Share

Chapter 25

Brianna

Kinabukasan ay sinamahan ako ni Dean sa ospital para magpa-CT Scan. Lahat pala ay walang pasok at hindi lamang ang classroom ng kapatid ko. Kung alam ko lang sana ay nagpumilit ako kay Mommy na sumama sa kanila ni Bryle kahapon. Kung nakasama ako ay hindi sana ako mapapahiya ng sobra kahapon. Ngunit kung sumama naman ako ay hindi ko rin mararanasan ang aking first kiss. At kay Dean pa.

"Anong iniisip mo diyan? Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Dean habang nakasakay kami ng taxi pauwi. Negative naman ang result ng CT Scan kaya hindi na kami nagtagal sa ospital.

"Wala. Tinatamad lang akong magsalita," matipid kong sagot. Paano ko naman kasi aaminin sa kanya na hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako ng sobra dahil sa nangyari kahapon.

Tinitigan niya ako bago muling nagsalita. "Hindi ka naman dating ganyan. Nakakapanibago," tila may bahid ng lungkot ang tono ng boses niya kaya napatingin ako sa kanya. "Dahil ba sa nangyari kahapo—"

"Inaantok ako. Matutulog na muna ako habang nasa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status