Share

13.2

“AAAAAHHHHHHH!”

Sigawan ang bumalot sa buong event hall nang umalingaw-ngaw ang napakalakas na putok. Maging ako ay napayuko at prinutektahan ang aking ulo. Ano yun? Sobrang lakas!

Nagkagulo sa buong hall, nagsilabasan na ang lahat ng tao, maging si Marian na nasa harap ko ngayon lang ay bigla nalang nawala. Hindi ko man lang napansin kung saan siya tumakbo. Nanginginig ang aking kamay at laman ng aking buong katawan. Takot, nerbyos, balisa at pag-aalala para sa kaligtasan ang tiyak kong nararamdaman ng lahat.

Kahit na takot ang bumabalot sa aking sistema ay sinikap kong kumalma.

“AAAAAHHHHHHH!”

Muling sigaw ng lahat dahil tatlong magkakasunod na putok ang umalingawngaw. Nakaupo na ako sa sahig habang naka yuko. Hindi ako makatayo, hindi makagalaw, nakakatakot! Nalalagpasan na ako ng nagsisitakbuhan.

“Ahw!!” Tili ko nang maapakan ang aking paa. Napansin ko ang lame
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status