BRIANNAIlang araw na akong hindi mapakali. Lagi akong balisa. Nag-aalala ako na baka isang araw ay bigla na lamang papasok sa loob ng aking coffeeshop si Dean. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin sakaling magkaharap kami. Alam ko naman kasi na hindi ko siya habambuhay na maiiwasan. Ngunit bakit ko nga ba siya iniiwasan? Wala na akong pag-ibig sa kanya. Nawala na iyon nang araw na narinig ang mga sinabi niya sa harapan nina Ivy. "Ma'am Brianna, masama po ba ang pakiramdam mo?" biglang tanong sa akin ni Pinky nang makita niyang nakahawak ako sa aking ulo habang nakapikit ang aking mga mata at nakaupo sa harapan ng aking mesa.Napadilat ako ng aking mga mata kasabay ng pagngiti ko sa kanya. "I'm okay, Pinky. Medyo sumakit lamang ang ulo ko. Lately kasi marami akong inaasikaso," pagsisinungaling ko sa kanya. Paano ko naman kasi sasabihin sa staff ko na kaya ako nagkakaganito ay dahil nakita kong muli ang lalaking nagparanas sa akin kung paano maging masaya at kung paano rin ang m
BRIANNAAbsent ang cashier ng aking coffeeshop na si Carla kaya ako na lamang ang tumao sa cashier. Trinangkaso raw si Carla kaya hindi makakapasok ng ilang araw. Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa mga taong pumapasok sa loob ng coffeeshop. Tila may hinihintay ang aking mga mata na kung sinong taong papasok sa loob ng aking shop."Ma'am. Sino po ang hinihintay ninyong pumasok? Si Sir Peter po o iyong guwapong lalaki na kausap ninyo noong isang araw?" nakangiting tudyo sa akin ni Pinky. Ganoon ba ka-obvious ang hitsura ko? Hindi ko naiwasang mamula ang aking mga pisngi ngunit mabilis ko itong napagtakpan sa pamamagitan ng pagsusungit."Wala akong hinihintay, okay? Magtrabaho ka na diyan at baka wala akong maipang-sahod sa'yo," kunwari ay masungit kong wika kay Pinky. Tinawanan lamang niya ako at napapailing na umalis sa harapan ko para harapin naman ang mga bagong dating na customers. Sanay makipagbiruan sa akin ang mga staff ko kaya nabibiro nila ako kung ano lang ang mais
BRIANNANadagdagan ang aking problema ngayon. Dahil hindi lamang si Dean ang iniisip ko kundi maging ang si Peter at ang muntik nang mangyari sa aming dalawa sa bahay ko. Kung hindi agad bumalik sa tamang pag-iisip ang aking sarili ay malamang na naganap ang isang bagay na labis kong pagsisisihan. Dahil wala naman akong nararamdamang pagtingin sa kaibigan ko kundi purong pagtinging kaibigan lamang. Talagang nadala lamang ako s kanyang halik dahil isa lamang akong tao. May kahinaan din. Ngunit dahil sa nangyari ay isa lamang ang nasiguro ko sa aking sarili. Na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Dean. Na hindi ko pa pala siya tuluyang nakakalimutan. Akala ko sa paglipas ng panahon ay nakalimutan ko na siya ngunit nagtago lang pala sa kaibuturan ng aking puso ang pag-ibig ko sa kanya. At ang muntik nang mangyari sa amin ni Peter ang biglang nagpagising sa natutulog kong pag-ibig sa lalaking inaakala kong niloko at sinaktan lamang ako. Ngunit kahit mahal ko pa siya ay dapat ko pa rin
BRIANNAMagmula nang mangyari ang mainit na eksena sa pagitan namin ni Dean ay iniwasan ko na siya. Palaging alisto ang mga mata ko na tulad ng isang magnanakaw. Kapag nakikita ko na paparating pa lamang si Dean ay mabilis akong umaalis sa coffeeshop. Sa gilid ng opisina ko ay maliit na exit door for emergency. Dito ako dumadaan para maiwasan ko si Dean. Hindi lanag naman si Dean ang iniwasan ko kundi pati na rin si Peter. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Ayokong masaktan lalo siya kapag nalaman niya na hanggang ngayon ay si Dean pa rin ang itinitibok ng aking puso. Akala ko ay matagal ko silang maiiwasan ngunit hindi pala. Dahil sa araw na ito ay nakatakda pala kaming tatlo na magharap-harap.Maraming customers ngayon ang aking coffeeshop kaya naging busy ako sa pag-iistima sa kanila. Tinulungan ko si Pinky dahil hindi nito makakayang asikasuhin lahat ng mga customer kung mag-isa lamang ito.Dahil sobrang busy ako kaya nakaligtaan ko ang tungkol sa ginagawa kong pag-iwas
BRIANNAPagkatapos ng eksena sa loob ng aking coffeeshop ay hindi na muling nagpakita pa sa akin si Dean. Mukhang tuluyan na siyang sumuko. Dapat ay matuwa ako dahil ito naman ang gusto ko. Ang layuan niya ako at huwag ng gambalain pa. Ngunit kabaliktaran ang nararamdaman ko. Dahil lungkot at kahungkagan ang nararamdaman ko magmula nang hindi na nagpakita sa akin si Dean. Si Peter naman ay hindi pa nagpunta sa coffeeshop ko pagkatapos ng pangyayaring iyon. Nag-text na lamang siya sa akin na magiging busy ito dahil sa pagpa-praktis para sa nalalapit nitong international racing competition na gaganapin sa India. Kasalukuyan itong nasa ibang bansa at puspusang nagti-training. Mabuti nga iyon dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ko siya pakikiharapan pagkatapos ng mga nangyari."Ma'am, panay ang tingin mo sa pintuan. Sino po ba ang hinihintay ninyo? Ang guwapong racer o ang hot na lawyer?" nanunukso ang ngiti na tanong sa akin ni Pinky.Pinamulahan ako ng mukha dahil s
BRIANNA"Ikaw ba ang may-ari ng pipitsuging coffeeshop na ito?" Nanlisik ang mga mata ng babae sa akin. Nabawasan tuloy ang ganda niya dahil sa panlilisik ng kanyang mga mata sa akin."Yes. I am the owner of this pipitsuging coffeeshop na ito," nakataas ang noo na sagot ko sa kanya. Kung umasta ang babaeng ito ay parang siya ang pinakamataas na tao sa lipunan. Aba! Kung gusto niya ng away ay hindi ko siya uurungan gayong mainit ang ulo ko sa kanila ni Dean. Teka, bakit napasama bigla sa usapan si Dean? Wala namang ginagawa si Dean para magalit ako sa kanya. Iyon nga, eh. Walang ginagawa si Dean kahit nakikita niyang mali ang kasama niyang babae ay wala pa rin siyang ginagawa."Ah, kaya naman pala bastos ang staff mo dahil mana sa bastos niyang amo," nang-iinsultong sabi sa akin ng babae."Bastos? Sino sa ating tatlo ang bastos, Miss? Saksi ang lahat ng mga taong nandito s loob ng coffeeshop kung sino ang bastos magsalita sa ating tatlo," palaban kong sagot. Akala yata ng babaeng ito n
BRIANNAIlang araw akong hindi pumunta sa aking coffeeshop dahil ayokong ma-tsamba na naroon sina Dean at ang Bridget na 'yon. Hanggang ngayon ay kumukulo pa rin ang dugo ko kapag naaalala ko ang nangyari sa loob ng aking coffeeshop. Bakit ba may mga babaeng katulad ng Bridget na iyon ang ugali? At bakit may lalaking katulad ni Dean na nangakong maghihintay siya sa akin kahit matagal pa pero ilang weeks pa nga lang ang nakalilipas nang mangako siya ay nakahanap agad siya ng iba?Noong high school kami ay si Ivy ang kontrabida sa aming dalawa ni Dean tapos ngayon ay may Bridget naman. Nababaliw ka na, Brianna. Bakit mo naman iniisip na kontrabida si Bridget sa inyong dalawa ni Dean? Wala kayong relasyon ni Dean dahil itinaboy mo na siya. Kaya ano pa ang ipinagpupuputok ng botse mo? kastigo sa akin ng isang maliit na tinig sa aking isip.Napahugot ako ng malalim na buntong-hininga. Sa halip na pagurin ko ang isip ko sa kakaisip kay Dean at sa Bridget na 'yon ay ipinasya kong magpunta na
BRIANNA"Ma'am, mauna na po kami," magkasabay na paalam sa akin nina Pinky at Carla. Maaga kaming nagsara ngayon at bukas ay sarado kami. Magmulanoong nagbukas ako ng coffeeshop ko ay hindi na nagli-leave ang dalawa kong staff na babae maliban na lamang kung may sakitabg mga ito. Naisipan kong bigyan sila ng isang araw na leave para naman makapamasyal silang dalawa. "Sige. Ako na ang bahalang magsara ng pintuan," sagot ko nang umangat ang mukha mula sa isinusulat kong order slip. Marami nang walasa shop ko kaya kailangan ko na ulit mag-order ng mga ingredients sa aking suki."Bye po, Ma'am, Brianna," magkapanabay na paalam sa akin nang dalawa.Pagkaalis nila Pinky at Carla ay tinapos ko lamang ang order na sinusulat ko at pagkatapos ay nagpasya na akong umalis sa opisina ko. Kinuha ko ang pink kong shoulder bag at isinukbit ko sa aking kanang balikat bago lumabas sa aking opisina. Hinagilap ko ang susi ng shop ko tapos saka ako lumabas. Sinigurado ko na mabuti ang pagkaka-lock dahil