Share

KABANATA 39

“Hindi mo na ginalaw ang pagkain mo? Hindi mo ba gusto ang ulam? Gusto mo bang magpahanda ako kay Manang ng ibang ulam? Manang!”

“Uncle… I mean... Dad, busog na ho kasi ako,” pagdadahilan niya. “Hindi talaga ako kumakain nang marami lalo na sa gabi.”

“Are you sure? Baka nahihiya ka lang sa amin. Anong gusto mong dessert para mapahanda ko?”

Ngumiti siya at umiling ng ulo.

Kung hindi lang siya magmumukhang bastos at walang pinag-aralan ay tatayo para iwan ang mag-ama na hindi pa tapos kumain. Kanina pa siya hindi mapakali sa kinauupuan dahil ramdam niya sa pagitan ng hita niya ang lagkit. Hindi niya rin aakalain na panaginip lang pala ang lahat ng nangyari sa kanila ni Antoine. Buong akala niya ay totoo iyon.

Nang matapos kumain ang mag-ama ay kaagad na nagpaalam siya kay Uncle Anton na aakyat na siya sa okupadong silid niya. Kanina pa siya naiilang dahil panay ang lingon sa kaniya ni Antoine habang katabi niya ito sa upuan. Kung napapansin ba nito ang pagliligalig niya kanina ay hindi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status