Share

Chapter Twenty-Nine : Concealer

"Nak..." agad bumitaw si Tatay sa 'kin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Pinunasan niya pa ang mga luha ko.

"Mabuti pang sundan mo sila." Aniya. Natigilan naman ako sa sinabi ni Tatay. Ningitian lang ako nito. Nabaling naman ang tingin ko kay Nanay na tumango-tango rin at nakangiti. "Sundan mo, sabihin mo sa kanya ang totoo mong naramdaman, hindi pa huli ang lahat kung hindi ka gagalaw ngayon."

Napayuko ako konti at niyakap pabalik si Tatay. Lumapit na rin ako kay Nanay at yumakap. Naramdaman ko na lang na hinihimas ang likod ko.

"Puntahan ko si Pareng Loloy para makaalis ka kaagad." Lumabas naman si Tatay sa bahay.

"Kumain ka muna para makapag bihis kaagad."

"Nay, s-salamat..." umiling-iling naman ito.

"Salamat din sa lahat, anak." May humaplos sa puso ng narinig iyon.

Umupo naman kaagad ako at kumain. Hindi ko na sinayang ang oras at pumunta sa kwarto para makapag bihis. Ang pinag-usapan namin ni Tatay kaninang madaling araw ay nakapag-desisyon na akong sasama sa kanila.

At
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status