni Isaiah na kukunin niya itong project niya.
Pagdating ko dito ay wala pa siya kaya naupo na muna ako habang nakangiti akong tumitig sa project na ginawa ko. napatingin naman ako kay Isaiah ng papalapit na ito sa akin. Kaya agad akong tumayo at sinalubong siya.
“Hon ito na ang ginawa ko sa’yo,” masayang sabi ko sa kanya habang inabot niya sa akin ang project niyang ginawa ko.
“Thanks” napangiti naman ako sa kanya habang tumititig ako sa kanya. Yayakapin ko na sana siya pero umiwas siya sa akin.
“Hon nagustuhan moba?” tanong ko sa kanya habang hawak niya ang project na ginawa ko at tinitingnan ito.
“Okay na rin.”
“Masaya ako at nagustuhan mo hon.”
“Tsk. Baba na ako I will give it to our prof.”
“Ha s-sige hon,” agad naman siyang naglakad paalis sa rooftop kaya naupo ulit ako. Hindi ko naman maiwasang malungkot dahil mabilis ko lang siyang nakausap.
Dumaan ang ilang minuto at bumaba na ako at pumasok sa aming classroom napatingin naman ako kay Isaiah na masayang nakikipag-usap kay Ashley. Hindi ko naman maiwasang magselos ulit dahil mabuti pa siya laging kausap at kasama si Isaiah samantalang ako na girlfriend niya ay itinago niya. Napatingin naman ako sa lalaking nakaupo sa tabi ng aking upoan. Ngayon ko lang kasi siya nakita siguro transfer siya dito sa school namin.
Naupo naman ako sa aking upuan habang hindi siya tinitingnan.
“You have a bullpen?” Napatango naman ako sa kanya at kinuha ang isa kong bullpen.
“I-ito oh,” sabay abot ko sa kanya sa aking bullpen at agad naman niya itong kinuha.
“Tsk, di man lang marunong magpasalamat.” bulong ko naman sa sarili.
Pagkatapos ng aming klase ay agad namang lumapit si Jezz sa akin.
“Best ang gwapo naman ng katabi mo.”
“Mas gwapo pa sa kanya ang honey ko.” napakunot naman siya ng noo kaya napatawa ako sa kanya.
“I mean si Isaiah honey kasi ang tawag ko sa kanya kahit hindi ko siya boyfriend hehehe,” palusot ko naman sa kanya.
“ikaw talaga best puro ka nalang talaga pangarap gumising kana nga alam mo naman na girlfriend niya si Ashley.” Napakuyom naman ako ng aking kamay dahil sa sinabi ni Jezz hindi ko rin maiiwasan masaktan dahil ako naman ang girlfriend ni Isaiah at hindi si Ashley.
“Ano kaba magkaibigan lang kaya sila.”
“Magkaibigan ka diyan nakita ko nga silang naghahalikan eh,” nagulat ako sa sinabi ni Jezz at bigla ding kumulim-lim ang aking mata.
“Ayos ka lang ba?” pansin ko naman ang kanyang pag-aalala kaya tumango ako sa kanya.
Gustuhin ko man sanang tanongin si Isaiah pero natatakot akong magalit siya sa akin baka hiwalayan niya ako ayaw kong mangyari yon kaya kahit masakit tiisin ko nalang dahil ayaw kong mawala sa akin si Isaiah.
Ginagabihan ay pinapabihis kami ni mommy dahil pupunta daw kami sa birthday party ng anak ng kaibigan nila kaya agad akong nagbihis ng isang simpleng dress na kulay white at hanggang tuhod ko lang narinig ko naman ang katok sa aking pinto kaya agad ko itong binuksan.
Bumungad naman sa akin si Ansel na tapos nang magbihis.
“Are you not done ate?”
“Tapos na.” sambit ko naman sa kanya habang tinitingnan niya ang aking suot.
“Tsk ang pangit naman ng suot mo.” Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa kanyang sinabi.
“You should not wear glasses.”
“Anong gusto mo madapa ako.” asik ko pa sa kanya habang tinulak siya palabas ng kwarto ko.
“Are you finished let’s go.” mabilis naman kaming sumunod kay mommy at bumaba na.
Pagdating namin sa mansion ng kaibigan nila mommy ay hindi ko maiwasang mamangha dahil mas malaki pa ito sa amin. Pagpasok namin ay agad sinalubong sina mommy ng isang babaeng kaidaran din niya.
“Amalia I’m glad you’re here.” agad naman silang nagbeso habang may lumapit ding lalaki sa amin siguro asawa niya iyon.
“Where is your daughter Trina?”
“Oh she’s there with her boyfriend.” Napatango naman si mommy sa babaeng kausap niya.
“Is this your daughter and son?”
“Yes Trina”
“Maybe they’re just the same age as Ashley.” Ashley? Sabi ko naman sa isipan.
“Oh it’s her!” Napalingon naman ako sa sinabi ng kausap ni mommy at bigla akong nagulat habang nakatingin kay Ashley na nakangiti sa amin kasama si Isaiah.
“Amalia this is Ashley my daughter and her boyfriend Isaiah.” halos mawalan ako ng lakas sa aking narinig si Isaiah ay boyfriend talaga ni Ashley pero bakit niya ako niluko dahil ba alam niyang gusto ko siya at mahal na mahal ko siya.
“Oh hi Charlotte! I’m glad you’re here.”
“Do you know her iha?”
“Yes mom, she's our classmate.” pilit naman akong ngumiti sa kanya habang pinipigilan ang luha na malapit ng babagsak sa aking mata.
“Mom cr lang po ako,” bulong ko naman kay mommy dahil gusto ko nang makalayo sa kanila. binulongan naman ni mommy si Ansel at agad niya akong hinawakan.
“What are you doing?” bulong ko naman sa kapatid ko habang hawak niya parin ako.
“Accompany you baka mawala ka.” Sinamaan ko naman siya ng tingin habang ginulo niya ang aking buhok. Gustuhin ko mang umiyak pero hindi ko magawa dahil kasama ko ang kapatid ko.
C5Nang makauwi kami sa bahay ay agad akong pumunta sa aking room at doon na ako umiyak ang sakit ng dibdib ko dahil sa nalaman at nakikita ko kina Ashley at Isaiah. Hindi ko din maintindihan bakit niya ginawa sa akin ito salamantalang minahal ko naman siya. Kinuha ko naman ang aking phone at sinubukang tawagan siya baka nakauwi na rin siya. Naka ilang ring ako pero hindi niya ito sinagot. Kaya naisipan ko nalang siyang I-text.Me: hon pwede ba kitang makausap may itatanong lang sana ako sa’yo. Ilang minuto pa akong naghihintay sa reply niya pero wala siyang sagot. Hindi ko naman mapigilan ang paglalandas ng aking luha dahil binalewala niya ako hanggang sa nakatulogan ko nalang ang paghihintay sa kanyang response sa akin.Kinaumagahan ay matamlay parin ako at parang wala akong ganang pumasok dahil
C6Nang makarating ako sa bahay ni lola ay agad akong yumakap sa kanya at humagulgol ng iyak.“Lola Maria,” sambit ko habang umiiyak.“Apo, huwag ka nang umiyak, na miss kita ng husto apo, kayo ni Ansel.” ngiting wika ni lola ng kumalas na ito sa pag-yakap sa akin at pinunasan ang aking mga luha.“Kumusta na ang maganda kung apo hmm, bakit iyakin ka pa rin,” hindi ko naman mapigilang mapangiti, dahil sa sinabi ni lola. Sa kanya ko lang kasi nararamdaman ang totoong pagmamahal na hindi ko nararamdaman sa mga magulang ko. minsa naiisip ko na lang na baka ampon ako nila mommy at daddy.“Halik na apo, siguradong napagod ka sa byahe at alam kung gutom ka na rin,” masayang wika ni lola sa akin. Dati gusto kong sumama sa kanya ngunit dahil sa pagmamahal ko kay Isaiah ay mas pinili kong makasama ito at kahit sa malayo ko lang siya nakikita ay masaya na ako.Masaya kaming nag-kwentohan ni lola bago ako pumasok sa aking silid. Nang mahiga ako sa kama ay hindi ko maiwasang mapa-iyak ulit. Dahil
C7 After one year ay lumawak ang business namin ni Raven. Nagdagdag pa kami ng ibang branch ng hotel pati na rin sa iba’t-ibang bansa. May tatlong branch na rin kami sa Pilipinas. Hanggang ngayon ay hindi rin ako makapaniwala na nakamit namin ito.“Babe pangit, balak kung umuwi ng Pilipinas para ma-check natin ang tatlong hotel natin doon, dahil balak ko pa itong dagdagan.” Mahabang wika ni Raven habang papasok ito sa loob ng office ko.“Ikaw bahala,” sambit ko habang naupo na siya paharap sa akin.“I don’t want to go there without you,” aniya na ikina-angat ng aking mukha sa kanya. Siguro ayaw niya pa ring umuwi doon dahil sa babaeng naghahabol sa kanya na hindi naman niya mahal at pilit ipakasal sa kanya ng kanyang lolo at lola.“Alam mo naman na ayaw ko ring umuwi doon,” maktol ko namang wika sa kanya.“Eh, paano naman ang business natin doon, hindi natin ito ma-manage kapag patuloy natin iniisip ang mga fear natin.” aniya hindi ko naman mapigilang maisip sa kanyang sinabi, dahil
C8ISAIAH POVHindi ako makapaniwala na si Charlotte ang kaharap namin ngayon she change a lot, her big eyeglasses in her eyes are gone. Her messy long black hair is now gone, she looks so beautiful in her blonde hair. Hindi ko rin mapigilang titigan ang kanyang mga mata, because I don’t know that behind her big eyeglasses there are eyes that are beautiful. Para akong natulala when our eyes meet. She looks so beautiful when she smile at me, pero iba na ang ngiti niya, hindi na iyong ngiting may kasamang kislap ng kanyang mga mata sa tuwing kausap o makikita ako. Damn why I feel hurt now, I don’t like her and mostly I don’t love her. Ginawa ko lang naman ang inutos sa akin ng girlfriend ko because I love her, and I want her to be happy. Hindi ko rin maitatanggi naiinis ako before everytime she text and call me, because I don’t like her. Lalo na sa tuwing nakikita ko siyang nakasunod sa akin or nag che-cheer sa akin.But now, why I feel pain when I see her cold eyes towards me? diba dap
C9 ISAIAH POVIpinatawag kami ni Tito Benjamin para pumunta sa Baguio kasama si Ashley at Charlotte natutuwa sana ako kung hindi lang kasama ang epal na Raven. I really want to punch him. Lalo na kapag nakikita ko silang magkayakap.“Baby,” Nilingon ko si Ashley habang humawak na siya sa aking braso. I really don’t understand why I feel jealous, kahit nandito naman si Ashley and I love her, kaya ko nga nagawang saktan si Charlotte noon because of her, but now. Damn I really f*cking wants Charlotte back.“Do you have a problem?” tanong niya habang naglalakad na kami pabalas ng elevator.“Nothing,” sambit ko.“But you look you have?” hindi ko mapigilang mainis dahil sa kanyang tanong.“Can’t you stop asking me about that. I said I’m fine.” singhal ko sa kanya. Bigla naman siyang nagulat dahil sa sinabi ko. simula ng maging girlfriend ko siya ay ngayon lang ako nagalit sa kanya.“A-are you mad at me?” hindi makapaniwala na sigaw niya sa akin. Kaya napapikit ako ng mga mata at napahawak
C10 SPGISAIAH POVPagkatapos naming kumain ay inayos na namin ang aming mga gamit ni Ashley sa loob ng room. Humiga naman si Ashley sa kama kaya lumabas muna ako sa terrace ng room namin. Napatingin naman ako sa isang sasakyan na kakalabas lang ng gate, kaya nagpasya akong lumabas ng room namin. Nakita ko namang bukas ang room nina Charlotte at Raven kaya pumasok ako para tingnan ang loob ng room nila mukha namang wala sila rito. Inilibot ko naman ang aking paningin sa kabuohan ng room mukhang kay Charlotte itong room, dahil nandito pa ang mga picture niya noong nag-aaral pa siya. hindi ko rin maiwasang mapailing dahil mahilig pala siya sa kulay pink.“A-anong ginagawa mo rito?” Napatingin ako sa isang pinto ng marinig ang boses ni Charlotte, hindi ko rin maiwasang mapatitig sa kanya habang nakasuot lamang ito ng bathrobe. Hindi ko naman mapigilang napalunok habang nakatingin sa kanya.“Isaiah. Can you please go out. Magbibihis lang ako.” wika niya. napansin ko naman ang pamumula ng
C11 SPGISAIAH POVKINABUKASAN hindi ko mapigilang ngumiti habang naliligo ako sa bathroom. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang unang lalaki sa buhay ni Charlotte. well she mine even before, kaya dapat akin lang siya. Ako lang dapat ang aangkin sa kanya at wala ng iba.“Baby! Are you not done! Faster please!” hindi ko naman mapigilang mainis dahil kay Ashley, maybe I’m fool pero hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. bakit nakaramdam ako ng ganito. Simula ng makita ko ulit si Charlotte.Isinuot ko ang bathrobe ng matapos na akong maligo habang pinupunasan ang aking buhok sa towel. Napa-iling naman ako habang nakatingin kay Ashley na namumugay ang mga mata habang nakatingin sa akin. Tumayo siya at lumapit sa akin hahalikan niya sana ako sa aking labi pero umiwas ako. at nagtungo sa wardrobe para kumuha ng damit.“Why are you change baby?” singhal niyang tanong sa akin.“Tsk. you said we’re late.” wika ko habang sinuot ang aking pantalon.“Kahit na! I feel you ch
C12CHARLOTTE POVHindi ko mapigilang magalit sa ginawa ni Isaiah sa akin. Hindi ko lubos maisip na kaya niya gawin iyon, dahil hindi naman siya ganito noong college pa kami. Hindi nga niya ako kayang hawakan o halikan man lang dati.“What do you like to eat?” tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.“Nasaan ba ang girlfriend mo? Bakit hindi ka niya nabantayan?” irap kong tanong sa kanya.“Bakit niya naman ako kailangang bantayan?” kunot-noo niyang tanong sa akin.“Kailangan mo pa ba talagang itanong iyan Isaiah.” madiin kong wika sa kanya. At tumango naman siya sa akin, hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit niya ito ginawa lalo na ang asarin ako.“I ask you kung anong gusto mo, per kung ayaw mong kumain ako na lang ang kakain sa’yo.” sinamaan ko naman siya ng tingin habang ang kanyang atensyon ay nasa hawak niyang menu.“Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganito. I mean your not the Isaiah I met before. Hindi ka naman ganito.” wika ko habang tumingin na rin sa menu.“Every p