Share

Chapter 2- Frenemy

"What?! You tried to seduce your boss?" pag uulit ni Helena sa kwento nya. " You must be crazy! Handa ka na bang mawalan ng trabaho girl?"

Helena is her sole confidante at pamilya na ang turing nya dito though their friendship started quite late. She trust her advice more than anyone else. Nasaksihan nito kung paano nadurog ang puso nya magmula ng lokohin sya ng ex nya. Ito lamang ang dumamay sa kanya at hindi sya hinusgahan despite sa mga kalokohang ginawa nya sa buhay.

" I know right? What are the odds na magugustuhan nya ko? I know impossible pero ngayon lang uli ako na attract ng ganito after the break up with... "

" Well mas ok na yan..."

" The catch is... he wants me to stop fooling around. Gusto nya sya lang ang bibigyan ko ng attention. I need to make 100 points so we could start dating."

" Just 100? Well, I guess it's high time na magbago ka na. Magseryoso ka na sa relasyon. Tigilan mo na ang mga fling na yan."

"Do you think so? Jist so you now, I have negative points now plusI still have trust issues and I promised na hindi na ko mahuhulog uli."

"No pressure, hindi ka rin dapat nagsasalita ng tapos."

"May point ka. But soon he has to accept his defeat."

" How do you plan to make him fall for you?"

" I dont know. My charms won't work at him at ayaw nya rin ng physical touch."

"Try cooking for him. You that a way to a man's heart is through his stomach right?"

Dahil isa sa reason kaya iniwan sya ng ex nya ay dahil hindi sya marunong magluto. Sinubukan nyang mag enroll sa cooking at baking classes and eventually natuto rin siya. Si Helena rin ang critic nya pagdating sa mga niluto. Eloisa could proudly say na masarap na ang mga dishes na inihahanda nya.

"That's a good idea! Thanks Helena!"

"Are you sure you're ready to fall again?You dont need to rush you know?" ani Helena na tumingin sa kanya.

Kinabukasan sa office ay inaabangan nya ang boss niya. Seems like he's not gonna show up today. Napatingin sya sa sched sa bulletin and it turns out na may ka meeting ito outside office. Mukhang hindi nya makikita ito ngayon. Sayang naman ang effort nya na ipagluto ito.

Too bad hindi nya rin naitanong ang paborito nito. Nalulungkot din sya na hindi nya masisilayan ang gwapong mukha nito. There no chance to gain points para mas mapalapit sya rito.

To her surprise, narinig nya ang boses nito sa kabilang office. Dali dali syang pumunta sa kinaroroonan nito. Excited syang makita ito ulit. Papunta na sana sya when she realized na may iba itong kausap. Si Andrea!

Oh no! Alam nyang maraming may gusto kay Andrew pero pati ba naman si Andrea makakaagaw nya pa?

Mas lalo syang nainis sa babae.

" Yes, Miss Cruz?"

"Sir, let's have lunch together." ani Andrea na kumapit pa sa braso ni Andrew.

Dahan dahan inalis ni Andrew ang kamay ng babae. " I'm sorry may kasabay na kasi ako. She's waiting for me."

"Okay sir. Enjoy your lunch." ani Andrea na matamis na ngumiti at kumaway pa.

Natigilan si Eloisa. May kasabay na sya? Akala ba nya ay single si Andrew? Dali dali syang lumayo sa pinto dahil palabas si Andrea. Nasalubong naman niya ng tingin si Andrew.

"Did you have lunch already?"

Umiling si Eloisa.

"Let's go then."

Hindi nakatiis at tinanong ni Eloisa si Andrew.

" I thought may kasabay ka na. You rejected Andrea."

"Yes, I told you I don't like those kind of girls."

"And besides may deal tayo. I shouldn't see anyone until I've totally lost interest in you."

Napangiti si Eloisa. Inilabas nya ang pagkain na niluto niya but Andrew declined. " I don't eat other women's cooking unless we're together."

Napasimangot si Eloisa. Inabot nya pa rin kay Andrew ang dala nya. " Heto. Itapon mo kung gusto mo." anyang akmang mag wawalkout.

"Fine. I'll eat this. Sayang naman."

While they are eating, she is glued to her phone again. Biglang nagpop ang message from Josh. Ito ang constant nyang kachat. She did not notice that he was watching her.

"Who is that Josh? Am I not enough for you? Thanks for the lunch you prepared for me but I dont think you are ready for me." anito na akmang aalis na.

"N-no! This is nothing. Si Josh ito. Nagtatanong lang sya."

"If he's asking you if you're free, ano dapat ang sagot mo? Minus 20 for entertaining other guys! I'm reminding you if you keep losing points, we can't be together. "

"I know. I'd stop talking to him. 20 is too much!" anya na tinago na ang phone.

Tumayo na si Andrew at akmang aalis. "Let's talk next time. Need ko pang pumunta sa site."

"Will you be back tomorrow? Do you have plans on weekends?"

"Bakit?"

" Let's go somewhere."

"We are not a couple so we dont have to see each other on a weekend."

Nalukot ang mukha ni Eloisa sa tinuran ng lalaki. He's too harsh on her. " Di ba pwedeng practice lang? Dont deduct points from me kung ayaw mo!"

"Actually I have plans on weekend. Do you want to come with me?"

"Sure!"

He chuckled. "That was fast. Di ka man lang nag isip ah. See you then."

Friday night nagkakayayaan ang mga kasama nya sa office na gumimik pero tumanggi sya. She was about to head out nang makita nya na bukas pa ang ilaw sa office ni Andrew.

" You are staying late? Can we come home together?"

" I can't. Mauna ka na. Need ko pa tapusin to."

Bagsak ang balikat na umalis na si Eloisa. Natapos lang ang araw na hindi man lang nya nakasama si Andrew. How will he fall for her?

Naglalakad na siya papunta sa bus statio nang madaanan niya ang convenience store.

Nagulat si Andrew nang bumalik si Eloisa.

" I thought you left already."

Inilabas nito ang mga pinamili. "Baka kasi gutom ka na and do you need extra hand? I can lend you mine."

Unti unting sumilay ang ngiti sa mga labi ni Andrew. "Sure." Si Eloisa ang nagtype while kumakain si Andrew. Binuksan ni Andrew ang sandwich and kumagat. Maya maya nagulat si Eloisa na inooffer ni Andrew ang sandwich na kinagatan nito. Nais nitong subuan siya. Syempre hindi sya tumanggi. Nahihiya sya pero aaminin nya, kinilig sya! Kaso dahil makalat siya kumain, kumalat sa pisngi nya ang filling nung sandwich. Hindi sya makatayo dahil tutok sya sa computer. Andrew grabbed a tissue at pinunasan ang pisngi nya.

Nang matapos na nila ang proposal, napatingin sila sa orasan, it is almost midnight.

"You could have asked someone to do this for you sir."

"Drew." pagtatama ng lalaki sa kanya.

Napalingon si Eloisa sa lalaki and he answered. " I need to do it myself para alam ko mismo yung ipepresent ko bukas."

" You still have work on a weekend?"

" Meron. Pero hapon pa so we could still go somewhere. You are coming with me right?"

He remembered.

"Plus 80 points on helping me tonight."

She was about to hug him sa saya pero hindi pala sya dapat madikit kay Drew. Pinaghahampas na lang nya ang pader at nagtatalon.

"What time tayo magkikita bukas?" tanong ni Andrew.

"9 in the morning is fine."

"Okay. Let's get home. Thanks for tonight."

Kinabukasan 5 minutes earlier dumating si Eloisa sa meeting place nila. Napaaga yata sya ng dating. She kept checking her watch. Ayaw naman nya tawagan si Andrew.

Bente minutos na ang dumaan. Maybe he was just playing tricks on her. Nag ooverthink na siya. Maya maya humahangos si Andrew na dumating.

"Sorry, I overslept."

"Okay lang."

Sabay pa silang nagtanong. "Saan tayo?"

Napangiti silang dalawa nang marealize nila na wala silang plano.

Napatingin si Andrew sa get up ni Eloisa. He complimented her clothes and looks.

"Pasensya ka na nagmamadali ako at hindi pa rin ako nakapag laundry. Sobrang busy kasi sa site kahapon tapos tinapos ko pa yung proposal."

Naawa si Eloisa. He barely have time for himself. Puro work. Unlike other parents na pampered ang anak but he seemed to grow up independently kaya ganito ang personality nito.

"Can you just take me to your pad?"

Masama ang ipinukol na tingin ni Andrew sa babae. " Dont look at me like that. I have better idea para mas maka save tayo ng time."

"Okay."

Pagdating nila sa pad ni Andrew, hindi sya nagkamali na makalat dito at hindi pa nasimulan ang laundry. The place is small but cozy. Just perfect for a bachelor like Drew.

"Maybe you should go to your room. Matulog ka pa. May meeting ka pa later."

"But Eloisa... you dont have to do this."

"Okay lang ako promise."

" You're my visitor. Umupo ka lang dyan."

Nagtulong sila maglinis at nagpunta si Eloisa sa laundry area. Sinalang na ni Eloisa ang mga damit.

Napadako ang tingin nya sa mga underwear ni Andrew. Namula sya at agad na binitiwan sa washing machine ang mga iyon. She started imagining how he would look like wearing just those undies. Agad nyang pinalis ang maduming naiisip.

Ang aga aga pa Eloisa ganyan na naiisip mo.

Pagbalik nya sa living area ay natagpuan nyang mahimbing ng natutulog na si Andrew sa sofa.

He must be really tired. Naghanap ng pwedeng iluluto si Eloisa sa ref pero mga leftover and mga gulay nalang ang laman ng ref nito.

Pagkatapos maglaba ay niluto na ni Eloisa ang mga nakita nya sa ref. Saktong pagkaluto niya ay nagising na si Andrew.

Hiyang hiya ito sa kanya. " I'll make it up to you."

"Paano? We'll go to another trip?"

Hindi maka oo ang lalaki. Alam naman nyang puno ang sched nito.

"Okay lang. Masaya na ko na nakakasama kita tuwing lunch."

"Y-you cooked for me?"

"Alam ko naman ayaw mo eh. Itapon mo nalang." akmang lalayo na sya nang ma out of balance siya dahil may naapakang basa. Mabuti na lang at mabilis kumilos si Andrew at nasapo sya. Napahiyaw sya sa gulat "Aaaay.. Kabayo!"

"Careful. Are you alright?" bakas sa mukha ni Andrew ang pag aalala.

"I'm okay. I should go and you take a rest para may energy ka later sa meeting. By the way... " nilabas ang folder. " I brought the proposal. Naiwan mo sakin kagabi."

"Thanks Loisa. You're a big help. I'll make it up to you."

"I think a deserve a hug or a kiss."

"A hug or a kiss will incur deductions. I'll give you 95 points instead. That makes only 50 points left before we become official. "

"I'll take 50 then. See you around."

Iyon lang at umuwi na si Eloisa. 50 points na lang at magiging official na sila. Then they could do everything. They can hold hands, hug or kiss whenever she wants.

Nakatanggap na naman ng text si Eloisa mula kay Josh subalit dinedma nya lang.

" I cant keep getting deductions."

On Monday nagkasabay sila Eloisa at Andrew sa elevator.

"Good morning!" malambing na bati ni Eloisa.

Tango lang ang tinugon ni Andrew. Pero may isa pang nag join sa elevator. Si Josh!

"Eloisa! Ang dami kong text sa'yo bakit hindi ka nagrereply?" kompronta sa kanya ng lalaki.

Hindi malaman ni Eloisa kung paano sasagot. Agad siyang bumaba ng elevator dahil hindi nya nais na marinig ni Andrew ang pag uusap nila.

To her surprise ay hinila ni Andrew si Josh kaya hindi ito nakababa at tuluyan ng sumara ang elevator.

" What is your relationship with Eloisa?"

"Friends with... alam mo na." Josh did not realize he was talking to his boss. " Sino ka ba? Hindi mo ba kilala si Eloisa? She has dirty little secret." bulong nito.

"Nagbago na si Loisa. She won't be your friend. Tigilan mo na sya."

Eloisa kept thinking kung ano ang sinabi ni Josh kay Andrew. For sure makakatanggap na naman siya ng demerit from Andrew. But he shouldn't deduct points kasi dati pa naman ang relasyon na yun at pinutol na nya.

Andrea suddenly talked to her. "Anong relasyon mo kay boss?"

"Wala."

She doesnt intend to announce her private life to anyone.

" E bakit ang sama ng tingin mo sakin when I invited him for lunch?"

"He doesn't like you. Ayaw nya ng mga katulad mo."

"What's with me? Pareho lang naman tayo. Do you think hindi ko alam ang sikreto mo?"

"Alam ko. I know na hindi nya ko magugustuhan dahil doon but I swear I'll make him fall for me."

" I heard si Sheila ang makakasama ni sir sa next assignment. Akala ko ba may something kayo? I think he prefers older women."

" Saan mo nalaman yan? Nevermind.." Dederecho sana sya sa elevator at akmang iiwan si Andrea pero andun na si Andrew.

That night pauwi na sya talagang iniwasan nya si Andrew all day. dahil baka bigyan siya ng minus points. Nang di inaasahan na makasabay nya sa elevator ito. Of all people.

"Sorry may nakalimutan pala ako. " anyang akmang lalakad palayo.

"Are you avoiding me?"

"Hindi ah. May nakalimutan lang po."

"I'll wait for you then." pinindot ang stop button.

"You can go ahead."

Akmang babalik sya pero andun si Andrea papunta sa elevator. Maya maya ay lumapit sa kanya at may binulong.

"Ask him to take you with him sa next trip! Go girl!" sabay tulak sa kanya papasok sa elevator na agad naman nagsara.

Kumaway pa sa kanya si Andrea. Now she is confused with Andrea's motives. Is she a rival or she is rooting for her?

Dahil sa pagkakatulak ni Andrea at napadikit sya sa mga bisig ni Andrew.

"Are you okay? What's her problem bakit ka nya tinulak?"

" I guess its none of your business."

"You've been avoiding me."

Naalala niya na nagkausap ito at si Josh. "What did Josh tell you?"

"Better clear things up with him. He still thinks you are friends with... benefits."

That jerk... Namula ang mukha ni Eloisa.

"Do I need to when you'll be in a business trip with another girl?"

"She was recommended by the department. I happen to suggest your name but it was too late."

Ilang araw na naman niyang hindi makikita si Andrew. He'd be busy in site visits.

Nang mga sumunod na araw, days just seemed passing dahil hindi man lang nya makita o makausap si Andrew.

Sa mga nagdaang araw na iyon ay nilinaw na nya kay Andrew na gusto na niyang itigil ang ugnayan nila. She made it clear that they are mere colleagues now. Halata ang lungkot sa mukha ng lalaki pero kailangan niyang ayusin yun kundi mababawasan na naman ang puntos nya.

Ilang araw pa lang wala si Andrew pero tila nangungulila na sya. Gusto nyang kamustahin ito pero hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon nito.

She just sent a weird emoji. Hintay sya ng hintay ng reply pero nabigo lamang siya. Wala siyang reply na natanggap mula sa taong pinakaaasam makita. After few days of being apart, he was back.

Sinalubong nya ito ng sumbat. " Hindi ka man lang nagreply." she pouted.

" How am I supposed to reply to that emoji? I don't even know what you mean."

So, iyon pala ang dahilan kung kaya hindi nagreply ito. Akala nya ay nakalimutan na nito ang deal nila.

"Welcome back!" masiglang bati nya sa lalaki.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status