Share

Chapter 27

Brianna

"Kumusta ka naman habang wala kami ng kapatid mo, Brianna?" tanong ng mommy ko habang naghahanda ng aming hapagkainan.

Wednesday morning nang dumating silang tatlo pero nasa school na ako nang dumating sila kaya pag-uwi ko ay sa hapon na kami nagkita-kita.

"For sure, tuwang-tuwa si Ate Brin, Mom. Baka nga nahiling niya na sana ay hindi pa tayo umuwi para mas matagal pa niyang makasama si Kuya Dean," nanunuksong wika ni Bryle.

"Ikaw ang nais kong hindi na umuwi rito," nakairap kong sikmat sa kapatid ko bago ko sinagot ang tanong ni Mommy. "Okay lang po, Mom. Alagang-alaga nga ako ni Tita Amalia, eh. Pero ang tagal ninyong umuwi. Akala ko nga iniwan n'yo na talaga ako rito, eh."

"Daddy, ang tagal mong hindi nakauwi, ah. Hindi mo yata ako na-miss, eh," nakangusong sabi ko kay Daddy. I'm a daddy's girl. Mas strict kasi si Mommy kaysa kay Daddy. Lumapit ako kay Daddy at naglalambing na niyakap ko siya.

"Naaalala mo pa kaya ako?Eh, buong atensiyon mo ay nakatuon naman kay Dean," ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status