C5
Nang makauwi kami sa bahay ay agad akong pumunta sa aking room at doon na ako umiyak ang sakit ng dibdib ko dahil sa nalaman at nakikita ko kina Ashley at Isaiah. Hindi ko din maintindihan bakit niya ginawa sa akin ito salamantalang minahal ko naman siya. Kinuha ko naman ang aking phone at sinubukang tawagan siya baka nakauwi na rin siya. Naka ilang ring ako pero hindi niya ito sinagot. Kaya naisipan ko nalang siyang I-text.
Me: hon pwede ba kitang makausap may itatanong lang sana ako sa’yo. Ilang minuto pa akong naghihintay sa reply niya pero wala siyang sagot. Hindi ko naman mapigilan ang paglalandas ng aking luha dahil binalewala niya ako hanggang sa nakatulogan ko nalang ang paghihintay sa kanyang response sa akin.
Kinaumagahan ay matamlay parin ako at parang wala akong ganang pumasok dahil makikita ko lang doon si Isaiah na kasama si Ashley.
“Ma’am Charlotte kanina pa po naghihintay si sir Ansel sa’yo.” sabi naman ni yaya habang kumakatok sa pinto ng aking kwarto. Mabuti nalang at wala si mommy at daddy dahil maaga silang may meeting ngayon.
“Opo yaya nandiyan na po!” sagot ko naman sa kanya habang kinuha na ang aking bag.
Pagbukas ko ng pinto ay nandon parin si yaya at naghihintay sa akin. Bumaba agad ako at hindi na kumain dahil wala naman akong ganang kumain simula kagabi. Nakatayo naman si Ansel sa kanyang sasakyan habang hinihintay ako kaya agad na akong pumasok ng sasakyan at ganon naman siya.
“Why are you late ate?” tanong niya agad habang sinimulang buhayin ang makina.
“Sorry napasarap kasi ako sa pagtulog,” pagsisinungaling ko sa kanya.
“Are you crying?” nagulat naman ako sa kanyang tanong.
“B-bakit naman ako iiyak?” utal kong tanong sa kanya.
“Look at your swollen eyes.” Kinuha ko naman ang aking salamin sa bag at tiningnan ang aking mata. Hindi ako makapaniwalang napatingin dito dahil talagang namamaga ito nakakahiya naman kapag makita ito ng mga ka-klase ko.
“Are you crying because Isaiah has a girlfriend? Hindi mo ba alam na matagal na sila ni Ashley.” hindi ko naman mapigilang mapa-iyak ulit dahil sa kanyang sinabi.
“Stop crying ate hindi mo siya dapat ini-iyakan.” Hininto naman niya ang sasakyan at niyakap ako kaya lalo akong napa-iyak.
“Let’s not go to school now ate.” Napa-angat naman ako ng tingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
“Lagot tayo kila mommy kapag gagawin natin yon.”
“Tsk di naman nila malalaman yon.”
“Anong hindi kilala mo naman si mommy,” ngumiti siya sa akin habang pinunasan ang aking luha.
“Huwag ka nang umiyak baka pagtawanan ka lalo ng mga kaklase mo.” Tumango ako sa kanya habang inayos na ang aking sarili.
Pagdating namin sa school ay hinatid ako ni Ansel sa aking classroom nagtitinginan naman sa amin ang aking mga classmate’s kaya yumuko nalang ako. Pagkapasok ko ay agad naman siyang umalis.
“Hey! Do you have a bullpen?” napakunot ang aking noo dahil sa katabi kung naghahanap na naman ng bullpen samantalang hindi nga niya binalik ang hiniram niya kahapon.
“Wala.” sambit ko sa kanya habang hindi siya tiningnan. Napa-angat naman ako ng mukha sa kanya ng agawin niya sa akin ang aking bag.
“Ano bang problema mo?” tanong ko sa kanya habang hinahalungkat niya ang aking bag.
“I’m looking for a bullpen ang damot mo kasi.”
“Ako pa yong madamot hindi mo nga binalik ang hiniram mo!”
“Miss.Garcia if you want to talk, you’d better just go out!” Napatingin ako sa aming prof habang galit din itong nakatingin sa akin.
“Sorry po,” hinging paumanhin ko sa kanya habang pinagtatawanan ako ng aking mga classmate’s.
“Best bilisan mo naman” mabilis ko namang niligpit ang aking mga gamit habang naghihintay na sa akin si Jezz.
“Oo na saglit lang!” sabi ko sa kanya habang papalapit na ako sa kanya pero bigla na lamang akong natumba ng may bumangga sa akin. At pag angat ko ng mukha ay nagulat ako dahil si Isaiah pala ang nabangga ko.
“Sorry,” sambit ko sa kanya habang pinulot ang nalaglag kong book’s.
“Next time don’t be stupid.” bigla namang bumagsak ang aking luha dahil sa kanyang sinabi ang sakit niya kasing magsalita kahit girlfriend niya ako.
“Okay ka lang ba best?” Tumango naman ako kay Jezz habang pinunasan ang aking luha.
“Ang sama talaga ng Isaiah na yon.”
“Ano ba kasalanan ko naman.” Pagtatanggol ko pa sa kanya.
Habang wala pa akong pasok ay naisipan ko munang pumunta sa rooftop para mapag-isa masyado kasing maingay at maraming student’s kaya minabuti ko nalang pumunta doon dahil tahimik sa rooftop. Pero bigla kong nakita si Isaiah kasama ang kanyang mga kaibigan na nag-uusap.
“Did you see how she looked pitiful before.” rinig ko namang sabi ni Ryan na kaibigan ni Isaiah.
“Give me my money.”
“Whoa di ka pa nga nakahalik doon dude!”
“Gago kaba I never wan’t to kiss her kahit nga sa text naiinis na ako sa kanya dahil panay ang message niya sa akin.”
“Well ganon siguro talaga kasi diba matagal ng may gusto sayo si Charlotte.” hindi ko naman mapigilang umiyak habang lumapit sa kanila at bigla kong sinampal si Isaiah.
“Walang hiya ka niloko mo lang ako!” iyak kong sabi sa kanya habang hinawakan niya ang kanyang pisngi na sinampal ko. pero bigla niya naman akong tinulak kaya natumba ako.
“How dare you slap me.”
“Bakit mo ginawa sa akin ‘to ha! Ano ang naging kasalanan ko sa inyo! Wala naman akong ginawang masama!” sigaw ko sa kanila habang umiiyak. Nagtatawanan naman sila habang nakatingin sa akin.
“Stupid. You think na magugustuhan kita? Stop dreaming Charlotte!”
“At inutusan ko lang ang boyfriend kung ligawan ka kasi kawawa ka naman,” Napayuko naman ako sa sinabi ni Ashley. Ang sama nila wala naman akong ginawang masama sa kanila pero bakit nila ginawa sa akin ‘to. Agad akong tumayo at tumakbo papalayo sa kanila.
Pagdating ko sa labas ay agad akong pumunta sa gate at kinausap ang guard na lalabas ako. Hindi sana ito papayag pero nagsisinungaling akong may emergency sa bahay kaya pinayagan niya akong lumabas. Naglalakad lang ako sa labas habang umiiyak. Hindi ko maisip na kayang gawin sa akin yon ni Isaiah naging mabait naman akong girlfriend sa kanya pero sinaktan pa rin niya ako at niluko.at higit sa lahat ako lang pala ang tangang nag-aakala na boyfriend ko siya.Ang sama niya ang sama nila.
Napansin ko namang malalim na ang gabi kaya naisipan ko nang umuwi at inayos ang aking sarili. Pagdating ko sa bahay ay agad na akong pumasok pero isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin.
“What went into your brain and you left?” galit na tanong ni daddy sa akin.
“Sorry dad,”
“Sorry yan lang ang sasabihin mo pagkatapos ng ginawa mo! My God Charlotte kanina pa kami nag-alala ng daddy mo!” hindi ko naman maiwasang mapaiyak lalo sa sinabi ni mommy dahil ngayon ko lang narinig sa kanya na nag-aalala siya sa Akin.
“What is your problem?”
“Gusto ko nang tumigil sa pag-aaral dad.” bigla naman akong napalingon sa kabila ng malakas ulit akong sinampal ni daddy.
“Are you out of your mind?”
“Kahit po mag transfer nalang po ako ng ibang school dad please po ayaw ko na doon dad!” pagmamakaawa ko kay daddy dahil ayaw ko nang makita pa si Isaiah at ang mga kaibigan niya ang sakit na kasi ng ginawa nila.
“No! hindi pwede iyang gusto mo.”
“But mommy please parang awa niyo na po.”
“Mom please po pagbigyan niyo na po si ate,” Niyakap naman ako ni Ansel kaya lalo akong napahagulhol.
“If that’s what you want I’ll just send you to your grandmother.”
“But honey!”
“That’s my final decision.”
“Thank you dad,” sambit ko kay daddy habang tumalikod na siya sa amin. Sinamaan naman ako ng tingin ni mommy kaya yumuko nalang ako.
Inalalayan naman ako ni Ansel papasok sa aking room habang umiiyak parin ako.
“Thank you Ansel sa pag-kumbinsi mo kay dad.”
“Wala yon ate sana maging masaya kana sa ibang school at makalimutan muna siya.” napangiti naman ako sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi.
“Huwag kang mag-alala pag balik ko hindi na ako ang ate mong iyakin,” ngumiti din siya sa akin at ginulo ang aking buhok.
“Asahan ko yan,”
“Lumabas ka na gusto ko ng magpahinga.”
“Basta wag ka nang umiyak.” Tumango naman ako sa kanya habang tumayo na siya at lumabas sa aking kwarto.
I promise na sa pagbalik ko ulit dito ay hindi na ako iiyak lalo na sa kanya pipilitin kong kalimutan siya. Iyak ko namang sabi sa isipan.
C6Nang makarating ako sa bahay ni lola ay agad akong yumakap sa kanya at humagulgol ng iyak.“Lola Maria,” sambit ko habang umiiyak.“Apo, huwag ka nang umiyak, na miss kita ng husto apo, kayo ni Ansel.” ngiting wika ni lola ng kumalas na ito sa pag-yakap sa akin at pinunasan ang aking mga luha.“Kumusta na ang maganda kung apo hmm, bakit iyakin ka pa rin,” hindi ko naman mapigilang mapangiti, dahil sa sinabi ni lola. Sa kanya ko lang kasi nararamdaman ang totoong pagmamahal na hindi ko nararamdaman sa mga magulang ko. minsa naiisip ko na lang na baka ampon ako nila mommy at daddy.“Halik na apo, siguradong napagod ka sa byahe at alam kung gutom ka na rin,” masayang wika ni lola sa akin. Dati gusto kong sumama sa kanya ngunit dahil sa pagmamahal ko kay Isaiah ay mas pinili kong makasama ito at kahit sa malayo ko lang siya nakikita ay masaya na ako.Masaya kaming nag-kwentohan ni lola bago ako pumasok sa aking silid. Nang mahiga ako sa kama ay hindi ko maiwasang mapa-iyak ulit. Dahil
C7 After one year ay lumawak ang business namin ni Raven. Nagdagdag pa kami ng ibang branch ng hotel pati na rin sa iba’t-ibang bansa. May tatlong branch na rin kami sa Pilipinas. Hanggang ngayon ay hindi rin ako makapaniwala na nakamit namin ito.“Babe pangit, balak kung umuwi ng Pilipinas para ma-check natin ang tatlong hotel natin doon, dahil balak ko pa itong dagdagan.” Mahabang wika ni Raven habang papasok ito sa loob ng office ko.“Ikaw bahala,” sambit ko habang naupo na siya paharap sa akin.“I don’t want to go there without you,” aniya na ikina-angat ng aking mukha sa kanya. Siguro ayaw niya pa ring umuwi doon dahil sa babaeng naghahabol sa kanya na hindi naman niya mahal at pilit ipakasal sa kanya ng kanyang lolo at lola.“Alam mo naman na ayaw ko ring umuwi doon,” maktol ko namang wika sa kanya.“Eh, paano naman ang business natin doon, hindi natin ito ma-manage kapag patuloy natin iniisip ang mga fear natin.” aniya hindi ko naman mapigilang maisip sa kanyang sinabi, dahil
C8ISAIAH POVHindi ako makapaniwala na si Charlotte ang kaharap namin ngayon she change a lot, her big eyeglasses in her eyes are gone. Her messy long black hair is now gone, she looks so beautiful in her blonde hair. Hindi ko rin mapigilang titigan ang kanyang mga mata, because I don’t know that behind her big eyeglasses there are eyes that are beautiful. Para akong natulala when our eyes meet. She looks so beautiful when she smile at me, pero iba na ang ngiti niya, hindi na iyong ngiting may kasamang kislap ng kanyang mga mata sa tuwing kausap o makikita ako. Damn why I feel hurt now, I don’t like her and mostly I don’t love her. Ginawa ko lang naman ang inutos sa akin ng girlfriend ko because I love her, and I want her to be happy. Hindi ko rin maitatanggi naiinis ako before everytime she text and call me, because I don’t like her. Lalo na sa tuwing nakikita ko siyang nakasunod sa akin or nag che-cheer sa akin.But now, why I feel pain when I see her cold eyes towards me? diba dap
C9 ISAIAH POVIpinatawag kami ni Tito Benjamin para pumunta sa Baguio kasama si Ashley at Charlotte natutuwa sana ako kung hindi lang kasama ang epal na Raven. I really want to punch him. Lalo na kapag nakikita ko silang magkayakap.“Baby,” Nilingon ko si Ashley habang humawak na siya sa aking braso. I really don’t understand why I feel jealous, kahit nandito naman si Ashley and I love her, kaya ko nga nagawang saktan si Charlotte noon because of her, but now. Damn I really f*cking wants Charlotte back.“Do you have a problem?” tanong niya habang naglalakad na kami pabalas ng elevator.“Nothing,” sambit ko.“But you look you have?” hindi ko mapigilang mainis dahil sa kanyang tanong.“Can’t you stop asking me about that. I said I’m fine.” singhal ko sa kanya. Bigla naman siyang nagulat dahil sa sinabi ko. simula ng maging girlfriend ko siya ay ngayon lang ako nagalit sa kanya.“A-are you mad at me?” hindi makapaniwala na sigaw niya sa akin. Kaya napapikit ako ng mga mata at napahawak
C10 SPGISAIAH POVPagkatapos naming kumain ay inayos na namin ang aming mga gamit ni Ashley sa loob ng room. Humiga naman si Ashley sa kama kaya lumabas muna ako sa terrace ng room namin. Napatingin naman ako sa isang sasakyan na kakalabas lang ng gate, kaya nagpasya akong lumabas ng room namin. Nakita ko namang bukas ang room nina Charlotte at Raven kaya pumasok ako para tingnan ang loob ng room nila mukha namang wala sila rito. Inilibot ko naman ang aking paningin sa kabuohan ng room mukhang kay Charlotte itong room, dahil nandito pa ang mga picture niya noong nag-aaral pa siya. hindi ko rin maiwasang mapailing dahil mahilig pala siya sa kulay pink.“A-anong ginagawa mo rito?” Napatingin ako sa isang pinto ng marinig ang boses ni Charlotte, hindi ko rin maiwasang mapatitig sa kanya habang nakasuot lamang ito ng bathrobe. Hindi ko naman mapigilang napalunok habang nakatingin sa kanya.“Isaiah. Can you please go out. Magbibihis lang ako.” wika niya. napansin ko naman ang pamumula ng
C11 SPGISAIAH POVKINABUKASAN hindi ko mapigilang ngumiti habang naliligo ako sa bathroom. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang unang lalaki sa buhay ni Charlotte. well she mine even before, kaya dapat akin lang siya. Ako lang dapat ang aangkin sa kanya at wala ng iba.“Baby! Are you not done! Faster please!” hindi ko naman mapigilang mainis dahil kay Ashley, maybe I’m fool pero hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. bakit nakaramdam ako ng ganito. Simula ng makita ko ulit si Charlotte.Isinuot ko ang bathrobe ng matapos na akong maligo habang pinupunasan ang aking buhok sa towel. Napa-iling naman ako habang nakatingin kay Ashley na namumugay ang mga mata habang nakatingin sa akin. Tumayo siya at lumapit sa akin hahalikan niya sana ako sa aking labi pero umiwas ako. at nagtungo sa wardrobe para kumuha ng damit.“Why are you change baby?” singhal niyang tanong sa akin.“Tsk. you said we’re late.” wika ko habang sinuot ang aking pantalon.“Kahit na! I feel you ch
C12CHARLOTTE POVHindi ko mapigilang magalit sa ginawa ni Isaiah sa akin. Hindi ko lubos maisip na kaya niya gawin iyon, dahil hindi naman siya ganito noong college pa kami. Hindi nga niya ako kayang hawakan o halikan man lang dati.“What do you like to eat?” tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.“Nasaan ba ang girlfriend mo? Bakit hindi ka niya nabantayan?” irap kong tanong sa kanya.“Bakit niya naman ako kailangang bantayan?” kunot-noo niyang tanong sa akin.“Kailangan mo pa ba talagang itanong iyan Isaiah.” madiin kong wika sa kanya. At tumango naman siya sa akin, hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit niya ito ginawa lalo na ang asarin ako.“I ask you kung anong gusto mo, per kung ayaw mong kumain ako na lang ang kakain sa’yo.” sinamaan ko naman siya ng tingin habang ang kanyang atensyon ay nasa hawak niyang menu.“Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganito. I mean your not the Isaiah I met before. Hindi ka naman ganito.” wika ko habang tumingin na rin sa menu.“Every p
C13 WIWYM“Damn!! you do not know?! Or are you just pretending?” galit niyang sigaw sa akin.“Yeah I don’t know! How can I know if you do not telling me?” galit ko namang sigaw sa kanya.“Damn it Charlotte! are you really numb?” Napahawak ako sa aking noo dahil sa sinabi niya. hindi ko naman alam kung ano ang gusto niya.“Damn! you really don’t know that I love you?” nahinto ako dahil sa kanyang sinabi. Sinabi niya lang ba ito dahil may balak na naman silang paglaruan ako ni Ashley? Hindi pa ba sila tapos sa paglalaro sa damdamin ko kahit ilang taon na ang lumipas.Hindi ko mapigilang mapangiti habang kaharap siya. kunot-noo niya naman akong tinitingnan.“Why are you laughing? P-pinagtatawanan mo ba ako Charlotte?” aniya sa galit na boses.“Isaiah, I know that you never love me, kaya please stop this nonsense. At isa pa, hindi ka pa ba tapos sa paglalaro sa damdamin ko? my God Isaiah it’s been a long years,” ani ko pero napansin ko naman ang paggalaw ng kanyang panga.“Do you really t