Share

Chapter 19

Brianna

Walang imik lamang ako habang nagbibiyahe ang bus na sinasakyan namin patungo sa talampas ng Anaruta sa Bulacan. Hindi gaanong mataas ang talampas na iyon at malawak ang patag na lupa sa tuktok. Perfect para sa mga taong nais mag-camping lamang ngunit nais maranasan ang malamig na klima sa gabi. Para daw kasing nasa Baguio ang pakiramdam kapag nasa itaas ng talampas ng Anaruta. Nakaka-relax daw ng pakiramdam at nakakawala ng stress ang malamig na hangin sa itaas ng talampas.

Pinabaunan ako ni Mommy ng makapal na kumot at jacket kaya tuloy medyo malaki ang bag pack na dala ko. Siguradong mahihirapan ako nito mamaya sa paglalakad lalo pa at paakyat kami. Naputol ang pag-iisip ko nang biglang nagsalita si Ivy st kinausap si Dean.

"Dean, malaki kasi ang bag na dala ko kaya siguradong mahihirapan ako mamaya sa pag-akyat. Puwede bang tulungan mo ako sa pagdadala ng bag ko?" narinig ko ang malambing na pakiusap ni Ivy kay Dean.

Gusto ko sanang lumingon sa kanila para taasan siya ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status