Share

Chapter 13

Brianna

"Brianna! Hindi ka pa ba babangon diyan? Late ka na sa school."

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malakas na boses na iyon ng mommy ko. Napuyat kasi ako sa kakapanuod ng paborito kong Chinese drama. Sa inis ko kasi kay Dean ay mas itinuon ko ang isip ko sa panunuod ng mga Asian drama. Mabuti pa ang manuod ng drama dahil may happy ending. Sinisiguro ko kasi na may happy ending ang drama na papanuorin ko. Ayoko kasi ng walang happy ending dahil nakakalungkot. Palabas na nga lang ay wala pang happy ending. Kami naman ni Dean ay wala pang kasiguraduhan kong may happy ending ba o wala.

Pagkatapos ng nangyaring away namin ni Ivy kasama ang mga kaibigan niya ay pinilit ko silang iwasan. Kapag nakikita kong naroon ang grupo niya sa pupuntahan ko ay mabilis akong umiiwas. Mahirap na at baka ma-guidance ulit kami at tuluyan nang maipatawag ang parents ko sa school. Si Dean naman ay ganoon pa rin. May pagka-aloof pa rin siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status